You are on page 1of 4

Villarey 1

Emmanuel M. Villarey

Professor Valentine O. Dula

BSBA-HRM 3-2N

25 February 2023

“Bisita”
By Lenin Karlos Mirasol

Critique Paper

I. Pagpapakilala

Ang librong aking pupunahin ay ang maikling kuwento na ang pamagat ay “Bisita” at ito
ay isinulat ni Lenin Karlos Mirasol. Ang aking gagamitin na pagpuna ay ang Formalism o New
Criticism, ito ay nagpopokus sa pag uulat mismo ng kuwento at hindi tulad sa ibang pagpuna na
pinagaaralan pati ang buhay ng manunulat, ang kanilang pananaw sa buhay, at kung ano ang
importansya nito sa kuwento o kung naaapektuhan ba nito ang pagsusulat ng kuwentong
kaniyang ginawa. Ang pagtatalakayan natin sa papel na ito ay kung ang kuwentong isinulat ba ni
Lenin Karlos Mirasol ay isang kuwentong naglalaman ng kawili-wiling punto sa pagsusulat,
tulad ng mga tauhan, lugar, at eksenang mga nangyari dun sa kuwento.

Para sa akin, ang maiikling kuwento ay dapat kayang tumayo sa sarili nito at hindi na
nangangailang manaliksik ng mga mambabasa upang maintindihan lamang ang maikling
kuwento, dapat nasa nilalaman na nitong kuwento ang kailangang impomasyon ng mga
mambabasa upang maintindihan ang kuwento.

Ang argumentong gagawin sa papel na ito ay ang pag kritisismo sa pag sulat ng papel at
mga technique na iginamit sa pagsulat, sisimulan kong pag usapan ang simulang pahagi ng papel
at isa isahin ang mga linguistic devices na ginamit ng may-akda sa kanyang pagsulat ng maikling
kuwentong ito, kung ito ba ay nakatulong upang makarating sa konklusyon na pinapahatig nya o
hindi.
Villarey 2

II. Maikling Buod

Ito ay kuwento ng isang bata na lumitap sa isang lumang bahay kasama ang kaniyang
tatay. Ang bahay na ito ay tila pinagtitirahan ng mga multo mula pa nung sinaunang panahon o
nung panahon ng mga Espanyol at Hapon. Ang huling mga tumira daw dito sa lumang bahay ay
mga estudyante at tila ang isa sa kanila ay nagpakamatay, di alam kung ano ang ikinamatay pero
ang sinasabi lamang ay sya ay nagpakamatay dahil sa stress sa eskuwelahan. Tiniwag ng bata
ang mga multong nandun sa bahay na bisita dahil parang mga hindi sila taga duon sa bahay na
iyon.

Ngunit isang araw pagkatapos niyang maligo at bigla syang nagkasakit at ang mga doktor
ay sinasabing may lagnat lamang siya, pagkatapos ng dalawang linggo ay dumating si mang
Agas, isang albularyong nagpagaling sa bata at nakakakita din sa mga multo, Ngunit may mga
kalagayan na ang bata matapos siyang magpagaling pagkatapos ng tatlong araw simula nung
pinagaling ni Mang Agas, isa dito ay ang habang buhay na niyang makikita ang mga multo, hindi
na rin siya makakapag gamut gamit ang mga ordinaryong mga gamut tulad ng mga binigay ng
mga doktor. At para naman kay Mang Agas ay kapag may nailigtas siyang buhay ay
mababawasan siya ng ngipin, ngunit isa nalang ang natitira at nung nailigtas nya ang bata ay
ito’y matatanggal na din, naramdaman ng bata na may masamang mangyayari kay Mang Agas
ngunit nung siya ay natulog na ay tilang nanaginip sya na namatay na si Mang Agas.
Kinabukasan ay nakita nung bata na namatay na si Mang Agas sa kuwarto niya.

