You are on page 1of 16

Mataas na Paaralang Panggabi ng Cogon

KRITIKAL NA PAPEL

Pagsusuri ng isang Kontemporaryong Nobelang Filipino

Banaag at Sikat
(Ni:Lope k. Santos)

Ipinasa kay:Ariel M. Añora


Guro:Ruben S. Villamor
Gr & Sec:11-C (Night)
S.Y:2019-2020
I. Ang may Akda at Kanyang Milyu
A. Talambuhay ng May- Akda

Si Lope K. Santos ay isa sa mga pinakatanyag na


manunulat sa wikang Tagalog. Siya ay nobelista,
makata, abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing
na “Ama ng Pambansang Wika at Balarila.” Si Santos
ay isinilang sa Pasig, dating sakop ng Rizal, noong 25
Setyembre 1879. Namatay si Santos noong 1 Mayo
1963. Si Santos ay supling nina Ladislao Santos na
tubong Pasig at Victoria Canseco na tubong San
Mateo, Rizal. Noong 10 Pebrero 1900, ikinasal si L.K.
Santos kay Simeona Salazar na nagbigay sa kaniya ng limang supling.
Pinalitan ni Santos ang unang titik ng kaniyang panggitnang pangalan upang aniya'y isunod sa
bigkas ng Tagalog o Filipino.
Nag-aral si L.K. Santos sa Escuela Normal Superior de Maestros at Escuela de Derecho, at
nakamit ang Batsiler sa Sining sa Colegio Filipino.
Kabilang sa mga akda ni Santos ang Ang Pangginggera at Banaag at Sikat na pawang
inilathalang muli ng Unibersidad ng Pilipinas Press para sa bagong henerasyon ng mambabasa.
Ang kaniyang mga tula, nobela, kuwento, sanaysay, at kritika ay lumabas din sa mga pahayagan
at magasing pinamatnugutan niya, gaya ng Muling Pagsilang, Ang Mithi, Lipang Kalabaw, at
Sampaguita. Naging manunulat si L.K. Santos sa Renacimiento Filipino na pumalit sa dating El
Renacimiento na wikang Espanyol ang ginagamit.
Ang kaniyang Balarila ng Wikang Pambansa, na kauna-unahang aklat hinggil sa wikang Tagalog
na sinulat ng isang manunulat na Tagalog, ay naging sanggunian ng mga pag-aaral at
pagpapaunlad ng wikang Filipino.
Pinarangalang “Paham ng Wika” at “Haligi ng Panitikang Filipino” si L.K Santos, dahil sa kaniyang
malaking ambag sa paglinang ng wikang Tagalog at pagsusulat ng sari-saring uri ng panitikan.
B. Milyu ng Akda

Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa
mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas
inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang
pangalan, upang asang padasino das (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela
Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de
Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan
ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang
maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling
Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni
Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa.[4]
Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama
ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang
palayaw na Mang Openg.

