You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 9 – Ikatlong Markahan

Mati National Comprehensive High School


Inihanda ni: Danica Morales

ARALIN 3.1

I. LAYUNIN
Inaasahang pagkatapos ng (45) apatnapu’t limang minutong talakayan,
matututuhan ng mga mag-aaral ang kasanayang nasa ibaba:
a. Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag
(F9WG-IIIa-53);
b. Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasang parabula na maaaring
maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan (F9PB-IIIa-50); at
c. Naisasadula ang parabula (F9PS-IIIa-53).

II. PAKSA
Paksa: Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
Sanggunian: Marquez, S. (2016). Pintig ng Lahing Pilipino 9. 927
Quezon Ave., Quezon City: Sibs Publishig House, Inc.
Kagamitan: Visual aids, Cartolina, Graphic organizer, Marker

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
Inaanyayahan ang lahat na tumayo
para sa panalangin. ______
(Ama namin…..)
pangunahan mo ang panalangin.
 Pagbati
Magandang umaga rin po Binbini!
Magandang umaga mga mag-aaral.
 Pagsasaayos ng silid-aralan
(Pupulutin ng mga mag-aaral ang mga
Bago kayo magsi-upo, pulutin niyo basura, titingin sa paligid kung malinis na
muna ang mga kalat na nasa sahig at ba at isasaayos ang mga upuan pagkatapos
ayusin ang inyong mga upuan sa ay tahimik na uupo sa kanilang upuan)
tamang pagkakahilera nito.
 Pagtala ng liban sa klase
(Tatanungin ang unang mag-aaral sa
(Sasagot ang mga mag-aaral)
bawat hanay ng upuan kung may
lumiban)
(Ipapasa ng mga mag-aaral ang takdang-
 Pagkolekta ng takdang-aralin
aralin sa harapan)
Pakipasa ng inyong takdang aralin sa
harapan.
 Mga alituntunin sa silid-aralan
(Paalalahanan ang mga mag-aaral
tungkol sa alituntunin)
1. Umupo ng maayos.
2. Itaas ang kanang kamay kung may
katanungan.
3. Makinig kapag may nagsasalita.
4. Magbigay galang sa guro at kapwa
mag-aaral.
5. Iwasang mahuli sa klase.
B. Pagbabalik-aral
Bago tayo dumako sa ating panibagong Opo Binibini.
aralin, balikan muna natin ang ating
nakaraang talakayan noong nakaraang
araw. Naaalala niyo pa ba? (Itataas ng mga mag-aaral ang kanilang
kanang kamay)
Ano nga ba ang ating tinalakay noong Ang atin pong nakaraang talakayan ay
nakaraang araw. tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng
Ikaw, _____? dula.
(Itataas ng mag-aaral ang kanilang kanang
kamay)
Ang dula ay isang uri ng panitikang ang
Tama, ano nga ang kahulugan ng dula? pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.

Oo, ikaw ____? Ako po, Binibini. Ang mga elemento ng


dula ay iskrip, dayalogo, aktor/karakter,
direktor, tanghalan, manonood, dayalogo at
Magaling, atin ding natalakay ang mga tema.
elemento ng dula. Ano nga ba ang mga
elemento ng dula?
Wala na po, Binibini.
Tumpak! Nakuha mo lahat ang elemento
ng dula.
Wala na ba kayong katanungan tungkol sa
ating nakaraang talakayan?
C. Pagganyak

Bago tayo dumako sa paksang ating


tatalayakin sa araw na ito. Magkakaroon
muna tayo ng pangkatang gawain.

(Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa


dalawang pangkat)

Gawain 1: Buoin Mo!

Panuto: Buoin ang mga naka scramble na


letra. Kung sino ang mauunang makabuo
ay siyang makakatanggap ng gantimpala.

Gabay sa pagsagot:

- Ito ang paksang tatalakayin natin


sa araw na ito.
- Ito ay isang halimbawa ng
parabula
- Ito ay kapupulotan ng aral.
Ang Talinghaga Tungkol sa
_____________________

Sagot: Ang Talinghaga Tungkol sa


May-ari ng Ubasan (Magbabahagi ang mga piling mag-aaral
tungkol sa kanilang naunawaan sa akdang
Ang inyong ginawang gawain ay ang binasa.)
paksang ating tatalakayin sa araw na ito.

