nina Prop. Rommel Rodriguez, Prop. Clemen Aquino at Prop. Luna Sicat-Cleto ng Unibersity of the Philippines – Diliman
Ang tinalakay dito ay tungkol sa halaga ng Wikang Filipino sa larangan
ng pagsulat – malikhaing pagsulat at pananaliksik. Pinag-usapan ang paghikayat ng unibersidad sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kurso o disiplina na matutong magsulat sa Filipino sa larangan ng pagsulat o pananaliksik.
Sapagkat ang wika’y panlahat, dapat natin itong gamitin sa pang-araw-
araw na pakikipag ugnayan at pakikipag-usap sa lahat ng mga Pilipino dahil hindi lamang ito nagsisimbolo ng isang dayalekto sa Pilipinas kundi ito’y panlahat. Kagaya ng sinabi ni Jose Rizal, “Ang Hindi Marunong Magmahal sa Sariling Wikay ay Higit Pang Mabaho sa Malansang Isda.” Ang wikang ito ng ating pambansang bayani ay isa lamang sa kanyang mga makabayang pamana tungkol sa pagmamahal sa ating sariling wika, ang Wikang Filipino. Ang paalalang ito ng ating bayani ay hindi dapat kalimutan sapagkat ang ating wika’y huwad din sa iba at dapat ipagmalaki.
Dapat natin itong gamitin at nang ito’y hindi maglaho sa susunod na
henerasyon. Ang panghihiram ng mga salita sa ibang wika ay hindi dapat natin itakwil, bagkus ating itong tanggapin ng buong puso sapagkat parte ito ng ating nakaraan, na tayo ay naging sakop ng ibang mga bansa gaya ng Espanya at ng Amerika. Ang mga wikang hiniram natin sa mga bansang ito ay dapat nating ipagmalaki sapagkat isa lamang ito sa mga magagandang pamana ng mga bansang sumakop sa atin noong una. Hindi rin natin dapat itakwil ang mga salitang ipinamana ng iba pang mga dayuhan na nag-ambag upang mapayaman ang wikang Filipino gaya na lamang ng mga tsino na kung saan hindi man nila sinakop ang Pilipinas ay nakipag ugnayan naman ito ng kanilang mga produkto at kagamitan bago pa man dumating ang mga mananakop sa atin. Ipagmalaki natin ang ating ugnayan sa kanila lalunglalo na ang kanilang mga ipinamanang wika.
Mahalaga ang pagkakaroon ng self-identity o kakanyahan. Ang simbolo
ng isang bandila, isang marcha national, isang pambansang awit, isang pambansang bulaklak, isang pambansang kasuotan ay makabuluhang lahat bilang mga tanda ng kakanyahan at pagsasarili. Ngunit ito ay mga tanda lamang, isang simbolo. Nangangailangan ng kahulugan sa mga gumagamit ng mga simbolo. At mas mahalaga ang kahulugan kaysa sa simbolo. Ang simbolo ay simbolo lamang, walang kabuluhan kung wala roon ang damdamin ng mga gumagamit ng simbolo. At ang mga palatandaan ay maaaring palitan, gawing makabago kung kailangan.
Kaya, tayong mga Pilipino, huwag tayong mahiya sa ating wika.
Ipagmalaki, pagyamanin, at gamitin natin ito kagaya ng ginawa ng ating pambansang bayani na si Rizal na kahit marami na siyang alam na wika’y taas noo parin niyang ginamit ang ating wikang Filipino sa kanyang mga obra kahit saan man siya pumunta. Isa lamang halimbawa nito ang kanyang pagsalin ng mga obra ng dayuhang manunulat sa ating wika. MGA PAMAMARAAN SA PAGSASALIN 1. Salita-sa-salita - sa pagsasaling ito, ang ayos ng mga salita ay nanatili.
2. Literal - ang gramatikal na pagkabuo ng wikang isinasalin ay hinahanap
sa pinakamalapit na katapat nito sa target language.
3. Matapat - ang pagtatangkang maisalin ang tiyak na kahulugang
pangnilalaman ng wikang isinasalin sa istrukturang panggramatika ng Source Language.
4. Semantik - naiiba ito sa matapat na pagsasalin dahil dito binibigyan
diin ang estetiko, ng tunog pagiging natural; ang mga kulturang salita ay hindi gaanong binibigyan diin.
5. Adaptasyon - ito ang pinakamalayang anyo ng pagsasalin.
6. Malaya - kadalasan ang saling ito ay malayo na sa orihinal. Ito rin ay
kadalasang mas mahaba kaysa orihinal at maaaring sabihing hindi na salin.
7. Komunikatibo - pagtatangkang magbigay pakahulugan sa nilalaman sa
paraang katanggap- tangap at nauunawaan ng mambabasa. Literal na pagsasalin. Naniniwala si Newmark na ang literal na salin ang pangunahing hakbang sa gawaing pagsasaling-wika; ang semantika at komunikatibong pagsasalin ay kapwa nagsisimula sa paraang ito. Mula sa literal na salin mahuhugot natin ang mga kahulugang nakapaloob, nakapagitan o nakakubli sa pagitanng mga salita.