Professional Documents
Culture Documents
Panahon ng Kastila
- Ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na
nilalathala upang siguraduhin na walang ano mang paglaban sa pamahalaang Kastila.
Panahon ng Amerikano
Panahon ng Aklatang Bayan (1900- 1921)
- Naging maunlad ang nobela tumatalakay. Inilalathala sa mga pahayagan ang mga nobela
na payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata.
- Si Lope K. Santos, Ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong paglalathala.
Panahon ng Ilaw at Panitik (1922–1934)
-Salawahang Pag-ibig
Pinasikat: Banaag at Sikat
Panahon ng Kalayaan
- Sinasabing ang nobela ay napalalamanan ng kultura't lipunang Pilipino. Ito'y unang lumabas
nang paseryse sa mga unang pahayagan tulad ng "Ang kapatid ng Bayan". Mula sa unang
dekada ng ikadalawampung taon ang noble o kathambuhay ay tinangkilik na ng mambabasa
lalo na nang dumami ang mga mamamayang natutong bumasa't sumulat dahil sa
pagbubukas ng mga paaralang publiko.
- Paniniwalang Kristiyano na ang buhay ay nakatakda at nakaguhit ang romantikong sangkap
na matatagpuan natin sa mga tauhang palasunod, palatiis. Dahil sa ang tauhang paniniwala
sa koseptong sa bawat paghihirap ay may katapat na kaligayahan para sa mga taong
mabubuti.
Panahon ng Kontemporaryo
- Sa muling pagkakatatag ng Bagong Demokrasya, naipalimbag ang mga nobela ng
sinundang panahon sa layuning makilala at maunawaan ng mga Pilipino sa bagong
panahon ang nilalaman ng mga klasikong ito. Mabibilang natin dito ang pagdagsa sa mga
bookstores ng mga nobelang Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Pena, ang mga
manunulat na lumutang ang pangalan sa naturang larangan sa panahong tinalakay natin.
Nagpatuloy rin ang Carlos Palanca Memorial Awards sa pagbibigay ng gantimpala sa mga
natatanging nobela ng taon na sinimulan nila sa taong 1980.
- Si Lualhati Bautista ang syang nagningning lalo sa larangan ng nobela sapagkat tatlong ulit
syang ginawaran ng parangal para rito mula nang simulant ang pagbibigay ng ganitong uri
ng gantimpala.
NOBELANG ROMANSA
- Ukol sa iba’t-ibang (sa bayan, sa Diyos, sa kasintahan, atbp.)
Hal. Florante at Laura - Francisco Balagtas
NOBELANG POLITIKAL
- Tumatalakay sa mga isyung politikal.
Hal. Pinaglauhan - Faustino Aguilar.
NOBELANG TAUHAN
- Binibigyan-diin ang mga katauhan ng mga karakter. Hal. Nena at Neneng - Valeriano
Hernandez Peña
NOBELANG PAGBABAGO
- Nagpopokus sa mga pagbabago sa lipunan at sa mga kaugalian ng mga tauhan.
Hal. Lalaki sa Dillim, Benjamin M. Pas
NOBELANG KASAYSAYAN
- Nakatuon sa pagkakasunod sunod ng mga pangyayaring naganap sa nakaraan.
Hal. Storm Over Leyte - John Prados
LAYUNIN NG NOBELA
1. Gumising ng diwa at damdamin
2. Nanawagan sa talino ng guni-guni
3. Mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. Magbigay ng aral tungo sa pagunlad ng buhay at lipunan
5. Nagsilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
6. Nagbibigay inspirasyon sa mga mambabasa
7. Napupukaw nito ang kaalaman ng tao sa pagsusulat ng nobela
MGA SANGKAP SA NOBELA
o Tauhan
o Layunin
o Balak
Sa pangkalahatan, ang Nobelang Pilipino o Nobela sa Pilipinas ay ang mga nobelang nalimbag sa
Pilipinas na inakdaan ng mga may-akdang Pilipino tungkol sa mga Pilipino at sa Pilipinas. Maaari
itong nasusulat sa wikang Tagalog, wikang Pilipino, o wikang Filipino, iba pang mga wika sa
Pilipinas, at mga wikang dayuhan na katulad ng Ingles at Kastila.
