You are on page 1of 15

Modyul 1: Introduksyon: Filipino Bilang Wikang Pambansa,

Wika ng Bayan, at Wika ng Pananaliksik

Tungkol sa Modyul

Binabati kita sa Unang Modyul!

Ang modyul na ito ay ginawa upang mas mabigyan mo ng halaga ang ating
sariling wika, ang Wikang Filipino. Dito ay tuturuan ka ng iba’t ibang gamit o
tungkulin ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng bayan, at wika ng
pananaliksik na magagamit mo sa iyong pang-akademikong pagganap. Sa
pagtatapos ng modyul ay malilinang ang iyong mga kasanayan sa pananaliksik sa
pamamagitan ng pagbuo ng mga ideya batay sa mga sulating iyong binasa at
sinuri.

Oras ng Konsultasyon
Cellphone/Messenger: 5:00-8:00 PM (MW)

Birtual: 5:00-8:00 AM (TH)

Mga Layunin ng Modyul 1

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 maipaliwanag ang ugnayan ng mga function ng wikang Filipino bilang wikang


pambansa, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa
pangangailangan ng sambayanan;
 matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na
sanggunian sa pananaliksik;
 maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa,

1
pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.

Nilalaman ng Modyul 1

Aralin 1:

Introduksyon: Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng


Pananaliksik na Nakaugat sa Pangangailangan ng Sambayanan

Aralin 2:

Rebyu sa Mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik

• Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon

• Pagbabasa at Pagbubuod ng Impormasyon

• Pagsasalin, Paraphrasing Atbp.

• Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik

• Pagbabalangkas

Pagtuklas

Gawain 1: Panonood ng Bidyo

Panuto: Panoorin ang bidyong “Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa” at


itala ang limang (5) mahahalagang Deskripsyon ng Wikang Filipino na
natutunan dito. Banggitin kung sinong propesor ang nagbahagi nito.

2
Halimbawa:

Deskripsyon ng Wikang Filipino Propesor


1. Ang Wikang Filipino ay ang pinakamakapangyarihang Ricardo Ma. D. Nolasco
instrumento at pinakaimportanteng sangkap sa
pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa.

Ang iyong sagot:

Deskripsyon ng Wikang Filipino Propesor


1.

2.

3.

3
4.

5.

Pamantayan sa Pagwawasto

Pamantayan Puntos
Kagandahan ng napiling ideya 10
Kaayusan ng pagkakasipi 5
Pagbabaybay at gramatika 5
Kabuuan 20

Pagpapaigting

Gawain 2: Pagbabasa at Pagbabahagi

A. Maghanap ng kapares at pumili ng isa sa mga sulatin sa ibaba.

 Intelektuwalismo at Wika ni Renato Constantino


 Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon ni Dr. Bienvenido Lumbera
 The Filipino National Language: Discourse on Power ni Teresita G. Maceda
 Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang Pilosopiya ng Wikang
Pambansa/Filipino ni Melania L. Flores
 Tanggol Wika: Mga Susing Argumento ni Prof. David Michael M. San Juan

4
B. Ibahagi ang mga mahahalagang bagay na natutunan sa napiling sulatin gamit
ang isang dayagram. Tingnan DITO kung paano gamitin ang mga ito.

Hierarchy Chart

Star Diagram

5
Analogy Graphic Organizer

6
Fishbone Diagram

7
Concept Map

8
Venn Diagram

Tandaan: Kung hindi komportable sa mga mungkahing tsart ay maaring mahanap


ng iba. Siguruhin lamang na tama ang pagkakagamit nito ayon sa pamantayan.

Pamantayan sa Pagwawasto

Pamantayan Puntos
Nilalaman ng tsart 10

9
Tamang paggamit at organisasyon ng mga ideya 10
Pagbabaybay at gramatika 5
Kabuuan 25

Pagpapalalim

Unang Aralin

Ang Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng


Pananaliksik ay nagtataglay ng iba’t ibang gamit o tungkulin. Napakahalaga ang mga
gamit o tungkuling ito upang matugunan ang mga pangangailangan sa
pakikipagkomunikasyon.

Mga Iba’t ibang Gamit/Tungkulin ng Wika

Mga Gamit ng Wika Deskripsyon


Pampersonal Ginagamit ang wika upang ipahayag ng isang tao
ang kanyang damdamin, kuro-kuro, saloobin,
paniniwala, o paniniwala.

Halimbawa:

“Masama ang loob ko sa kanya.”


Pang-interaksyunal Ginagamit ang wika sa pakikipag-usap sa kapwa,
pakikipagkaibigan, pakikisalamuha, at pakikipag-
kapwa- tao.

Halimbawa:

Nagawa mo na ba ang mga gawain sa modyul natin?

10
Pang-imahinatibo Ginagamit ang wika sa pagbuo ng sistema sa isang
akdang pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o
kaya ay sa pagbabahagi ng malikhaing guni-guni.

Halimbawa:

Minsan nanaginip ako.


Na hindi na sisikat ang araw.

Panregulatori Ginagamit ang wika sa paggabay sa kilos ng tao


kagaya na lamang ng pagbibigay ng panuto, babala,
o pag-alalay sa kilos ng tao.

