You are on page 1of 5

I.

Panimula
Ang Metro Manila ay isang art film (independent “indie” movie) sa produksyon
nina Mathilde Charpentier at ang direktor nitong si Sean Ellis, sa ilalim ng Chocolate
Frog Films. Tampok dito sina Jake Macapagal (Oscar “Oca” Ramirez, John Arcilla
(Douglas “Ong” Ong) at Althea Vega (Mai Ramirez), sa panulat nina Sean Ellis at Frank
E. Flowers. Kumuha ng inspirasyon ang direktor nitong si Sean Ellis mula sa kanyang
unang paglalakbay dito sa Pilipinas nang masaksihan niya ang dalawang armoured trak
drayber na nagtatalo. Ito rin ay ihinango sa buhay ni Alfred Santos mula sa Philippine
Airlines Flight 812 hijacking noong Mayo 2000, dahil ang bida sa pelikula na si Oscar
Ramirez (Jake Macapagal) ay isinalamin ang kwento ni Alfred Santos, isang may-ari ng
pabrika ng tela na nawala ang kanyang ama sa isang gang na inuupahan ng isang karibal
na pabrika. Dahilan upang mapilitang i-shut down ang kanyang negosyo dahil sa patuloy
na pagbabanta ng kanyang karibal, nang-hijack si Santos ng isang eroplano at inutusan
ang mga pasahero na isuko ang kanilang pera at mga mahahalagang gamit bago tumalon
mula sa eroplano hanggang sa kanyang kamatayan.
Ang pelikula ay nagpapakita ng mga senaryo na tampok sa pang-araw araw na
realidad ng buhay, hindi gumamit ng mainstream na mga artista, at ang mga kantang
nagamit ay hindi rin mula sa mga kilala o sikat na banda, sa halip ay mula sa mga
orihinal na likha. Bagamat ang pelikula ay isang British Indie Film, ito naman ay
ginampanan at isinagawa sa Pilipinas kung saan hindi nalalayo ang sitwasyon ng bida sa
ilang mga indibidwal na naninirahan dito lalo na sa mga taong hindi nasanay o lumaki sa
Maynila. Marahil, layunin ng pelikula na magbigay ng kamalayan sa mga tao lalo na sa
mga probinsyano o hindi masyadong gamay ang kalakhang Maynila. Ipinakita rin dito
kung hanggang saan ang kayang gawin at hangganan ng isang tao na sinusubok sa
paniniwala at kaniyang kakayahan; kakayahang mamuhay ng matalino at marangal sa
kabila ng mga problemang maaaring dumating sa kaniya.

ll. Pamagat
Ipinapahiwatig ng pamagat ng pelikula
(Metro Manila) ang kalagayan ng lugar na ito. Binibigyang
diin din dito na ang Metro Manila ay isang malaking lugar
ng pakikipagsapalaran, na naghahatid ng bagong simula para
sa ilan at para sa iba ay isang kulungan ng kahirapan. Nais
ng pamagat nito na magbigay ng panimula sa maaari at
tunay na kahulugan at kalagayan ng lugar na ito lalo na sa
mga tao na nagbaka-sakali rito.
lll. Karakterisasyon at Pagganap
A. Pangunahing Tauhan
 Jake Macapagal (Oscar “Oca” Ramirez,
Ang karakter ng pangunahing tauhan na si Oca na ginampanan ni Jake Macapagal ay isang
magsasaka na nakipagsapalaran sa kalakhang Maynila mula sa Hilaga at isang butihing ama sa
kaniyang mga anak. Mahusay na nagampanan ni Jake Macapagal (Oca) ang kaniyang karakter na
ito sa pelikula gamit ang kaniyang mahusay na pag-arte na mas lalong nakapagpapatindi ng mga
eksena. Bagamat sa simula ay may kaunting kahinaan sa pagganap dahil nagkakaroon ng
kakulangan sa pagganap ng dapat na karakter bilang isang bida, nabawi naman ito sa bandang
kasukdulan hanggang pagtatapos ng pelikula kung saan nagkaroon ng matinding bali ng mga
eksena na nagpamalas ng mahusay na pagganap sa karakter na ito ni Jake Macapagal

B. Katuwang na Tauhan
 Douglas “Ong” Ong - ginampanan ni John Arcilla, ang kasa-kasama na karakter ng
pangunahing tauhan, siya rin ang nagbigay ng pagkakataon kay Oca (Jake Macapagal) na
maging isang armoured trak drayber at kung madalas pa nga ay abot abot ang bigay niya
ng nga pabor kay Oca na sa pagtagal pala ay may hinihintay na kapalit lalo na sa parte ng
pelikula kung saan mahusay na binigyang pansin ang pagpapamalas ng motibo niya sa
‘pagsasawalang-bahala’ ni Oca sa mga ‘pabor’ na ibinibigay at ipinapakita nito.