II. Buod ng Nobela

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan


ngdalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang
presidenteng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng
pagpapayaman ngkanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa
mga utusan sa bahayay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa
isang palimbagan, atnanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay.
Samantala, siya¶y nakatira saisang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang
mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at
ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng
mayayaman atnagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.Pinangarap niya ang araw na
mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahatng tao¶y magkakapantay-
pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay. Nang pilitin ng ama
na umuwi sa kanilang bayan, siya¶y sumunod. Subalit itinuro niya samga kasama sa bukid at sa
mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama,siya¶y pinalayas at itinakwil
bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila athinikayat si Tentay na pumisan sa
kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas atlubos na naniniwala sa malayang
pag-ibig.Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang
pamahalaanngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong
nagpapasasasa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa
karalitaan. Tutol dinsiya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya¶y
isang mahirap naulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay
naglilingkod siya bilangmanunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe,
bagamat hindi kasingradikal nito. Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin,
sukdang ito¶y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-
dahang pag-akay sa mga tao upang mapawiang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang
mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng
sosyalismo.Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa
na. Angmga dalaga¶y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon.
Angkasal nila¶y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin
ayhalimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang
walangkapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na
salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.Sa tulong ni Felipe
noong ito¶y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin siMeni. Si Don
Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito¶y maralita, atikalawa, dahil
tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilangdalawa sa isang
paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig
hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan. Nang mahalata na ni Talia at ni
Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihimkay Don Ramon. Nagalit si Don
Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki niMadlanglayon, pumayag si Don
Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ngisang testamento na nag-iiwan ng
lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.Si Meni ay nagtiis
sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan,kung mahigpit ang
pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mgaalahas noong
dalaga pa. Ito¶y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate,subalit wala
naman silang maitakip sa pangangailangan.
B. Wika at Estilo
Ang Banaag at Sikat[1] ay isa sa mga isinaunang mahabang salaysaying pampanitikan na isinulat
ni Lope K. Santos sa wikang Tagalog noong 1906.[2] Bilang isang aklat na tinaguriang “bibliya ng
mga manggagawang Pilipino”[2], umiinog ang mga dahon ng nobelang ito sa buhay ni Delfin, sa
kaniyang pag-ibig sa isang dalagang anak ng mayamang nagmamay-ari ng lupa, habang
tinatalakay din ni Lope K. Santos ang mga paksang panlipunan: ang sosyalismo, kapitalismo, at
mga gawain ng mga nagkakaisang-samahan ng mga liping manggagawa.[3], nasa wikang Ingles,
Mga Lathalain Hinggil sa Kalinangan at Sining, Tungkol sa Kalinangan at Sining, nccang ang
akdang ito ni Lope K. Santos ito ang “nagbigay-daan para maisulat ang iba pang mga nobelang
nasa wikang Tagalog”[4] na may pinagsanib na mga paksang hinggil sa pag-ibig,
pangkabuhayan, at sa makatotohanan at gumagalaw na katayuan ng lipunan.[5][6] Bagaman isa
ito sa pinakaunang mahabang salaysayin sa Pilipinas na nakaantig ng damdamin ng lipunan,
sinasabi na naging pamukaw-kasiglahan din ito ng kilusang Hukbalahap o Hukbo ng Bayan
Laban sa Hapon.[7]

Hindi ito ang pinakaunang nobelang Tagalog[5], sapagkat nalimbag ang Banaag at Sikat ni Lope
K. Santos matapos ang Nena at Neneng (1905), ang itinuturing na pinakaunang nobelang
Tagalog na nilimbag bilang isang aklat, na isinulat ni Valeriano Hernandez Peña.[5] Subalit may
mas nauna pang nobelang Tagalog, ang Kababalaghan ni P. Brava ni Gabriel Beato Francisco, na
lumabas sa paraang hulugan sa mga pahina ng babasahing Kapatid ng Bayan noong 1899.[7]

Ang salin sa Ingles ng pamagat na Banaag at Sikat ay kumakatawan sa katagang “mula sa


maagang pagbubukang-liwayway hanggang sa ganap na pagkalat ng liwanag” ng araw (From
Early Dawn to Full Light), na nagmula sa isang pagsusuri nina Patricio N. Abinales at Donna J.
Amoroso.[8]

Buod
Hinggil sa mga buhay ng magkaibigang Delfin at Felipe ang nobelang Banaag at Sikat ni Lope K.
Santos:
Si Delfin ay isang sosyalista, samantalang si Felipe ay isang anarkista. Bilang sosyalista,
naniniwala at hinahangad ni Delfin na mapalaganap ang kaisipang sosyalismo sa lipunan, kung
saan ang mga mamamayan ang may higit na karapatan sa lahat ng mga gawaing pangangalakal,
mga pag-aari, at mga pagawaing pambansa. Bagaman isang mahirap na nag-aaral ng abogasya
at nagtatrabaho bilang manunulat sa isang pahayagan, matindi ang paniniwala ni Delfin na
matatamo lamang ang isang lipunang makamaralita sa pamamagitan ng mapayapang
pamamaraan, isang pakikibakang hindi nababahiran ng pagdanak ng dugo.

