You are on page 1of 23

KURU-KURONG MADLA SA WIKANG PAMBANSA

Monico M. Atlenza

Balik-Tanaw Tungo sa Isang Haypotesis


Lantad ang katotohanang magkakaiba ang mga wika sa Pilipinas, liban pa sa
katotohanang marami ang mga wikang ito, huwag nang ibilang pa ang mga wikain sa
iba't ibang panig ng kapuluan. Ang ganitong katotohana ay pinatingkad pa ng marami-
rami na ring mga pag-aaral sa mga wika at wikaing ito- mula rin sa iba't ibang
pagtingin sa at aspekto ng mga ito. Anumang pagwawari at pagsuri sa sitwasyong
pangwika sa bansa, lalo kung magmumula sa punto de-bistang sosyolinggwistika at
pulitika ng wika, ay dapat kumilala sa nasabing katotohanan.
Pinatunayan na ng kolonyal at imperyalistang pagsakop sa Pilipinas na ang
pagkakaiba at dami ng wika ng mga Pilipino ay isang paniyak sa pagtatayo,
pagpapanatill, at pagpapatagal ng dayuhang paghahari sa iba’t ibang larangan:
ideolohiya, pulitika, ekonomiya, kultura. Epektibong ginamit ng mga kastila ang
ganitong sitwasyong linggwistika, kaugnay man o hindi ng kasabay nitong mga
etnikong pagkakaiba at dami sa hanay ng mga katutubo. Gamit ding ganito ang naging
salalayan ng epektibong pag-ugat ng mga Amerikano sa nakararaming sulok ng
Pilipinas, laluna ng kanilang ideolohiyang lumang liberalismo at demokrasyang kalakip
at/o hatid n8 pangingibabaw ng monopolyong kapital, di lamang sa bansa natin kundi
sa nakalalaking bahagi ng daigdig- nuon pa man. Sa ikalawa rin mauugat, kung gayon
masusing matatanaw, ang pangingibabaw ng wikang Ingles kahulip ng ideolohiya at
kulturang mapanghawak (oo, mas madalas kaysa hindi) sa mga pangunahinginstitusyon
ng estado-gobyemo sa ating malakolonyal at malapyudalna lipunan, o ang lipunang
nababansot/binabansot sa larangang pulitikal at sosyo-ekonomiko ng monopolyong
capital, sa kabila ng patuloy na paglaganap at pag-unlad ng pambansang lingua
franca, ang Filipino, sa mas malaking bahagi ng lipunang sibil.
Kaugnay ng naunang dalawang paragrap, pansininnatin ang ilang penomena sa
kasaysayang pangwika sa Pilipinas, halimbawa, ang mga sumusunod: 1) Patakarang
pangwikang de facto ng kolonyalismong Kastila, laluna ng kapraylehan, na gamitin ang
pagkakaiba/dami ng mga wika, bernakular at dayalek bilang matibay na suhay ng
"paghahati" at "paghahari” sa bayan/ kapuluang Pilipinas. Ang wikang komon, na
pinansin ng ilan sa kanila na Tagalog, ay hindi naayudahan kundi man kusang
nasagkaan; dahil kaya ang ganito'y behikulo ng pagkakaisa ng mga Pilipino? 2)
Patakarang pangwikang de facto at de jure ng mga imperyalistang Amerika laluna ng
mga komisyoner, lehislador at edukador nila, na panatilihin ang Ingles bilang opisyal
na wika at midyum ng pagtuturo sa ilalim ng kanilang pananakop. At ang ganito'y
kasabay ng kanilang pagdidiin/paninindigang magkakaiba't napakarami ng wika,
bernakular at dayalek sa Pilipinas, kawalan ng wikang komon, samantalang patuloy
ring umunlad ang Tagalog (sa proseso na nga ng paglaganap ng ngayo'y tinatawag
nating pambansang lingua franca). Dahil kaya ang wikang komon, wikang pambansang
