You are on page 1of 1

Tagpuan

Temporal na salik – Ang kwento ng pelikula ay tungkol sa isang pamilya na nagbebenta ng


illegal na droga upang madagdagan ang kinikita, nagtitingi sila ng droga sa ilang mga
kapitbahay. Ang panahon na kadalasang nagaganap ang kwento sa pelikula ay tuwing gabi. Base
sa makikita natin sa pelikula, ang pagbili ng mga tao ng illegal na droga sa kanilang munting
tindahan ay nangyayari tuwing gabi pati na rin ang noong pagka dakip sa kanila ng pulis noong
sinulob sila nito at ang pagdakip nila sa taong pinagkukunan nila ng droga.

Heograpikong salik – Ang pelikula ay naganap sa isang iskwater na lugar sa Maynila. Ito ay
kinapapalooban ng dikit-dikit na mga maliliit na bahay na kadalasan gawa sa kahoy. Ang
kapaligiran ay magulo, marumi at kinapapalooban ng maraming tao. Dito rin nakalagay ang
bahay at munting tindahan o sari-sari ng pamilya ni Rosa kung saan siya nagbebenta ng illegal
na droga. Bukod nito, malaking bahagi rin ng pelikula na pinakita kung saan nakakulong sina
Rosa at ang kaniyang asawa na si Nestor. Ang presinto kung saan naman temporaryong
nakulong sina Rosa at Nestor ay parang sa isang opesina lamang ng mga pulis. Ito ay maliit
lamang at walang rehas upang malagyan ng mga na dakip na tao. Sina Rosa at Nestor ay
kinulong sa isang kwarto sa loob ng kanilang opesina.

Sosyal na Estraktura at Ekonomikong salik – Ang sosyal na estraktura na makikita sa pelikula ay


kahirapan. Makikita sa sa pelikula na ang kanilang pamilya ay nakatira lamang sa isang maliit na
bahay sa lugar ng mga iskwater. Kahirapan din ang nagudyok sa magasawa upang magbenta ng
illegal na droga upang madagdagan ang kanilang kinikita para sa kanilang pamilya.

Kustombre – Maraming mga imoral na mga pangyayari na makikita sa pelikula. Una ay ang
pagbenta na mga illegal na droga. Sa Pilipinas ang pagbebenta ng mga illegal na droga ay isang
napakalaking kasalanan o paglabag sa batas. Kapag ang isang tao ay nahuli ay maari siyang
mabilanggo habang buhay. Isa rin katiwalian ang makikita rito ay ang pagsamantala ng mga
pulis sa kanilang kapangyarihan. Pinapakita sa pelikula na kinukunan nila ng pera ang pamilya
dahil sa kasalanan na kanilang nagawa bago sila pakawalan sa halip na ipakulong sila sa oras na
itinakda sa batas. Makikita rin ang prostitusyon sa pelikula, noong nagpa galaw ang isang anak
ni Rosa upang makakuha ng pera pangpiyansa sa kaniyang mga magulang.

You might also like