You are on page 1of 13

MASUSING Jorge M.

Padilla National
Paaralan Pangkat 9
BANGHAY ARALIN High School - 300811
SA FILIPINO Guro Johnver M. Herrera Learning Area FILIPINO
Araw ng Pagtuturo June 26, 2023 Quarter Ika-4 na Markahan

ORAS PANGKAT SILID


10:00-11:00 am 9 – STE

Ang mga layunin ay dapat matugunan sa loob ng isang linggo at konektado sa mga pamantayan ng kurikulum. Upang
matugunan ang mga layunin, kailangang sundin ang mga kinakailangang proseso at kung kinakailangan, maaaring
magdagdag ng mga aralin, ehersisyo at remedial na aktibidad para sa pagpapaunlad ng kaalaman at kakayahan sa
I. PAMANTAYAN nilalaman. Ang mga ito ay sinusuri gamit ang mga estratehiya ng Formative Assessment. Ang mga layuning
pinahahalagahan ay sumusuporta sa pag-aaral ng nilalaman at kakayahan at nagbibigay-daan sa mga bata na
makahanap ng kahalagahan at kasiyahan sa pag-aaral ng mga aralin. Ang mga layunin sa loob ng isang linggo ay kinuha
mula sa mga gabay sa kurikulum.
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang pampanitikan ng
A. Pamantayang Pangnilalaman
Pilipinas.
Ang mga mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard tungkol sa
B. Pamantayang Pagganap
ilang tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga katangian (dekunstruksiyon)
C. Kasanayang Pampagkatuto Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring naganap sa buhay ng
(Write the LC Code) tauhan (F9PN-IVd-58)
Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakikilala ang isa sa mga pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere.
D. Layunin B. Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring naganap sa buhay ng
tauhan; at
C. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagbibigay ng opinyon.
Ang nilalaman o content ay tungkol sa paksang aralin na nais ng guro na ituro. Sa CG/MELCS, ang content ay maaaring
ituro sa loob ng isang linggo o dalawang linggo.
II. PAKSANG ARALIN
Kabanata 16: SI SISA (Noli Me Tangere)
Ilista ang mga materyales na gagamitin sa iba't ibang araw. Ang iba't ibang pinagmumulan ng materyales ay
III. KAGAMITAN AT nagpapanatili ng interes ng mga bata sa aralin at sa pag-aaral. Siguraduhin na may halong kongkreto at manipulatibong
SANGGUNIAN materyales pati na rin ng mga papel. Ang pagkatuto gamit ang mga kamay ay nagpapalakas ng pag-unawa sa mga
konsepto.
A.Kagamitan Laptop, Powerpoint, Alternative Delivery Mode, Self-Learning Module (SLM), lokalays na bidyo.
A. https://www.youtube.com/watch?v=XTv4pyogyn8&t=23s
B. “Noli Me Tangere.” Kapitbisig.com.
B. Sanggunian
C. SLM: Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Noli Me Tangere (Mahahalagang Pangyayari sa Buhay
ni Sisa)
Ang mga hakbang na ito ay dapat gawin sa buong linggo. Maglaan ng tamang oras para sa bawat aktibidad upang
matuto nang maayos ang mga mag-aaral. Palaging gabayan ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
formative assessment. Sustenahin ang pagkatuto sa sistemang paraan sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba't ibang
IV. PAMAMARAAN paraan upang matuto ng bagong bagay, magpraktis sa kanilang pagkatuto, magtanong tungkol sa kanilang proseso ng
pagkatuto at gumawa ng mga konklusyon tungkol sa kanilang natutunan sa relasyon sa kanilang mga karanasan sa
buhay at nakaraang kaalaman. Tukuyin ang oras na ibinigay para sa bawat hakbang.
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain I. Panalangin

"Bawat panalangin ng tao sa lupa,


ganti ng Diyos ay biyaya, ang
mabuting panalangin tiyak sa Diyos
ay makakarating."

Sa lahat ng ating gagawin, nais


kong ang Diyos ang ating unahin,
saan man tayo naroroon hingin
natin ang gabay ng Panginoon.
Panandaliang yumuko at pumikit
ang bawat isa para sa isang
panalangin na pangungunahan ng
inyong kamag-aral na si Bb.
_____________.
(tatayo ang mga mag-aaral.
Panandaliang yuyuko at pipikit
II. Pagbati para sa maikling panalangin.