Mga impluwensiya sa pagsulat ng Nobelang Pilipino.
Ayon kay Virgilio S. Almario, naging impluwensiya sa ilang mga nobelistang Pilipino ang
sumusunod na mga akdang banyaga: ang
Hudeo Errante (1844) ni Eugene Sue,
Ang Conde de Montecristo (1844–46) at ang
La Dama de las Camellias (1848) ni Alexandre Dumas,
Ang Les Miserables (1862) ng mga Kastila.
Kasaysayan ng Nobelang Pilipino
Panahon ng Amerikano
Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng Amerikano, ang
Panahon ng AklatanBayan (1900–1921), Panahon ng Ilaw at Panitik (1922–1934) at Panahon ng
Malasariling Pamahalaan (1934–1942). Noong Panahon ng Akalatan, naging maunlad ang nobela
na tumatalakay sa mga paksain tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay lalawigan at karanasan.
Inilalathala sa mga pahayagan ang mga nobela na payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa
mga kabanata. Si Lope K. Santos, ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong
paglalathala.
Halimbawa ng mga pahayagan:
o Ang Kaliwanagan
o Ang Kapatid ng Bayan
o Muling Pagsilang
Halimbawa ng nobela na nilathala sa pahayagan:
• Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos
• Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kaliwanagan
• Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kapatid ng Bayan
• Mag-inang Mahirap ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Muling Pagsilang
• Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado
Noong Panahon ng Ilaw at Panitik, hindi naging maunlad ang nobela at nahalina ang mga
nobelista na sumulat tula at maikling kuwento.
Halimbawa ng nobela sa pahanon na ito:
• Mutyang Itinapon ni Rosalia Aguinaldo
• Magmamani ni Teofilo Sanco
Noong panahon ng Malasariling Pamahalaan, bumaba ang urin ng nobela dahil sa pagkakahilig
ng mga tao sa mga tula at maikling kuwento at pagbabago ng panahon.
Panahon ng Hapon
1. Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa
materyales (papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway)
Halimbawa ng nobela sa panahong ito:
• Tatlong Maria - Jose Esperanza Cruz (1944)
• Sa Lundo ng Pangarap - Gervacio Santiago
• Lumubog ang Bitwin - Isidro Castillo (1944)
• Sa Pula, Sa Puti - Francisco Soc Rodrigo
Panahon ng Republika (1946–1972)
Noong panahon ng Ikatlong Repulika ng Pilipinas, walang pagbabago sa sistema ng pagsulat ng
nobela at naging tradisyunal. Tumatalakay ng mga paksain tungkol sa nasyonalismo, isyung
panlipunan at naglalayong mang-aliw ng mambabasa.
Halimbawa ng nobela sa panahon na ito
• Sa Mga Kuko ng Liwanag - Edgardo Reyes
• Binhi at Bunga - Lazaro Francisco
• Dekada 70 - Lualhati Bautista
• Luha ng Buwaya - Amado V. Hernandez
• Mga Ibong Mandaragit - Amado V. Hernandez
• Daluyong - Lazaro Francisco
Mga nobela sa Pilipinas[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga kinathang nobela ng mga Pilipinong manunulat:
• Banaag at Sikat (1906) ni Lope K. Santos
• Kangkong 1896 ni Ceres Alabado
• Bata, Bata...Pa'no Ka Ginawa? (dekada 1980) ni Lualhati Bautista
• Nena at Neneng niValeriano Hernandez Peña
• Gapô (dekada 1980) ni Lualhati Bautista
• Mag-anak na Cruz ni Liwayway Arceo
• Titser ni Liwayway Arceo
• Kanal dela Reina ni Liwayway Arceo
PANGKAT ISA – KULTURANG POPULAR
Kulturang Dala ng mga Amerikano Mga Babasahin/Akdang Pampanitikan
PAMUMUHAY
Kabuhayan ng mga Pilipino sa Panahon ng Amerikano
Malaking tulong sa ekonomiya ng Pilipinas ang nagawa ng malayang pakikipagkalakalan natin sa
Estados Unidos. Noong 1903, itinadhana ng Kongreso ang 20% diskuwento sa taripa ng lahat ng
mga produktong iniluluwas ng Pilipinas sa Amerika. Nakapapasok nang malaya ang mga
produktong Pilipino sa mga pamilihan ng Amerika. Natuon ang pakikipagkalakalan noon ang bansa
sa Estados Unidos kaya’t di-na gaanong nabigyang-pansin ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa
tulad ng Tsina,Inglatera at iba pang bansa.
