You are on page 1of 4

Kritisismong Panloob

Sinasabing ang kritisismong panloob ay ang pagsusuri sa intension ng awtor sa


dokumentong pangkasaysayan. Dito nakikita ang kredibilidad ng isang awtor sa
paggawa ng akda.
Libro: Cavite, Su Glorioso Pasado (Cavite, Her Impressive History) Volume I
Awtor: Translated by Regino P. Paular, PhD
Ang awtor ng libro na ito ay masasabing may kredibilidad sa paggawa ng mga
akda sa mga kadahilanang nagpapatunay na malawak ang kanyang kaalaman sa pag-
aaral ng kasaysayan at marami na siyang mga naging pagkilala bilang isang awtor. Isa
pang dahilan na nagpapakita ng kredibilidad ang awtor ay ang kanyang paggamit ng
mga wastong uri ng batis bilang mga reperensya ng kanyang akda. Ang mga batis na
ginamit ng awtor ay talagang nakatulong upang mas mapatunayan ang kredibilidad ng
akda dahil naglalaman ito ng mga pisikal na ebidenya sa pamamagitan ng paggamit ng
mga litrato at istatistiks. Si Regino P. Paular ay dating Chief of the Historical Education
Division of the National Historical Institue at Executive Member ng National Historical
Committee, Subcommission on Cultural Heritage at National Commission for Culture
and Arts. Siya ay nakapagtapos ng BS Associate in Arts at Bachelor of Arts (A.B. Cum
Laude) Psychology/English sa De Lasalle-Araneta University. Nagtapos siya sa Colegio
de San Juan de Letran para sa kanyang degree of Teacher’s Diploma Major Course in
Spanish, at sa kalaunan ay nagtapos sa Instituto de Cooperacion Iberoamericana sa
Madrid, Spain para sa kanyang degree of M.A. Bilang isang manunulat, nakapag-
ambag ng mahigit 50 essays at mga artikulo sa wikang Ingles, Espanyol, at Tagalog
patungkol sa Kasaysayan ng Pilipinas, Psychology, Espanya, at kay Rizal para sa mga
publikasyong pangnasyonal; ito ay ang Annual Independence Day Souvenir Magazine,
Annual Rizal Day Souvenir Magazine, Manila Bulletin, Philippine Star, Phillipine Daily
Inquirer, Journal of History, Journal of Psychology, Philippine Studies, at ACTAS.
Libro: BAHRA The History, Legends, Customs and Traditions of Ternate, Cavite
Awtor: Dr. Evangelino Z. Nigoza
Ang awtor ng libro na ito ay masasabing may kredibilidad sa paggawa ng mga
akda sa kadahilanang siya ay isang tunay na tubong taga-Ternate, Cavite;
nagpapatunay na may malalim siyang kaalaman sa kasaysayanng lugar. Isa pang
dahilan na nagpapakita ng kredibilidad ang awtor ay ang kanyang paggamit ng mga
wastong uri ng batis bilang mga reperensya ng kanyang akda. Ang mga batis na
ginamit ng awtor ay talagang nakatulong upang mas mapatunayan ang kredibilidad ng
akda dahil naglalaman ito ng mga pisikal na ebidenya sa pamamagitan ng paggamit ng
mga litrato, mga pangalan ng maimpluwensyang tao sa panahon noon, at ilang mga
awit na popular sa lugar. Si Dr. Nigoza ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in
Education sa University of Manila, Master of Arts in Education sa Saint Joseph College,
Cavite City, at Doctor of Education sa EARIST. Ito ang nagpapatunay na ang awtor ay
dumaan sa mahaba at malalim na pag-aaral upang mas magkaroon siya ng kaalaman
at kasanayan sa kanyang propesyon. Siya din ay nagsilbi bilang kasapi ng DepEd-
Ternate, Municipal Government, at ilang mga non-government institutions sa Ternate.
Sa kasalukuyan,si Dr. Nigoza ay presidente at may-ari ng Cavite West Point College,
dahil sa mga katungkulang ito, napatutunayan na ang awtor ay may sapat at malalim na
kaalaman sa kasaysayan ng Ternate.