Si Felipe naman - na may adhikaing anarkismo - ay naniniwala sa marahas na pagbuwag sa mga


namamayaning kapangyarian at kalupitan ng mga mayayamang may-lupa. Ibig niyang pawiin
ang mga abusadong maykapangyarihan na naghahari sa lipunan. Bagaman anak ng isang
mayamang pinuno ng isang bayan, kinamumuhinan ni Felipe ang mga gawi at karahasan ng
kaniyang ama. Mas mamarapatin niyang magkaroon ng pagkakapantay ang lahat ng uri ng mga
mamamayan: walang pagkakaiba ang mga mahihirap at ang mga mayayaman.

Mga pangyayari
Dahil nga sa pagkamuhi sa nakagisnang buhay bilang mayaman at anak ng isang marahas na
may-salapi, nilisan ni Felipe ang tahanan ng kaniyang ama para mamuhay bilang kaisa ng mga
maralita. Iniwan niya ang marangyang pamumuhay upang makasama ang mga karaniwang uri
ng mga mamamayan ng lipunan. Nakitira si Felipe sa tahanan ng isang amain sa kumpil sa
Maynila. Subalit kinamuhian din niya ang amaing si Don Ramon dahil wala itong pinagkaiba sa
kaniyang ama: mayaman din at malupit sa mga tauhan nito. Umibig si Felipe kay Tentay, isang
babaeng mahirap subalit may dangal. Pinilit si Felipe ng kaniyang ama na magbalik sa kanilang
kabahayan sa bayan ng Silangan, ngunit napalayas lamang dahil sa pagtuturo ni Felipe sa mga
tauhang magbubukid at utusan sa bahay ng kanilang mga likas na karapatan bilang tao.[1]

May tatlong anak si Don Ramon, na amain ni Felipe, at inibig ni Delfin ang isa sa mga ito. Nang
magbunga at magdalang tao si Meni, itinakwil ito ni Don Ramon. Sumama si Meni sa
kasintahang si Delfin at namuhay bilang isang mahirap. Dahil sa ginawang ito ni Meni, nilisan ni
Don Ramon ang bansang Pilipinas, kasama ang isang tinatangkilik at kinakasamang katulong sa
bahay. Napatay si Don Ramon habang nasa New York, kaya't binalik ang kaniyang bangkay sa
Pilipinas. Si Ruperto, ang dating nawawalang kapatid ni Tentay, ang nagbunyag ng dahilan kung
bakit pinaslang si Don Ramon: ang kalupitan nito sa kaniyang mga utusan.[1]
Nagtapos ang nobela sa pagpapaiwan nina Felipe at Delfin sa may puntod ni Don Ramon.
Pinagusapan nila ang kanilang mga adhikain, paniniwala at paninindigang panlipunan. Nilisan
nila ang libingan na sinasalubong ang kadiliman at kalaliman ng gabi.[1]

V. Konklusyon
Dahil nga sa pagkamuhi sa nakagisnang buhay bilang mayaman at anak ng isang marahas na
may-salapi, nilisan ni Felipe ang tahanan ng kaniyang ama para mamuhay bilang kaisa ng mga
maralita. Iniwan niya ang marangyang pamumuhay upang makasama ang mga karaniwang uri
ng mga mamamayan ng lipunan. Nakitira si Felipe sa tahanan ng isang amain sa kumpil sa
Maynila. Subalit kinamuhian din niya ang amaing si Don Ramon dahil wala itong pinagkaiba sa
kaniyang ama: mayaman din at malupit sa mga tauhan nito. Umibig si Felipe kay Tentay, isang
babaeng mahirap subalit may dangal. Pinilit si Felipe ng kaniyang ama na magbalik sa kanilang
kabahayan sa bayan ng Silangan, ngunit napalayas lamang dahil sa pagtuturo ni Felipe sa mga
tauhang magbubukid at utusan sa bahay ng kanilang mga likas na karapatan bilang tao.[1]

