You are on page 1of 5

FIL 243: PANITIKAN AT KASAYSAYAN

Karagdagang pangyayari, paksain, manunulat sa bawat panahon ng panitikan


ng Pilipinas(sa mga tinalakay na).

KABANATA IV: Panitikan at Himagsikan

Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong pagkakahimlay


ang mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino nang isangkot sa digmaan sa
Kabite ang tatlong paring sina Gomez, Burgos at Zamora at patayin sa
pamamagitan ng garote nang walang matibay na katibayan ng pagkakasala.
Ito’y naganap noong ika-17 ng Pebrero, 1872. Naragdagan pa ito nang
makapasok dito ang diwang liberalismo sa pamamagitan ng pagkakabukas ng
Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan, at ang pagkakapadala sa kapuluan ng
liberal na lider na tulad ni Gob. Carlos Maria dela Torre.

PAKSA NG PANITIKAN:
1. Humihingi ng pagbabago o reporma sa pamamalakad ng simbahan at pa
mahalaan.
2. Diwang makabayan
3. Pag-asam o pagnanais ng kalayaan

ANG KILUSANG PROPAGANDA:
Ang kilusang ito ay binubuo ng mga intelektwal sa gitnang uri na tulad
nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna,
Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno at iba pa. Paghingi ng
reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito.

LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA:


1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga    Pilipino at Kastila
sa ilalim ng batas.
2. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
3. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng
Espanya.
4. Gawing mga Pilipino ang mga kura-paroko.
5. Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita,
pagtitipon o pagpupulong at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.

ANG MGA PROPAGANDISTA:


1. Jose Rizal – gumamit ng dalawang sagisag-panulat, ang Laong-laan
(Amor Patrio); Dimasalang (Masonry), itinatag ang La Liga Filipina

2. Marcelo H. Del Pilar – gumamit ng iba’t ibang sagisag panulat tulad ng


Plaridel, Pupdoh, Piping Dilat at Dolores Manapat.
3. Graciano Lopez Jaena – kinilalang manunulat at mananalumpati sa
“Gintong Panahon ng Panitikan at Pananalumpati”. Itinatag niya ang
kauna-unahang magasin, ang La Solidaridad.

4. Antonio Luna – isang pormasyotikong dinakip at ipinataposn ng mga


kastila sa Espanya. Sumanib sa kilusang Propaganda. Ang paksa sa
kanyang mga isinulat ay tungkol sa mga kaugaliang Pilipino, at ang iba
ay tumutuligsa sa pamamalakad ng mga Kastila. Ginamit niya ang
sagisag panulat na Taga-ilog.

5. Mariano Ponce – naging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay at


mananaliksik ng kilusang Propaganda. Ginamit ang mga sagisag panulat
na Tikbalang, Kalipulako at Naning. Tungkol sa kahalagahan ng
edukasyon ang karaniwang paksa ng kanyang sanaysay. Inilahad din
niya ang pang-aapi ng mga banyaga at ang karaingan ng nayan.

6. Pedro Paterno – isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik at nobelista sa


kilusang Propaganda. Sumapi sa kapatiran ng mga Mason at sa
Asociation Hispano-Filipino. Unang manunulat na nakalaya sa sensura
sa panitikan sa mga huling araw ng pananakop ng kastila.

7. Jose Ma. PAnganiban – itinago ang tunay na pangalan sa ilalim ng


sagisag na Jomapa. Kilala sa pagkakaroon ng “Memoria Fotografica”.

8. Pascual Poblete – kabilang siya sa dalawang panahon ng panitikang


Pilipino, Kastila at Amerikano. Mamamahayag, makata, mandudula,
nobelista at mananalaysay. Itinatag niya at pinamatnugutan ang
pahayagang “El Resumen”.
Poblete - Kabilang siya sa dalawang panahon ng Panitikang Pilipino:Kast
ila at Amerikano. Mamamahayag, makata, mandudula, nobelista at man
analaysay. Itinatag niya at pinamatnugutan ang pahayagang “EL
RESUMEN”. Sa panahon ng Amerikano, itinatag niya ang pahayagang 
“El Grito Del Pueblo” at “Ang Tinig ng Bayan”. Siya ang kauna-unahang
Pilipino na nagsalin sa Pilipino ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal.
Kinilalang “Ama ng Pahayagang Tagalog.
KABANATA V: Panitikan sa Kolonyalismong Amerikano

