Professional Documents
Culture Documents
Ang kritisismong pangkasaysayan ang isa sa mga nangungunang lapit sa pagsusuri ng datos.
May iba’t-ibang pamamaraan krisismong pangkasaysayan na magagamit hindi lamang sa
kasaysayan kundi sa iba pang akademikong larangan ng humanidades, agham panlipunan at
agham pangkalikasan.
KRITISISMONG PANLABAS AT PANLOOB
Kung ang pag-susuri ng datos ay ayon sa awtentisidad at kredibilidad nito, napakahalaga ang
pagdaan sa dalawang bahagi o hakbang ng kritisismong panlabas at panloob. Batay sa monograp
ni Navarro (2000), ang kritisimong panlabas ang kritisismo ng awtentisidad, kapanaliganan,
at katunayan samantalang ang kritisismong panloob ang kritisismo ng kredibilidad,
kapaniwalaan, at katotohanan.
May kinalaman ang kritisimong panlabas sa pagkilala kung awtentiko o hindi awtentiko; huwad
o hindi huwad; o tunay o hindi tunay ang datos.
Halimbawa: awtentiko ba ang isang bangang diumano ginamit ng mga sinaunang tao sa
kapuluang Pilipino? O kaya’y peke ba ang sinasabingdokumentong sinulat ni Antonio Pigafetta
tungkol sa kapuluang Pilipino noong ika- 16 na dantaon?
Sa kritisismong panlabas, mahalaga ang pagtatakda ng pinanggalingan at pagwawasto ng
datos o restitusyon.
Sa pagtatakda ng pinanggalingan, mahalagang maipakita ang kapanaliganan o saligan ng datos
ayon sa konteksto nito na isinasaalang-alang ang tatlong element ng kasaysayan na panahon,
lugar, at tao.
SALIKSIK: Gabay sa Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan, at Sining.
Hernandez(1999) at Navarro (2000), mahalagang magkaroon ng impormasyon tungkol sa petsa,
kapaligiran at may-akda o maylikha ng datos. Tinitiyak kung kapanahon o hindi kapanahon o
kasabay o malayo sa mga pangyayari ang datos. Tinitiyak din ang kapaligiran ng datos batay sa
mga kaayusan at kayariang pangkabihasnan. Tinitiyak kung mula sa loob o labas ng kabihasnan
ang datos.
Tinitiyak din ang mga impormasyon tungkol sa pagkatao ng may-akda o maylikha ng datos
bilang pribado o opisyal/publiko. Kinakailangan ding maging tiyak kung ang pagkalap ng
impormasyon ng may akda o maylikha ay bilang saksi, mula sa saksi, o hindi saksi sa mga
kaganapan (conjuncture) o pangyayari (events) na nagtatakda ng pagiging primary, sekondarya, o
terserang datos nito.
KRITISISMONG PANLABAS:
PAGTATAKDA NG PINANGGALINGAN
Sa nakasulat na datos, maaaring hanapin ang petsa, kapaligiran, at may-akda sa mismong
dokumento upang matiyak ang awtentisidad, kapaniligan, at katayuan nito. Kung luma na
ang nakasulat na datos gaya ng dokumentong sinulat diumano ni Pigafetta noong ika-16
na dantaon , maaring hanguin ang petsa, kapaligiran at may akda sa pamamagitan ng pag
aaral at pagsusuri sa papel at tinta ; estilo ng pagsusulat sa sulat - kamay ; kataga ,
pananalita at wikang ginamit ; at katangian , kaugalian at pangyayaring ibinubunyag ,
inilalarawan at tinutukoy sa mismong dokumento . Kinakailangan ang kasanayan sa mga
ganitong uri ng pag aaral at pagsusuri sa nakasulat na datos.
Mas mahirap tiyakin ang petsa ,kapaligiran , at maylikha ng hindi nakasulat na datos
tulad ng bangang sinasabing ginamit ng mga sinaunang Pilipino.
Kadalasang nangangailangan ng mga katulong na disiplina sa larangan ng agham
pangkalikasan lalo na sa siyensya’t teknolohiya upang maitakda ang pinanggalingan ng
hindi nakasulat na datos.