Ang guro ay magtuturo ng isang masining


na pagbati!

Kapag sinabi kong


“Makulay na buhay pangkat - 9 STE!”
Ang itutugon ninyo ay “VIVA COLORIDA”,
ginoong Herrera! “Good afternoon Ma’am, It’s nice to
see you today!”
Subalit kapag sinabi kong “VIVA
COLORIDA”, pagkat 9 STE!”
Ang itutugon ninyo ay, “Makulay na buhay,
ginoong Herrera!”

Naunawaan po ba?

“Makulay na buhay pangkat 9 – STE!”


(tutugon ang mag-aaral ng “Opo”.)

“Viva Colorida pangkat 9- STE!”


“Viva Colorida, ginoong Herrera!”

III. Pagsasaayos ng Klase “Makulay nabuhay ginoong


Herrera!”
Tunay ng ana masarap mag-aral kung ang
paligid ay maayos at malinis, kaya naman
ano mang kalat na inyong makikita sa
inyong paligid ay mangyaring pulutan at
ano mang silyang di nakaayos ay ayusin.
Kapag nasa ayos na ang lahat, ayusin
naman ang sarili at maaari ng maupo.

IV. Pagtatala ng mga lumiban

(Tatawagin ang kalihim ng klase)


“Salamat po!”
Mayroon bang lumiban sa ating
klase ngayong araw
Bb.______________?

Mabuti naman kung gayon, batid


kong handa na naman ang bawat “Wala po Sir!”
isa sa inyo na lumawak at
madagdagan ang kaalaman
ngayong araw.

Pero bago ang lahat, nais kong


alamin kung kayo ba ay mayroon
pang natatandaan sa ating
nakaraang talakayan.

B. Pagbabalik-Aral
NAKARAAN, MULING BALIKAN!

Panuto: Basahin at unawain ang mga


gabay na katanungan at tukuyin ang
wastong kasagutan.

1. Sina Crispin at Basilio ay kilala bilang


mga ______________?
“sakritan po!”

2. Sino sa kanila ang napagbintangang


magnanakaw?
“Crispin”

3. Magkano ang sweldo ng magkapatid sa


loob ng isang buwan?
“2 piso”

4. Ilang beses ang naging multa kay Crispin


sa tangka nitong pagnanakaw?
“3 beses po”

Magaling! Tunay nga na kayo ay mayroong


natutuhan at natatandaan pa sa nakaraang
talakayan kaya naman bago tayo dumako
sa ating pinakapaksang- aralin ay nais kong
hawanin ang mga posibilidad na balakid na
ating kahaharapin.

C. Paghahawan ng balakid
Paglinang ng Talasalitaan: Name
it To Win it

Panuto: Gamit ang mga larawan at


pangungusap, ibigay ang
kasingkahulugan ng mga salitang
nakasalungguhit batay sa
pagkakagamit nito at gamitin ito sa
pamamagitan ng isang hugot line.

1. Windang ang puso ni Vhea.

Nalo ray

Sagot:
Nalo + ray = Naluray
Hugot Line: Labis na naluray ang
puso ko nang ako ay iyong iwan.
Trivia:
Ang salitang nalo ay nagmula sa
Africa, ito ay paggamit ng pangalan
sa neutral o balanseng paraan na
kung saan ito ay maaaring gamitin
sa babae man o lalaki.

Hal. Alex
Brooklyn
2. Isang kapos-palad ang
napangasawa ni Ana pero gayon pa
man mahal nila ang isat isa.

+ Sagot:
Ma + hirap = mahirap
Hugot Line: Mahirap man ang
iyong kalagayan ipaglalaban kita
hanggang kamatayan.
Ma hirap

3. Napasigaw ng malakas si
Princess nang siya’y gulantangin ni
Leomar.

+ Sagot:
Gula + tin = gulatin
Hugot Line: Nagising ang puso
kong nahihimbing nang gulatin ng
Gula mata mongtin nagniningning.

4. Bunsod nang matinding gutom,


nilantakan ni Bobby ang masasarap
na putahe.
+

Sagot:
Kinain
Key Nine Hugot Line: Kinain nang galit ang
puso kong napuno nang pait.

