You are on page 1of 2

A.

Kasanayan sa Pagtuturo
1. Pumipili, naghahanda at gumagamit ng mga kagamitang panturo.
2. Gumagamit ng Ibat-Ibang teknik at istratehiya sa masigla at kawiliwiling pagtuturo.
3. Naglalahad at nagpapaliwanang ng aralin, gumagamit ng angkop na mga ilustrasyon, mga
halimbawa, at mga kagamitang biswal.
4. Nagagawang laging masigla at buhay na buhay ang mga talakayan, pagpapaliwanang at
palitang kuro.
B. Kabatiran sa Paksa/ Assignaturang Itinuturo
1. May ganap na kabatiran sa nilalaman ng kursong (course content) itinuturo.
2. Malawak at higit na malalim ang kabatiran ng guro sa paksa, assignatura, kursong itinuturo na
ipinahihiwatig ng kanyang kahusayan at kasanayan sa malinaw, wasto, angkop na paliwanag at
pagtalakay sa aralin.
3. May kaalaman hindi lamang sa saklaw ng kurso/ assignatura o disiplinang itinuturo kundi
gayon din sa kaugnayan nito sa iba pang kurso, assignatura, o disiplina.
4. May laging bago at up-to-date na kabatiran hinggil sa itinuturo.
C. Pangangasiwa sa Silid-Aralan
1. Sinisikap ng guro na magkaroon ng kaaya-ayang kaligiran sa silidaralan.
2. May kaiga-igayang kaligirang sosyal, magandang relasyong guro-magaaral, mag-aaral-magaaral.
D. Kasanayan sa Pag-eebalweyt ng Mag-aaral
1. May kasanayan sa pagbuo at paghahanda ng angkop na pagsusulit na epektibong susukat sa
antas ng pagkatutong naganap, susukat sa kasanayan, lakas at kahinaan ng mag-aaral.
2. Hindi siya maramot sa pagbibigay ng kaukulang papuri sa mga magaaral na may magandang
performance o sa mga mag-aaral na karapatdapat sa papuri.
3. Sinisikap na maging fair at may pantay-pantay na pagtingin sa bawat miyembro ng kanyang
klase. Iniiwasan ang pagkakaroon ng mga paboritong mag-aaral sa klase.
E. Persoalidad ng Guro
1. May kaaya-ayang katauhan, masayang disposisyon, may diwa ng paluwag-tawa (sense of
humor).

2. May katamtamang lakas ng tinig na nagagamit niya sa malinaw na pagpapaliwanang ng aralin.


3. May mataas na antas ng kasanayan sa pakikipagtalastasan, sa gamit ng wika, lalo na ng
Filipino.
4. Maunlad, mapanaliksik, malikhain, mapamaraan, at may pagkukusa.
Ebalwasyon sa mga Pasilidad ng Paaralan
1. Maayos na silid (classroom) para sa pag-aaral.
2. Naglalaman ang silid-aklatan ng mga bagong sangguniang aklat na tumatalakay sa ibat-ibang
aralin na nauukol sa Filipino.
3. May mga nakatakdang silid para sa ibat-ibang gawain.

You might also like