Libro: Ladislaw Diwa at ang Katipunan
Awtor: Emmanuel Franco Calairo
Ang awtor ng libro na ito ay masasabing may kredibilidad sa paggawa ng mga
akda patungkol sa kasaysayan sa kadahilanang mayroon siyang sapat na kaalaman at
talagang matagal at masusing pag-aaral sa kanyang propesyon. Isa pang dahilan na
nagsasabing kredibilidad ang awtor ay ang kanyang paggamit ng mga wastong uri ng
batis bilang mga reperensya ng kanyang akda. Ang mga batis na ginamit ng awtor ay
talagang nakatulong upang mas mapatunayan ang kredibilidad ng akda dahil
naglalaman ito ng mga pisikal na ebidenya sa pamamagitan ng paggamit ng mga litrato,
mga artikulo sa dyaryo, magazin at mga rekord at ang pagsasagawa ng mga panayam
sa mga taong may alam patungkol sa paksa. Si Emmanuel Franco Calairo ay nagtapos
ng kolehiyo sa Unibersidad ng Silangan sa kursong Batsilyer sa Sining, sa kalaunan
siya din ay nagtapos ng kanyang Masterado sa Sining at Pagtuturo sa Universidad ng
Pilipinas. Ang awtor ay kasapi ng Cavite Historical Society, Kawit Historical Commitee,
Philippine National Historical Association, Manila Studies Association at Philippine
Geographic Society. Ito ang nagpapatunay na siya ay aktibo sa mga bagay na
pumapatungkol sa kasaysayan
Libro: Indang and Her Revolutionary Heroes
Awtor: Edited by Natalia de las Alas Panganiban at Silverio Sacluti Baltasar
Ang mga awtor ng libro na ito ay masasabing may kredibilidad sa pagsulat ng
mga akda sa kadahilanang ang dalawang awtor na ito ay dumaan sa masusing pag-
aaral ng kasaysayan. Isa pang dahilan na nagsasabing kredibilidad ang awtor ay ang
kanyang paggamit ng mga wastong uri ng batis bilang mga reperensya ng kanyang
akda. Ang mga batis na ginamit ng awtor ay talagang nakatulong upang mas
mapatunayan ang kredibilidad ng akda dahil naglalaman ito ng mga pisikal na ebidenya
sa pamamagitan ng paggamit ng mga litrato at mga dokumentong sumusuporta dito. Si
Natalia de las Alas Panganiban ay isang tubong taga-Indang at galing sa pamilya na de
las Alas, Diokno at Panganiban; nagpapatunay na malalim siyang kaalaman sa
kasaysayan ng lugar. Siya ay nakapagtapos ng kolehiyo sa Philippine Normal
University at nakapagtapos ng kanyang M.A. sa Philippine Christian College. Sa
kabilang banda, ang awtor na si Silverio Sacluti Baltasar ay nakapagtapos sa Manila
Universities at nakapagtapso ng kanyang M.A. sa University of Utah. Bilang isang
Fulbright-Smith-Mundt at U.S. Department of State grantee siya ay nakapag-aral,
nakalahok sa iba’t ibang pagpupulong at lubos na nakalibot sa Estados Unidos.
Libro: Cavite Cultura e Historia
Awtor: Edited by Teresita P. Unabia at Victor Immanuel R. Cuarto
Ang mga awtor ng libro na ito ay masasabing may kredibilidad sa pagsulat ng
mga akda sa kadahilanang ang dalawang awtor na ito ay dumaan sa masusing pag-
aaral ng kasaysayan. Si Teresita P. Unabia ay isang Associate Professor sa
Kasaysayan sa Pamantasang De La Salle – Dasmariñas, siya ay nakapagtapos ng
B.S.E.-Major in History sa University of the East, M.A. sa Manuel Luis Quezon
University, at kasalukuyang kumukuha ng kanyang Doctorate sa University of Santo
Tomas. Sa kabilang banda, si Victor Immanuel R. Cuarto ay isang instructor sa
kasaysayan sa Pamantasang De La Salle – Dasmariñas, siya ay nagtapos ng kursong
B.S.E.-Major in History, kasalukuyang kumukuha ng kanyang M.A.-History sa De
Lasalle University-Manila at Spanish Language Studies sa Instituto Cervantes. Kanyang
tinapos ang B.Th. sa Asian Seminary of Christian Ministries, Makati City. Ang dalawang
awtor ay parehong miyembro ng Philippine National Historical Society at Cavite
Historical Society Inc. Isa pang dahilan na nagsasabing kredibilidad ang awtor ay ang
kanyang paggamit ng mga wastong uri ng batis bilang mga reperensya ng kanyang
akda. Ang mga batis na ginamit ng awtor ay talagang nakatulong upang mas
mapatunayan ang kredibilidad ng akda dahil naglalaman ito ng mga pisikal na ebidenya
sa pamamagitan ng paggamit ng mga litrato at istatistiks.
Kritisismong Panlabas
Sinasabing ang kritisismong panlabas ay ang pagsusuri ng mga batis na gagamitin sa
isang gagawing akda. Ito ang pagtitiyak kung maayos ba ang pagkakasulat o kaya’t
malinaw bang naipaparating ang mga impormasyon patungkol sa isang paksa.
Libro: Cavite, Su Glorioso Pasado (Cavite, Her Impressive History) Volume I
Ang pagkakasulat sa librong ito ay masasabing maayos at malinaw sa
kadahilang gumamit ang awtor ng iba’t ibang mga wastong batis na nakakatulong sa
pagpapatibay ng mga naiisusulat na impormasyon. Pagdating sa kabuuang itsura ng
libro, masasabing akma ito sa kung ano ang inaasahang makikita ng mga mambabasa.
Matatagpuan sa librong ito ang ilang mga larawang nagpapakita ng mga orihinal na
itsura ng mga bagay noon; tulad na lamang ng mga sinaunang pera, mga litrato ng mga
pangyayari na nagpapakita ng kung ano ang tiyak na nangyari. May mga litrato din ito
ng mga mapa na maaring ginagamit bilang batayan ng direksyon noon. Gumamit din ito
ng istatistiks kung saan nagpapakita ng mga numerong may tiyak na resulta upang
malaman ang katotohanan patungkol sa isang impormasyon; tulad ng bilang kung ilang
tao ang naninirahan sa lugar at kung anong grupo sila nakabilang, napakita din ang
estado ng kriminalidad sa lugar noong panahon noon, at ang kalagayan ng lugar
pagdating sa industriya at komersyo.
