You are on page 1of 43

(FilPan030)

PANALANGIN
Kabanata VI:
Ang Literaturang Filipino sa Panahon ng Amerikano
(1900-1941)
Kaligirang Kasaysayan
• Ang panahon ng Amerikano sa Pilipinas ay nagsimula sa taong 1900 kung saan
pormal na inilipat ng mga Kastila ang pamamahala ng bansa sa mga
Amerikano. Ito ay bilang pagtupad sa kasunduang naganap sa Paris (Treaty of
Paris).
• Ang pagdating ng mga Amerikano sa bansa ay nagdulot ng malaking
pagbabago sa sistema ng edukasyon na umiiral noon. Nang dumating ang mga
“Thomasites” upang magturo, hindi na ito nakasentro sa kagandahang-asal
ngunit pinayabong nito’t pinaunlad ang mga aralin na hindi binibigyang-pansin
ng mga kolonyalistang mga Kastila. Nagpatayo sila ng “normal schools” upang
hubugin ang mga kasanayan ng mga guro.
• Sa aspekto ng pamamahala, inihiwalay ng mga bagong
mananakop ang estado at simbahan.
• Ang mga akdang pampanitikan na naisulat at nalimbag nang
panahong ito ay binigyang layang magpahayag ng tunay na
pangyayari hinggil sa iba’t ibang paksa at nagkaroon ang mga
Pilipino ng pagkakataong makabasa ng iba’t ibang uri ng aklat
na gumising pang lalo sa nag-aalab nilang damdaming
Makabayan.
• Ano mang uri ng akda ang nailabas noong panahong iyon tulad
ng tula, dula, nobela, at maikling katha - ang damdaming
makabayan ay di nawawala bagkus ay mahigpit na binibigyang
tuon.
• Noong 1900, ang wikang Ingles ay naging wikang
opisyal at wikang panturo sa mga paaralan. Ayon sa
Komisyon ng Taft, makatwiran lamang na Ingles ang gamitin
upang maging madali para sa mga gurong Amerikano ang
pagpapabatid ng mga bagong kalinangang magiging
sangkap sa pamumuhay sa Pilipinas.
Ang Katangian ng mga Akda
Dula
• Sa pagpasok ng panahon ng Amerikano, sina Severino Reyes at
Hermogenes Iligan ay nagsimula ng isang laban sa moro-moro
at nagpilit na magpakilala sa mga tao ng mga lalong
kapakinabangang matatamo sa sarsuwela at tahasang drama.

• Ang sarsuwela ay isang melodramang


binubuo ng tatlong yugto at tungkol sa
damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, galit,
paghihiganti, kalupitan, paghihimagsik o
kaya’y suliraning pampulitika noong
panahong iyon.
• Ang mga taong hindi dapat malimutan sa larangan ng dulang
Tagalog ay nahati sa dalawang uri: ang mga nag-impresaryo at ang
mga sumulat ng dula.

• Ang mga nag-impresaryo: si Severino Reyes, na nagtatag ng


Gran Compania de Zarzuela Tagala, at si Hermogenes Ilagan na
nagtatag ng Compania Ilagan.

• Ang mga nagsisulat ng dula: Severino Reyes, Hermogenes


Ilagan, Juan K. Abad, Aurelio Tolentino, Patricio Mariano, Pascual
Poblete, Julian Cruz Balmaceda, Pedro Paterno, Jose Ma. Rivera,
atbp.
Severino Reyes
(1861-1942)
(Lola Basyang, Don Binoy)

• Naging manunulat ng sarsuwela.


• Tinaguriang Ama ng Sarsuwelang Tagalog.
• May akda ng dulang “Walang Sugat”
• Noong 1903, sinulat niya at itinanghal ang Cablegrama Fatal na nagpakilala
ng pagkawalang-katarungan ng pagkalitis kay Rizal. Ito’y pinuri ng Espanya.
• Ang Puso ng Isang Filipina (1919) ay batay sa muling pagpapahintulot ng
mga Amerikano na magamit ang watawat ng Pilipinas. Sinamantala ito ng
mandudula para mangaral sa bayan na ang tunay na pagmamahal sa bayan
ay nasa pagpapakadunog, pagpapakasakit at pagpapakasipag.
Hermogenes Ilagan
(Ka Muhing)

