You are on page 1of 6

MODYUL 2

Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa Campus

Kolehiyo/Departmento ng Filipino
FIL 16: Ang Kurikulum ng Filipino sa Batayang Edukasyon
Semester of A.Y. 2020-2021

INTRODUKSYON

MGA LAYUNIN
1. Malaman ang kahulugan, katangian at ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas noong bago Panahon ng
Espanyol at noong Panahon ng Espanyol.
2. Maipakita sa klase ang mga paaralang naipatayo sa Panahon ng Espanyol.
3. Maiakma sa aralin ang mga impluwesiyang inihatid ng mga pari sa Panahon ng Espanyol.
NILALAMAN
ANG KURIKULUM BAGO PANAHON NG ESPANYOL

 Pinagtutuunang pansin ang mga pagiging lider upang makatulong sa pag-unlad.


- Bago pa dumating ang Espanyol, may nangunguna na noon sa Pilipinas kung saan ang mga
namumuno ay ang mga tribo. Sila ang nagtuturo sa mga estudyante bilang isang guro.

 Hindi pormal, magulo, at kulang sa kagamitan.


- Sa ilalim lamang ng puno nagtuturo ang mga tribo, nakaupo lamang ang mga bata sa lupa at
gumagamit lamang sila ng makikinis na bato sa pagsulat.

 Mas tinuturo sa mga bata ang bokasyon kumpara sa akademiko.


- Sapagkat mahalaga noon sa kanila ang pangangaso, pangingisda, atbp., kaysa sa pag-aaral ng mga
bata.
 Pangangaso para sa mga lalaki at mga gawaing-bahay para sa mga babae – preparasyon para sa buhay
mag-asawa.
- Mas pinagtutuunan na ng pansin ang pag-aasawa noon para sa mga babae. At ang mga lalaki naman
noon ay puro sa pagtatrabaho na lamang.

 May pagpapahalaga para sa edukasyon – mayroong Alibata na siyang gumagabay sa kanilang


pagsusulat at pagbabasa.
- Mayroon ng sariling alpabeto ang mga Pilipino kung saan ito ay ang Alibata na itinuturo noon sa
mga bata sa kanilang pag-aaral.

 Ang edukasyon ay kolektibong responsibilidad ng pamayanan o barangay.


- Kung saan ang mga namamahala sa barangay noon ay ang humahawak ng responsibilidad sa pag-
aaral ng mga bata.

 Ang mga magulang at nakatatanda sa barangay ang nangangasiwa sa pagtuturo sa mga bata.
- Ginagampanan ng mga magulang at nakatatanda sa barangay noon ang tungkulin ng isang guro.

 Ang mga kasanayan sa produksiyon tulad ng paghahabi, pangingisda at pangangaso ay pangunahing


binibigyang pansin.
- Kung saan mas mahalaga ang pangangalaga noon sa mga produkto dahil ito lamang ang
pinagkukuhanan nila ng kabuhayan at pinagkakakitaan. Hindi nila gaanong binibigyan ng kaukulang
pansin ang pag-aaral.
ANG KURIKULUM SA PANAHON NG ESPANYOL
Ang Sistema ng Edukasyon ng mga Espanyol
- Malaki ang naging gampanin ng pagdating ng iba’t ibang misyonero dito sa Pilipinas pagdating sa
sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Naging pangunahin nga nilang layunin ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo sa bansa. Kung saan nagtatag sila ng iba’t ibang paaralan sa bansa para
maisakatuparan ang kanilang layunin.
Anu-ano ang mga paaralang itinatag nila sa Pilipinas? Paano ang sistema ng edukasyon sa panahon ng
Espanyol?
Isa na rin namang paraan ng mga Espanyol na mahimok ang mga Pilipino sa Katolisismo ang edukasyon.
Mga religious orders ang may hawak ng edukasyon. Ang mga misyonaryong prayleng ito ay nagpapakilala ng
isang bagong paraan ng pag-aaral na ang binigyang diin ay ang pananampalatayang Kristiyano.
- Naging relihiyoso nga ang mga Pilipino, pagdating sa pagtuturo sa kanila ng mga pari noon.
Ang unang ginawa ng mga Espanyol ay ang pagsunog ng mga tala na ginawa o sinulat ng ating mga
ninuno sa mga dahon at balat ng punongkahoy. Ang sabi nila ang mga ito ay kagagawan ng diyablo. Ang mga
talang sinunog ay pinalitan ng mga aklat-dasalan at mga babasahin tungkol sa relihiyong Katoliko.
- Sapagkat paniniwala nila na tanging sa bibliya lamang matatagpuan ang tamang itinuturo pagdating
sa pag-aaral.

