You are on page 1of 48

YUNIT III- MGA

GAWAING
PANGKOMUNIKASYO
N NG MGA PILIPINO
1. Tsismisan
2. Umpukan
3. Talakayan
4. Pagbabahay-bahay
5. Pulong-bayan
6. Komunikasyong di-berbal
7. Ekspresyong Lokal
• Komunikasyon- nagbibigay buhay at
nagpapadaloy sa ugnayan ng mga tao habang
hinuhulma ang kanilang lipunan at kultura
• Kultura- kabuuan ng isip, damdamin, gawi,
kaalaman, karanasan na nagtatakda ng
kakanyahan ng kalipunan ng tao
• Wika- behikulo ng komunikasyon para sa
Panlipunang pagkakaintindihan at pagkilos;
daluyan, tagapagpahayag at impokan-kuhanan
ng isang kultura
• Interkultural na komunikasyon- ang
kulturang panloob ay hindi madaling
maunawaan ng mga bagong salta sa Pilipinas
• Kulturang panloob- pantayong pananaw at
Nagtataglay ng mga kagawian sa
pagpapahayag na di-tuwiran, paligoy-ligoy o
puspos ng pahiwatig
• Nasa kulturang Pilipino rin ang kahiligan
ng mga Pilipino sa pakikisalamuha at
pagiging bukas sa pagbuo ng relasyon sa
kapwa
TSISMISAN

• Isang pagbabahaginan ng
impormasyong ang katotohanan ya di-
tiyak
• Haba ng oras ay di-tiyak
• Tsismis- laman ng tsismisan
• Maaring totoo, bahagyang totoo, binaluktot
na katotohanan, dinagdagan o binawasang
katotohanan, sariling interprestasyon, haka-
haka, sadyang di-totoo o imbento
3 pinagmulan ng tsismis
1. Obserbasyon ng unang tao o grupo na
nakakita o nakarinig
2. Imbentong pahayag na may layong
manira ng kapuwa
3. Pabrikadong teksto ng nanlilinlang sa
grupo o madla
• Obserbasyon- naipamahagi ng walang
malisya; kumalat ng walang beripikasyon
• Imbentong pahayag- maghasik ng intriga
• Intriga- uri ng tsismis na nakasisira sa
reputasyon o pagkakaibigan
• Pabrikadong teksto- ginagamit ng
naghaharing-uri gaya ng politiko,
negosyante para manira ng kalaban, lituhin
ang bayan o takpan ang kabuktutan
• Chismes- pinagmulang salita ng tsismis;
salitang Español
• Tsismis- maaring makapagbigay ng
panimulang ideya sa isyung binibigyang-
pansin ng mga mamamayan
• Hamon sa pag-alam o paglalantad sa
katotohanan
• Dapat idirekta upang mapatotohanan o
mapasubalian
• Social marketing- takamin ang tao sa
teknolohiyang maaring ilako para
mapakinabangan ng marami
• Politikal na pananaw- ginagamit ng
naghaharing-uri bialng instrument ng
kapangyarihan para linlangin ang taong
bayan
UMPUKAN

• Impormal na paglalapit ng 3 o higit pang


magkakakilala para mag-usap ng
magkaharap; hindi planado
• Ang kalahok ay kusang lumalapit para
makiumpok
• ususero- kung ang lumapit ay hindi kakilala at
ang ginagawa’y manood at making
• Intrimitida, atribida o pabida- kung siya ay
sasabat sa umpukan
• Likas ang pagpapalitan, pagbibigayan,
pagbubukas-loob at pag-uugnay ng kalooban
• Pwedeng dumako sa seryosong talakayan,
mainit na pagtatalo, masayang biruan na
nauuwi sa pikunan, malokong kantiyawan, laro
at kantahan
• Pagkapikon- kulturang buhay na buhay at
masigla dahil sa biruan
• Ang paksa ay hindi planado o pinag-uaspang
mabuti
• Minsak nung sinong dumaan malapit sa
umpukan ang napapag-usapan
• Isang ritwal para mapanatili at mapalakas
ang ugnayan sa kapuwa
• Umuusbong ang paki sa kapuwa
• Sinusubukang umugnay sa isa’t isa; may
pakialam sa isa’t isa
SALAMYAAN

• Bukod sa kainan, kantahan, paglalaro ng


Bingo; ito ay umpukang may halong
tsismisan, talakayan, balitaktakan, biruan sa
silingan o tambayan sa Marikina
• Talastasang bayan na nabubuo ang salaysay
Mula sa loob, diwang pagkakapantay-pantay
sa kalahok
• Mula sa umpukan ng Marikenyong
magkakatulad ang interes at hanapbuhay
UB-UFON

• Tubong Kadaclan sa Barlig, Bontoc, Mt.