5. Nang mabundat si Tyron bigla


siyang napadighay.

Ma
+

busog
Sagot:
Ma + busog = Mabusog
Hugot Line: Mabusog ka man ng
pagmamahal ng iba, hindi
matutumbasan nito ang
pagmamahal ng isang ina.

D. Pagganyak
Ipanonood ang lokalays na bidyo
na may pamagat na “Sino ang tunay na
baliw bilang pagganyak na
naglalarawan sa katauhan ng
pangunahing tauhan sa kabanata.

Mga Gabay na Tanong: (panoorin ng mag-aaral)

Ano ang unang linyang binitiwan ng


tauhan sa bidyo?

“Umiibig sila sa akin!”


Naranasan niyo na bang umibig?

“Opo!”
Magpapakita ng larawan ang guro.

Ano sa tingin niyo ang pag-ibig na ito?

Para sa inyo, anong pag-ibig ang “Ito po ay pag-ibig ng isang ina”.


kailanman hindi nabibigo?

Inaasahang sagot:
Para po sa akin, ang pag-ibig na
hindi nabibigo ay ang wagas na
pag-ibig ng ating magulang o ina.
Maaari rin naman ang pag-ibig na
walang kondisyon o yung
tinatawag sa Ingles na
“Unconditional Love” sapagkat ang
tunay na umiibig kailanman ay
-Tama! hindi nabibigo.

At sa tingin ninyo may hihigit pa ba


sa pag-ibig na kayang ibigay ng isang
ina?

Sa inyong palagay, ano kaya ang ating Wala na po!


tatalakayin sa araw na ito?

Buhat sa bidyo na inyong napanood isa Posibleng sagot:


ito sa naging katauhan ng pangunahing Tungkol po sa isang ina
tauhan sa kabanata 16 mula sa nobela ng Tungkol po kay Sisa
Noli Me Tangere, sa kabanatang ito,
matutuklasan natin kung anong katangian,
at katauhan ang tinataglay ni Sisa bilang
isang babae, asawa at ina.

E. Pagtalakay
Pakikinig at Panonood ng bidyo tungkol
sa nilalaman ng kabanata 16: Si Sisa

Kabanata 16: Si Sisa

Kapos-palad si Sisa sapagkat


nakapag-asawa siya ng lalaking
iresponsable, walang pakialam sa buhay,
sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi
niya inaasikaso ang mga anak, tanging si
Sisa lamang ang kumakalinga kina Basilio
at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng
kaniyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan
sa mga natipong hiyas o alahas nito noong
siya ay dalaga pa. Sobra ang kaniyang
pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang
na pag-uwi ng kaniyang asawa, nakatitikim
pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit
ang lalaki. Gayonman, para kay Sisa ang
lalaki ay ang kaniyang bathala at ang
kaniyang mga anak ay anghel.

Nang gabing iyon, abala siya sa


pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong
tuyong tawilis at namitas ng kamatis sa
kanilang bakuran na siyang ihahain niya
kay Crispin. Tapang baboy-ramo at isang
hita ng patong bundok o dumara na hiningi
niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya
kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng
puting bigas na sadyang inani niya sa
bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na
pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo
Tasyo kina Basilio at Crispin nang
puntahan niya ang mga ito sa simbahan.

Sa kasamaang palad, hindi natikman


ng magkapatid ang inihanda ng ina
sapagkat dumating ang kanilang ama.
Nilantakang lahat ang mga pagkaing
nakalaan sa kanila. Itinanong pa niya kung
nasaan ang dalawa niyang anak. Nang
mabundat ang asawa ni Sisa, ito ay muling
umalis dala ang sasabunging manok at
nagbilin pa siya na tirhan siya ng perang
sasahurin ng anak.

Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito


mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang
kaniyang dalawang anghel? Ngayon
lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang
ng kaniyang walang-pusong asawa.
Luhaang nagsaing siyang muli at
inihaw ang nalalabing daing na tuyo
sapagkat naalala niyang darating na gutom
ang kaniyang mga anak. Hindi na siya
mapakali sa paghihintay. Upang maaliw
ang sarili, hindi lang iisang beses siya
umawit nang mahina. Saglit na itinigil niya
ang pag-awit ng kundiman at pinukulan
niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa
kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot
na pangitain. Kasalukuyan siyang
dumadalangin sa Mahal na Birhen, nang
gulantangin siya ng malakas na tawag ni
Basilio mula sa labas ng bahay.