III. Argumento

Sa kuwentong ito, ang isa sa pinaka malaking tema ay ang mga multong nakatira na
mismo sa lumang bahay, hindi itinakay kung ilan silang mga multo na nakatira at isinabi lamang
na mga intsik o hapon, at pinapalayas nila ang mga nakatira dito, Sa ipinakita ng kuwento ay sila
ang dahilan kung bakit namatay ang isang estudyante at base sa mga dati pang balita sa bahay ay
madami pang mga namatay na, ngayon ang argumento sa temang ito ay hindi naitalakay o
naikuwento kung bakit ba ayaw nilang magpatira sa bahay na ito at pinapalayas ang mga dating
Villarey 3

nakatira, at kung hindi man sila lumipat ay sadya nilang binibigyan ng sakit o kung ano man ang
kanilang balak sa kanilang biktima upang kanila ay palayasin.

Isa pa sa mga tema ay ang albularyong si Mang Agas, alam ng mga mambabasa na
mukhang matagal ng nanggagamot si Mang Agas dahil halos maubos na ang kaniyang ngipin
bago palamang lumipat sa lumang bahay, ngunit di lang man nabanggit kung bakit siya lumipat
sa lumang bahay na tila alam na niyang may mangyayari sa bida ng kuwento, at bakit hindi siya
lumipat ng mas maaga pa upang mapigilan ang pagkamatay ng estudyanteng dating nakatira dito.
Parang isa itong malaking pagkakataon lamang na mailigtas ang batang may sakit at walang
gamot lamang, at maipakita na hindi lamang ang bida ang nakakakita sa mga multo. Dapat
lamang na ipinakita kung ano ang mga dating gawi ni Mang Agas. Naiiintindihan kong isa itong
maikling kuwento ngunit dapat kompleto ang istorya ng mga karakter, at maibigyan lamang sila
ng nilalaman na pagkatao o layunin maliban sa pagtulong sa bida.

At nang nabigyan na ng gamot ang bida ni Mang Agas ay saka lang naisabihan na may
mga side effect ang paggagamot sa bida, hindi ba dapat na ito ay maisabi at bigyan ng
pagpipilian ang mga karakter upang magdadag ng tensyon sa pag ulat ng istorya.

Ang isa sa mga napansin ko sa pagkukuwento nitong maikling kuwento ay ang bida,
nung naganap ang mga pangyayari sa lumang bahay ay ang bida ay Kinder palamang, para sa
batang ganitong edad ay hindi siya natatakot sa mga multong naruon sa kanilang bahay, para
bang interesado pa siya na mas alamin ang mga multong nakatira.

Isa sa argumentong tatalakayin dito ay ang bilis ng pag kukwento. Para sa akin ay
napakabilis ng daloy ng pagkukuwento nito at naibigay naman nga ang mga pinaka importanteng
impormasyon na kailangan ng mga mambabasa ngunit tila hindi naman napaka lalim ng laman
ng kuwento, maari pang puwedeng magdagdag ng mga iba pang impormasyon na mas
magbibigay laman sa mga karakter at istorya at mas mapalawak pa ang mundo nito upang mas
masiya at maengganyong basahin ito.
Villarey 4

IV. Konklusyon

Ang “Bisita” ay isang magandang maikling kuwento tungkol sa isang batang nakaranas
ng mga di pangkaraniwang pangyayari, ngunit may mga pupuwede pang higit na mapabuti sa
pag susulat nito.

Isa dito ay ang paglalahad ng mga karakter, mag maeengganyo akong basahin ito kung
mas kompleto ang mga karakter at mas napalawak ang kanilang mga motibo sa kanilang mga
ginagawa. Makakatulong rin kung nagpakilala muna ang ating bida sa simula upang mas
makilala natin siya. Itong maliliit na mga detalye ay tumutulong sa mas pagunawa sa kuwentong
ating tinatalakay.

Itong Critique Paper na ito ay ginawa upang makatulong na makapagsulat ng mas


maengganyong kuwento sa susunod na magsusulat. Nais kong ipahiwatig na ang mga kuwento
ay para maaliw tayo sa mga piksyonal na mga istorya na isinulat ng mga autor, maipakita ang
mga pagkamalikhaing isipan natin at maisabuhay ang mga istoryang tila sarili lang natin ang
nakakaintindi at maipamahagi natin ito sa ibang tao.

You might also like