Province
• Nanirahan sa Baguio sa kadahilanang pang-
ekonomik
• Ginagawa sa isang itinakdang ator o dap-ayan
(lugar) na pinagsama-sama ng mga umili o
Magkakababayan para magpakilala, mag-
uasp sa iba’t ibang isyu, magbigay ng payo,
magturo ng tugtukon (customs/traditions)
• Maaring maganap kahit anong oras at lugar
kapag nagkasama-sama ang mga kailian
(kapwa katutubo)
TALAKAYAN: MASINSINANG PALITAN
AT TALABANNG KAALAMAN

• Pagpapalitan ng ideya ng 2 o higit pang


kalahok na may tukoy na paksa
• Mmaring pormal o impormal; harapan o
mediated
• Pormal na talakayan- may itinakdang
Pagpupulong na pinipili ang kalahok; may
taga-pagpadaloy (facilitator) natiyak sa daloy
ng diskusyon at asal ng kalahok
• Impormal na talakayan- nangyayari sa
umpukan, tsismisan, di sinasadyang pagkikita
• Layon ng talakayan- pagbusisi sa isyung
kinakaharap
• May pagkakataong nagkakinitan kaya
dapat may kalmadong kalahok na siyang
taga-awat o tagapagpalamig (neutralizer)
3 Bentahe ng Mediated na Talakayan
1. Naiigpawan ang hadlang sa distansiya
kung malayo ang ga kalahok
2. Maring tgapakinig o manonood ang
Naaabot kung nakahimpapawid
3. Ang midyang pangkomunidad ay mainam
gamitin sa gawaing pangkaunlaran kung
naltuon sa tukoy na pamayanan at may dulog
na partisipatori
PAGBABAHAY-BAHAY:
PAKIKIPAGKAPUWA SA
KANYANG TAHANA’T
KAPALIGIRAN
• Pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa
mga bahay ng isang pamayanan para
maghatid ng impormasyon, magturo ng
teknolohiya, komunsulta sa mga miyembro
• Hindi nalalayo sa pangangapitbahay
• Pangangapitbahay- nagpapalalim ng pagkilala
at nagpapanatag ng samahan ng mamamayan
• Nauuwi rin sa pakikikain, pakikipag
inuman o pakikitulog
• Isinasagawa ng kinatawan ng
pamahalaan na may tiyak na layong
panlipunan na nangangailangan ng
kontribusyon ng mga residente
MGA LAYON NG PAGBABAHAY-
BAHAY

• Politiko-Pangangampanya
• Halal na lider-Pagkonsulta sa programang
pangkaunlaran
• Kinatawan ng ahensiya ng gobyerno-Magbahagi
ng kaalaman sa makabagong teknolohiya
• Organisadong grupo- Mag-organisa ng
samahang sibiko
• Grupong panrelihiyon- Magsagawa ng
katesismo
• Pribadong institusyon- Mag-alok ng mga
produkto
• Mananaliksik- Magpasagot ng talatanungan
PULONG-BAYAN:
MARUBDOB NA
USAPANG
PAMPAMAYANAN
• Pagtitipon ng grupo ng mamamayan sa
itinakdang oras at lunan upang pag-usapan
ng masinsinan at pagdesisyunan ang
usaping pampamayanan
• Kalahok ay kinatawan ng iba’t ibang sector,
kinatawan ng pamilya o residenteng
apektado
SARAGPUNAN