May tatlong anak si Don Ramon, na amain ni Felipe, at inibig ni Delfin ang isa sa mga ito. Nang
magbunga at magdalang tao si Meni, itinakwil ito ni Don Ramon. Sumama si Meni sa
kasintahang si Delfin at namuhay bilang isang mahirap. Dahil sa ginawang ito ni Meni, nilisan ni
Don Ramon ang bansang Pilipinas, kasama ang isang tinatangkilik at kinakasamang katulong sa
bahay. Napatay si Don Ramon habang nasa New York, kaya't binalik ang kaniyang bangkay sa
Pilipinas. Si Ruperto, ang dating nawawalang kapatid ni Tentay, ang nagbunyag ng dahilan kung
bakit pinaslang si Don Ramon: ang kalupitan nito sa kaniyang mga utusan.[1]

Nagtapos ang nobela sa pagpapaiwan nina Felipe at Delfin sa may puntod ni Don Ramon.
Pinagusapan nila ang kanilang mga adhikain, paniniwala at paninindigang panlipunan. Nilisan
nila ang libingan na sinasalubong ang kadiliman at kalaliman ng gabi

V. BIOGRAPHY
google
https://www.google.com/
https://www.scribd.com/doc/28184111/Banaag-at-Sikat=

:Nakalulugod at muling inilimbag ngayong taon ng Anvil Publishing ang nobelang Banaag at
Sikat (1906; 1959) ni Lope K. Santos. Inuurirat ng nasabing nobela ang bisa ng kayamanan at
kapangyarihan sa relasyon ng mga tao, at kung bakit nananatiling dukha ang marami. Ngunit
higit pa rito, nagpapanukala ang nobela ng mga pagbabago sa pananaw, pagsusuri sa lipunan at
kasaysayan, at pagsasanib ng mga dukha upang baligtarin ang namamayaning baluktot na
kalakaran. Kakaunti lamang, sa aking palagay, ang tunay na nakabasa ng nobela ni Santos; at
marahil may kaugnayan ito sa prehuwisyo, katamaran, o pagkatiwalag sa wika at panitikang
Tagalog. Ano’t anuman, ang muling pagbasa sa nasabing nobela ay isang paraan ng pagkilala,
kung hindi man pagbabayad, sa malaking pagkaligta sa dakilang manunulat na Tagalog.

Banaag at Sikat
Banaag at Sikat, kuha ni Beth Añonuevo

Umiinog ang nobela sa buhay nina Delfin at Felipe, na kapuwa nagtataglay ng sungayang
ideolohiyang may kaugnayan sa sosyalismo. Si Delfin ay mula sa angkan ng mayayaman, ngunit
naghirap nang yumao ang kaniyang mga magulang, at ampunin ng ibang tao. Madaranas niya
ang hirap sa pagpasok sa iba’t ibang trabaho, at ang hirap na ito ang magiging kabiyak na
praktika ng mga teoryang nasagap niya sa pagbabasa ng mga aklat na sumusuysoy sa
sosyalismo sa Europa. Samantala, si Felipe ay anak-mayaman din, ngunit itatakwil ng kaniyang
sariling ama dahil iba ang nais pag-aralan at lumilihis sa itinatakdang landas ng pagpapanatili ng
kayamanan ng angkang maylupa. Ang karanasan ni Felipe bilang manlilimbag sa imprenta,
bilang manggagawang bukid sa lupain ng kaniyang ama, at bilang kasintahan ni Tentay ang
magbubukas sa kaniya ng paningin hinggil sa malaganap na kahirapang bumubusabos sa
maraming tao. Ang naturang karanasan din ang kapilas ng pilosopiya ng anarkismong ibig
niyang yakapin at palaganapin sa bansa.
Mapapaibig si Delfin kay Meni, na anak ni Don Ramon Miranda, at mabubuntis ang dalaga
makalipas ang mga lihim na pagtatagpo. Ngunit hahadlang si Don Ramon, at tatangkaing
paghiwalayin ang dalawa. Bugbugin man ng ama si Meni ay hindi magbabawa ang pasiya nitong
samahan si Delfin. Hanggang mapilitang pumayag si Don Ramon sa pagpaparaya sa anak, at
maglalagalag sa Amerika kasama ang aliping si Tikong, at ipagkakait ang mana kay Meni.
Pagnanasahan naman ni Honorio Madlang-Layon ang kayamanan ni Don Ramon, at gagamitin
ang katusuhan bilang abogado upang mapasakamay niya at ng kaniyang asawang si Talia ang
lahat ng salapi, sapi, yaman, at lupain ng matanda. Si Talia, na isa pang anak ni Don Ramon, ay
pipiliting kumbinsihin si Meni na iwan ang esposo nito at balikan ang layaw na tinalikdan.
Matatauhan si Meni, at mananaig sa kaniya ang puri ng taong ayaw sumandig sa kayamanan ng
magulang, at tapat na nagmamahal sa asawa.