• Nagtatag ng samahang nagtatanghal ng mga sarsuwela, ang Compania


Ilagan.
• Ang samahang ito ang nagtataghal ng mga dulang umani ng maraming
tagumpay sa mga lalawigan sa Luzon.
• Mga anak ni Ka Muhing ang mga tanyag at batikang artista ng dulaan at
puting tabing na sina Angel Esmeralda, Gerardo de Leon at Tito Arevalo.
Hermogenes Ilagan
(Ka Muhing)

• Ang dula na higit na napabantog sa kanya ay ang Dalagang


Bukid na tungkol sa isang tagabukid na si Angelita na naging
mang-aawit sa isang cabaret; at sa tulong ng kanyang kinikita,
gayon din ng kanyang mga kapatid na limpiya-bota, ay naitaguyod
ang kanilang kabuhayan.
• “Ama ng Dulaang Tagalog”
Aurelio Tolentino
(1868-1913)

• Isinilang sa Guagua, Pampanga noong Oktubre 15, 1868.


• Saglit na nag-aral sa Malolos, Pampanga at lumipat sa Letran at
Unibersidad ng Santo Tomas na pinagtapusan niya ng Batsilyer sa
Pilosopiya.
• Dalubhasa sa paggamit ng tatlong wika: Pampango, Tagalog at
Kastila.
• Nakilahok sa dalawang digmaan: laban sa Kastila at sa mga Amerikano, hindi
kataka-taka na ipinagpagpatuloy niya ang mga makabayang hangarin sa
pamamagitan ng pagsulat.
• Bunga nito’y ilang ulit siyang nabilanggo dahil sa kanyang mapanghimagsik na
mga dula.
• Si Tolentino ang pumulot sa salitang “dula” buhat sa Bisaya at ginamit ito sa
Tagalog sa kahulugang “drama”.
Ang ilan sa mga dula niyang natanyag ay ang mga
sumusunod:
1. Luhang Tagalog – isang obra-maestra
2. Bagong Kristo - ito’y isang dulang sosyolohiko at
naglalaman ng isyung panlipunan.
3. Rizal y los Dioses - isang opera sa Tagalog na naglalaman
ng mga simbolikong pagkamakabayan.

4. Kahapon, Ngayon at Bukas - isang dulang alegorikal, ito’y naglalahad sa


pamamagitan ng mga simbolikong tauhan ng pinagdaanan ng Pilipinas. Ito’y
isang dulang mapanghimagsik at makabayan. Tinuligsa ni Tolentino rito ang
mga Intsik, Kastila, at Amerikano, pati ang mga Pilipinong nagtaksil sa
sariling bayan. Siya’y nabilanggo dahil sa dulang ito.
Juan K. Abad
(1872-1932)

• Isang matalinong manlilimbag mula sa Sampaloc,


Maynila. Sa edad na 16 ay nakasulat ng isang comedia
na may anim na yugto ang - Senos de Mala Fortuna.

• Itinatag niya ang Republikang Tagalog, isang pahayagang kanyang


inilathala sa San Fernando, Pampanga.

• May akda ng dulang “Tanikalang Ginto”


Tula
Mga Katangian
• Ang pagkakaroon ng sukat at tugma.

• Ang pagpapaksa sa diwang romantisismo at pagdurusa.

• Ang pagiging maaliw-iw at maindayog.

• Ang pangangaral; kung minsan ay lantad kaya ang aral ay


matatagpuan sa huling saknong ng tula.

• Ang pagpasok ng iba’t ibang sukat sa isang saknong.

• Ang pagkakaroon ng dalisay, malalim at madamdaming pananalita.


Tula
Ipinalalagay na ang tulang Tagalog ay nagtataglay ng lalong matatayog na
katangian sa panulat nina:
1. Lope K. Santos; “Ang Pangginggera”.
2. Jose Corazon de Jesus, mga tulang “Pamana”, “Pagbabalik”, “Itinapon ng
Kapalaran”, “Maruming Basahan”.
3. Florentino Collantes, “Ang Lumang Simbahan”.
4. Amado V. Hernandez, “Bonifacio”, “Ang Guro ng Lahi”, “Isang Dipang
Langit”.
5. Idelfonso Santos, “Sa Tabi ng Dagat”, “Gabi”, “Ulap”.
Mga Makata
Lope K. Santos
(1879-1963)

• Isinilang sa nayon ng Buwayang Bato, Pasig, Rizal noong 1879.


