You are on page 1of 3

Teoryang Pampanitikan REALISMO Sa teoryang ito higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan .

May mga bahaging nagpapakita ng mga makatotohanang paglalarawan sa tao , lipunan at kapaligiran. Ang mga akdang nasa ilalim nito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at iba pang katulong na tauhan . Pinagbabatayan nito ang totoong buhay na madaling madama ng mga mambabasa . Nangangailangan ng mahabang panahon ang mga pangyayari . Marami rin ang tagpuan. Ito'y na mayagpag sa Panahon ng Kastila at Makabagong Panahon. ROMANTISISMO Naniniwala ang mga Romantisist na ang tao ay may kapasidad na bumuo ng sarili nilang daigdig . Sa panahon ng mga suliranin makakalikha ang tao ng mga gawaing maaring makaaliw sa kanya upang sandaling lumipas ang dinadala na naghahari sa kabuuan ng akda. Ang mga ito ay maaring madama sa tulong ng mga salitang ginagamit sa akda. Sa pamamagitan nito, makikilala ng nangingibabaw na damdaming napulutan sa kabuuan ng akda. Ito'y namayagpag sa Panahon ng Amerikano (1990-1940) HUMANISMO Binibigyan -pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagndang damdaming taglay ng isang tao.Itinataas din ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda.Ipinakikita ang magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda . Maari ring idagdag ang magagandang damdaming taglay ng tauhan.Ito'y namayagpag sa Makabagong Panahon. EKSISTENSYALISMO Binibigyan-diin ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala , kilos, at gawi ng tauhan.Gumagawa siya ng pagpapasya na kailangan niyang harapin anuman ang magiging kahinatnan nito.Mahalagang makita ang kalakasan ng paninindigan ng tauhan.Malaya siya sa kanyang pagbuo ng desisyon at king paano niya ito harapin.Ito'y namayagpag sa Panahon ng Kastila at Kasalukuyan. NATURALISMO Ang mga akdang nagbibigay-diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito.Ipinakikita rin ang epekto ng kapangitan ng kalagayan sa mga tauhan nito.Ito'y isa sa mga namamayagpag sa Kasalukuyan. FORMALISMO Pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ay ang mga istruktura o pagkabuo nito. Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag .

Kabilang din dito ang Sukat sa tula na nagpapakita ng bilang ng pantig sa bawat taludtod.Maaring itong lalabindalawahin,lalabing-anim at iba pa. Ang Tugmaan naman ay ang pagkakahawig ng mga tunog ng mga huling salita sa bawat taludtod. Kariktan naman kapag gumagamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mambabasa. Dahil may adhikaing gawing obhektibo ang pagsusuri , wala rin lugar ang opinyon at interpretasyon ng mambabasa.Itoy namayani sa Panahon ng Amerikano at Kasalukuyan. MARXISMO Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap . Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas ; ng mahiyap ang mayaman.Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan.Ito'y sumibol sa Panahon ng Kastila at Hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon. IMANISMO Nakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda . Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nagiiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mamababsa. Ito'y naghari sa Panahon ng Amerikano. MORALISTIKO Ipinalalagay ng mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay isang nilalang na balon ng maraming kaalamn. Ginagamit ng manunulat ang kanyang akda bilang instrumentong maaring paghanguan ng mga aral na gagabay sa pangaraw-araw na buhay at pagdedesisyon ng kanyang mambabasa. Kung gayon, maari niyang dalhin ang kanyang mambabasa sa mabuti o masamng landas. Namayagpag ito sa Panahon ng Kastila at Makabagong Panahon. SOSYOLOHIKAL Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan ,kultura,at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon. Dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ay repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan. Namayagpag ito sa Panahin ng Propaganda. BAYOGRAPIKAL Naniniwala ang mga bayograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid . Kung gayon, ang mga isinusulat niyang mga akda ay mga hibo o impluwensiya ng mga karanasan at nangyari sa buhay.Ito'y namayagpag sa Kasalukuyan. SIKOLOHIKAL Ayon ka Freud ( Ama ng Sikolohiya ), ang tao ay isang Iceberg na lumulutang sa ibabaw ng karagatan. Nahahati ang Iceberg sa dalawa ang nakikitang bahagi at ang nakalubog na

bahagi. Ang nakikitang bahagi ay ang malay na bahagi ng ating katauhan-ito ang mga impormasyon na alam ng tao ukol sa kanyang sarili. Ang nakalubog na bahagi naman ay ang di-malay na bahagi ng ating katauhan. Tungkulin ng manunuri nito na pag-aralan ang kabataan at personalidad ng may akda at kung paano nilikha ng manunulat ang kanyang akda.Namayagpag ito sa kasalukuyan. ARKETIPAL Ayon kay Carl Jung , naniniwala siya sa pananaw ni Freud na may di-malay na bahagi ang tao,subalit hindi ito personal na unconscious,bagkus ay kolektibong unconscious .Naniniwala rin siya na magkakatulad o iisa lamang ang karanasan ng nasa di-malay na bahagi ng isipan ng mga tao.Bunga ito ng iisang karanasan ng mga ninuno ng tao na naipapasa sa kasalukuyang henerasyon.Dahil dito , nakalilikha ang mga manunulat ng mga imahen at pangyayaring hango sa mga sinaunang teksto. Patuloy itong namamaygpag sa Kasalukuyan. FEMINISMO Sa teoryang ito, maaring tignan ang imahen ,pagpapakalarawan ,posisyon ,at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda.Ito'y maaring komokompows ng mga panlipunan ,kultural ,pulitikang pamamalakad , teorya ,at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o pantay na kalagayan ng kasarian. Ito'y namamayagpag sa Panahon ng Hapon. Pamagat ng ugnay

You might also like