Professional Documents
Culture Documents
Maaring tingnan[baguhin
Nag-aral ng paglilimbag si Tomas Pinpin sa pagtatapos ng taong 1608 sa
isang imprenta sa bayan ng Abucay, na pag-aari ng isang Dominiko. Noong
1610, inilimbag niya ang aklat ni Padre Francisco Blancas de San Jose na "Arte y Reglas de
Lengua Tagala", ang kauna-unahang aklat na nailimbag tungkol sa wikang Tagalog. Noong
1612, inilimbag niya ang "Vocabulario de Lengua Tagala" ni Padre San Buenaventura.
Ilan pa sa kanyang mga nalimbag ay ang mga sumusunod:
Relacion de Martirio (1625) Herreras Confessionario (1636)
Carreras Triumpo (1626) Perez Relacion (1639)
Lopez Arte Ilocano (1627)
Ang pinakahuli ay ang aklat na nilikha ni Padre Perez de Jesuita P. Mastrillo.
Wala ring naitala tungkol sa kanyang kamatayan.
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] (19 Hunyo 1861–
30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na
tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng
mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala
bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga
Pambansang Bayani.[2]
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa
siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli
Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo.[note 1][3] Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa
ng dalawampu't dalawang mga wika.[note 2][note 3][4][5]
Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na
pinamunuan ni Andrés Bonifacio,[note 4], isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino
laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay
tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa
sa marahas na himagsikan, at susuportahan lamang ang karahasan bilang huling dulugan.[7] Naniniwala si
Rizal na ang tanging katwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay
ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan,[note 5] at kanyang winika "Bakit kalayaan, kung ang
mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?"[8] Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga
dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay dito ang naghudyat upang magsimula ang Himagsikang
Pilipino.
Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (30 Agosto 1850 - 4
Hulyo 1896), kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay
isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan
sa dyaryo ay Plaridel.[1]Pinalitan niya si Graciano López
Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad.[2
Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng paralisis ng bata na lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo
at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo.
Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas
at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na
Dekalogo".
Noong 1899, si Mabini ay nabilanggo sa Nueva Ecija. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon at Pagbagsak ng
Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay
ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng
katapatan sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa
Nagtahan, Maynila.
Sinulat din niya ang mga talambuhay nina Dr. Trinidad Pardo de Tavera, Marcelo H. del Pilar, Andres
Bonifacio, Emilio Jacinto, at Ignacio Villamor. Ang kanyang salin sa Kastila mula sa Tagalog ng Florante at
Laura ni Balagtas ay itinuring na isang klasiko sa panitikang Pilipino.
Rosa Sevilla Alvero ay ipinanganak sa Daang Rajah Matanda sa Tondo,
Maynila noong 4 Marso 1879. Ang buo niyang pangalan ayon sa kanyang
partida bautismo ay Rosa Lucia Sevilla. Ang kanyang mga magulang ay
sina Ambrosio Sevilla, isang sarhento ng hukbong Kastila at si Silvina
Tolentino y Rafael na kamag-anak ng mandudulang si Aurelio Tolentino.
Siya ay nagtapos ng kursong Maestra Superior sa Kolehiyo ng
Assumption. Nakilalang manunulat at mambibigkas sa wikang Kastila at
Tagalog. Naging patnugot siya ng Vida Filipino, Buhay Pilipino at Pajima
de la Mujer ng La Vanguardia. Naging manunulat din siya ng Taliba, El
Debate at La Opinion.