Libro: BAHRA The History, Legends, Customs and Traditions of Ternate, Cavite
Ang pagkakasulat sa librong ito ay masasabing maayos at malinaw sa
kadahilang gumamit ang awtor ng iba’t ibang mga wastong batis upang maging daan sa
pagpapatibay ng mga naiisusulat na impormasyon. Pagdating sa kabuuang itsura ng
libro, masasabing akma ito sa kung ano ang inaasahang makikita ng mga mambabasa.
Makikita sa libro ang ilang mga larawan na nagpapakita ng kasaysayan ng probinsya ng
Ternate; nakikita sa mga litarato ang mga kaugalian ng mga tao sa lugar, mga tradisyon
na sinusunod, ilang mga importanteng pangyayari sa lugar, mga islang matatagpuan sa
probinsya at marami pang iba na nagpapakita sa kung ano ang matatagpuan sa
probinsya ng Ternate, Cavite; nakalista din ang mga taong may naging malaking ambag
sa probinsya; tulad na lamang ng mga taong naging mga pinuno sa lugar, at ilang mga
maiimpluwensyang tao. Naipakita din sa aklat ang ilang mga kanta/awit na sikat sa
probinsya, tulad nalang ng ilang mga nursery rhymes, at ang himno ng Ternate na kung
saan ito ang paraan ng pagkakakilanlan ng lugar.
Libro: Ladislaw Diwa at ang Katipunan
Ang pagkakasulat sa librong ito ay masasabing maayos at malinaw sa
kadahilang gumamit ang awtor ng iba’t ibang mga wastong batis na nakakatulong sa
pagpapatibay ng mga naiisusulat na impormasyon. Makikita sa libro na ang awtor ay
kumuha ng kanyang mga batis sa mga aklat na naiprenta na; ito ay masasabing may
kredibilidad dahil dumaan na ang mga ito sa masusing pag-aaral, nangalap din galing
sa mga dyaryo, magazine at mga rekord na nagpapakita ng mga totoong mga
pangyayari noong unang panahon. Ang ilang mga impormasyon din na matatagpuan sa
libro ay galing sa mga panayam sa mga taong may mga kinalaman patungkol sa paksa;
ito ay nakapagbibigay ng mas matibay na pruweba na ang mga impormasyong naitala
ay may katotohan dahil may mga taong nagkapagbahagi ng kanilang mga saloobin at
karansasan. Ang paggamit ng mga larawan ng mga pangyayari noon ay makikita din sa
libro, na nagpapatunay sa katotohan ng mga impormasyon. Pagdating naman sa
kabuuang itsura ng libro, masasabing akma ito sa kung ano ang inaasahang makikita
ng mga mambabasa.
Libro: Indang and Her Revolutionary Heroes
Kung pag-uusapan ang kabuuang itsura ng libro, masasabing akma ito sa kung
ano ang inaasahang makikita ng mga mambabasa. Pagdating naman sa pagkakasulat
sa librong ito ay masasabing maayos at malinaw sa kadahilang gumamit ang awtor ng
iba’t ibang mga wastong batis na nakakatulong sa pagpapatibay ng mga naiisusulat na
impormasyon. Makikita sa librong ito ang ilang mga larawang nagpapakita ng mga
taong nagsilbing mga bayani nang lugar. May mga mapagkakatiwalaang dokumento din
na makikita na sumusuporta o nagpapatunay na ang mga nabanggit na tao ay talagang
may naging ambag upang makonsiderang bayani nang panahon noon. Gumamit din ito
ng mga reperensyang aklat upang mag-kalap ng mas marami pang impormasyon na
msasabing may kredibildaad dahil ang mga librong ito ay dumaan na sa masusing pag-
aaral.
Libro: Cavite Cultura e Historia
Ang pagkakasulat sa librong ito ay masasabing maayos at malinaw sa
kadahilang gumamit ang awtor ng iba’t ibang mga wastong batis upang maging daan sa
pagpapatibay ng mga naiisusulat na impormasyon. Pagdating sa kabuuang itsura ng
libro, masasabing akma ito sa kung ano ang inaasahang makikita ng mga mambabasa.
Matatagpuan sa librong ito ang ilang mga larawang nagpapakita ng mga orihinal na
itsura ng mga bagay noon; tulad na lamang mga armas na ginamit sa mga digmaan.
May mga istatistikal na impormasyon din patungkol sa bilang ng mga taong nabihag ng
mga espanyol at ang ilang mga naging lider ng himagsikan. Gumamit din ito ng
istatistiks kung saan nagpapakita ng mga numerong may tiyak na resulta upang
malaman ang katotohanan patungkol sa isang impormasyon; tulad na lamang ng
pagpapakita kung ano ang populasyon ng ating boung bansa noong unang panahon.

You might also like