Nais kong alamin kung tunay nga bang


naunawaan ninyo ang napanood at
napakinggang bidyo.

Naunawaan niyo ba mga anak?


Opo!

Mabuti naman, kung gayon ay nais


kong ibuod natin ang kwento.

(sisimulang ibuod ang kwento,


gamit ang gabay na tanong guro
upang ito ay matapos at mabuo.)

Magaling! Tunay na naunawaan ninyo ang


bidyong napanood sapagkat naibuod ninyo
ito ng malinaw at maayos.

Mayroon ba kayong opinyon, saloobin,


nararamdaman o nais ibahagi matapos
makilala ang pangunahing tauhan?

“Opo!”

Ngunit bago tayo magbahaginan, hayaan


ninyong ituro ko sa inyo ang mga angkop
na ekspresyon sa pagbibigay-opinyon.

Mga Angkop na Ekspresyon sa


Pagbibigay-Opinyon

Ang opinyon ay isang kuro-kurong


personal o mga paniniwala ukol sa isang
bagay. Maaaring ito ay totoo o isang
karanasan. Sa pagpapahayag nito,
gumagamit ng mga angkop na ekspresyon.

Halimbawa: sa aking palagay, sa


nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang
tatanungin, para sa akin, sa ganang akin,
naniniwala ako, ang opinyon ko sa bagay
na ito, at sa tingin ko.

Kahanga-hanga! Tiyak akong alam mo na


ang iba’t ibang ekspresyon sa
pagpapahayag ng opinyon. Kaya naman
nais kong alamin ang inyong sariling
opinyon gamit ang mga angkop na
ekpresyon tungkol sa napanood na
kabanata.

F. Pagpapalawak
Pag-unawa sa napakinggan at
napanood:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa


inyong napanood at napakinggang
kabanata? Maaari mo bang Ilarawan?

Inaasahang sagot:
Naniniwala ako na ang
pangunahing tauhan sa napanood
na bidyo ay si Sisa. Si Sisa ay
isang martir, mapagkalinga at
mapagmahal na ina, handang
isakrispiyo at gawin ang lahat
upang ipakita ang kanyang labis na
pagmamahal sa kanyang asawa’t
mga anak.

2. Anong uri ng Pamilya mayroon ang


pangunahing tauhan sa kabanata?

Sa nakikita ko, batay sa


napanood kong bidyo, si Sisa ay
mayroong magulong pamilya
sapagkat nagkaroon siya ng
asawang walang puso,
iresponsable, walang pakialam sa
buhay, sugarol at palaboy sa
lansangan. Amang walang
pagmamahal at malasakit sa mga
anak. Dahil dito, napilitan na
magtrabaho si Crispin at Basilio
upang matustusan ang pang-araw-
araw na pangangailangan ng mga
ito.

3. Ano ang mahalagang katangian ng


pangunahing tauhan ang pumukaw sa
iyong damdamin?

Para sa akin, ang pagiging


mabuting ina at asawa ni Sisa sa
kanyang pamilya. Isa na
napakahagang katangian na laging
tingnan ng positibo ang mga
pangyayaring negatibo na kabila
ng lahat ng pasakit at sakripisyo
nagagawang magmahal nito.
Pinakaw ako ng pagiging optimistik
nito.

Paglinang ng Gawain
Sa Gawaing ito, hahatiin ng guro
sa tatlong pangkat ang klase na kung
saan bibigyan ang bawat pangkat ng
sobre na naglalaman ng isang salita na
kanilang ilalarawan.

Panuto: Ilarawan ang katangian at


katauhan ni Sisa bilang isang ina,
asawa at babae.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ------ 10
Wastong gamit ng ekspresyon – 5
Kaisahan ng pangkat ------ 5
Kabuuan: 20 puntos

Inaas ahang s agot:

Ina : Sa ga na ng a kin, s i Sis a bila ng ina a y


is a ng da kila , ma but i a t ma pa gka linga .

