You are on page 1of 4

SANCHEZ, NICHOLAS D.

SINESOS BSEE-1B

PANUNURING PAMPELIKULA

I. Tungkol sa Pelikula

A. Pamagat ng Pelikula: RAINBOW SUNSET


(Ibigay ng mag-aaral ang pamagat ng pelikulang sinuri at pagkakahulugan sa pamagat)
1. Sa pelikulang Rainbow Sunset, ipinakita kung paano ba ang buhay ng mga taong iba ang
kasarian sa kanilang pisikal na kaanyuan.
2. Kahit na anong edad man ng tao, marunong paring magmahal ng totoo kahit na ibang
kasarian ang kinabibilangan.

B. Pangalan ng Direktor: Joel C. Lamangan

C. Pangalan ng Produsyer o mga Produsyer:


Line Producer / Supervising Producer: Dennis C. Evangelista
Executive Producers: Harlene Bautista
Associate Producer: Ferdinand Lapuz

D. Mga Pangunahing Tauhan:


(Pangalan ng Karakter – Artistang Gumanap - Paglalarawan)

1. Eddie Garcia – Ramon – Masipag, masigasig at mapagkalingang ama.


2. Gloria Romero – Sylvia – Mapagmahal, mapag aruga at maaalahaning ina.
3. Tony Mabesa – Fredo – Matalino, masipag at tapat na kaibigan ni Ramon at Sylvia.
4. Aiko Melendez – Georgina – Matapang, at masipag na ina at mayora. Ikalawang anak
nina Ramon at Sylvia.
5. Sunshine Dizon – Marife – Opisyales ng isang grupo na nagsusulong ng karapatan ng
mga babae. Bunsong anak nina Ramon at Sylvia.
6. Tirso Cruz III – Emman – Masipag at mapagmahal na ama, ngunit nagawang magtaksil sa
kaniyang asawa. Panaganay na anak nina Ramon at Sylvia.
7. Albie Casiño – Jonel – Binatang naging kasintahan ni Marife.
8. Noel Comia Jr. – Rufus – Matapang, masipag, at matalino. Anak nina Georgina at Andy.
9. Tanya Gomez – Merly – Mapagmahal at mapagpatawad na ina. Asawa ni Emman.
10. Marcus Madrigal – Andy – Madiskarte at mapagmahal na ama. Asawa ni Georgina.

E. Tema at Isyung Panlipunan


(Ano ang paksang tinalakay sa Pelikula?)

Ang pelikula pinanuod ay may temang tungkol sa pagtanggap ng lipunan sa isyu ng


pagrerelasyon ng mga bakla, lesbiyana, bayseksuwal, at mga queer. Inilahad din ng pelikula kung
paano ba tratuhin ng ibang tao ang mga pumapasok sa same sex relationship.

Mga Isyung Panlipunan:

 Hindi tanggap sa pamilya ang mga nasa LGBTQ+ Community.


 Walang legal na batas patungkol sa same sex marriage.
 Hindi pantay na pagtingin at pagtrato sa kanila
SANCHEZ, NICHOLAS D. SINESOS BSEE-1B

 Wala halos suportang natatanggap sa gobyerno o sa sariling pamilya


 Nililimitahan ang mga pribeleheyong natatanggap

F. Buod ng Pelikula
(Magbigay ng maikling buod ng pelikula.)

Ang kwento ay umiikot sa pag-ibig sa pagitan ng may-edad na bakla at magkasintahan na


sina Ramon at Fredo sa kaniyang huling yugto ng sakit na cancer. Dahil sa mabilis na panghihina
dahil sa kanyang sakit, hindi na iniwan si Ramon ni Fredo para makasama siya sa kanyang huling
mga araw. Malaking problema sa sitwasyon nina Ramon at Fredo ay ang katotohanan na si Ramon
ay may nabuong pamilya kasama ang kanyang asawa na si Sylvia. Sila ay nagkasama bilang mag-
asawa sa loob ng higit na 50 taon. Nang umamin si Ramon sa kanyang tunay na pagkatao ay
tinanggap siya at sinuportahan nang walang pagdududa, pati na rin ang pagsasama nila ni Fredo.
Pero kung ano man ang pagtanggap ni Sylvia sa kanyang asawang si Ramon, ay higit na kabaliktaran
naman ang kanilang tatlong anak. Lahat ng kanilang anak ay may edad na rin, at hindi matanggap
ang sekswalidad ng kanilang ama. Tulad ng sinabi ng kanilang anak na si Emman, mahirap
paniwalaann kapag lumabas ang iyong ama bilang bakla sa edad na 84. Ito ay naging problema sa
buong pelikula dahil ang pamilya nina Ramon at Sylvia ay isang dinastiya ng mga politiko. Si Ramon
ay isang retiradong senador na nagbigay-serbisyo sa loob ng tatlong termino. Bukod kay Emman,
mas lalong hindi tanggap ni Georgina, ang pangalawang anak nina Ramon at Sylvia, dahil sa takot
niyang maging malaking kontrobersiya ang pag-amin ng kanilang ama, lalo na at siya rin mismo ay
bagong halal na mayora sa isang maliit na bayan. Inilahad sa kuwento ang problemang kinakaharap
ni Ramon dahil sa pagkaipit niya sa tungkulin sa pamilya, pagmamahal sa sarili at sa kanyang tunay
na pag-ibig na si Fredo.

II. Mga Aspektong Teknikal

A. Musika
(Nababagay ba ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula? Nakatulong ba ang musika sa paguhit ng
emosyon at pagpapatingkad ng kagandahan ng kwento?)

