You are on page 1of 6

KABANATA 11 - 12

Filipino 2: Kasanayan sa Komunikasyon at Pagpapahalaga sa Noli Me


Aralin Tangere (Wika Panitikan at Iba pang Anyo)

Module Code: 1.0 Lesson Code: 1.1 Time Limit: 30 minuto

TA: 1 minuto ATA: ______

Sa katapusan ng talakayan, ang mga iskolar ay inaasahang:

1. nakapag-iisa-isa ng mga tungkuling dapat gampanan ng mga taong may


katungkulan sa nayon, bayan, lunsod, probinsiya, at bansa;
2. nakapagbibigay ng puna sa pamamalakad ng mga taong itinuturing na mga
makapangyarihan sa kabanata;
3. nakapagbibigay ng mga salik na makatutulong sa pag-unlad ng isang pook;
4. nasusuri ang pagkatao ni Padre Damaso sa kabanata; at
5. nailalahad ang kahalagahan ng pagdiriwang ng Todos Los Santos.

TA: 4 minuto ATA: ______

Gawain: Portrait of a Leader


Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mabuting
pinuno. (Tanong bilang panimula – Hindi Mamarkahan)

Portrait of a Leader

Ano-anong mga katangian ang dapat taglayin


ng isang mabuting pinuno?

Blit Blot Studios. Character Designs fo Rizal Noli Me Tangere. www.Pinterest.Ph

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng isang pinuno sa bayan. Kung walang


pinuno na mangunguna o mangangasiwa upang mahubog ang isang lipunan ng tao, ang
bansang iyon ay maaaring walang patutunguhan. Ang kalagayan ng mga mamamayan o
ng lipunan ay nakasalalay sa isang namumuno. Sa akdang ating tatalakayin ay kikilalanin
natin ang mga tinatawag na cacique sa bayan ng San Diego, ang kanilang mga tungkulin sa
bayang sinasakupan at kung sa paanong paraan sila nakapag-aambag sa pagsulong ng
isang bayan.
Filipino 2 Pahina 1 ng 6
© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary
information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled
unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification.
TA: 13 minuto TA: ______

Gawain 1: Magbasa Tayo


Sa iyong pagbasa sa akda, bigyang-pansin ang sumusunod: ang mga tungkuling dapat
gampanan ng mga taong may katungkulan sa bayan, ang paraan ng pamamalakad ng mga
taong itinuturing na mga makapangyarihan sa bayan, at ang mga salik na makatutulong sa
pag-unlad ng isang pook.

Kabanata 11 – Ang Mga Makapangyarihan


Buod
Bagaman Don Rafael ang tawag sa ama ni Crisostomo, hindi siya ang kinikilalang
makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman sa bayan. Pero siya ay iginagalang at
halos lahat ng mga tao ay may pagkakautang sa kaniya. Sa kabila ng kabusilakan ng kaniyang
damdamin, siya ay kinalaban nang magkaroon ng usapin at maging ang mga natulungan niya
sa bayan ay tinalikuran siya.

Si Kapitan Tiyago, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at


hinahainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan, kapag siya’y nakatalikod,
siya’y tinatawag na sakristan Tiyago.

Ang Kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o


makapangyarihan. Ang kaniyang puwesto ay nabili lamang niya sa halagang P5, 000. Madalas
siyang sabunin at kagalitan ng Alkalde Mayor.

Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa


kapangyarihang pamunoan ang bayan. Ang mga ito ay sina Pare Bemardo Salvi, isang payat
at batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig
siyang mag-ayuno. Kung ihahambing siya kay Padre Damaso, siya’y mabait at maingat sa
tungkulin.

Ang Sakristan Mayor ay nakapagmamana lamang ng kapangyarihan kapag wala ang


kura ng bayan.

Ang Alperes at ang kaniyang asawa na si Doniya Consolacion, isang Pilipina na


mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang Alperes ang puno ng mga guwardiya sibil.
Ang pagkakapangasawa niya ay ibinubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos
sa mga sundalo na magsanay sa init ng araw o dili kaya’y sinasaktan ang kaniyang esposa.