Sa kabilang dako’y mahuhulog ang loob ni Felipe kay Tentay, na mula sa dukhang pamilya. Ito
ang ikangingitngit ni Kapitang Loloy, ang ama ni Felipe, sa paniwalang walang mabuting
kinabukasan ang mangyayari kung magkakatuluyang magsama ang magkasintahan. Sapilitang
iuuwi ni Kapitang Loloy si Felipe sa lalawigan, subalit magsasagawa naman ng indoktrinasyon si
Felipe sa mga magsasaka hinggil sa pinaniniwalaang rebolusyong panlipunan, at magiging sanhi
ito upang isuplong siya ng katiwala sa ama. Mapopoot si Kapitang Loloy, at itatakwil ang anak.
Pagkaraan, magbabalik si Felipe kay Tentay, at makikipamuhay dito nang parang mag-asawa,
matapos ipagtanggol ang mag-anak nito laban kay Juan Karugdog na isang manyakis, bagaman
ayaw magpakasal noong una si Felipe dahil sa pananalig na sukdulang kalayaan ng indibidwal.

Sa dulo ng nobela, magbabalik na bangkay si Don Ramon sa Filipinas, makaraang paslangin ni


Tikong dahil sa labis na pagmamalupit ng amo. Ipakikilala si Doroteo Miranda, ang pamangkin ni
Don Ramon, na maghahatid ng bangkay, kasama si Ruperto na siya palang kapatid ni Tentay. Si
Ruperto, na bartender sa Nuweba York, ay ilalahad ang kaniyang pakikipagsapalaran sa iba’t
ibang bansa sa pananaw ng migranteng manggagawang Filipino, at mapapaibig kay Marcela na
siyang kapatid naman ni Felipe. Magtatagisan ng paniniwala sina Delfin at Felipe doon sa
sementeryo hinggil sa sosyalismo at anarkismo, hanggang dumako sila sa yugtong hindi pa
napapanahon ang rebolusyon ng mga anakpawis dahil hindi umaabot sa kalagayang malaganap
na ang kaisipang sosyalismo sa kapuluan. Ang tagisan ng mga paniniwala ng magkaibigan ay
waring karugtong ng balitaktakang ikinapoot nina Don Ramon at Don Filemon sa batis ng
Antipulo na binanggit sa ikalawang kabanata ng nobela, at sa pagtatalo nina Delfin at Madlang-
Layon sa Kabanata XIV.
Magwawakas ang nobela sa tagpong may salo-salo sa tahanan ng mga Miranda, at sa ganap na
paghihiwalay nina Meni at Talia bilang magkapatid, dahil tumanggi si Meni na hiwalayan si
Delfin kapalit ng rangya, layaw, at yamang pangako ng kapatid. Lilisanin nina Delfin, Meni,
Felipe, at Ruperto ang tahanan ng pamilyang Miranda, bago magkabasagan ng bungo sina
Delfin at Madlang-Layon, at masasaisip ni Ruperto ang kabatirang “may mga bayani ng bagong
Buhay!”