mahigpit na nakakawing sa mga katutubong wika, kamag-anak nga ng mga ito, ay
behikulo ng pagkakaisang pangkultura, pambayan at panlipunang susing oposisyon sa
imperyalistang pananakop? 3) Patakarang pangwikang de facto at de jure pagkaraan
ng "pagbibigay" ng independensyang nominal na nagpahalaga sa mga wikang
bernakular bilang midyum ng pagtuturo sa unang dalawang baytang ng edukasyong
elementarya, ngunit di makapagtiyak kung ituturo o gagawing midyum ng pagtuturo
ang wikang pambansang nakabatay sa Tagalog (bilang pagsunod na rin sa naitakda sa
Konsti- tusyong 1935 kaugnay ng pagpapaunlad at pagpapalaganap ng pambansang
wika) kahit sa mababang paaralan man lang. Kung kasabayan man ng ganitong
patakarang pangwika ang patuloy na pagtuturo ng Ingles at paggamit dito bilang
midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas ng pag-aaral! Dahil din kaya sa ang
pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wikang pambansa ay umpisa na ng prosesong
magwawaksi sa Ingles bilang midyum ng pagtuturo at opisyal na wika sa bansa, bilang
mga mahalagang kawing ng dominasyong kultural, panlipunan at pulitikal ng mga
Amerikano sa Pilipinas? 4) Patakarang Bilinggwal na nagtakda ng paggamit ng Pilipino
at Ingles bilang midyum ng pagtuturo, kung itinakda ring may hiwalay na gamit ang
mga ito nang naaayon sa asignatura. Malinaw sa patakaran ang patutoy na
pagpapanatili sa Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa Pilipinas. 5)
Probisyong Pangwika sa Konstitusyong 1973 na nag-aalis ng pambansang wika, nagtuon
sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng Filipino maging pambansang wika, at nagtiyak
na ang Ingles ay isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas, at 6)Probisyong pangwiKa sa
Konstitusyong 1987 na nagtakda sa Filipino, nakabatay sa mga wika at wikain sa
Pilipinas kasama na ang dayuhang wika rito, bilang pambansang wika at ang pananatili
ng Ingles bilang isa sa mga opisyal na wika. Di dapat ihiwalay probisyon ang
napakabagal na pagtataguyod at implementasyon nito ng gobyernong Aquino; ni hindi
nga nakapanindigan ang rehimen sa"protesta" ng mga pulitikong Sebuwano sa
paggamit ng pambansang wika, hindi nga naipagtanggol katiting man ang
Konstitusyong 1987 na naipasa sa ilalim nito- sa punto ng probisyong pangwika nito.
(Kaugnay ng mga penomenang nailahad, laluna ng ikaanim, kapuri-puri ang
"Palisi sa wika ng U.P na ipinatutupad mula pa noong 1989, kung dapat mang makilala
kagyat ang patuloy na pagsulpot ng iba’t ibang balakid, suiranin at katanungan sa
epektibong implemetasyonng nagsabing palisi. Sa mga istuayante ko sa wika, kultura
at lipunan na nagsagawa ng mga panimulang pagtuklas at pag-alam, marami-rami ang
nakakaisang ang mga balakid,suliranin at katanungan sa palisi ay manipestasyon
lamang sa malaking bahagi ng patuloy na pangingibabaw ng Ingles, syempre pa ng mga
tagapagtaguyod nito laluna sa larangang pulitikal, sa mga istruktura ng kapangyarihan
sa lipunang Pilipino. Di kominamaliit ang kapangyarihan sa lipunang Pilipino. Di ko
minamaliit ang kanilang palagay!)
