You are on page 1of 44

YUNIT III

MGA GAWAING
PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
TSISMISAN: Istoryahan ng Buhay-
Buhay ng mga Kababayan
Hitik umano sa pahiwatig at ligoy ang
pakikipag-usap ng mga Filipino, dahil
nagmumula sila sa kulturang may mataas na
uri ng pagbabahaginan ng kahulugan, kompara
sa mga taga-Kanluran na itinuturing na may
mababang konteksto ng kulturang mababa rin
ang antas ng pagbabahaginan ng kahulugan.
Melba Padilla Maggay (2002) Ano ang paraan
ng komunikasyon ng mga Pilipino?
• Ang komunikasyon ang nagbibigay ng
buhay at nagpapadaloy sa ugnayan ng mga
tao habang hinuhulma nila ang kanilang
lipunan at habang hinuhulma rin sila nito
• Sa pag-iral ng komunikasyon, nililikha ang
kulturang tumatagos sa lahat ng aspeto ng
isang lipunan, politika, ekonomiya at iba
pa.
• Kailangan ng tao ang wika bilang behikulo ng
komunikasyon para sa panlipunang
pagkakaintindihan at pagkilos.
• Ang wika ang daluyan tagapagpahayag ay
impokan-kuhanan ng isang kultura na umiiral
at nagkakahugis sa proseso ng komunikasyon
ng mga taong patuloy ang pakikipag-ugnayan
at pakikisalamuha sa isa’t- isa.
• Ang ating kulturang panloob ay may
pantayong pananaw at nagtataglay ng
mga kagawian sa pagpapahayag na di
tuwiran, paligoy-ligoy o puspos ng
pahiwatig.
Ang salitang tsismis ay mula sa salitang
Kastila na “chismes.” Karaniwan, kapag
sinabing tsismis ay mga kuwento o pangyayari
na maaaring totoo at may basehan ngunit ang
mga bahagi ng kuwento o pangyayari ay
maaaring sadyang binawasan o dinagdagan
upang ito ay maging usap-usapan hanggang
tuluyan nang magkaroon ng iba’t ibang
bersyon.
Ang tsismisan ay isang pagbabahaginan ng
impormasyong ang katotohanan ay di-tiyak.
Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng
dalawa o higit pang magkakakilala o
magkapalagayang loob. Subalit ang tsismis
na siyang laman ng tsismisan ay nanggaling
din minsan sa hindi kakilala lalo na kung ito
ay naulinigan lamang sa nagtsitsismisan.
Ang tsismis ay maaring totoo, bahagyang
totoo, binaliktad na katotohanan,
dinagdagan o binawasang katotohanan,
sariling interpretasyon sa nakita o narinig,
pawang haka-haka sadyang di- totoo o
naimbentong kwento.
PINANGGALINGAN O
PINAGMULAN NG TSISMIS
1. Obserbasyon ng unang tao o grupong
nakakita o nakarinig sa itsinitsismis.
2. Imbentong pahayag ng isang naglalayong
makapanirang-puri sa kapwa
3. Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o
nanlilinlang sa isang grupo o sa madla.
Ang mali sa pagiging tsimosa ng mga Pinoy ay ang
pangtsitsismis hango sa inggit, na maaaring
nagmumula sa kakitiran ng isip natin. Ang
pangtsitsismis ay naging pasimpleng paraan na
upang makapanakit sa kapwa at mga kaaway.
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga
tsismosa, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na
maintriga ang mga tao sa mga sikreto at baho ng
iba.
Legal na Aksyon at mga
Patakaran na Kaugnay ng
Tsismis
Mukha mang simpleng bagay ang
pangtsitsismis, ito ay maaaring
makasama kung sumobra. Maaari
itong makasira ng reputasyon ng
isang tao at lubhang makaapekto sa
kalagayan ng pinag-uusapan.
Ang mga tsismis na naglalayong
makasakit ng tao at nakahahamak ng
dignidad ay itinuturing na paninirang puri
at may mga legal na aksyon na maaaring
gawin upang labanan ito at ipagtanggol
ang sarili gaya ng pagsampa ng kasong
libel o slander.
Kinilala ng ating Kodigo Sibil ang karapatan ng
bawat isa na maproteksyunan ang kanyang
dignidad, personalidad, pribadong pamumuhay,
at kapayapaan ng isip. Sinasabi sa Artikulo 26
na ang mga sumusunod na magkakatulad na
akto, bagamat hindi maituturing na krimen ay
maaaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon
(cause of action) para sa mga danyos, pagtutol
at iba pang kaluwagan:
1.Panunubok sa pribadong buhay ng iba;
2. Panghihimasok o pang-iistorbo sa
pribadong buhay o ugnayang pampamilya
ng iba;
3. Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang
isang indibidwal ay iiwasan ng kanyang
kaibigan;
4. Pang-aasar o pamaahiya sa iba dahil sa
kanyang paniniwalang pangrelihiyon,
mababang antas ng pamumuhay, lugar ng
kapanganakan, pisikal na depekto, at iba
pangpersonal na kondisyon.