GAWAIN 1
Sabihin kung Tama o Mali ang ipinapahayag ng bawat bilang. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

__________ 1. Sa tahanan unang natutuhan ang sistema ng edukasyon.


__________ 2. May dalawampu’t walong titik ang alpabetong Pilipino.
__________ 3.Inihahanda sa buhay may – asawa at gawaing – pantahanan ang mga babae.
__________ 4. Gumamit ng pluma at makinis na papel sa pagsulat.
__________ 5.Tinuturuan ang mga lalaki ng pag-iigib ng tubig, pagsibak ng kahoy, pangangaso, pagsasaka, at
iba pa.

Nang dumating ang mga Espanyol sa ating bansa nagkaroon ng pagbabago ang sistema ng kanilang
edukasyon. Ang di-pormal na edukasyon sa panahon ng ninuno ay naging pormal. Tingnan mo ang larawan
upang maunawaan mo kung bakit sinabing ang di pormal na sistema ay naging pormal.
- Nakapagpatayo ang mga Espanyol ng paaralan para sa mga bata at may mga upuan na rin sila.
Kumpara naman noon, sa ilalim lamang sila ng puno nag-aaral at sa lupa lamang sila nakaupo.
Makikita rin dito na ang tagapagturo noon ay ang mga tribo noong hindi pa dumarating ang mga
Espanyol. Sa panahon naman ng Espanyol, ang mga pari na ang nagtuturo sa mga estudyante.
Maraming paaralan ang itinatag ng iba’t-ibang misyonero sa ating bansa. Unang naitatag ang mga
paaralang parokyal at ang mga paring misyonero ang naging mga unang guro. Itinuro dito ang relihiyong
Kristiyanismo, wikang Espanyol, pagsulat, pagbasa, aritmetika, musika, sining at paggawa. Ipinasasaulo ang
aralin sa mga mag-aaral maging ang mga dasal.
- Dito na mas lumawak ang pagiging relihiyoso ng mga mag-aaral pagdating sa kanilang pag-aaral.
May mga paaralang itinayo para sa mga lalaki at babae. Ang unang paaralang itinatag para sa mga babae
ay ang Sta. Potenciana noong 1589. Ang naitatag naman para sa lalaki ay ang Kolehiyo ng San Ignacio sa
Maynila noong 1589.
Binigyang diin sa edukasyong primarya ang pagtuturo ng Doctrina Kristiyana at mga pagsasanay sa
pagbasa ng alpabetong Espanyol at wikang Filipino. Nagtatag din ng mataas na paaralan o sekondarya upang
maragdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral. Ang relihiyon at wikang Latin ang itinuro sa halip na wikang
Espanyol.
May mga paaralang bokasyonal na naitatag din layunin nitong ituro ang iba’t-ibang karunungan tulad ng
pananahi, paglililok, sining sa pagpipinta at pagdaragat. Nang naitatag na paaralan sa pagsasaka noong 1889 sa
Maynila at paaralan sa mga sining at hanapbuhay sa Pampanga noong 1861.
Nagkaroon din ng mga pamantasan tulad ng Unibersidad ng San Ignacio, Nuestra Señora del Rosario na
naging Unibersidad ng Santo Tomas, at marami pang iba. Dahil sa pangangailangan ng mga guro para sa
paaralang primarya at sekondarya o mataas na paaralan, nagbukas ng mga paaralang normal para sa mga
kalalakihan at kababaihan.
- Itinatag nga ang paaralang normal sa Maynila upang higit pang mapalaganap ang edukasyon sa
bansa. Hindi lamang dito kundi nagtayo rin ng mga paaralang normal sa probinsiya. Naglalayon ang
paaralang ito na mabigyan ng edukasyon ang nais mag-aral ng pagkaguro. At ang kasanayan sa
pagtuturo ng mga guro hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong bansa rin.