Halimbawa:

Gumamit ng face mask kapag lumabas ng bahay.

Panreperensyal/ Ginagamit ang wika sa pagbibigay ng kaalaman


Panrepresentasyunal tungkol sa mga bagay-bagay sa daigdig katulad na
lamang ng pag-uulat ng mensahe at mga hinuha.

Halimbawa

Umabot na ng mahigit dalawamput pitong milyon


ang mga nahawaan ng sakit na COVID-19 sa buong
mundo.

Pangheuristiko Ginagamit ang wika sa paghahanap ng impormasyon


at matututo ng mga bagong kaalaman katulad na
lamang ng pagsasagawa ng pananaliksik.

Halimbawa:

Kapakipakinabang ba ang halamang ito sa pagbuo


ng vaccine sa COVID-19?

11
Pang-instrumental Ginagamit ang wika bilang instrumento upang
ipagawa sa isang tao ang kilos katulad na lamang ng
pag-uutos o pakikiusap.

Halimbawa

Bigyan mo muna ng makakain ang mga kaklase mo.

Ikalawang Aralin

Mayroong iba’t ibang kasanayang dapat taglay ng isang mahusay na


mananaliksik. Siya ay nararapat na magaling sa pagpili ng mga batis ng
impormasyon; marunong magbasa at magbuod ng mga impormasyon ; may
kaalaman sa pagsasalin; may kaalaman sa pagpili ng paksa; at magaling sa
pagbabalangkas.
Buksan at pag-aralan ang mga presentasyon sa ibaba kaugnay sa mga
kasanayan sa pananaliksik.

 Pagpili ng Batis ng Impormasyon


 Pagbabasa at Pagbubuod ng Impormasyon
 Pagsasaling Wika (at DITO)
 Pagpili ng Paksa sa Pananaliksik
 Pagbabalangkas

Paglipat

12
Ebalwasyon: Pumili ng ISA sa mga pagsasanay sa ibaba at sagutan ito. I-CLICK ang
napiling pagsasanay.

1. Maikling Pagsusulit

2. Pagsasaling Wika

A. Pagsasalin ng Awit

B. Pagsasalin ng Talata

1. Maikling Pagsusulit

Panuto: Suriin ang mga pangungusap at tukuyin ang pinakaangkop na Gamit ng


Wika. Tandaan: Kukunin ang pagsusulit na ito sa loob ng 10 minuto.

1. Kailan ka dumating galing probinsya?

2. Alam mo bang sobrang na-miss kita noong wala ka?

3. Nahihirapan ka rin ba ngayong hindi tayo makalabas ng bahay?

4. Reporter: “Patuloy pa ring tumataas ang kaso ng mga nagkaka-COVID-19 kaya


kailangan pa ring mag-ingat.”

5. Kat, narinig mo ba ang balita sa telebisyon?

6. Huwag ka munang gumala sa SM ha. Kailangan muna nating magsakripisyo ngayon.

7. Sige, sa bahay na lang tayo. Babasahin ko na lang ang paborito kong nobela.

8. Oo, ako naman ay mananaliksik ng iba’t ibang paraan upang maiwasang mahawa ng
nakakamatay na sakit na ito.

9. Pagkatapos ay maglalagay ako ng iba’t ibang babala sa loob at sa labas ng bahay


para patuloy tayong magabayan.

10. Sang-ayon ako diyan!

2. Pagsasaling Wika

13
A. Pagsasalin ng Awit

Panuto: Isalin ang awit sa Hiligaynon o Kinaray-a. Kukunin ang pagsusulit na ito
sa loob ng 30 minuto.

Buwan

Juan Karlos
Ako'y sa'yo, ikaw ay akin Ayokong mabuhay nang malungkot

Ganda mo sa paningin Ikaw ang nagpapasaya

Ako ngayo'y nag-iisa At makakasama hanggang sa pagtanda

Sana ay tabihan na Halina tayo'y humiga

Sa ilalim ng puting ilaw Sa ilalim ng puting ilaw

Sa dilaw na buwan Sa dilaw na buwan

Pakinggan mo ang aking sigaw Pakinggan mo ang aking sigaw

Sa dilaw na buwan Sa dilaw na buwan

B. Pagsasalin ng Talata

Panuto: Isalin ang talata sa Wikang Filipino. Kukunin ang pagsusulit na ito sa
loob ng 20 minuto.

Review the Literature

Developing a statement in the main body, you will need some literature
sources to refer to. While your idea can sound a bit subjectively, if you
maintain it with citations extracted from works of famous scientists, authors

14
or philosophers, you will prove your point. Don’t neglect modern time
scholars that are being deeply concerned about the issue or opinion you
stated and don't neglect using online plagiarism checker to make sure your
paper is original. Introduction should briefly state what the literature will be
about.

Pamantayan sa Pagwawasto

Pamantayan Puntos
Kalapitan ng salin 10
Kalinawan ng ideya 10
Pagbabaybay at gramatika 5
Kabuuan 25

Maligayang bati! Natapos mo na ang Modyul 1.

15

You might also like