You are on page 1of 5

PANAHON NG KASTILA

KALIGIRANG KASAYSAYAN / Panahon ng Kastila 


 Nagsimula ang panitikan ng mga tao ng sinakop at nanatili ang mga Kastila sa Pilipinas.
 
 Tinangkilik ng mga tao ang relihiyong Katoliko at nagpalit sila ng pangalan at
nagpabinyag.
 
 Natuto ang mga tao na magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo, Papa
at gobernador.
 Ang dating diwang makarelihiyon ay napalitan ng damdaming mapanghimagsik.
 Ang naging paksa ng panitikan sa panahong ito ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at
simbahan, at pag-udyok sa mga Pilipino na magising at magkaisa upang matamo ang
minimithing kalayaan.
MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG PILIPINO 
 1. “Alibata” na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong
Romano.
 2.Ang pagkatuturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon.
 3. Ang wikang Kastila na nagging wika ng Panitikan nang panahong yaon. Marami sa mga salitang ito
ang naging bahagi ng wikang Filipino.
 4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng Panitikang
Filipino tulad ng awit, corido, moro-moro, atbp.
 5. And pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibangwikain.6.
 6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano at
Bisaya.
 7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon.
MGA UNANG AKLAT
1. Ang Doctrina Cristiana
  ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noog 1593, sa pamamagitan ng
silograpiko. Ito ay naglalaman ng maraming bagay tulad ng Sampung Utos ng Diyos,
Katesismo atbp.2.
2. Nuestra Señora del Rosario
  ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pamantasan ng Sto.Tomas. Naglalaman ito ng
talambuhay ng mga santo, nobena at mga tanong at sagotsa relihiyon.

3. Ang Barlaan at Josaphat 


  ang ikatlong aklat at kauna-unahang nobelang napalimbag saPilipinas.ay isang
naratibong tula tungkol sa buhay ni Kristo, mula kapanganakanhanggang sa muli
nitong pagkabuhay. Bawat saknong ay may limang linya. Bawat linyaay may walong
pantig.

4.  Ang Pasyon
  ay isang naratibong tula tungkol sa buhay ni Kristo, mula
kapanganakanhanggang sa muli nitong pagkabuhay. Bawat saknong ay
may limang linya. Bawat linyaay may walong pantig.
5. Urbana at Felisa –
 Ang “Urbana at Feliza” na ang buong pamagat ay “Pagsusulatan nang Dalawang
Binibini na si Urbana at si Feliza” ay binubuo ng palitan ng liham ng dalawang
magkapatid. Ang nakatatanda, si Urbana, ay nag-aaral sa isang kolehiyo ng mga
babae sa Maynila, at ang mas bata, si Feliza, ay nagnanais na matuto mula sa
kaniyang kapatid hinggil sa kung ano ang dapat ugaliin sa iba’t ibang pagkakataon.
Binabanggit niya ang mga tukso at panganib sa landas ng kabataan at sinasabi kung
paano maiilagan ang mga ito. Sa “Paunawa sa Babasa” ng aklat ay ipinaliliwanag ni P.
Modesto de Castro ang nilalaman

You might also like