• Tipunan ng mga Tagbanua sa Isla ng


Calauit sa Busuanga, Palawan
• Nagaganap sa malilim na lugar na may
malalaking batong nakaayos ng pabilog na
upuan ng kalahok
• Ang pabilog na kaayusan ay kumakatawan sa
balance at pagkakapantay-pantay
• Ang kabataan naman ay nag-oobserba upang
makasunod sa tradisyon kapag sila na ang
namumuno sa pamayanan
KOMUNIKASYONG DI-
BERBAL:PAGPAPAHIWATI
GAN SA MALAYANG
KALINANGAN
• Komunikasyong di- berbal- pagpapabatid
ng kahulugan sa pamamagitan ng samo’t
saring bagay maliban sa salita
• Naisasagawa sa pamamagitan ng
1. Paggalaw ng isang bahagi ng katawan
2. Kumbinasyon ng galaw ng ilang bahagi
ng katawan
3. Panahon ng pagsasalamuha
4. Pook ng pagsasalamuha
5. Kasuotan at borloloy sa katawan
6. Kulay
• Galaw ng bahagi ng katawan tulad ng
panlalaki ng mata, pagtaas ng kilay,
pagkunot ng noo
• Kombinasyon ng galaw ng ibang bahagi
ng katawan- pinagsama-samang pagkunot
ng noo, pagsasalubong ng kilay, panlilisik
ng mata
• Panahon ng pagsasalamuha- pagsusuot ng
dyaket kapag Enero at Disyembre sa
Pilipinas
• Pook at kaligiran- pagbabasa ng aklat sa
paaralan, umiiyak sa dalampasigan
• Kasuotan at borloloy sa katawan- uri ng
pananamit sa isang okasyon, emosyon sa kulay
ng damit
• Kulay- itim (malungkot); pambansang
pagkakalilanlan (watawat); dilaw (Cory at
Noynoy Aquino)
MGA EKSPRESYONG
LOCAL: TANDA NG
MATINGKAD, MASIGLA
AT MAKULAY NA
UGNAYA’T
KUWENTUHAN
• Ekspresyong local- salita o pariralang
nasasambit dahil sa bugso ng damdamin
• Walter Fisher- ang tao ay isang makuwentong
nilalang at anumang anyo ng komunikasyon
ay dapat tingnan bilang kuwento
• Timog Katagalugan- palasak na ekspresyon
ang “Nakupo, Hesusmaryosep”- pagkagulat,
Pagkabagabag o pag-aalala
• Ewan- kawalan ng tiyak na sagot
• Hayop- bumaba sa antas ng asal na
inaasahan
• Isa- nagbabanta na ihinto ang ginagawa
• Ano ba yan- pagkadismaya
• Di-tuwiran ang pagpapahayag ng
ekspresyon ng mag biro at pagpapatotoo
• Birong totoo
• Ekspresyong hiram tulad ng Yes at Wow
IBA PANG
KAGAWIAN: PAG-
UNAWA SA HITIK
NA KALINANGAN
• Pagbati gamit ang di-berbal na
ekspresyon- pagtango o pagkaway ng
isang kamay
• Pag-aalok ng pagkain- nagpapakita ng
pangkomunikasyon; kagandahang-loob
PUKKAW

• Pagsigaw o pagtawag
• Praktis ng mga Tingguian sa Tubo, Abra
• Nagtatalaga ng isang tao (manpukkaw) na
tagsigaw ng anunsiyo sa komunidad
• Manpukkaw- pinili ng konseho ng barangay,
malakas ang boses, matalas ang memorya,
mapagkakatiwalaan, responsible at magalang
• Ang madalas na mensahe ay pagpupulong,
ambon (nawawalang tao o hayop), sacp
(pangingisda ng tao sa Ilog Otip), payas
(bayanihan sa irigasyon), ganap (bayanihan sa
pangkalahatan, billete (kasal)
KOMUNIKASYON AT
WIKANG FILIPINO:
MAGKATAHING PUWERSA
NG PAG-UUGNAYAN,
PAGKAKAUNAWAAN AT
KAUNLARAN
• Ang pag-iral ng iba’t ibang gawaing
pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino
ay tanda ng mayamang tradisyon ng
malalim na pakikipag-ugnayan at
marubdob na pakikisalamuha ng mga
Pilipino na nakatahi sa katutubong wika

You might also like