You are on page 1of 3

I-Pamagat ng Palabas

‘’Ataul For Rent’’

II-Pamagat ng Produksyon

Indie Films

III- Pangalan ng Direktor

Neal Tan

Sya ay isang mahusay na pilipinong director , writer at production designer.

IV- Tampok na mga Artista

Joel Torre – Guido

Jacklyn Jose - Pining

Irma Adlawan - Carmen

Noni Buencamino - Boy Kagaw

Ronnie Lazaro - Batul

Pen Medina - Tata Islaw

Coco Martin - Danny


V- Buod
Ang pelikula ay makatotohanang tumatalakay sa mga buhay ng mga nakatira sa “Kalyehong
Walang Lagusan", isang makipot, masikip at miserableng kalyehon sa loob ng squatters area.
Masusundan ang kwento sa pagsasalaysay ng taong grasang si Batul (Ronnie Lazaro), isang tila nasiraan
na ng bait sa gutom at kahirapan ngunit tanging taong may natitirang delikadesa at moralidad. Sa lugar
na ito ay talamak ang lasenggo, sugarol, adik, pusher, prostitute, magnanakaw,
isnatcher at lahat na yata ng uri ng kasamaan ng lipunan. Tila ba ang mga taong
naninirahan dito ay naubusan na ng kabutihang asal at walang takot na lumabag sa
batas, ibenta ang sarili o makasakit sa kapwa. Pangunahing tauhan si Guido (Joel
Torre), isang embalsamador at nagpapaupa ng mga ataul, at ang kanyang asawang si
Pining (Jacklyn Jose), na nagsisilbing make-up artist ng mga patay at buhay at
kubrador ng jueteng. Walang pagdadalawang isip si Guido na maningil ng mataas at
humingi na paunang bayad kahit kapos na kapos na ang namatayan at halos wala nang
ipagpalibing. Magkakasunod ang patay sa kanilang lugar: si Tale, isang shabu-user at
nanay ng lasenggo, si Moises, isang magnanakaw na pinatay ng pulis, si Andoy, isang
pusher at kapatid ng call boy na si Danny. Dahil ang kalyehon ay nagiging lungga ng
mga salot ng lipunan at masasamang loob, pwersahan silang pinaalis ng pamahalaan
upang mabigyan daan ang pagpapatayo ng isang simbahang tila bagang magbibigay ng
panibagong pag-asa.
VI- Mga Tanong
1) Ano ang ipinahihiwatig o mensahe ng pelikula?

Sa gitna ng hirap at pagsubok ang unang napakadaling gawin ay ang iligtas ang sikmura
gasino na lang kung sino ang masagasaan o masaktan o itapon ang prinsipiyo at dangal.

2) Angkop ba ang pamagat sa istorya?

Oo, Dahil napakita sa kwento ang karaniwang nangyayari sa mga tao dahil sa kahirapan

3) Ano ang puna ninyo sa script ?

Maganda at angkop na angkop ang mga script na inilaan sa mga artista na

nakakapagbibigay pansin sa mga manonood,

4) Makatotohanan ba ang paglalarawan ng mga tauhan?

Oo, Dahil nagampanan ito ng maayos at mahusay ng mga naatasang artista.


5) Mahusay ba ang pagganap ng mga artista?

Oo, Dahil naipakita nila ang totoong damdamin at makatotohanang pagganap sa mga
tauhan ng pelikula

6) Ibigay ang tema ng pelikula.

Sa gitna ng hirap at pagsubok ang unang napakadaling gawin ay ang iligtas ang
sikmura gasino na lang kung sino ang masagasaan o masaktan o itapon ang prinsipiyo at
dangal.

7) Ang mga tauhan ba'y kumikilos at may pag uugaling tulad ng karaniwang nilikha?

Oo, Sa kanilang pananalita at kilos ay doon na nila napapakita ang paguugaling


karaniwang makikita natin ngayon.

8) Wasto ba ang pagkakasunod – sunod ng pangyayari?

Wasto at naangkop ang pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari maging sa


katatawanan at mga masasalimuot na pangyayari.

9) Kapanipaniwala ba ang pangyayari sa mga tauhan?

Oo, Dahil naipakita nila ang totoong damdamin na mayroon ang bawat tauhan ng
pelikula.

10) Maayos ba ang diyalogo?

Maayos at naangkop lamang ito sa mga bawat eksena ng pelikula.

11) Maayos ba ang musikang ginamit sa eksena?

Naangkop lamang ang mga pinapataw na musika sa bawat eksena nito.

12) Angkop ba ang produksyon tulad ng mga kagamitan, kasuotan,panahon at tanawin sa


pelikulang napanood?
Angkop ang lahat ng mga kagamitan , kasuotan , at tanawin sa nagawang pelikula.
Kung saan ito ay malaking bagay na nakakapukaw ng pansin sa mga manood kung ano
mayroon sa lugar na ito.

You might also like