Taong 1909 nang aprubahan ang Batas Payre Aldrich na nag-aatas sa pag-alis ng kota ng mga
takdang bilang ng mga produktong inaangkat at ang kaukulang pataw na buwis na adwana.Kasama
na rin dito ang lahat ng produktong Pilipinong iniluluwas sa Amerika maliban sa bigas.
Lalong natamasa ng mga mamamayan ang kaunlaran ng kabuhayan nang aprubahan ang Batas
Simon Underwood. Namayagpag sa pandaigdigang kalakaran ang mga produktong gaya ng asukal,
yantok at pataba. Lumikha ng sariling pangalan sa daigdig ng komersiyo ang Pilipinas.
PANANAMIT
Ang kombinasyon na maong at T-shirt ay ipinakilala sa mga Pilipino ng mga Amerikano. Ang
isang pang karaniwang kasuotan habang nasa bahay ay ang mga ordinaryong puruntong (isahan:
puruntong,isang uri ng pares ng shorts o pantalon ng Capri) na sinamahan ng mga shirt na walang
manggas o T-shirt.
Ang mga kalalakihan ay natutong magsuot ng mga pantalong may sinturon at suspender,kurbata
at polo shirt.Ang mga kababaihan ay natutong magsuot ng maiikling damit,palda at bulsa ,sapatos
na may mataas na takong at manipis na medyas.Natuto rin silang maglagay ng make –up.
Edukasyon
Ang edukasyon o pagtuturo ay prosesong ng pagpapadali ng pagkatuto, o pagtatamo ng
kaalaman, kasanayan, prinsipyo, moralidad, paniniwala, at paggawi. Kabilang sa mga
pamamaraang pang-edukasyon ang pagtuturo, pagsasanay, pagkukuwento, pagtatalakay at
nakadirektang pananaliksik. Madalas nagaganap ang edukasyon sa patnubay ng mga edukador,
subalit maaaring turuan ng mga mag-aaral ang kanilang sarili. Maaaring maganap ang edukasyon
sa mga pormal o inpormal na tagpo at anumang karanasan na nakakapaghubog sa pag-iisip,
pakiramdam, o pagkilos ng isang tao ay maituturing bilang edukatibo.
Kahit na sinakop tayo ng mga Amerikano noon,ay mayroon naman silang naidulot na Mabuti
para sa mga Pilipino .
Ito ay ang edukasyon,ang mga Amerikano ang nagturo sa atin para matutong
magsulat,magbasa,at iba pa
Layunin ng pagtuturo noon
Pagtuturo ng wikang ingles
Pagpapakalat ng kultura ng mga amerikano
Sa pagdating ng mga gurong sundalong pinadala ng mga Amerikano dito sa Pilipinas ay
ginamit nila ang Barkong Sheridans na may pinakamalaking pangkat ng mga guro na
dumating sa Pilipinas noong Agosto 13,1901
TRANSPORTASYON
Mga transportasyon noong panahon ng amerikano: Mula sa mga karitela at kalesa,nadagdagan ito
ng iba pang uri ng mga sasakyan gaya nalamang ng trak,tren,at kotse.
Umunlad din ang transportasyong pandagat noong panahon ng mga Amerikano. Ang mga
mababagal na bangka, kaskos at batel na ginagamit noong panahon ng mga Espanyol ay napalitan
ng mga mabibilis na bangkang de-motor, lantsa, steam tugboats at mga inter-island steamer.
Nagpagawa ng mga daan at tulay ang mga Amerikano para paunlarin ang kabuhayan sa
bansa.Ipinakilala ang mga makabagong sasakyan tulad bus,awtomaobil,trak at ang pagsisimula ng
pangkomersyong eroplano.