Nagtagal ng Apat na taon ng Rebolusyong Pilipino laban sa mga Kastila


1896-1898. Ginamitan man ng diplomasya at ng mga armas na produkto ng
bagong teknolohiya, ang paglaban ng mga Pilipino sa mga Amerikano noong
Hunyo 2, 1899 – Hulyo 4, 1902. Nagtayo man ng paaralan ang Estados Unidos
pagkaraan ng Tratado sa Paris, may mga pangkating Pilipino na nakipaglaban
pa rin hanggang noong Hunyo 15, 1913.

EDUKASYON AT PANITIKAN
 Hindi pa rin naging madali sa mga Amerikano ang pagpapanggap sa mga
Pilipino ng uri ng kanilang kolonyalismo. Gumamit ng estratehiya na
naaayon sa bisyon ni Presidente Franklin Roosevelt.
 Edukasyong Pampubliko (ingles ang midyum ng pagtuturo)
 Isinilang ang panitikan sa wikang Ingles bunga ng pagtuturo ng mga
gurong ipinadala ng kanilang pamahalaan, katuwang ang pang-akit na
pagiging pensionado o iskolar sa mga unibersidad sa Estados Unidos.
 Sa ganitong paraan nagaganap ang sinasabi ni Renato Constantino na
“mis-edukasyon ng mga Pilipino” gayundin ang pagpapatibay ng
pangingibabaw ng panitikang Pilipino sa wikang Ingles hanggang
dumating ang mga pagbabago sa dekada sisenta at sitenta.

MGA TIPONG PAMPANITIKAN


• Bukod sa mga tipong pampanitikang patuloy na nabuhay mula pa bago
dumating ang mga Kastila hanggang sa rebolusyon laban sa mga
Amerikano, nadagdag pa ang sarsuwela, dulang makabayan, dagli,
balagtasan, sanaysay at anekdota.
• Sa malaon, payayabungin din ng mga manunulat na Pilipino sa wikang
Ingles ang sining ng maikling kuwento, nobela at tula sa malayang
taludturan.
• Sa pananaw ng mga Amerikano, ang panitikan sa Tagalog, sa wikang
Kastila, at sa iba’t ibang wika sa Pilipinas na tulad ng Iloko, Hiligaynon,
Cebuano, Bicol, Kapampangan at iba’t ibang etnikong grupo sa lugar ng
mga Muslim ang nagpatuloy sa paglaganap(naging popular).

1. Ang Pagsulong ng Dramatistang Pilipino


• Matutunton ang makasining at malikhaing lakas ng dramatistang
Pilipino sa isang moro-moro ni Francisco Baltazar na nakaugnay sa
lipunan.
• Jose Rizal (naimpluwensiyan din ni Baltazar), gumamit siya ng
katutubong mga detalye, mga tauhan at tema nang sulatin niya ang
Junto al Pasig.
• Andres Bonifacio – miyembro ng pandulaan(masining, naglalapat ng
wika).
2. Ang Pinagmulan ng Sarsuwela
Ayon kay Nicanor Tiongson,
• Ang sarsuwela sa Pilipinas ay isang dulang kadalasang nakasulat sa
prosa na may kasamang mga pagkanta at pagsayaw.
• May isa hanggang limang yugto ito at naglalarawan ng malikot at
eksaheradong pag-iibigan ng mga di-realistikong tauhan at sinasamahan
ng ngangayuning mga isyung panlipunan, pampulitika, pang-ekonomiya
at pangkultura para maging kawili-wili at makabuluhan.
• Bukod sa sarsuwelang Kastila, may impluwensiya rin sa pag-unlad ng
sarsuwelang Pilipino ang saynete na isinulat ng mga dramatistang
katutubo.