Kayamanan at Kapangyarihan
Masalimuot ang banghay dahil ipinakita ni Santos ang iba’t ibang madilim na pangyayari sa
buhay ng mahahalagang tauhan, gaya nina Don Ramon, Don Filemon, Kapitang Loloy, Ñora
Loleng, Meni, Talia, Julita, at Tentay, o nina Marcela, Martin Morales, Isiang, Ruperto, Juan
Karugdog, at iba pang panuhay na tauhan, na pawang may kaugnayan sa buhay nina Delfin at
Felipe. Halimbawa, titindi ang galit nina Don Ramon, Don Filemon, at Kapitang Loloy kay Delfin
dahil siya umano ang pasimuno ng kaisipang sosyalismo mulang pahayagang El Progreso
hanggang pagbilog sa ulo ni Felipe. Sina Don Ramon at Don Filemon ay kapuwa nagmamay-ari
ng palimbagan at pahayagan, at ibig kontrolin kahit ang opinyon ng taumbayan, samantalang
sinusupil ang mga karapatan ng obrero. Natatakot din ang tatlong matanda na mawala sa
kanilang kamay ang yaman at kapangyarihan, at kumalat ito sa mahihirap. Samantala, ang
pagiging matapobre ni Ñora Loleng—na asawa ni Don Filemon—ay kaugnay sa pagpapanatili ng
yaman at lihim na relasyon kay Don Ramon.

Ang manipestasyon ng yaman, rangya, at kapangyarihan ni Don Ramon ay aabot kahit kahit sa
pakikipagtalik kay Julita na bayarang babae, sa pakikiulayaw kay Ñora Loleng, at sa pakikisama
sa iba’t ibang babae sa Amerika. Ang patriyarkal na pananaw ni Don Ramon ay ilalapat niya
kahit sa pagpapalaki ng kaniyang dalawang anak na babae, na ang isa’y tradisyonal at gahaman
(Talia), samantalang ang isa’y makabago at mapagbigay (Meni). Hindi malalayo rito ang
patriyarkal na pamamalakad ni Kapitang Loloy, na ibig diktahan kung paano dapat mamuhay
ang mga anak na sina Felipe at Marcela. Ang iba’t ibang libog ay makikita naman sa asal ni Juan
Karugdog, alyas “Kantanod,” na sinaunang stalker at ibig gahasain si Tentay. Maihahalimbawa
rin ang libog ni Ñora Loleng na kahit matanda na’y ibig pa ring makatalik si Don Ramon; o ang
kalikutan ni Isiang na dinaraan sa pagpipiyano ang lihim na ugnayang seksuwal kay Morales.
Sukdulang halimbawa ng kalibugan sina Meni at Delfin, na nagtitipan kung gabi sa hardin upang
doon iraos ang silakbo ng hormone, ngunit ginagawa lamang nila ito dahil sinisikil ni Don Ramon
ang kanilang kalayaang mag-usap bilang magkasintahan.
Ang bisa ng yaman at kapangyarihan ay mababanaagan kahit sa palimbagan, sa bukirin, sa
tahanan, at sa malalayong lupain na pinaghaharian nina Don Ramon, Don Filemon, at Kapitang
Loloy. Kapani-paniwala rin ang nakalulunos na paglalarawan sa tahanan ng mag-anak na Tentay,
o kaya’y ng naghihikahos na mag-asawang Delfin at Meni, na maitatambis sa marangyang kasal
nina Honorio at Talia o sa paglulustay ng oras nina Morales at Isiang sa ngalan ng aliwan. Ang
kasal nina Honorio at Talia ay halimbawa ng pagsasanib ng dalawang maykayang pamilya, at si
Honorio ang abogadong tagapagtanggol ng ekonomikong interes ng pamilyang Miranda. Iisa
lamang ang ibig sabihin nito: Nasa yaman ang kapangyarihan, at ang kapangyarihang ito ay
kayang dumungis ng dangal ng tao o sambayanan.