Ayon sa Artikulo 353, ang libel ay isang pampubliko at
malisyosong mga paratang sa isang krimen o isang bisyo
o depekto na maaaring makatotohanan o kaya ay haka-
haka o anumang kilos, pagkukulang, kondisyon,
katayuan, o kalagayan na naging dahilan ng kasiraang-
puri, pangalan o pagpapasala sa isang likas o huridikal na
tao, o upang masira ang alaala ng isang namayapa na
(salin mula sa Artikulo 353, RPC).
Itinuturing na libelo ang isang akto
kung ang mga paninira ay pinaraan sa
pasulat o broadcast na midyum,
samantalang oral defamation naman
kung ang gagamitin na midyum ay
pasalita.
YUNIT III
MGA GAWAING
PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
Umpukan: Usapan, Katuwaan at Iba pa
sa Malapitang Salamuhaan
Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang
paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o
pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang
okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan.
Ang umpukan ay impormal na paglalapit ng
tatlo o higit pang mga kakilala para makausap
ng magkakaharap. Ito ay hindi planado o
nagaganap na lamang sa bugso ng
pagkakataon.
Ang mga nagiging kalahok sa umpukan
ay mga kusang lumalapit para
makiumpok, mga di sadyang
nagkakalapit lapit o mga niyayang
lumapit. Sa pagkakataong hindi kakilala
ang lumalapit siya ay masasabihang
isang usisero.
SAAN MADALAS NAGAGANAP
ANG UMPUKAN?
PAARALAN
OPISINA
KORTE SUPREMA
TAMBAYAN SA KANTO
TABING DAAN
ANYO NG UMPUKAN
1. SALAMYAAN- isang uri ng
umpukan sa Marikina kung saan tampok
ang kainan, kantahan, paglalaro ng
bingo kasama na din ang tsismisan,
talakayan, balitaktakan,biruan at iba pa
na nagaganap sa silungan o tambayan.
2. UB- UFON - mula sa Barlig Mountain
Province. Ito ay itinakdang pagsasama sama ng
magkababayan para magpakilala, mag-usap
hinggil sa iba’t-ibang isyu, magbigayan ng
payo, magresolba ng mga alitan, magturo ng
tugtukon (custom and tradition) sa mga
nakababata, mag-imbita sa mga okasyon at
magtulungan sa mga problema kagaya ng
pinansyal na pangangailangan.
YUNIT III
MGA GAWAING
PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
Talakayan: Masisinang Palitan at
Talaban ng Kaalaman
Ang talakayan ay pagpapalitan
ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit
pang kalahok na nagkakaroon nang
tukoy na paksa. Ito ay maaring
pormal o impormal at pwedeng
harapan o mediated o gumagamit ng
anumang midya.
Ang karaniwang layon ng talakayan ay
pagbusisi sa isyu o mga isyung kinakaharap ng
isang tao, isang grupo, buong pamayanan o
buong bansa para makahalaw ng aral,
magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan,
maresolba ang isa o nakakawing na problema at
makagawa o makapagmungkahi ng desisyon o
aksyon
Uri ng Pagtatalakayan
1. Impormal na Talakayan - Ito ay malayang
pagpapalitan ng kuru- kuro hinggil sa isang paksa
at walang pormal na mga hakbang na sinusunod.
Ito ay binubuo ng lima hanggang sampung katao.
2. Pormal na Talakayan - Nakabatay sa tiyak na
mga hakbang, may tiyak na mga taong
mamamahala at mamumuno ng talakay.
Nakahanda ang mga sa kanilang paglalahad,
pagmamatuwid o pagbibigay ng kuru-kuro.
Mga Uri ng Pormal na Talakayan
1. Panel Discussion - Binubuo ng tatlo o
apat na kasapi at isang pinuno na umuupo
sa harapan ng mga tagapakinig.
2. Simposyum - kahawig ng panel
discussion pero it ay meroong tiyak na
paksang tatalakayin ng bawat kasapi sa
panel.
3. Lecture-Forum o Panayam - ito ay
isang malaking pagtitipon sa ilalim ng
mga pinunong maglalahad ng
mahalagang suliranin. maaaring
maglahad at magtalakay ng maraming
paksa at pagkatapos ay malayang
pagtatanong upang linawin ang paksang
tinalakay.