Mga Paaralang Primarya


Ito ay paaralang parokyal na pinangangasiwaan ng mga kura-paroko. Ang mga asignaturang itinuturo sa
mga paaralang ito ay relihiyon, pagsulat, pagbasa, pagbilang, musika at paghahanapbuhay. Wikang Kastila
naman ang ginamit sa pagtuturo ng mga prayle.
- Tinuturuan lamang sila rito ng mga prayle tungkol sa mga madaling asignatura. Bata pa lamang ay
inilalapit na sila sa pananampalataya.
Mga Paaralang Sekundarya at Pangkolehiyo
Itinatag ang mga paaralang ito upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagpasok sa mataas na paaralan. Ang
mga kasanayang itinuro ay ang banal na Kasulatan, ang Doctrina Kristiyana, Etika, Heograpiya, mga Balarilang
Kastila at Latin, Matematika, Pilosopiya, Lohika, Retorika at Panulaan. Kastila ang ginagamit na wikang
panturo. Mga misyonerong pari ang mga guro sa paaralang ito.
- Sa paaralang sekundarya ay ang paaralang bokasyonal at sa pangkolehiyo naman kung saan may
mga pamantasan para iba’t ibang kurso. May mga paaralang normal din dito para sa babae at lalaki.
Ang mga paaralang sekundaryang itinatag ay ang mga sumusunod:
1. Kolehiyo ng San Ignacio - itinatag ng mga paring Heswitang prayle noong 1589 sa Maynila na ngayon ay
kilala bilang Ateneo de Manila.
2. Kolehiyo ng San Ildefonso - itinatag ng mga Heswita sa Cebu, na ngayon ay ang San Carlos University.
3. Kolehiyo ng San Jose - itinatag pa rin ng mga Heswita noong 1601.
4. Kolehiyo ng Santo Rosario - itinatag noong 1611 ng mga misyoneryong Dominikano na naging Kolehiyo
ng Santo Tomas noong taong 1655.

 Mga Pamantasan
Ang mga nakapagtapos sa kolehiyo ay maaaring makapagpatuloy ng pag-aaral sa mga pamantasang itinatag
ng mga prayleng Espanyol. Ang kauna-unahang unibersidad sa Pilipinas ay ang Unibersidad ng San Ignacio na
itinatag bilang Kolehiyo ng San Ignacio noong 1589 ng mga Heswita.
Itinatag naman ng mga Dominikano ang Unibersidad ng Santo Tomas noong 1655. Ito ay ang dating
Kolehiyo ng Santo Rosario na itinayo noong 1611. Ang pamahalaan naman ay nagtayo ng sariling pamantasan
– ang Unibersidad ng San Felipe noong 1707. Ito ay naging Unibersidad ng Pilipinas sa taong 1908.
Ang mga kursong ipinagkaloob ng mga pamantasang ito ay ang medisina at abogasya. Hindi nagtagal ay
idinagdag ang mga kursong arkitektura, pagpipinta at eskultura.
- Nagkaroon ng mas malawak na pagturing sa edukasyon ng maitatag ng mga Dominikano ang
pamantasang ito. Laking tulong ito para sa mga hinaharap ng mga estudyante na may kani-kaniyang
mga pangarap sa buhay.
Nagtatag naman ng paaralang pambabae na may layuning hubugin maging mabuting maybahay ang mga
kababaihan. Ang mga asignaturang pinag-aralan ay ang Doktrina Kristiyana, Latin, Kastila, Kasaysayan,
Musika, Matematika, Kagandahang-Asal at mga Sining Pantahanan.
- Kung saan para sa mga kababaihan mas pinili pa rin ang mas angkop na mga asignatura na kailangan
nilang linangin sa kanilang pag-aaral.
Mga Paaralang Pambabae
1. Kolehiyo ng Santa Potenciana, 1594
2. Kolehiyo ng Santa Isabel, 1596
3. Beateryo ng Santa Catalina, 1696
4. Kolehiyo ng Santa Rosa, 1750
5. Kolehiyo ng Concordia, 1869
6. Assumption Convent, 1892
Ang lugar ng mga kababaihan sa lipunan ay higit na napagbuti noong panahon ng mga Espanyol. Sila ay
iginalang at binigyang karangalan ng mga kalalakihan. Ang isang dalaga ay hindi maaaring pumunta sa mga
handaan at sayawan o kahit saan man na walang kasama. Gayundin kung sila ay mayroong manliligaw. Ang
mga babae noon ay hindi malayang makihalubilo sa mga kalalakihan.
Ang mga dalagita ay iniiwan lamang sa bahay o kaya sa paaralan. Ang mga paaralan na tinatawag na
kolehiyo ay pinangasiwaan ng mga madre. Hindi sila nakapag-aral sa mga pamantasan upang mag-aral ng
propesyong gaya ng abogasya, medisina at inhenyeriya. Tinuruan lamang sila na maging mabuting asawa at ina
sa hinaharap. Marami ring pumasok sa kumbento upang maging madre.
- Sapagkat ang binigyan lamang ng karapatan noon upang mag-aral ay ang mga kalalakihan na sila
lamang dapat ang manguna sa lahat. Lalo na sa magiging pamilya nila dahil pinaniniwalaang sila
lamang ang may karapatan para buhayin ang kanilang pamilya. At dapat ang mga babae lamang
noon ay tanging nasa bahay lamang at gumagawa ng trabahong pambahay.
Mga Paaralang Normal
Ang paaralang ito ay nagkaloob ng katibayan sa pagtuturo matapos makapag-aral dito ng dalawang taon.
Noong 1865, isang paaralang normal para sa mga lalaki ang itinatag. Hindi nagtagal ay dumami ang bilang ng
mga paaralang ito at ang ilan ay binuksan para naman sa mga kababaihang nais maging guro.
Mga Paaralang Bayan
Taong 1896 nang itadhana ng batas ang pagbubukas ng mga paaralan ng bayan na tinustusan ng
pamahalaan. Sapilitan ang pagpasok sa mga paaralang ito at walang matrikula ang mga mag-aaral.
Pinapangasiwaan ito ng kura-paroko ng bawat bayan. Ginawang sapilitan ang pagpasok dito dahil marami sa
mga magulang noon na walang interes na pag-aralin ang kanilang mga anak. Marami rin sa mga kabataan ang
takot mag-aral.
Ang mga araling pinag-aralan ng mga batang lalaki ay Kasaysayan ng Espanya, Heograpiya, Pagsasaka,
Pagsulat. Aritmetika, Doktrina Kristiyana, Pag-awit at Kagandahang-Asal.
Ang mga batang babae naman ay tinuruan ng mga Sining Pantahanan bukod sa Pagsulat, Aritmetika,
Doktrina Kristiyana, Pag-awit at Kagandahang-Asal.
Hindi naging matagumpay sa simula ang pag-aaral ng mga katutubo sa maraming kadahilanan. Una, may
kalayuan ang mga pamantasan at mga kolehiyo na matatagpuan lamang sa malaking bayan o sa kabiserang
lalawigan. Pangalawa, ang mga maykaya at mga Espanyol lamang ang may kakayahang pumasok sa mga
paaralang ito. Karamihan pa sa mga ito ay hindi para sa Pilipino. Binuksan lamang ito sa kanila noong huling
bahagi ng ika-18 siglo. Noon lamang naipamalas ng mga Pilipino ang kanilang taglay na katalinuhan.