• Sa larangan ng wika, siya ang kauna-unahang nagsulat ng unang Balarila sa
Wikang Tagalog, na may pamagat na Balarila ng Wikang Pambansa, na siyang
naging batayan ng pagtuturo ng balarilang Tagalog sa mga paaralan (sa kabila ng
mga puna at pagtutol). Dahil dito tinagurian siyang Ama ng Balarila.
• Ang nobelang Banaag at Sikat na sinulat niya sa gulang na 20 taon lamang ay
pumaksa hinggil sa mayaman at mahihirap, at sa karapatan ng mga manggagawa.
Dahil sa nobelang ito siya’y tinaguriang Ama ng Nobelang Tagalog.
Jose Corazon de Jesus
(1896 - 1932)
(Makata ng Pag-ibig, Huseng Batute )

• Ipinanganak sa Sta. Maria, Bulakan noong ika-22 ng Nobyembre, 1896.


Nagtapos siya ng karunungang Bachiller en Artes sa Liceo de Manila.
• Napabantog sa kanyang sagisag na Huseng Batute sa mapanudyong tudling na
pinamagatang Buhay Maynila na lumalabas araw-araw sa Taliba. Dahil sa ilang ulit
niyang pagtatagumpay sa Balagtasan na ang kalaban ay si Florentino Collantes,
siya’y itinanghal na kauna-unahang Hari Ng Balagtasan.
• Ang pangalan niya ay isang alamat sa kasaysayan ng panitikang Tagalog sa
malungkot na kalambingan, pagka-malumbayin, maramdamin at dramatiko, ngunit
may pagka-maromansa ang kanyang mga sinulat.
Amado V. Hernandez
(1903 – 1970)

• Kinilalang Makata ng mga Manggagawa higit pa kaysa


pagkamamahayag. Naging patnugot ng lingguhang Sampaguita
at sa mga pahayagang pang-araw-araw tulad ng Pagkakaisa
at Mabuhay.
• Natanyag siyang mambabalagtas at mabibigkas, ang mga tulang nagbigay sa
kanya ng pangalan ay Bonifacio at Guro Ng Lahi.
• Ang kanyang aklat na katipunan ng mga tulang pinamagatang Pilipinas ay
pinagkalooban ng gantimpala sa timpalak-panitikang idinaos sa pagpapasinaya
ng Malasariling Pamahalaan noong 1935.
• May akda ng tulang “Isang Dipang Langit”
Idelfonso Santos
(1897 -1984)

• Isa siya sa pinakatanyag na manunulat sa panahon

ng Amerikano.

• Siya’y isinilang noong Enero 27, 1897 sa nayon ng Barutan, Malabon,


Rizal. Ang ginamit niyang sagisag sa kanyang mga tula ay “Ilaw Silangan”.
Kapansin-pansing ang mga tula niya ay payak, ngunit tapat sa diwa at
kaisipang taglay. Ang isa pangkatangian ng kanyang tula ay natutungkol sa
kagandahan ng kapaligiran o kalikasan.
Maikling Kuwento (1900-1940)

• Ang mga unang anyo ng maikling kuwento ay pawang walang banghay (plot).
Ang isang inisidente lamang o kaya’y isang pagpapahayag lamang ng
damdamin ay sapat upang ito’y maging babasahin na.
Narito ang mga unang anyo ng maikling kuwento:
1. Pasiyaw o munting kasaysayan - nagpapahayag ng pag-ibig sa mga
nililigawan o hinahangaang paraluman.
2. Dagli - ang himig ay nangangaral. Ang mga ito’y namumuna at
nanunuligsa.