D. Paglalahad ng paksa

Bibigyan ang bawat pangkat ng bahagi ng


parabula. Babasahin nila ito ng tahimik at
pipili lamang ng isang kasapi upang
magbahagi ng kanilang naunawaan
tungkol sa binasang parabula.
Mga posibleng sagot:
E. Paglalapat Mga Kahulugan Pangungusa
Salitang p
Gawain 2: Suriin Mo! Talingh
aga
Panuto: Suriin ang mga salitang ginamit
Kaharian Isang Nakatira si
sa parabula. Isulat ang ibig ipakahulugan malaking Haring
nito at gamitin sa pangungusap. kastilyo na Ildefoso sa
pinamumunu isang
an ng hari at malaking
Mga Salitang Kahuluga Pangungus reyna. kaharian.
Talinghaga n ap
Upa Kaukulang Pare-pareho
Kaharian bayad sa ang
paggawa tinanggap
Upa nilang upa sa
kanilang
Ari-arian pagtatrabaho.

Ari-arian Tumutukoy Nilimas ng


sa mga kawatan ang
kagamitang mga ari-arian
pag-aari ng ni Manny.
isang tao.
F. Paglalahat

Gawain 3: Punan Mo!

Panuto: Sa parehong pangkat,


magbibigay ang mga mag-aaral ng ilang Mga posibleng sagot:
pangyayari sa parabulang natalakay at ito
Pangyayari sa Sitwasyon sa Tunay
ay kanilang patutunayang maaari itong
Akda na Buhay
maganap sa tunay na buhay sa
kasalukuyan. Isusulat nila ito sa cartolina Hindi pantay- Hindi nababayaran

at ipapaskil sa pisara. pantay ang nang tama ang mga


pasahod ng manggagawa sa

Pangyayari sa Sitwasyon sa Tunay bawat totoong buhay.

Akda na Buhay manggagawa.


Mga nakatayong Mga walang trabaho
tao at walang o walang mahanap
ginagawa. kaya't nakatambay.

IV. PAGTATAYA
Gawain 4: Isadula Niyo!
Panuto: Sa parehong pangkat, isasadula ng bawat pangkat ang bahagi ng
parabulang ibinigay sa kanila.

PAMANTAYAN 10 PUNTOS 5 PUNTOS 3 PUNTOS


Organisasyon Mahusay ang May lohikal ang Hindi maayos ang
organisasyon at orgaisasyon ngunit organisasyon ng
may hindi masyadong mga idea.
pagkakasunod- mabisa ang
sunod ang mga pagkakasunod-sunod
idea. ng idea.
Pagkakaganap Makatotohanan at Hindi gaanong Hindi
ng tauhan kapani-paniwala makatotohanan at makatotohanan at
ang kapani-paniwala ang kapani-paniwala
pagkakaganap ng pagkakaganap ng mga ang
mga tauhan mula tauhan mula sa pagkakaganap ng
sa pananalita, pananalita, galaw at mga tauhan mula
galaw at ekspresyon ng mukha. sa pananalita,
ekspresyon ng galaw at
mukha. ekspresyon ng
mukha.
Koopersyon Kasama lahat ng Kasama lahat ng May mga kasapi
kasapi ng pangkat kasapi ng pangkat sa sa pangkat na
sa ginawang ginawang pagsasadula hindi nakitaan ng
pagsasadula. ngunit may kalituhan pagganap.
ang ilan sa kanilang
pagganap.
Kabuoan – 30 puntos

V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Bumuo ng sariling kaisipan kung paano maisasabuhay ang mga
aral/mahahalagang mensaheng nakapaloob sa parabula. Ipakita ito sa
pamamagitan ng poster o pagguhit ng larawan at ipaliwanag ito.
Gagamiting gabay sa pagguhit ng larawan ang rubriks.

NAKUH
PAMANT
10 PUNTOS 5 PUNTOS 3 PUNTOS ANG
AYAN
PUNTOS
Pagkamalik Lubos na Naging Hindi gaanong
nagpamalas ng malikhain sa naging malikhain
hain pagkamalikhain paghahanda. sa paghahanda.
sa paghahanda.
Buo ang kaisipan, May kaisahan Konsistent, may
konsistent, at sapat na kaisahan, kulang
Organisasyo
kompleto ang detalye at sa detalye at hindi
n
detalye at malinaw na gaanong malinaw
napakalinaw. intension. ang intensyon.
Angkop na Angkop ang Hindi gaanong
Kaangkupa
angkop ang larawan sa angkop ang
n sa Paksa
larawan sa paksa. paksa. larawan sa paksa.
KABUOANG PUNTOS

You might also like