You are on page 1of 3

Sagutang Papel Module 3

Pangalan: Gonzales,Kevin John A.Kurso:BAPOS-1Iskor:

Paunang Gawain: Pakinggan ang awit na “Pitong Gatang” ni Fred Panopio. Pagkatapos
ay sagutin ang ilang katanungan hinggil dito. (https://www.smule.com/song/fred-panopio-
pitong-gatang-karaoke-lyrics/779721848_1779982/arrangement)

Takakayin:

a. Hinggil saan ang pinakinggang awit?

Ang awit na Pitong Gatang ay nagpapakita ng ugali ng mga tao sa kilalang kalsada na ang
pangalan ay Pitong Gatang. Halina at ating himayin ang mga liriko ng kanta.

b. Ilarawan ang lugar na pinangyarihan ng “kasaysayang nalaman” na binanggit sa


awit. Mayroon din bang ganito sa inyong lugar?

Sinasabi sa kanta na nangyayare ang mga pinag-uusapang “kasaysayang nalalaman” sa isang


munting tindahan sa bukana ng Umbayan. Ma-swerte ako at walang nangyayareng ganto sa
amin dahil abala ang mga tao ditto sa nayon na ang tinitirhan.

INTEGRASYON:
A. Magbigay ng tig - tatlong halimbawa ng komunikasyong di berbal at gamitin ito sa pangungusap.

1. Kumpas ng kamay

Itinaas ko ang aking kamay habang ako ay binubulyawan ng aking Kuya, nais kong iparating sa
kanya na hindi ako lalaban sa ano man ang kaniyang sinasabi.

2. Ekpresyon ng mukha

Kitang kita sa mukha ng aking kaybigan ang lungkot na kaniyang nadarama sa kadahilanang
hindi na niya anabutan kung sino man ang nakasagasa sa kaniyang aso.

3. Pandama

Hinaplos ko ang kaniyang likod habang siya ay umiiyak sa pagkawala ng kaniyang alagang aso.
B. Pumili ng isa mula sa sitwasyon sa ibaba at talakayin ayon sa sentro ng usapan at sagutin
ang mga kaugnay na tanong.

Sitwasyon 1. Palagiang bumibisita sa bahay si Mang Jaime, 54 taong gulang, balo.


Bumibisita siya sapagkat kaibigan siya ng aking tatay at kasamahan niya dati sa
trabaho. Nagkakataon lamang na kapag bumibisita siya ay nagpupunta sa bayan si
tatay dahil naroon ang kanyang mga parokyano ng gulay at prutas. Nabalita na lamang
isang araw na mayroon daw kaming relasyon ni Mang Jaime. Kaya umasenso ang
negosyo ng tatay ko ay binibigyan ako ni Mang Jaime ng malaking halaga ng pera at
ginagamit iyon ni tatay sa kaniyang negosyo. Hindi ito totoo.

Batay sa napiling sitwasyon, Sagutin ang mga tanong na inilaan.

1. Ano ang pinag-uusapan sa napiling sitwasyon?

Binibigyan ng mga tao ng malisya ang pagdalawang ni Mang Jaime sa tatay ng tao
sa istorya.

2. Anong suliranin ang nailahad sa sitwasyon? Paano mo ito mabibigyan ng


solusyon?

May kumalat na tsismis na may relasyon daw ang taong nagsasalita sa kwento at
si Mang Jaime, ito daw ang dahilan kung bakit lumalago ang negosyo ng kanyang
tatay ngunit wala naman itong katotohanan.

Hindi lahat ng problema ay dapat lutasin, ang tsismis ay magsisilbi lamang na


tsismis hanggat hindi ito napapatunayan. Hindi mo pwedeng ibaba ang iyong sarili
sa kanilang lebel upang mapatunayan lang na mali sila.

3. Mabuti ba ang naidudulot nito? Magbigay ng halimbawang pagkakataon na ang


tsismis ay nakapamiminsala.

Kahit kailan man ay hindi naging maganda ang tsismis, nakakawala ito ng respeto
sa sarili kung ikaw ay lumalahok sa ganitong gawain, higit sa lahat ay hindi
magandang pag-usapan ang buhay ng iba dahil hindi ito tama.

Nagkaroon ako ng karanasan sa ganyan sitwasyon, ako ay ibinalitang nakikipag-


mabuti sa isang dalaga at nang mga panahong yaon ay meroon akong nobya,
kami ay nag-away dahil napaniwala siya ng mga tao na ako ay merong ibang
nobya.

4. Paano kung isang araw ikaw naman ang pinag-usapan? Paano mo ito lulutasin?

Hanggat ang mga taong importante sa aking buhay ay hindi naniniwala sa ano
mang mga masasamang ibinabalita nila tungkol sa akin ay wala akong pake-alam.
Hindi ko ugaling mag-pagod para lamang linisin ang aking pangalan sa mga mata
ng mga taong mapang-husga.

C. Sumulat ng isang sosyo-kultural na papel hinggil sa gampanin ng wikang-Filipino sa


pagpapanatili ng pagpapahalaga sa kulturang Filipino.
Mga alituntunin sa pagsulat.
a. Ang sosyo-kultural na papel ay dapat hindi lalagpas sa 100-300 na salita.
b. Dapat magtaglay ng maayos at makabuluhang paksa.
c. Ang sosyo kultural na papel ay sulat kamay.

Ang wikang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang lugar. Sa lugar na
ito, gumamit ang mga tao ng wikang magbubuklod sa kanila. Sa wikang ito naipahayag ang
nabuo nilang karunungan, paniniwala, sining, batas, kaugalian, pagpapahalaga, at iba pang
kaangkinang panlipunan. Ang mga ito, na kultura sa kabuuan, ay nagpasalin-salin sa bawat
henerasyon sa pamamagitan din ng wikang yaon.
Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng pakikisalamuha ng
mga katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan na may naiibang kultura - ang wikang
ginagamit na kasangkapan sa pakikipamuhay ay yumaman sa salita. May mga salitang hiram at
ligaw na ganap nang inangkin. Sa paggamit sa mga katawagang ito sa mga pahayag na may
kayarian o kaanyuang katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita
ay nagkaroon narin ng katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay at karakter na Pilipino, at naging
kasangkapan na sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino.

You might also like