Bagaman may hidwaan ang Alpares at si Padre Salvi, kapag sila’y nagkikita ay pareho
silang nagbabatian lalo na sa harap ng maraming tao at parang walang anomang
namamagitan sa kanila na ‘di pagkakaunawaan. Ngunit kapag hindi na magkaharap ay
gumagawa sila ng kani-kanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa’t isa.

Ang Alpares at si Padre Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag
sa kanila ay mga casique.

Unknown. June 7, 2012. Noli Me Tangere Kabanata 11 –


14.https://rizalnolimetangere.blogspot.com/2012/06/
Filipino 2 Pahina 2 ng 6
noli-me-tangere-kabanata-11-14.html
© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary
information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled
unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification.
Kabanata 12 – Araw ng mga Patay
Buod

Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at


may bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito
ay maalikabok kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan.

May isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na
bato at nakatitik ang INRI sa isang yuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang
kabuoan ng libingan.

Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na


malapit sa pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay
parang bago sapagkat hindi siya mapakali, dura nang dura sa lupa at panay ang hitit ng
sigariliyo.

Sinabi ng naninigariliyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar


sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kaniyang hinuhukay. Hindi niya matagalan
ang gayong tanawin.

Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa
kaniyang kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa
gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan, at namatay ang
kaniyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan. Ang bangkay aniya
ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga Intsik.

Gayonman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay,


minarapat na lamang niya na itapon ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si
Padre Garrote.

Unknown. June 7, 2012. Noli Me Tangere Kabanata 11 –


14.https://rizalnolimetangere.blogspot.com/2012/06/
noli-me-tangere-kabanata-11-14.html

Gawain 2: Pag-unawa sa Binasa (Mga Tanong sa Pagtalakay – Hindi Mamarkahan)


1. Sino-sino ang mga itinuturing na makapangyarihan sa bayan ng San Diego?
2. Ano-anong katungkulan sa bayan ang ginagampanan ng mga nabanggit kung bakit
sila maituturing na makapangyarihan?
3. Paano sila mailalarawan sa kanilang paraan ng pamamalakad o pamamahala sa bayan
at sa kanilang relasyon sa mga taong kanilang nasasakupan?

Filipino 2 Pahina 3 ng 6
© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary
information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled
unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification.
4. Ano-anong mga bagay ang dapat bigyang konsiderasiyon ng isang namumuno upang
mapaunlad niya ang kaniyang bayang nasasakupan?
5. Paano mailalarawan ang libingan ng San Diego?
6. Ano-anong mga sakit ng lipunan ang gumigitaw o makikita sa araw ng mga patay?
7. Gaano kahalaga para sa mga tao, noon hanggang ngayon, ang paggunita sa kanilang
mga yumao sa araw ng mga patay?

TA: 10 minuto ATA: ______

Sagutin ang mga katanungan sa tatlo hanggang limang pangungusap lamang. (Mamarkahan)

Be the Judge

1. Ano ang pinatutunayan ng katauhan ni Padre


Damaso nang ipinag-utos nitong ipatapon ang
bangkay ni Don Rafael sa libingan ng mga Intsik
gayong mahigit 20 araw pa lang itong naililibing?
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
Batang Tamgos Navotas City. January 30, 2017. https://m.facebook.com/
permalink.php?story_fbid=1656753777686325&id=239720466056337 ________________________________________

Be the Judge

2. Ano ang pinatutunayan ng katauhan ng


sepulturero nang sinunod nito ang ipinag-uutos
sa kaniya ni Padre Damaso na itapon ang
bangkay ni Don Rafael sa libingan ng mga Intsik?
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
https://www.google.com/search?q=noli+me+tangere+ang+sepulturero&tbm=isch&ved=2ahUKEwiM16_f6eXsAhWTAaYKHYdJC6oQ2-