• Ang pagsilang ng maikling kuwentong may banghay ay matutunton sa


pagkasulat ng kuwentong Bunga Ng Kasalanan, akda ni Circo H. Panganiban
na nagwagi bilang Kuwento ng Taon 1920 sa pahayagang Taliba.
Katangian ng Maikling Kuwento

Sa paglipas ng mga akdang nangangaral ang mga pagbabago’y nakita sa


mga katangian noon ng mga maikling kuwento gaya ng:

1.Nangingibabaw ang sentimentalismo sa diwa, paksa at pamamamaraan


ng pagpapahayag.
2. Mabulaklak ang pananalita sa paglalarawan, pagsasalaysay ay
diyalogo.
3. Karaniwa’y paksa pag-ibig, lalo na yaong hinahadlangan, hinahamak o
sinusubok;
4. Hindi makatotohanan ang mga sitwasyon at takbo ng mga pangyayari;
at
5. Ang tradisyon ng romantisismo ay parang pagkit na bumalot sa mga
kuwento.
Deogracias A. Rosario
(1894 -1936)

• Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog

• May akda ng kuwentong “Walang Panginoon”

• Dahil sa mababang kalagayan ng sining ng maikling kuwento, ang mga akda


ni Deogracias A. Rosario ay naging kapansin-pansin. Ayon sa mga kritiko, siya
ang “nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng kathang
pampanitikan…nasa mga akda niya ang hiwatig ng paghihimagsik sa
kinamulatang tradisyon (o kumbensyon) ng maikling kuwento.”
MGA TAUHAN AT GINAMPANAN

MARCOS
Siya ang pangunahing tauhan sa kwento na punung-puno nang galit sa
asenderong si Don Teong.

DON TEONG
Ang mayamang asendero na sinisisi ni Marcos sa pagkamatay ng
kaniyang ama, dalawang kapatid at ni Anita.

INA NI MARCOS
Siya ang ina ni Marcos na palaging nagpapakalma sa galit na
nararamdaman ng kaniyang anak para kay Don Teong.
TAGPUAN

KABUKIRAN
Lupang tinitirhan nina Marcos at kaniyang ina na pilit na inaangkin ni
Don Teong.
Tulad sa ibang kwento, ang kabukiran ay lupang sinasaka ng mga
kadalasang magsasakang bida.
Ang kabukirang ito ang kumakatawan sa ating bansa kung saan ang
buhay ng mga mahihirap at mayayaman ay nagkakasalubong. Sa mga bagay
na nangyayari sa ating bansa, mas naapektuhan ang mga mahihirap at ang
mga mayayaman naman ay hindi gaano ka-apektado.
Ang kuwento ay umiikot sa isang maralitang pamilya at sa kanilang
pakikipagtunggali sa mga mayayamang nagsasamantala sa kanila. Mababatid
ang pagtatagisan ng dalawang puwersa, ang naghaharing uri na kinakatawan
ni Don Teong at ng mababang uri na makikita sa tauhang si Marcos.
Ito rin ay pumapatungkol sa malaking agwat ng mahihirap at
mayayaman sa isang lipunan.

Makikita ang isyu ng class struggle kung saan ang matataas na uri ay
may kakayahang samsamin kung anuman ang mayroon ng mga mahihirap.
Hindi rin binigyang halaga ang karapatan o katwiran ng pamilya ni Marcos dahil
sa pagiging mahirap nila. Bunga nito ang pang-aapi at pagsasamantala ni Don
Teong sa pamilyang hindi na aahon pa mula sa kahirapan, habang patuloy na
yumayaman si Don Teong.
Inilalarawan din dito ang pag-iibigan nina Marcos at Anita na tila isang
kasuklam-suklam na kasalanan para kay Don Teong na naitulak pa ang
sariling bugbugin ang anak pagkatapos mabatid ang pag-iibigan ng dalawa.
Dito pumapasok ang pagbubukod ng mga mayayaman sa mga mabababang
uri, at ipinakita rin na ang paghihiganting ginawa ni Marcos ay isang pagtugon
sa kamatayan ng kapitalistang uri dulot ng pag-aalsa ng mga manggagawa.
Sa huling bahagi ng kuwento, ipinakita ang pagbuwag ng isang
kapangyarihang mapang-api at ang paglaya ng isang mahirap sa mga kamay
ng mataas na uri.
Valeriano H. Peňa
(Kintin Kulirat)
(1858-1922)

• Isinilang sa San Jose, Bulakan noong ika-11 ng Disyembre, 1858. Ang mga magulang
niya’y sina Marcos Hernandez, na isang platero at Dominga de la Pena, kapwa taga-Bulakan.