PAMAHALAAN
ANG PAMAHALAANG SIBIL
Noong Marso 2, 1901 , ipinasa ng US Congress angSpooner Amendment. Ang Spooner
Amendment ay isang batas nanagbigay-daan upang palitan na ang pamahalaangmilitar at ipatupad
ang pamahalaang sibil.
Ito ay isang uri ng pamahalaan na pinamumunuan ngsibilyan [ mamayan]. Ito ay may layuning itaas
ang demokratikongpamumuno kung saan ang kapangyarihan ay
nasakamay ng mga mamamayan.
Nagsasaad din dito na ang kapangyarihang militar aynasa ilalim lamang ng kapangyarihang
sibilyan at angmga sundalo ay itinalaga upang protektahan ang mgakarapatan ng mga
mamamayan. Sa ilalim ng pamahalaang sibil, ang pangalawangkomisyon (Taft Commission) ay
tumatayo bilanglehislatibong sangay ng Pilipinas.
Si William H. Taft, ang naging gobernador-heneral ngpamahalaang sibil. Ang iba pang kasapi ng
komisyon ay naging kalihimng iba’t ibang sangay ng ehekutibo.
Bagama’t matatag na ang pamahalaang sibil sa mgamapayapang lugar, ang pamahalaang
militar aynananatili pa ring ipinatutupad ng USA sa ibangbahagi ng kolonya.
Maraming magagandang bagay ang nangyari sa panahon ng pamahalaang sibil lalo na sa ilalim
ngpamamahala ni Gobernador-Heneral Taft.Isa na rito ang pagpapatibay ng Cooper Act na
maskilala sa tawag na PhilippineBill of 1902. Ang batas na ito ay naghahangad na ibigay sa mga
Pilipino ang mga sumusunod:
1.Paggawad ng mga kaukulang karapatan maliban sakarapatang panghukuman;
2.Pagtatalaga ng mga Plipinong komisyonado sa USCongress;
3.Pagtatatag ng Philippine Assembly (Asambleya ngPilipinas) na kakatawan bilang mababang
kapulunganng lehislatibong sangay ng Pilipinas at pagpapanatiling Philippine commission
(Komisyon ng Pilipinas)bilang mataas na kapulungan ng lehislatibo; at
4.Panangalaga ng mga likas na yaman para sa mgaPilipino.
PAMAHALAANG MILITAR
Ang pamahalaang militar ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang pangunahing layunin ay
mapigilan ang anumang pag-aalsa na maaaring sumiklab sa bansa. Hangarin ng pamahalaan
militar na magkaroon ng mapaya at tahimik na pamumuno sa isang bansa.
Pinasimulan ni William Mckinley ang pamahalaang militar sa Pilipinas noong kasagsagan ng
pananakop ng mga Amerikano. Kaya naman sa ilalim ng pamahalaang ito ay walang kakayanan
mamuno o walang kapangyarihan ang sinumang mamamayang Pilipino.
May benepisyo rin naming natamo ang bansa sa ilalim ng pamahalaan militar. Naitatag ang
maayos na sistemang edukasyon sa bansa at ang kabiserang Maynila ay nabuksan para sa
globalisasyon.
PAMAHALAANG KOMONWELT
Alinsunod sa Batas Tydings-McDuffie Itinatag sa ilalim ng Saligang Batas na bubuuin ng mga
Pilipino Ang mga Pilipino ay pinagkalooban ng Amerika ng kanilang pangarap na Kalayaan Mga
Hakbang na Dapat Isagawa Ang lubusang pag tanggap sa pinag patibay na batas; Ang pag tawag
ng isang Kombensyong; Pang saligang Batas na hindi lalagpas sa ika-1 ng Oktubre1934;
Pagkakaloob ng banghay ng nabuong Saligang-Batas sa Pangulong Estados Unidos sa loob ng
dalawang taon, o di lalampas sa ika-24 ng Marso,1936; Pinasinayaan ang Pamahalaang
Komonwelt noong Nobyembre 15, 1935 matapos isagawa at pagtibayin ang isang Saligang Batas
na hindi lamang para sa isang Pamaalaang Komonwelt kundi para na rin sa isang republika. Isang
pambansang halalan ang naganap dalawang buwan bago pasinayaan ang Komonwelt. Si Manuel
