Professional Documents
Culture Documents
Magbago upang sa kabubuti ng lahat. Ang lahat Ng Tao ay may pagkakataon na bumago, Naipakita Ito
sa pelikuka nang Sinabi Ni Arturo at Maria na nagbago na sila at Hindi na gumagamit ng illegal na
droga para sa kanilang mga anak. Kahit na napatay pa rin si Arturo kahit na nagbago, Ang kaniyang
intensyon sa pagbabago at totoo pa rin at ginawa niya dahil sa kaniyang mga Mahal sa Buhay
Hindi mapapantayan ang pagmamahal ng isang Ina. Sa pelikula, Naipakita ang labis na pagmamahal
para sa kaniyang mga anak. Ito ay mapapansin dahil ginawa ni Maria Ang lahat kahit labag pa Ito sa
kaniyang kalooban at kaisipan. Siya ay naghanap ng paraan upang mabura ang kaniyang listahan sa
mga taong adik at matustusan Ang kaniyang mga anak. Umabot pa siya sa pagtulong sa pagpatay ng
tao, paggamit ng baril, Hanggang umabot sa siya mismo ang pumatay. Kahit na Mali Ang ginawa ni
Maria, Ito ay ginawa niya sa kaniyang sarili at sa pinakamamahal na mga anak.
Pagkakaroon ng Simpatya sa Kapwa. Sa mga desisiyon at aksiyon ni Maria ay masasabing Mali ngunit
nakikita pa rin sa kaniyang mga Mata Ang pagsisi at nagkaroon siya ng Simpatya sa kaniyang mga
nabiktima. Maraming beses sa pelikula na nakikita si Maria na nagdadalawang-isip na saktan o patayin
ang kaniyang mga taong "target" ng kanilang operasyon. Ito rin ang dahilan kung bakit kalaunan ay
pinili niyang tumugil sa trabahong iyon dahil naawa siya sa mga magiging biktima at sa kanilang mga
pamilya.
Lahat ng iyong nakikita ay totoo. Naipakita ito sa pelikula na si Arturo na nagbagong buhay para sa
kaniyang mga anak, ngunit siya ay binaril binalita bilang adik sa telebisyon. Ang Isa pang halimbawa ay
Ang mismong kapulisan ang kumukuha ng mga Vigilante at pumapatay ng mga nagbago o inosenteng
tao. Ang Isang instansiya na makikita sa pelikula ay nang nakita ng anak ni Maria na si Mark na may
kasamang lalaki Kung kaya't Ito ang kadahilalanan bakit siya Pumunta sa kaniyang pinsan upang
magdroga na kalaunan ang dahilan na nakita Niya Ang pagkamatay ng sarili niyang ina.
Higit sa lahat, Tumayo at lumaban. Ang buong pelikula mismo ay isang paalala ng realidad ng mga
taong nakaranas sa panahon ng Oplan Tokhang. Ang kanilang realidad na pagkaroon ng Di
makatarungang pagpatay sa mga nailulong sa droga at pag-iwan ng kanilang pamilya sa kawalan. Ang
obrang Ito ay nagsisilbing kanilang mga boses at dapat nating palakasin upang marining ng gobyerno
at mapuksa ang mga nagdudulot nito.