• May akda ng nobelang “NENA AT NENENG” (1905)


Iba pang akda:
• Maginang Mahirap (1905-1906)

• Hatol Ng Panahon (1908)


• Pahimakas ng Isang Ina (1914)

• Dangal ng Magulang (1920)


• Pagluha ng Matwid (1912)
• Unang Pag-ibig (1915)

• Ama ng Nobelang Tagalog


NENA AT NENENG
(ni: Valeriano Peńa)

Pinamagatan itong “Nena at Neneng” dahil nakasentro ang kwento ng nobela sa buhay
at pagdurusa ng matalik na magkaibigang kapwa sinubok ng kapalaran.
Mga Tauhan:
• Nena -kaibigan ni Neneng; inalagaan ng kanyang ale
• Neneng/Timotea Sulit -kaibigan ni Nena na inalagaan ng kanyang kapatid na lalake na
may asawa
• Miguel Maglayon - nanliligaw kay Nena na kalaunay naging katipan ni Chayong ; pinsan
ni Narciso
• Alejandra Maglinaw/Aling Anday – ang nag-alaga kay Nena ng maulila ito
• Rosario/Chayong- dating kasintahan ni Narciso na naging katipan ng kanyang pinsang si
Miguel
• Tiya Belang – Ina ni Chayong
• Ama ni Chayong
• Narciso/Sochong - dating kasintahan ni Chayong na naging asawa ni Neneng ; pinsan ni
Miguel
• Andoy - asawa ni Alejandra Maglinaw na namatay
• Beatriz-pinsan ni Nena na namatay
• Deogracias- pamangkin ni Aling Anday; kababata ni Nena na kalaunay
kanyang naging asawa
• Gregorio Magpayo- ang nagpadala ng sulat at nagbalita na patay na si
Andoy at Beatriz.
• Pepe - nakatatandang kapatid ni Neneng
• Isiang- kababayan ni Nena at Deogracias na iniuugnay kay Deogracias; nais
ng mga ale ni Deogracias na mapangasawa niya.
• Ale ni Deogracias – kapatid ng ama ni Deogracias
• Narciso – anak nina Chayong at Miguel
• Francisco Marcelo/Isko- ang sugarol na nangingibig kay Neneng
• Andres – alila ni Isko
Mga Tagpuan:
Maynila- kung saan nakatira sina Nena at Neneng.
Presidencia- kung saan natagpuan sina Chayong at Miguel.
Hospital ng San Juan de Dios – kung saan nakalagak si Miguel ng
ito’y magkasakit.
Tema

• Ang masasama ay pinarurusahan at ang mabubuti ay may laang


gantimpala sa langit.
• Ang magandang pakikisama ay siyang malupit na parusa.
• Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tunay na kaibigan.
Konklusyon

Ang nobelang Nena at Neneng ay nagpapahayag ng huwarang


pagkakaibigan. Na ang isang kaibigan ay nasusukat hindi lamang sa
kaginhawaan maging sa panahon ng kagipitan. Ito rin ay
nagpapahayag ng mga kaugaliang Pilipino sa larangan ng kultura at
paniniwala. Ilan sa mga ito ay ang paniniwala sa mga hula at
kahulugan ng panaginip at ang paghingi ng permiso sa mga magulang
ng babaeng liligawan.
❑ Bisa sa Asal
• Ang pagsunod sa utos ng mga magulang ay mahalaga sapagkat sila ang
higit na nakakaalam kung anong makakabuti para sa kanilang mga anak.
• Ang tunay na kaibigan ay masusukat sa panahon ng kagipitan.
❑ Bisa sa Isip
• Ang paggawa ng masama ay kalimitang nahahantong sa pagsisisi at
pagdurusa.
• Ang pagiging sugarol ay walang kahahantungang mabuti.
• Ang magandang pakikisama ay siyang malupit na parusa.
❑ Bisa sa Damdamin
• Kailangang maging tapat sa isa’t isa upang maging maluwag ang
pagsasama.
MARAMING
SALAMAT
AT PAALAM!
(FilPan030)

You might also like