Gayunman, ipinamamalas din ng nobela na hindi lahat ay kayang bilhin at paikutin ng salapi.
Ang pagtalikod nina Meni, Delfin, at Felipe sa ipinangangakong yaman ng kanilang magulang ay
pahiwatig na pananalig sa sariling pagsisikap, sa mataas na pagpapahalaga sa “puri” o “dangal,”
at ang anumang yaman ng pamilya ay hindi dapat manatili sa pamilyang iyon lamang bagkus
marapat matamasa rin ng iba pang mahihirap na tao. Ang paniniwala ni Delfin, na kung minsan
ay sususugan ni Felipe, ay ang tao ay tagapangasiwa lamang ng yaman, at ang yamang ito ay
dapat pag-aari ng sambayanan upang magamit sa higit na patas at abanseng pamamaraan.

Pagbasa sa Agos ng Kasaysayan


Natatangi ang pagbasa ni Delfin ukol sa agos ng kasaysayan, at kung bakit aniya hindi pa
napapanahon nang oras na iyon ang ipinapanukalang rebolusyong sosyal ni Felipe. Para kay
Delfin, ang buhay ng mga lahi at bayan ay dumaraan sa tatlong yugto: una, ang panahong
iniaasa at iniuukol ang lahat sa Diyos; ikalawa, ang panahong ipinipintuho at kinikilalang utang
ang lahat sa mga bayani; at ikatlo, ang panahong ang lahat ay kinikilala ang galing at mapauwi
sa lahat. Ang Filipinas ay nasa ikalawang yugto na umano nang panahong iyon, at naghihintay
ng ganap na pagkahinog. Ang bisyon ng kabayanihan ni Delfin ay sumasaklaw sa sangkatauhan,
at hindi lamang sa iilang tao. Upang mapasimulan ang gayong bisyon ay kailangan ang
mabubuting halimbawa.

Iniugnay ni Delfin ang kaniyang paniniwala sa ideolohiya ng Katipunan (Kataas-taasan,


Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan) nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto.
Ano-ano ito? Na dapat magkakapantay ang uring panlipunan ng mga tao; Na ang kayamanang
hawak ng iilang tao o insitusyon ay dapat maipamahagi at pakinabangan ng lahat ng tao; Na ang
mga pinuno’y dapat tagaganap lamang ng lunggati at nais ng taumbayan imbes na diktahan ang
taumbayan; Na ang mga manggagawa’y dapat magtamo ng pakinabang sa lahat ng kanilang
pinagpagalan. Ang banggit hinggil sa uring manggagawa ay ikayayamot ng mga maykayang sina
Don Ramon, Don Filemon, at Kapitang Loloy dahil manganganib ang kanilang ari-arian at
malalagay sa alanganin ang seguridad ng kanilang buong angkan.

Pambihira ang ginawang taktika ni Santos sa kaniyang nobela upang mailahad ang kaisipang
sosyalista. Masinop niyang ginamit ang usapan nina Delfin at Felipe, bukod kina Don Ramon,
Don Filemon, Ruperto, at Madlang-Layon, upang maitampok ang mga hiyas na diwain. Ang
nasabing kaisipang sosyalista ay hindi purong sosyalismong inangkat lamang nang buo sa
Europa, bagkus hinugisan ng bagong anyo upang iangkop sa mga pangyayari sa Filipinas at nang
maangkin ng mga Filipino. Mapapansin kung gayon na ang presentasyon ng karukhaan,
inhustisya, at kalagayan ng uring manggagawa sa nobela ay malayo sa sitwasyong industriyal ng
Europa, ngunit iniangkop sa piyudal na sistema sa Filipinas. Ang problema lamang ay lumalabis
kung minsan ang salitaan, at animo’y nagtatalumpati ang mga tauhan na siyang maipupuwing
sa punto de bista ng sining sa pagkatha. Ang pananaw na sosyalista ay tutumbasan sa nobela ng
mapapait na karanasan ng mga dukha, mulang panlalait at pag-aaglahi hanggang tandisang
pananakit at pangigigipit mula sa anak at alila hanggang obrero at magsasaka. Dito bumabawi
ang nobela, dahil ang mga tauhan ay nagkakaroon ng gulugod, at ang kanilang paghihimagsik sa
dustang kalagayan ay hindi lamang basta hinugot sa aklat bagkus sa tunay na buhay.