 Mai Ramirez – ginampanan ni Althea Vega, ito ang asawa ng pangunahing tauhan. Isang
mapagsakripsiyong ina na umabot sa hangganan. Namasukan bilang isang bayarang
babae sa bar upang makatulong sa pagtataguyod ng sarili nilang pamilya ni Oca.
Bagamat may mga parte na makukulangan ka sa kaniyang pagganap, nandoon pa rin
naman ang sidhi ng kaniyang emosyon lalo na sa kaniyang mga pangsariling eksena

III. Uri ng Genre ng Pelikula


Habang pinapanood ang pelikula na ito, malinaw na Aksyon, Krimen at Drama ang genre
nito dahil ang bawat eksena ay nagpapalipat lipat at sumasailalim sa tatlong kategoryang ito na mas
lalong nagbibigay ng kaabang-abang na takbo ng mga serye

IV. Tema o Paksa ng Akda


Ipinapakita ang
Ipaliwanag ang tema ng pelikula. Ibigay ang mensaheng nais iparating ng
pelikula sa mga manunood.
V. Sinematograpiya
Mahusay ba ang mga shots na ginamit sa pelikula. Paano nagbigay daan
ang mga shots na ginamit sa daloy ng pagsasalaysay ng pangyayari sa pelikula.
Ipaliwanag ang mga shots kung anong ipinahihiwatig ng mga ito sa kabuoan ng
kuwento ng pelikula? Nakatulong ba ang mga shots, ilaw sa pagsasalaysay ng
kuwento ng pelikula?

VI. Paglalapat ng Tunog at Musika

Malinaw at maayos bang nailapat ang mga tunog sa mga bahagi ng


pelikula na nagbigay daan upang bigyang linaw ang mga pangyayari at
maramdaman ng manunood ang sitwasyon, tagpuan at kalagayan ng pangyayari
sa pelikula.

Maganda at may kaugnayan ba ang paglalapat ng musika sa bahagi ng


pelikula? Nagbigay daan ba ito sa damdamin upang mapadama s amga
manunood ang sitwasyon sa pelikula?

Ang mga boses ba ng mga tauhan sa pelikula ay nakapekto ba sa mga


pangyayari, sitwasyon, kalagayan at estetika ng pelikula? Ipaliwanag ang
esensya ng paglalapat ng musika, tunog at boses sa mga bahagi ng pelikula.

Vil. Editing

Mahusay ba ang pagkakatagni-tagni ng mga pangyayari ng pelikula? May


mga bahagi bang tumalon o di magkakaugnay o di maunaweang pangyayari
dahil sa editing?
VIL Production Design

A. Ang lokasyon ang mga props na ginamit sa mga eksena ng pelikula ay


makatotohanan at nagpadama sa mga manunood ng totoong
kalagayan ng buhay ng mga tauhan sa pelikula?

B. Ang kasuotan ng mga artista, maging ang make-up ay mahusay na


naipamalas sa mga bahagi ng pelikula upang maipadama ang totoong
kalagayan ng pangyayari ng mga tauhan sa pelikula?

C. Ang mga tagpuan o lokasyong ginamit sa pelikula ay akmang-akma sa


sitwasyong hinihingi sa kuwento ng pelikulas?

IX. Direksyon

Mahusay bang nagampanan ng direktor ang kanyang tungkulin upang


maiparating ang tunay na mensahe ng pelikula batay sa pagkakasulat ng iskrip?
Matagumpay bang naisakatuparan ng direktor ang paglalapat ng lahat ng
elemento ng pelikula upang maipakita ang kagandahan at kahusayan ng kalidad
ng isang tunay na pelikula? Patunayan kung bakit mahusay o hindi ang direktor
sa pelikulang pinanood.

X. Buod o Synopsis

Ibigay ang buod ng pelikula. Ilahad ang daloy ng mga pangyayari mulsa

sa simula, mga mahahalagang pangyayari, kesukdulan hanggang wakas.


Bigyan ng masusing pagsusuri ang storyline.

Xi. Kuwento
Paano pinaunlad ng manunulat ang kasaysayen ng pelikula. Akma ba ang mga
tagpuan? Anu-ano ang mga tagpuan? Anu-ano ang mga suliraning umusbong sa
pelikula? ang mga sub-plots? Ito ba ay kinakailangan? Lahat ba ng mga tagpo ay
kinakailangan upang mapaunlad ang kasaysayan ng pelikula? Ano ang
suliranin? Paano ito nilutas? Ano ang nais iparating ng pelikula sa kabuoan? Ano
ang aral na makikita sa pelikuia? Ano ang istilo ng manunulat upang ipakita at
inilapat sa pelikula? Paano ito nakatulong sa kabuoan ng pelikula? Paano
ipinamalas ang kasukdulan ng pelikula? Paano nagwakas ang pelikula? Nakamit
ba ng gumawa ng pelikula ang kanilang layunin nang gawin ang pelikula?

XI. Mga Kasipan o Aral ng Pelikula

Ano ang kaisipan 0 aral na matatagpuan sa pelikula? Ipaliwanag ang


kaisipang iyong ibinigay.

Xill. Konklusyon at Rekomendasyon

Sa bahaging ito, maaaring ilagay ang iyong pagbubuod 0 paglalagom sa


mga key points na tinukoy sa iyong ginawang pagsusuri. Balikan ang mga
elemnto ng pelikula na binigyang suri at mula rito ay maaaring magbigay ng
sariling rekomendasyon kung paano pa mapagbubuti ang isang pelikula mula sa
iyong saring paghuhusgs.

You might also like