L. Quezon ang nahalal bilang Pangulo at si Sergio Osmeña bilang Pangalawang Pangulo.
Ito ay naglalayong sanayin ang mga Pilipino sa pamumuno ng bansa. Isa sa mahalagang
elemento ng mga hakbang tungo sa kalayaan ay ang pagtatatag ng Asembleya na siyang
maghahanda ng Saligang Batas na gagabay sa Pamahalaang Komonwelt. Isang halalan ang
idinaos para sa kumbensyon ng Saligang Batas noong Hunyo 10, 1934. Dalawandaan at dalawang
delegado ang nahalal.
LIBANGAN
Natutunan ng mga Pilipino ang paglalaro ng basketball,baseball, football, boxing, tennis at
poker
MUSIKA/SAYAW
Classic Pop Jazz
Country Rap R&B
SAYAW
Cha cha Boogie Tango Salsa
PROGRAMA PANRADYO/PANTELEBISYON
Ayon kay Elena Botkin Levy, Koordineytor,ZUMIX Radio; ang KOMENTARYONG PANRADYO
ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at
saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu na kanilang napiling talakayan at pagtutuunan ng
pansin
Ang DOKUMENTAYONG TELEBISYON ay isa pang mahalagang midyum sa larangan ng
broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon
DULA
Maraming akda tulad ng tula at ga nobela ang naisulat ng mga kababayan Pilipino natin sa
wikang Ingles na hanggang ngayon ay nababasa pa rin. Karaniwang pagtuligsasa maling
pamamahala ng mga Amerikano ang mga tema na naisulat ng mga Pilipino. Ang mga sining ng
mga pintor at eskultor ay itinutueing na napakahalaga sa kasalukuyan
Kulturang Dala ng mga Hapones Mga Babasahin/Akdang Pampanitikan
PAMUMUHAY
Pagaalaga at pagpaparami ng mga isda hipon at mga bibe
Paggawa ng origami at ikenana
Pagiging bukas sa kamalayan sa pagtangkilik sa teknolohiya
Paggawa ng mga kasangkapan at armas
Pagkain tulay ng mga noodles, tempura at sushi
Arkitektura tulad ng mga templo at budhismo
PANANAMIT
Kimono- isang uri ng pananamit na linabibilangan ng isang malaking single piece na tela na
inilalagay sa ibabaw ng katawan at sinusuot sa pamamagitan ng isang sinturong tinatawag na “obi”
Geta- isang uri ng sandal na kinabibilangan ng dalawang malalaking bahagi na tinatawag na
“okobo”
Bata de banyo
EDUKASYON
Ang pinagaaralan ng mga pilipino noon ay hindi ingleskundi nippongo. Ang niponggo na lamang
ang kanilangitinuro sapagkat walang sinuman nanumbalik sa wikangingles dahil ipinatanggal na ito
at lalabag sa batas naipinatupad ng mga hapones.
“Corporal punishment” ang uri ng pananakit sa mga bata noong panahon ngmga hapones
SISTEMA NG EDUKASYON NOONG PANAHON NG HAPON
palaganapin ang kulturang Pilipino.
pagtataguyod ng kursong bokasyonal at pang elementarya.
pagtuturo ng wikang nippongo.
pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa.
pagtuturo sa implementasyon ng Greater East Asia Co - ProsperitySphere.
PAMAHALAAN
Sistema at balangkas ng Pamahalaang Kolonyal
Pinangakuan ng Hapones ang mga naiwang Pilipino lider na sila ay magiging malaya kung
tutulong ang mga ito na maipatupad ang KASAGANAAN SA KALAKHANG SILANGANG ASYA
Ayon kay Heneral Masahasu Homma ang layunin ng kolonyalismong hapones ay ang
pagpapalaya sa mga Pilipino mula sa pananakop ng Estados Unidos
“ASYA AY PARA SA MGA ASYANO” pamahalaan isinulong ng mga lider ng Hapones para sa
mga bansang nasakop sa Asya.