_____________________________________________
cCegQIABAA&oq=noli+me+tangere+ang+sepulturero&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BggAEAgQHjoECAAQQzoFCAAQsQM6BggAEAUQHlCCF1jsXGDNXmgCcAB4A
oAB2AqIAfM-
kgEQMC40LjEwLjAuMi4xLjEuMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=QQOhX8yyFZODmAWHk63QCg&bih=610&biw=1280#imgrc=iFpEXQfedKe
-fM&imgdii=rli2tDIUng219M

_______________________________________

Filipino 2 Pahina 4 ng 6
© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary
information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled
unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification.
Be the Judge

3. Ano ang pinatutunayan ng katauhan ni Tinyente


Guevarra sa lahat ng kaniyang ginagawa para sa
yumaong si Don Rafael Ibarra?
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
https://noli-me-tangere.fandom.com/wiki/Teniente_Guevarra
____________________________________________

Rubrik para sa Pagmamarka


Napakahusay Mahusay Mahusay-husay
Nilalaman Nakapagbigay ng Hindi sapat ang mga Maligoy at hindi
sapat na kaalaman sa impormasyong tuwirang nasagot ang
bawat hinihinging ibinigay. mga katanungan.
impormasyong
nabanggit sa itaas.
3 2 1
Organisasyon Maayos, malinaw, May higit sa isang
wasto, at epektibo ang pahayag ang
paggamit ng wika sa nakapagpagulo sa
bawat pangungusap. kalinawan at
kaayusan ng mga
2 pangungusap.
1
Mekaniks Walang pagkakamali
sa ispeling at
pagbabantas. Hindi
kumulang sa tatlong
pangungusap o
sumobra sa limang
pangungusap.
1

Filipino 2 Pahina 5 ng 6
© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary
information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled
unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification.
TA: 2 minuto ATA: ______

Paglalagom at Paglilimi

Ang mga pinuno o ang pagiging pinuno ay hindi lamang basta-basta. Ang isang
lipunan o pangkat ng tao ay hindi magiging maaayos kung ang namumuno rito ay hindi
nagtataglay ng mga nararapat na taglaying katangian ng isang mahusay na pinuno.
Nakasalalay sa isang pinuno ang tagumpay, katiwasayan, at kapayapaan ng kaniyang
nasasakupan. TA – suggested time allocation set by the teacher
ATA – actual time spent by the student (for information purpose only)
Paglilimi: Bilang mga susunod na mamumuno sa ating bayan, ano-anong mga katangian
ang dapat mong isabuhay ngayon habang ika’y nag-aaral pa lamang na magiging
kredensiyal mo upang ika’y maging mahusay na pinuno sa hinaharap?

TA – suggested time allocation set by the teacher


ATA – actual time spent by the student (for information purpose only)

Sanggunian
Cruz, E. & Mangahas, R. (2018). Noli Me Tangere ni Jose P. Rizal. C & E Publishing, Inc.

De Guzman, M., de Guzman, D. D., & Laksamana, F. (1987). Noli Me Tangere Ikalimang
Edisyon ng Pagkapalimbag. National Bookstore.
Ongoco, T. (1969). Mga Tulong sa Pag-aaral sa Noli Me Tangere. Pioneer Printing Press.

Zaide, G. & Zaide, S. (2008). Life, Works, and Writings of a Genius, Writer, Scientist, and National
Hero Ikalawang Edisyon ng Pagkalimbag. All Nations Publishing Co.

Pang-elektronik
Araral, E. & Heydaran, R. (2016). Playing the US against China may prove a smart
move for Rodrigo Duterte https://www.scmp.com/comment/insight-
opinion/article/2028741/playing-us-against-china-may-prove-smart-move-rodrigo

Unknown. (2012). Noli Me Tangere Kabanata 1 – 5.


https://rizalnolimetangere.blogspot.com/2012/06/noli-me-tangere-kabanata-11-
14.html

Inihanda ni: JOAN P. ŐNAL


Posisyon: Special Science Teacher III
Kampus: Central Luzon
Pangalan ng reviewer: HARVY B. CALMA
Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher IV
Kampus: Central Luzon
Filipino 2 Pahina 6 ng 6
© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary
information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled
unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification.

You might also like