3. Ang Sarsuwela sa mga Probinsiya


• Ayon din kay Tiongson, itinanghal ang unang sarsuwela noong 1890
batay sa liberetto ng isang di-kilalang dramatistang Bulakenyo at may
musika ni Isidoro Roxas.
• 1900 – Bacolor Pampanga ang Ing Managpe (Ang Magtatapal) ni Mariano
Proceso Pabalan
• 1901 – Gugma sa Yutang Natawhan (Pag-ibig sa Tinibuang Lupa) ni
Vicente Soto na unang itinanghal sa Cebu
• 1907 – itinanghal ni Asisclo Jimenez ang Pagkamoot sa Banuang
Tinubuan (Pag-ibig sa Tinubuang Lupa) sa Sorsogon
• 1908 – ang CodigoMunicipal (Batas Munisipyo) ni Mena Pecson
Crisologo ay itinanghal sa Vigan

a. Catalino S. Palisoc
- Ang Sarsuwelistang Pangasinan (Rehiyon III)
• Batay sa pananaliksik ni Prinscelina P. Legasto, may dalawang dosenang
manunulat ng mga sarsuwelang Pangasinan. Pangunahin si Catalino
Sison Palisoc (1865-1932) na nakasulat ng mahigit-kumulang na
labindalawang sarsuwela.
b. Pablo de Guzman Mejia
- Katipunerang Sarsuwerlista (Rehiyon III)
• Higit na makulay ang buhay.
• Artes Liberal sa Unibersidad Santo Tomas, nagpakadalubhasa sa musika
sa Japan, naging aktibo siya sa Katipunan at sumapi pa sa isang
samahan ng mga Mason.
• Cabanatuan(pagtakas) – San Miguel(tinortyur) – Maynila(pagkarinig na
pinarusahan na ng kamatayan si Jose Rizal)
• Sumulat ng isang mahabang tula na alay sa bayani, Bilay kan Kalkalar
nen Rizal (Buhay at Aral ni Rizal)
• Isinalin din niya ang Mi Ultimo Adios sa wikang Pangasinan
Mga naisulat na Sarsuwela
• Basingkawel (Pangangampanya)
• Dusay Lipot (Parusa sa Kataksilan)
• Panaon Aman (Lumang Panahon)
• Silib na Tubon Balo (Katalinuhan ng Bata)
• Divorcio (Diborsyo)

ANG MGA DULANG SUBERISIBO


• Itinaguyod pa ng mga Amerikano ang paggamit ng panitikan bilang
patunay ng isang aspekto ng demokrasya, ang kalayaan sa
pagpapahayag, kaya natuwa ang mga Pilipino.
• Pinigil pati ang pagtatangahal ng mga sarsuwela.
• Ngunit mainit pa ang damdaming makabayan ng mga Pilipino, lalo’t
nagapi sila ng lakas-Amerikano.
• Hindi naging sapat, kung gayon, ang sarsuwela sa pagpapahayag ng
kanilang damdaming makabayan.
• Nakalikha ang mga dramatista noon ng mga dula na nagpapakita ng
nangyari sa Pilipinas sa kamay ng mga sumakop dito kaya’y hantarang
naglalahad ng kasalukuyang kalagayan ng kapuluan sa ilalim ng bagong
kolonyalista.
• Napatala ito sa mga aklat ng kasaysayan bilang “subersibong” dula
• Kahit nagpatibay ng Batas Sedisyon ang militar na pamahalaan noon,
hindi napigil ang pagtatanghal ng mga dula noon sa pangunguna ni

Aurelio Tolentino
• Kapampangan
• Mahusay sa Tagalog at Kastila
• Editor ng mga pahayagang Kastila (El Pueblo at El Impercial) at
• Kapampangan (Ang Emengabuan)
• Naging isa sa mga unang kasapi ng Katipunan, isa siyang guro at
kawani sa pamahalaan, ngunit nabilanggo nang pumutok ang
himagsikan.
• Pagkasuko ni Aguinaldo, sumapi siya sa isang rebolusyonaryong
kilusang itinatag ni Artemio Ricarte.
• Makasiyam siyang nabilanggo.
• Karaniwang patama sa mga Amerikano at reaksiyonaryo ang mga dula ni
Tolentino.
• Kahapon, Ngayon at Bukas – Mayo 14, 1903, Teatro Libertad
• Nilusob, dinakip at inakusahan ng sedisyon, sinentensiyahang
mabilanggo.

You might also like