MUSIKA/SAYAW
ang musika sa mgapublikong pagtatanghal, publikasyon, radyo, pelikula, atbpa. (Higit na
nakatuon sa mga limbag na musika ang saliksik.) Ang kasalukuyang saliksik ay naglalayong suriin
ang parehong kasaysayan at musika sa panahon ng digmaan (WWII) sa kontekstong sosyolohiko
ng Filipinas. Gamit ang gunka o awit-militar at iba pang awit na ipinakilala sa pamamagitan ng silid-
aralan, isinulong ng bansang Hapon ang kaisipan ng GEACPS na siyang tumayong pundasyon at
naratibo ng ginawang pananakop sa bansang Filipinas at iba pang bansa sa Silangang Asya
Iyomanzai
Ayakomai
Sakura
DULA
- Ang mga nasulat sa panahon ng mga Hapon na maikling katha, tula, dula, at nobela ay
karaniwang may damdaming makabayan ngunit ang mga manunulat ay ingat na ingat na
hindi ito mahalata ng mananakop.
Dula sa Panahon ng Hapon
Legitimate Plays Ito ay binubuo ng mga dulang sumusunod sa kumbensyon ng pagsulat at
pagtatanghal nito. Illegitimate Plays Kabilang dito ang STAGESHOWS na kung saan ito ay may
kombinasyon ng pagpapatawa, musika, mga sayaw at dulashows. Ito ay naglalarawan ng mga
katutubong tagpuan, kahusayan sa pagpapatawa at nagtampok na mga katutubong awitin at sayaw
at ng mga makulay na katutubong kasuotan
PUGO AT TUGO – komedyante
HAIKU AT TANAGA- tula noong panahon ng mga hapones
PANGKAT 3- BSE 2C INTRO
MGA TUNGKULIN NG PAMAHAYAGANG PANGKAMPUS
- Ang pamahayagang pangkampus ay isang publikasyon na maaaring nakamimyograp o
inilimbag. Ang mga balita at tinipon ng mga kasapi ng pamunuan na ang kanilang pangalan
ay makikita sa kahon ng editorial.
- Ang pamahayagang pangkampus ay may maraming tungkulin. Ang tradisyong gawain ng
pamahayagang pangkampus ay tinalakay nina Arold Spears at C.H Lawske Jr. sa
kanilang aklat "An Introduction to Journalism" tulad ng:
SA MAG-AARAL
1. Paglalaan ng panahon para sa nagnanais nasumulat.
2. Binibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataonna matuto ng tamang paraan sa pagbasa ng
pahayagan.
3. Kumilos ng may kasiglahan tungo sa laong mabuting paggawa.
4. Paglinang sa lakas ng mga mag-aaral sapagmamasid hinggil sa diskriminasyon nakaugnay sa
kapakipakinabangan ng artikulo sa balita.
5. Magsilbing lunsaran sa pagsulat ng pamamahayag.
6. Magbigay ng paggsasanay sa organisasyon.
7. Paglinang ng katangian sa pagtutulungan, pakikiharap, katumpakan, pagpapasensiya, liderato at
resposibilidad.
PAARALAN AT PAMAYANAN
1. Ipabatid sa pamayanan ang hinggil sa mga gawain ng paaralan.
2. Ilathala ang mga pampaaralang balita.
3. Lumikha at ipahayag ang pampaaralang opinion.
4. Maipabatid ang mga nagawa ng paaralan.
5. Tumulong na pag-isahin ang paaralan.
6. Pasiglahin at pukawin tungo sakapakipakinabang na gawain.
7. Linangin ang tamang pamantayan sa pag-uugali.
8. Maglaan ng lunsaran para sa mga mungkahing mag-aaral tungo sa kagalingan ng paaralaan.
9. Linangin ang mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa paaralan.
10. Linangin ang pampaaralang kasiglahan.
11. Linangin ang pagtutulungan sa pagitan ng paaralan at magulang.
TUNGKULIN NG MAKABAGONG PAMAHAYAGANG PANGKAMPUS
Mga tungkulin ng makabagong pamahayagang pangkampus:
1. IMPORMASYONG TUNGKULIN
Ipinababatid sa mga mambabasa ang mga panyayaring naganap na, nagaganap o maaring
maganap. Ang mga impormasyon ay maaring magmula sa mga lathalain, editorial, at iba pang
mga seksyon ng pampaaralang pangkampus.