TANDAAN
• Nagkaroon ng pormal na edukasyon nang dumating ang mga Espanyol sa bansa.
• Maraming paaralan ang naitatag ng mga misyonaryo sa ating bansa.
• Nagbukas ng mga paaralang normal para sa mga lalaki at babae na nais maging guro.

GAWAIN 2
Repleksyon:
1. Gaano kahalaga ang edukasyon?

2. Ano ang posibleng maging kalagayan ng mga mamamayan sa Pilipinas kung walang edukasyon?
ASSESSMENT
Panuto: Basahin ang pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot
1. Ang mga paaralang parokyal ay pinamahalaan ng mga ____________.
a. guro b. kagawad c. pari d. sundalo
2. Ang binigyang diin sa edukasyong primarya ay ang pagtuturo ng __________.
a. bibliya b. doctrina cristiana c. matematika d. wika
3. Ang sumusunod ang mga kasanayang bokasyonal maliban sa isa. Ito ay ang _________.
a. pagpipinta b. paglililok c. pagkukulot d. paggagamot
4. Ang mga paaralang normal ay itinatag upang sanayin ang mga lalaki at babae na maging __________.
a. doktor b. guro c. nars d. manananggol
5. Ang sumusunod na pangungusap ay nagpapatunay na nagkaroon ng pormal na sistema ng edukasyon sa
panahon ng Español maliban sa isa. Alin ito?
a. nagtatag ng mga pribadong pamprimarya at sekondarya
b. nagtatag ng mga paaralang normal para sa mga babae at lalaki na nais maging guro
c. nagtayo ng mga sentrong pangkompyuter upang maginng makabago ang pagtuturo
d. nagtatag ng mga pamantasan para sa mataas na antas ng pag-aaral

Sanaysay
1. May pagkakaiba at pagkakatulad ba ang sistema ng edukasyon sa panahon ninuno at panahon ng
Espanyol? Ipaliwang ang mga ito.

2. Saan nagkakaiba at nagkakatulad ang sistema ng edukasyon sa panahon ng ninuno at panahon ng


Espanyol? Isaisahin ang mga ito.
3. Nagkaroon ba ng pagbabago ang edukasyon ng mga ninuno nang dumating ang mga Espanyol? Ano-ano
ang mga ito?

MGA SANGGUNIAN:
Sistema Ng Edukasyon Sa Pilipinas Noong Panahon Ng Kastila (1). (2010, August 10). Retrieved August 29,
2020, from https://www.scribd.com/doc/62000578/Sistema-Ng-Edukasyon-Sa-Pilipinas-Noong-Panahon-
Ng-Kastila-1
Aralin 4 ang sistema ng edukasyon ng mga espanyol. (2015, September 29). Retrieved August 29, 2020, from
https://www.slideshare.net/chikath26/aralin-4-ang-sistema-ng-edukasyon-ng-mga-espanyol

You might also like