You are on page 1of 14

SINENESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

GE11
 
PANUNURING PAMPELIKULA
GAMIT ANG IBA’T IBANG TEORYANG
PAMPANITIKAN
 
PAGSUSURI SA PELIKULANG
 
ODA SA WALA
 
Nina
 
Hazellyn Renomeron
At
Airielle Rivera
Pangkat III

Mr. Abelardo Miranda Jr.


GURO
KALIGIRAN NG PELIKULA
Para sa amin ang naging motibasyon ng
director na si binibining Dwein Baltazar sa
pelikulang ito ay para imulat tayo sa mga bagay-
bagay tulad nalang sa mga ipinakita niyang mga
scene na talaga nga namang nangyayari din sa
totoong buhay. Sa pelikulang ito, lmas nanaig
ang katahimikan kaysa sa pagsasalita o diyalogo
ngunit nakakamangha dahil makikita mo parin
dito ang gusto iparating ng director sa kaniyang
manonood.
Ang pelikulang ito ay tungkol kay Sonya na pinagbidahan ni Pokwang, kasama
niya sa bahay ay ang kaniyang ama. Sila ay nabaon sa utang kay Theodor kaya
naman pabalik-balik ito sa kanilang bahay upang sila ay singilin at habang
tumatagal na hindi nila ito nababayaran, palaki ng palaki ang interes nito. Si
Sonya ay may lihim na pagtingin sa nagtitinda ng taho na si Elmer at hindi
nagtagal, umamin din ito. Isang umaga, nagbago ang takbo ng kanyang buhay
nang dalhin sa kanya ang isang misteryosong bangkay na naging susi sa
panibagong kabanata hindi lamang ng kanyang buhay, kundi maging ang buhay
ng kanyang ama. Ngunit hindi habambuhay ang swerteng kanyang natamo,
dahilan upang magbalik siya sa dati niyang buhay. Hinarap niya ang
katotohanang ang bangkay na kanyang naging kaibigan at ang kanyang sarili ay
walang pinagkaiba.
Buod ng Pelikula
Ang kamatayan ay isang kakila-kilabot na bagay. Ang Oda sa Wala ay umiikot
kay Sonya, na ginampanan ni Marietta Subong (popularly known as Pokwang)
isa siyang matandang dalaga na nagpapatakbo ng isang punerarya nang mag-isa,
nagpapakita siya ng komportableng pamilyar sa kamatayan. Ang kanyang
espesyal na trabaho ay nagtatakda sa kanya sa iba, ngunit hindi sa isang
mabuting paraan. Siya ay namumuhay sa isang malungkot na buhay, ginugugol
ang kanyang mga araw na walang ginagawa sa labas ng bintana o nagngangangat
ng mga daliri sa kanyang shop desk, nakikinig kay Mò Lì Huā, halos hindi
nakikipag-usap kay Mang Rudy (Joonee Gamboa), ang kanyang ama at ang nag-
iisang kaluluwa sa kanilang bahay. Kung tungkol sa mga taong-bayan, siya ay
nabubuhay lamang kapag ang iba ay namatay. Ginagawa niyang presentable ang
patay, ngunit kapag sinubukan niyang ipakita ang sarili, nabigo siyang makuha
ang atensyon ng mga nabubuhay.
Kahit na sinusubukan niyang magbigay ng liwanag, wala siyang naaakit kundi ang
pagkabulok, kasawian, at kasamaan, tulad ng puting liwanag na sinira ng mga
insekto. Nagdadalamhati si Sonya na walang nagkakagusto sa kanya, dahil amoy
nabubulok o bangkay daw siya. Nagustuhan niya si Elmer (Anthony Falcon), isang
tindero ng taho, desperado siyang kumilos kapag ito ay napapalapit sa kanilang
bahay upang siya ay mapansin. Habang nakahimlay ang bangkay sa morge,
nagsimulang kunin ang negosyo para kay Sonya, sa sobrang ginhawa niya dahil
nahihirapan siyang magbayad ng utang sa mapang-abusong nagpapahiram na si
Theodor (Dido de la Paz). Nakipagkaibigan siya sa bangkay, kinakausap ito at tila
narinig niya itong nagsalita pabalik, at mas lalo niya itong minamahal habang
nagpapatuloy ang kanyang masuwerteng streak.
Isang gabi, sabik siyang naghihintay sa kanyang ama na matapos ang kanyang hapunan,
habang kinakagat niya ang kanyang mga kuko. pagkatapos pumunta ng kanyang ama sa
kanyang silid, siya ay bumaba sa morge at bumalik sa kanyang sariling silid kasama ang
bangkay at ang kuwento ay nauwi sa permanenteng kalokohan. Binihisan ni Sonya ang
bangkay ng magagandang damit, at pinalamutian ang ulo nito ng singsing ng mga bulaklak.
Binuhay nito ang relasyon ni Sonya sa kanyang ama, dahil kalaunan ay nakipagsabwatan siya
sa pag-ampon sa bangkay, tinatanggap ito bilang isang miyembro ng pamilya, nang walang
pagkabahala. Isang gabi nakausap ni Sonya ang bangkay at may pinahukay ito sa kanya.
Laking tuwa ang naramdaman ni Sonya ng Makita niya ang kaniyang nahukay. Isa itong
plastik na punong-puno ng pera kaya ng dumating si Theodor sa bahay nila upang sila ay
singilin, hindi siya nakaramdam ng pagkabahala dahil ang alam niya ay may pangbayad na
siya. Ng tingnan naman ito ni Theodor, bumakas ang kaniyang galit sa kaniyang mukha dahil
hindi pera ang nakita niyang laman nito kundi ito ay puro papel lamang. Pinalayas niya sila