Ang musikang ginamit sa pelikula ay nababagay at nakapag bigay tingkad sa mga eksenang
ipinalabas at kinunan. Ang mga eksenang nakakalungkot ay mas napalungkot at nakakaiyak dahil sa
musikang pinapatugtog sa parteng iyon. Ang mga kinunan naman na masasayang eksena, ay
nakapag bigay ligaya sakin dahil narin sa musikang ibinagay sa pagkakataong ipinakita ang mga
eksenang tulad non sa pelikula.

B. Sinematograpiya
1. Maganda ba ang kabuuang kulay ng pelikula?

Ang kabuuang kulay ng pelikula ay napaka ganda, dahil hindi ito masyadong matingkad at
hindi ito masyadong mapusyaw. Hindi masakit sa matang panuorin ang pelikula dahil nasa tamang
balanse lamang ang mga kulay nito.
SANCHEZ, NICHOLAS D. SINESOS BSEE-1B

2. Mapusyaw ba o matingkad ang pagkakatimpla ng kulay na kuha ng mga kamera?

Ang mga kulay sa pelikula ay napaka ganda dahil narin siguro ito sa kamerang ginamit
noong kinuhanan ang pelikula sa iba't ibang lugar. Ang timpla ng kulay ay nasa tama antas lamang
at nababagay sa temang pinapakita ng pelikula.

C. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari


(Maayos ba ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena? Hindi ba ito nakakalito? Lahat ba ng tagpo ay
malinaw at mahalaga sa paksa?)

Ang pelikula ay naglahad ng maayos na pagkakasunod sunod ng eksena, hindi nakakalito, at


malinaw na pagsasadula o pag arte ng mga artista habang ako ay nanunuod. Naka ayon lahat ang
mga ito upang maintindihang maigi ng mga manunuod kung ano ba gusto ipakita ng kwento o
pelikula. At ang lahat ng mga eksena ay konektado sa paksang tinatalakay nito upang hindi maligaw
kung para saan ba ang isang espesipikong eksenang iyon at bakit ito naisama sa pelikula.

D. Pagganap ng mga Artista


(Maganda ba ang pagka-ganap ng mga artista? Makatotohanan ba ang emosyong kanilang pinapakita?
Paano naka tulong ang kanilang pag-arte sa pag-unawa sa nilalaman?)

Ang mga artistang gumanap sa pelikulang RAINBOW SUNSET ay gumanap sa nakakabilib na


galing at naghatid sila ng makatotohanang emosyon upang mas maramdaman ng mga tagapanuod
ang nararamdaman ng mga karakter sa pelikula. Napaka laking tulong ng ginawa nilang pag arte at
pag sasabuhay sa karakter upang mas maunawaan ng lahat ang napapanahong isyu tungkol sa
same sex marriage, at kung ano anong problemang kinakaharap ng mga taong kabilang sa LGBTQ+
Community.

E. Tagpuan
(May maganda bang tagpuan ang pelikula? Nakatulong ba ang tagpuan sa kabuuang palabas? Angkop
ba ang mga tagpuang ginamit sa tema at kwento ng pelikula?)

Maraming tagpuan ang ipinakita sa pelikula, iba't iba ang naging ambag nito upang mas
maisabuhay ng mga artista ang ginagampanan nilang karakter. Halimbawa na lamang nito ang
bahay nina Ramon at Sylvia, tahanan ng pamilya ni Ben, at pati narin ang mga opisinang pinag
tatrabauhan ng mga anak ni Ramon at Sylvia. Mas nagbigay liwanag ang mga tagpuan sa pelikula
kung ano nga ba ang makikita natin sa eksenang iyon, dahil kung naging mali ang tagpuang ginamit,
maaaring mahirapang intindihin ng mga manunuod ang pelikula.
SANCHEZ, NICHOLAS D. SINESOS BSEE-1B

III. Kahalagahang Pantao

A. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan

 Maipapasok ang Teoryang Queer sa pelikulang Rainbow Sunset dahil ang mga artistang
gumanap sa kwento ay may karakter na nabibilang sa LGBTQ+ Community. Nasasabi sa Teoryang
Queer na ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang mga
homosexual. Ito mismo ang pinapakitang tema ng pelikula, isa sa naging hadlang ng
pagmamahalang Ramon at Fredo ang mga taong kukutsa kanilang relasyon. Kung kaya’t inilahad din
sa pelikula ang mga dapat gawin ng lipunan sa mga taong iba ang kasarian. Hindi sukatan ang
kasarian ng bawat tao upang ating husgahan kung saan lamang ang tagumpay na maaari niyang
makamit sa buhay.

B. Mga Aral

1. Pamilya lang ang makakaunawa at makakatanggap sa iyo


2. Mahalin palagi ang magulang
3. Magpakumbaba sa lahat ng pagkakataon
4. Tratuhin ng maayos ang mga taong kasapi ng LGBTQ+ Community
5. Huwag takasan ang mga problemang kinakaharap

C. Kabuuang Pananaw

Napaka ganda ng pelikulang Rainbow Sunset dahil ito ay napapanahon at ipinapakita ang
isyung laging binabalewala ng mga tao at ng gobyerno. Karapat dapat itong panuorin ng lahat upang
sila ay mamulat sa kung ano nga ba ang mga nararanasang pangungutsya at pag didiskrimina ng
mga taong iba ang kasarian, tulad ng bakla, lesbiyana, bayseksuwal at queer. Ang pagkakagawa sa
pelikula ay pulido at walang masasabing kamalian sa eksena, pag arte, at sa kuwento. Ang mensahe
at nilalaman ng kuwento ay nailahad ng maayos at malinaw dahil narin sa mga artistang gumanap
sa mga karakter nito. Tanggapin natin ng buong puso lahat ng tao kahit na sila ay may ibang
kasarian, dahil sila ay kagaya natin at may karapatang katulad ng normal na indibiduwal.

You might also like