2. OPINYONG TUNGKULIN
Sa pamagitan ng mga editorial at kolum ng editorial, binibigyang kahulugan ng editor ang balita, at
ibinibigay rin ang kanyang opinion sa mahalagang bagay o ang kabuluhan ng mga pangyayari sa
araw-araw.
3. EDUKASYONG TUNGKULIN
Isa sa mga pinakamahahalagang tungkulin ng pamahayagang pangkampus ay maturuan hindi
lamang ang mag-aaral kundi pati na ang mga mamamayan sa komunidad. Noon, ang pagtalakay
sa paksa hinggil sa edukasyong panseks at pagpaplano ng pamilya ay ipinagbabawal sa mga silid-
aralan. Ngunit sa ngayon, nagiging paksa na ng mga mag-aaral na manunulat sa kanilang
pampaaralang pahayagan.
4. TAGAPAGBANTAY NA TUNGKULIN
Ang pamahayagang pangkampus ay gumaganap bilang tagapamatnubay sa karapatan ng mha
mag-aaral. Ito'y nagsisilbing mata ng mga mambabasa.
5. LABORATORYONG TUNGKULIN
Ito'y nagsisilbi bilang kagamitan sa pagtuturo tungo sa pag-unlad ng isa ng mamamahayag.
Matapos matutunan ang wastong paraan sa pagsulat ng tuwirang balita, tinatalakay rin ang ang
mga gawaing pampaaralan at ang pagsulat ng balita para sa publikasyon.
6. DOKUMENTARYONG TUNGKULIN
Mahalagang mabatid ang mga pangyayari sa paaralan at mga kapaki-pakinabang na nagawa ng
mga mag-aaral. Ang mga natapos na gawain ay kailangang mailatlaha sa pampaaralang
pahayagan para sa kaunlaran. Ang pinakamainan na kasaysayan na nasaliksik mula sa lumang
tinipong pahayagan ay kabilang din.
7. PANLIBANGANG TUNGKULIN
Ang pampaaralang publikasyon ay tulad din ng mahalagang aklat, tinuturing na kasama ang mga
mambabasa lao na kung siya ay nag-iisa.
8. PANGKALINANGANG TUNGKULIN
Ang pampaaralang pahayagan ay katulad din ng komersiyal na pamamahayag na nagkakaloob ng
kahalagahan
Bahagi ng Pahayagang Pangkampus
A. Pang-unang pahina
1.Balitang Pampook - balitang naganap sa bansa.
2. Balitang mula sa ibayong dagat- balitang nagaganap o naganap sa labas ng bansa.
3.Balitang “Dateline”- ang panlabas na balita. Ito’y ipinakilala sa pamamagitan ng petsa at pook
hinggil sa balitang naiulat gayundin ang pinagkunan ng mga materyales, kung hindi ito isinulat ng
local na patnugutan ng “Tokyo,” Japan, Dec. 25(AP).
4.Balitang nakatugon sa panahon- karaniwan ito’y nakatuon sa kalagayan ng panahon, sa
pook, sa temperature, direksiyon ng hangin at bilis nito. Iniuulat ang kalagayan ng panahon lalo na
ang detalye kaysa balita.
5. Indeks- ang solidong linya na nakapaloob sa pahina ng pahayagan nakatatagpuan ang mga
balita.
6. Ibang bagay na matatagpuan sa unang pahina.
B. Pangalan ng pahayagan -nakalimbag ang pangalan ng pahayagan.
C. Tainga- ang maliit na kahon sa gilid ng pangalan.
D. Ulo ng pinakamahalagang balita- ang pangunahing ulo ng balita ay may malapad at malaking
tipo.
E. Running Head- ang ulo ay binubou ng dalawa o mahigit pang linya.
F. Ulo ng Balita- ang pamagat ng anumang balita. Ang ulo ng balita ay gamitlamang para sa
pamagat ng balita.