Sonya. Nagalit si Sonya sa bangkay, pinagpapalo-palo niya ito hanggang sa mapugot na ang
ulo nito. Inilibing ito ng kaniyang ama at umalis na sila sa bahay.
Mga Teoryang Pampanitikan na
Makikita sa Pelikula
Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon:
SONYA: titulo?
THEODOR: titulo parin
SONYA: kailan namin pwede makuha ang titulo?
THEODOR: kapag marunong kana mang kulam (tawa)
Running time: 26:10-26:23
Teoryang Ginamit: Marxismo
Pagtalakay/Paliwanag: Sa senaryong ito, kaya nasabi namin na marxismo ang ginamit dito dahil
ito ay nagpapakita ng pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na pwersa tulad
nalang ni Theodor. Dito, isa siyang malakas at may kaya sa buhay na siyang pinagkakautangan ni
Sonya at sa senaryong ito, si Sonya ang mahirap, mahina, at naaapi. At kung mapapansin ninyo,
tumawa pa dito si Theodor na para bang nang-iinis pa at kinakaya-kaya niya lang si Sonya.
Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon: SONYA: Sige, bigay ko nalang isang 300
CUSTOMER: So, wala pa itong kasamang bulaklak? CUSTOMER: so bali, dalawang 300?
SONYA: Di po talaga kakayanin eh. SONYA: di ho. Isa lang yun
CUSTOMER: Magkano ba pag may kasama na? CUSTOMER: e dalawa nga patay naming
SONYA: Depende ho,sa laki yun e. : e baka magka-inggitan pa yun, bigyan mo nalang ng tig-isa. : osige
payag na ako sa isa, pero dito tayo sa 700.
CUSTOMER: pero gaano sya kalaki? Meron kayong mga 3 feet?
SONYA: alam nyo dun palang sa 300 hiraqp na ako e.
SONYA: Ito ho. (pinakita ang album ng mga bulaklak.
: ditto pa kaay sa 700.
: Ito ho yung 300
CUSTOMER: Grabe ka naman, maawa ka naman
CUSTOMER: wala kayong mas mura?
: ngayon pa talaga kayo nanggigipit?kung kalian kami nagluluksa dalawa yung
SONYA: Ito (pinakita yung maliit na bulaklak sa gilid ng lamesa) patay namin, Dalawa.
: Ito 150 nalang
SONYA: Ganito nalang. Gawin nating 3 patay ninyo para yung isang 700 bigay ko
CUSTOMER: ang liit. nalang
: Patingin nga ako (kinuha yung album) CUSTOMER: (walk out)
: Ayan ito. Running time: 10:55-12:45
SONYA: 700 po yan Teoryang Ginamit: Naturalismo
CUSTOMER: E baka naman pwede libre na to kasi diba dalawa patay namin.hindi ka Pagtalakay/Paliwanag: Teorya kung saan lahat ng nangyayari sa mundo ay natural.
na lugi dun. Walang supernaturalsapagkat lahat ay nasusuri at napag-aaralan. Likas ang isang
: Sige na. pangyayari. Tinawa itong ekstensyon ng realismo. Kagaya nalamang ng binigay naming
eksena ditog. Napakita may mga tao na ginagamit ang sitwasyon para makahingi ng
discount at pag hindi sumang-ayon ang namumuhunan, sila pa ang galit.
Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon:
CUSTOMER: bakit ka nangongopo?
SONYA: ilang taon kana ba?
CUSTOMER: 46.
SONYA: 44 ako.
CUSTOMER: mukha kang 43. Pengeng discount.
Running time: 29:19-29:40
Teoryang Ginamit: Realismo
Pagtalakay/Paliwanag: realismo, dahil ito ay nagpapakita ng mga karanasan at
nasaksihan ng may akda sa kanyang lipunan kumbaga may ganito ding nangyayari sa
totoong buhay. Tulad ng eksenang ito, pagdating sa negosyo hindi mawawala diyan ang
mga mamimili na nangbo-bola, ayun pala manghihingi ng discount.
Pangkalahatang Teorya
Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon: Kinakausap ng mag-ama ang bangkay at sabay-sabay silang kumain.
Teoryang Ginamit: Sikolohikal
Pagtalakay/Paliwanag: Ito ay nagpapakita ng mga salig o factor sa pagbuo ng naturang pag-uugali o behaviour
ng isang tao. Tulad nalang sa eksenang ito, dahil sa kalungkutan at mga problema na kinaharap ni Sonya, ng
dumating ang misteryosang bangkay sa kanilang punerarya at ilang araw na nagbigay sa kanila ng swerte,
inangkin at ipinanik nila ito sa kanilang bahay. Kahit ito ay walang buhay, itinuring nila itong pamilya. Para sa
kaniyang ama ito ay ang kaniyang asawa, at para naman kay Sonya ay ina.

Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon: Nakausap ni Sonya ang bangkay at may pinahukay ito sa kanya na
inakalang totoo itong pera.
Teoryang Ginamit: Sikolohikal
Pagtalakay/Paliwanag: sa pagiging gipit at kagustuhang mabayaran ni Sonya ang kaniyang utang kay Theodor
kung ano-ano na ang kaniyang iniisip. Ang pinahukay sa kaniyang pera ay puro punit-punit na papel o karton lang
pala kaya nagalit ito sa bangkay, pinaghahampas ito hanggang sa naputulan na ito ng ulo dahil narin siguro sa
pagka agnas nito dahil sa katagalan na nila itong itinago sa kanilang bahay.
Maraming Salamat.

You might also like