Ba ba e: Sa na kikit a ko, Si Sisa a y


s uma s a la min s a mga ba ba e rit o s a a t ing
lipuna n.

Asa wa : Sa na kikit a ko, s i Sis a ay is ang


ma but ing a s awa s a pa gka t sa ka bila ng
pa na na kit ng ka nya ng a sa wa a y
na kukuha niya it ong t iisin a t t ingnan ang
a s a wa na ka nya ng ba t ha la .

G. Paglalapat
Bongga Ka Nay!
Panuto: Mula sa inyong natutuhan sa
kabanatang ating tinalakay, lumikha ng
isang slogan na nagpapakita ng
pagpapahalaga o katangian ng isang ina.

“Pagmamahal ng isang ina’y ‘di


mapapantayan, Tunay na kalinga’y sa
kanya lang mararanasan.”
-Sir JV

Pamantayan ng Pagmamarka
Nilalaman --------------------10
Kalinisan at kaayusan -----------5
Tugma ---------------------5
Kabuuan--------------------20

(iisip at gagawa ng islogan ang


mag-aaral pagkatapos ay
ipapaliwanag ang kanilang mga
akda.)

H. Paglalahat

Mga Gabay na Tanong:

1. Ipakilala ang pangunahing tauhan sa


kabanata 16 ng Noli Me Tangere. Ilahad
ang kanyang katangian batay sa bidyong
napanood at napakinggan.
Inaasahang sagot:
Ang pangunahing tauhan
sa kabanata 16 ay si Sisa,
isang martir, mapagkalinga at
mapagmahal na ina, handang
isakrispiyo at gawin ang lahat
upang ipakita ang kanyang
labis na pagmamahal sa
kanyang asawa’t mga anak.

2. Ano ang iyong naging damdamin batay


sa tinalakay na kabanata? Ilahad.

Sa pakiwari ko,
nangibabaw sa aking
damdamin ang pagiging isang
mabuting tao, gaya ni Sisa.
Naging mabuting ina at asawa
na kung saan hindi inalintana
ang sakit at hirap na kanyang
nararanasan at tiningnan pa ng
positibo gaya ng pagtingin nito
sa asawa na isang bathala at
mga anak na kanyang mga
anghel.

3. Kailan ginagamit ang mga angkop na


ekspresyon sa pagbibigay-opinyon?

Ginagamit ang angkop na


ekspresyon kapag
magpapahayag ng opinyon,
mga kuro-kurong personal o
mga paniniwala ukol sa isang
tao, bagay, o mga pangyayari.
Maaaring ito ay totoo o isang
karanasan.

I. Pagtataya I. Panuto: Ipakilala ang isa sa mga pangunahing t auhan sa kabanat a 16 ng Noli Me
Tangere sa pamamagit an ng kasunod na chara ct er map.

Sisa

II. Panuto: Gamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagbibigay ng opinyon,


ipaliwanag ang pahayag na nasa ibaba.

Pamantayan s a Pagmamarka:

Nilalaman - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 5
Paggamit ng angkop na ekpresyon - - - 5
Kalinawan at kaayusan ng ideya - - - - - 5
Puntos - - - - - - - 15

1. Karapat - dapat bang t ularan ang kat angian ni Sisa sa napakinggang kabanat a?
Bakit at Bakit hindi?

______________________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________

J. Takdang-aralin

Inaasahang tugon;
Anong larawan ang inyong nakikita?
“Larawan po ng isang batang
lalaki.”

Tama! Ito ay larawan ng isang batang


lalaki.

Saliksikin ang Katangian ni Basilio


sa Kabanata 17 ng Noli Me Tangere!
V. REMARKS
Reflect on your teaching and assess yourself as a teacher. Think about your students’ progress this week. What works?
VI. REFLECTION What else needs to be done to help the students learn? Identify what help your instructional supervisors can provide for
you so when you meet them, you can ask relevant questions.
A. No. of learners who earned 80% on the
formative assessment
B. No. of learners who require additional
activities for remediation

C. Did the remedial lessons work? No. of


students who caught up with the lesson

D. No. of learners who continue to require


remediation

Inihanda ni:

Johnver M. Herrera
Teacher I - Applicant

You might also like