G. “Deck” - ito ay sumusunod sa ulo ng balita, na nakalagay sa ibabaw ngpangunahing ulo ng
balita, kilala rin ito na bangko o bahagi ng ulo ng isang balita.
H. Pamatnubay na Pangungusap- ang panimula na balita. Ito ay maaring salita,pangungusap o
talata.
I. Balita- ang buong balita ng mga pangyayari ay binubuo at teksto na pianalawak ng pamatnubay
napangungusap.
J. Kolum- ang pahabang pagkakahati sa mga bahagi ng pahayagan. Marami sa mga
pambansang pahayagan ay nahahati sa 8 kolum samantalang ang sa pampaaralang pahayagan ay
nahahati sa limang (5) kolum “12 ems” ang bawat isa.
K. Kolum rule- ang patayong linya na naghahati sa pahina ng kolum. Karamihansa mga pahina
ng pahayagan ay nahahati sa kolum ang pagitan. Karaniwang ay sang isang (1) “em” ang lapad.
Ang pagitan ay tinatawag na “sunken rule.”
L. Lupi- ang gitnang pahinang guhit na naghahati ng pahayagan sa dalawang bahagi.
M. May Katha- ang pangalan ng reporter na sinusundan ng balitang itinatampok, halimbawa: ni
Dulor Sunga.
N.Kahon-ang balitang nakukulong ng “line rules”.
O. Larawan- ang metal na plato na kinalalagyan ng larawan sa pahayagan, kilala rin sa tawag na
“Clich é”.
P. Paliwanag sa larawan- ang tekstong sinusundan ng mga larawan at ibang gawang sining ay
higit na kilala sa pamagat. Ang isinulat sa ibabaw ng larawan ay tinatawag na “slugline”. Ito ay
maaring ang pamagat o paliwanag na nasa itaas ng larawan.
Q. “Kicker”- ang “tagline” ay inilalagay sa ibabaw ng balita subalit higit na maliit kaysa sa ulo ng
balita, kilala rin ito sa tawag na ‘teaser’ kung minsan naman, ito ay mas kilala kaysa sa ulo ng
balita, ito ay tinatawag din na "hammer”.
R. “Credit line”- ang linya na nagbibigay ng pinagmulan ng balita o larawan. Halimbawa: larawan
ni Dolor Sunga.
Pahina ng Editoryal
1. Pahina- Binubuo ng bilang ang mga pahina, petsa ng pagkakalathala, pangalan ng pahayagan
na karaniwang isinulat sa itaas ng pahina, na matatagpuan din sa ibang mga pahina.
2. “Masthead”- Ang kahon ng editoryal na may “logo”, pangalan ng pamunuan at ang katungkulan
ng mga ito, halaga ng suskrisyon, tagapaglathala, at ibang mahalagangdatos ukol sa pahayagan.
Ang logo ay ang bahagi ng pahayagan na kung saan nakatalaang salita o mga salita, tulad ng
pangalan ng pahayagan o seksiyon.
3. Pangulong Tudling (Editoryal)- Ang komentaryo ay isinulat ng sinuman sa mga patnugot na
nagpapahayag ng mga puna o opinion ng buong pamunuan ng pahayagan hinggil sa iba’t ibang
paksa. Ito ay paninindigan na rin ng pahayagan.
4. Tudling Pang- editoryal- Ito ay ang sariling pananaw ng sumulat na tumutuligsa, nagtuturo,
umaaliw o nananawagan batay sa layunin
5. Tudling Pangkarikatura- Ang karikatura ay nagbibigay diin sa mga payak na puntos.
Karaniwang nakapagpapatawa at may tungkulin din tulad ng pangulong tudling. Ito’y may
paninindigan at hindi isang kaganapan ng pangulong tudling.
6. Guhit Pangulong Tudling sa Editoryal- Ang maikling pahayag na siniping kasabihan na
isinusulay sa hulihan ng tudlingpang-editoryal
7. Liham sa Editor (patnugot)- Ang liham ay ipinadadala ng mambabasa sa editor. Ang sariling
pananaw ng sumulat ay ibinibigay sa tiyak na aspeto.