Ang talakayan o debate dayalogo ay
isasagawa kung kailan magkaroon ng bagay na
hindi mapag- kaunawaan at nanga-ngailangan
ng paglilinaw ng magkatunggali sa layunin
upang mangingibabaw ang katotohanan, kaya
nararapat na ayusin ang mga salita, linawin ang
mga katibayan, iwasan ang mga agam-agam sa
salita o pananaw at paniniwala.
Samakatuwid ang talakayan ay isang
paraan upang ang katotohanan ay
mapatunayan at mapanatili sa
pamamagitan ng mga katanggap-
tanggap na basehan at katibayan kung
saan ito ay nararapat na ibabahagi ng
buong katapatan at katapangan ng bawat
panig at katunggali.
Pangkatang Talakayan
1. Impormal na Debate o Pagtatalo -
Karaniwang isinagawa sa loob ng klase
kapag may napapanahong isyung pinag-
uusapan. Wala itong mga tuntuning
sinusunod at malayang makapagsasalita ang
lahat tungkol sa panig na gusto nilang
pangatwiraan.
2. Formal na Debate - Kontrolado ng
mga mahigpit na tuntunin at alintuntunin
ang debating ito. May dalawa itong
pangkat ng mga magtatalo para sa panig
afirmatibo o negatibo. Magpapalitan sila
ng talino batay sa ilalahad na matitibay
na katwiran at katibayan.
YUNIT III
MGA GAWAING
PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
Pagbabahay-bahay: Pakikipag-kapwa
sa Kanyang Tahana’t Kaligiran
Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta
ng isang tao o isang grupo sa isang bahay sa isang
pamayanan para maghatid o kumuha ng mahalagang
impormasyon, magturo ng isang teknolohiya,
komunsulta sa mga miyembro ng pamilya, hinggil sa
isyu o programa, mangumbinsi sa pagsali sa isang
paligsahan o samahan o maghimok na tumangkilik sa
isang produkto, kaisipan, gawain o adbokasiya. Mainam
din itong pamamaraan upang pag-usapan ang mga
sensitibong isyu sa isang pamayanan.
Iba`t ibang layon ng pagbabahay - bahay
1. Mga politiko para mangampanya tuwing eleksyon.
2. Mga nahalal na kinatawan o lider nila mula sa local
na pamahalaan
3. Mga kinatawan ng ahensya ng gobyerno para
magbahagi ng mga kaalaman sa bagong teknolohiya
pangkabuhayan o pangkalusugan, manghimok sa mga
tao na makiisa sa proyekto ng local na pamahalaan o
magtasa sa kinalbasan ng mga proyekto.
4. Mga organisadong grupo sa loob at labas ng
pamayanan para mag- organisa ng mga grupong
pansibiko, maghimok sa mga tao na lumahok sa
mga proyektong pangkaunlaran, magsulong ng
iba’t- ibang isyung panlipunan at makatulong sa
mga tao na maunawaan ang mahihirap o
mapanghamong sitwasyon na kinalalagyan nila.
5. Mga grupong pangrelihiyon na nagsasagawa ng
mga ketesismo o nangangaral ng salita ng Diyos
6. Mga pribadong institusyon para
magsulong ng mga proyektong bahagi
ang kanilang corporate social
responsibility at mag-alok ng mga
produkto.
7. Mga mananaliksik na nagpapasagot ng
mga talatanungan, nakikipag- ugnayan o
nakikipagkwentuhan.
YUNIT III
MGA GAWAING
PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
PULONG-BAYAN: Marubdod na
Usapang Pampamayanan
Ang pulong-bayan ay ang pagtitipon
ng isang grupo ng mamamayan sa
itinakdang oras at lulan upang pag-
usapan nang masinsinang at
pagdesisyunan kung maaari ang mga
isyu, kabahalaan, problema, programa at
iba pang usaping pampamayanan.
Kasama sa maaring layon ng pulong-bayan
ang pagkonsulta sa mga
mamamayan,paghimok sa kanila na
sumuportao sumama,pagpaplano kasama sila,
paggawa ng isang desisyon na binabalangkas
nila p pagmomobilisa sa kanila hinggil sa
isang isyu, problema, gawaino programang
panlipunan.
Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino
upang mapagusapan nang maayos ang
mga bagay-bagay.
Ito ay pagpupulong ng mga taong
naninirahan sa isang bayan upang
pagusapan ang mga suliranin, hakbang
at maging ang mga inaasahang
pagbabago.
Ito ay pangkomunikasyon na
pamamaraan ng mga Pilipino.
Dito maaaring sabihin ng mga
kalahok ang kanilang saloobin.
Lahat ay binibigyan ng
pagkakataon makapagsalita.

You might also like