Estetika ng Nobela
Ginamit sa Banaag at Sikat ang bisa ng ligoy at paghihiwatigan ng mga Tagalog noon kaya
mapapansin ang mabubulaklak na usapan. Ang nasabing paraan ng komunikasyon ay
nagpapamalas ng mataas na konteksto ng usapan at ugnayan, na nagpapatunay na ang mga
Tagalog ay malaki ang pagpapahalaga sa kausap na maaaring matalik sa kaniyang puso kung
hindi man “ibang tao.” Naiiba ang naturang komunikasyon sa gaya ng komunikasyon ng mga
Amerikano, na ang ibig palagi ay tahas ang usapan, at walang pakialam sa niloloob ng kausap.

Ang mga usapan ay nabubudburan ng mga siste, at ang kabastusan ngayon ay binibihisan noon
ng mga talinghaga upang maikubli ang kalibugan, kalaswaan, at kasaliwaan ng mga pangyayari.
Maihahalimbawa ang usapan nina Meni at Delfin sa bakuran o sa Antipolo, o nina Felipe at
Tentay sa isang dampa, o kahit ang landi ng mga tagpo sa panig ng tatsulok na relasyong Ñora
Tentay, Don Ramon, at Julita, hanggang sa pahabol na pagliligawan nina Ruperto at Marcela sa
dulo ng nobela.
Kahanga-hanga ang lawak ng bisyon ni Santos sa pagkatalogo ng mga pangyayari, at sa mga
paglalarawan ng mga tauhan, tagpo, at tunggalian. Mulang sinaunang pamahiin sa pagbubuntis
ni Meni hanggang lumang paniniwala sa paglilibing kay Don Ramon, nahuli ng awtor ang kislot
ng guniguni ng karaniwang Tagalog at ito ang mahirap pantayan ng mga kapanahong akda ng
Banaag at Sikat. Maihahalimbawa ang detalyadong paglalarawan sa Antipolo, na maihahambing
noon sa Baguio at iba pang tanyag na resort ngayon, at kung paanong ang pook na ito ay
kapuwa nagtataglay ng kabanalan at kalaswaan. Pambihira rin ang deskripsiyon mula sa
limbagan, at maiisip kung gaano kabigat ang ginagawa noon ng mga trabahador sa imprenta; o
kaya’y ang paglalahad sa hirap na dinaranas ng mga Filipino na napipilitang sumakay ng barko
upang makipagsapalaran sa iba’t ibang bansa. Sa paglalangkap ng diyalohikong agos ng mga
pangyayari at diyalohikong usapan ng mga tauhan, nakalikha si Santos ng kahanga-hangang
kaisipang nakapaghahayag ng panukalang sosyalismong Tagalog para sa Katagalugang
kumakatawan sa buong bansa, ayon sa sipat ng Katipunan.

Ang tinutukoy na “Banaag at Sikat” sa nobela ay ang posibilidad ng malawakang pagbabago sa


lipunan, at ang pagbabagong ito ay may kaugnayan sa distribusyon ng kayamanan,
oportunidad, at kapangyarihan. Maaaring munting sinag mula sa malayo ang nakikita ni Santos
noon, at siyang ipinaloob niya sa diwa nina Delfin at Felipe na inaasahang magpapasa rin ng
gayong diwain sa kani-kaniyang anak. Ang ipinunlang kaisipan ng awtor ay masasabing
napapanahon na, at sumisikat na sa kaisipan ng bagong henerasyong nasa alaala na lamang ang
gaya ng Colorum at HUKBALAHAP sa harap ng Bagong Hukbong Bayan at Bangsamoro.
Gayunman, makabubuting magbasa muna ng aklat, at basahing muli ang Banaag at Sikat, nang
matiyak nga kung anong silakbo ang iniwan ni Lope K. Santos sa kaniyang mga kapanahong
manunulat at siyang umaalingawngaw pa rin magpahangga ngayon sa ating piling

You might also like