Tinitingnang ang ilang penomenang ipinakilala/nailahad ay manipestasyon
lamang, repleksyon at signipikasyon nga ng lumang taktika ng "paghahati" at
"paghahari” ng mga kolonyalista at imperyalistang mananakop sampu ng mga
kakutsaba nilang lokal, karamiha’y mga pulitiko at ahente’t alipores nila (gaano man
kaelegante ang mga tawag sa huli). Di pagtataguyod sa bernakular na wika at/o
katutubong kultura- rehiyonal, probinsyal, munisipal at etniko man nga ito. Manapa'y,
nagpapatuloy itong mga pagsagka sa lumalaganap at umuunlad nang pambansang
wika, lingua franca na di humihinto ang interaksyon at pakikipag-interaksyon at
pakikipaglakipan sa mga bernakular ng wika at/o katutubong kultura, at kung gayon,
ang di nga humihintong paglaganap at pag-unlad ng bawat panig sa noon pa ma’y
bansa nang Pilipinas. Pagsasagkang walang ibang kahulugan maliban sa pagpapanatili
ng Ingles bilang pangunahing instrumentong kultural, pulitikal at sosyo-ekonomiko ng
dayuhang pananakop.
Nabanggit na ang lipunang sibil kaugnay ng umuunlad at lumalaganap na wikang
pambansa sa Pilipinas noon pa man. Sa bahaging ito’y hihiramin ko ang ilang bahagi ng
papel ng isang dating istudyante ko sa wika, kultura at lipunan. Mula sa papel na
pinamagatan niyang "Ang Lohika ng Wikang Pambansa”, ganito ang kanyang sinabi:
“Ang wika ay diskurso. Hindi matapos-tapos ang mga pagtatalo hinggil sa wikang
pambansa na patuloy na binabatikos at sa kabilang banda’y pinapanigan, sa mga
institusyong panlipunan, sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas, maging sa Senado't
Kamara, at sa midya- radyo, telebisyon, magasin at pahayagan. Halos karaniwan nang
maririnig at mababasa ang mga akusasyon na ang implementasyon ng wikang
pambansa ay ‘insureksyong Tagalog’ at hadlang sa pambansang pambansa
pangkabuhayan at pag-unlad. Ngunit ang mga pangungusap na ganito’y sadyang
makitid, kulang sa obhetibo at lohikal na pananaw, at nagpapaantala sa kaganapan ng
wikang pambansa at pambansang kultura.
Patuloy pa niya: “Hindi maitatatwang patuloy na umuusbong ang wikang
Filipino sa antas ng pagiging ‘lubos’ na wikang pambansa; at hindi maikakaila ang
pangangailangan ng mga mamamayang Pilipino sa isang wikang komon na magagamit
para sa komunikasyon, sa paglalahad ng damdamin at isipan; at isang wikang
magpapalaya at/o magpaplago sa mga ideyang maiuugnay sa lipunan,
kundisyon/kamalayan ng tao, at sa kulturang nagrerepresenta ng pagkabansa. Hindi
rin maikakaila ang kahalagahan ng wikang komon para sa pagbibigkis ngpambansang
kaisipan at pagkakakilala na esensyal tungo sa sariling destini ng bansa.” Malinaw
hanggang sa bahaing ito ang pagtingin niya sa sitwasyong pangwika at sa
pangangailangan ng isang wikang komon opambansa. Sabi pa niya’y, “sadyang
mahalaga ang wika sapagkat ito'y kaparaanan ng sosyalisasyon, pagbabago at
integrasyon.
"Ang wikang Flipino ay patuloy na umuunlad at mahigpit na nakikipagtunggalian
sa wikang Ingles. Lumalaganap nga ang Filipino, na nakabatay sa Pilipinong nakabatay
naman sa Tagalog, ngunit malakas pa rin ang impluwensya ng wikang Ingles sa
Pilipinas, bilang produkto ng kolonyal na nakaraan ng bansa. Ngunit makikita sa
resulta ng Ateneo Survey noong Febrero 1989 ang pamamayani ng katutubong wika sa
lngles: ang Tagalog na base ng Filipino ang salitang bahay ng 37% ng populasyon, 83%
ang nakapagsasalita nito, 92% ang nakakaintindi, 88% ang nakakabasa at 82% ang
gumagamit sa pagsusulat…Hindi maitatatwa ang paglaganap ng Filipino na paakyat sa
antas ng istandardisasyon at intelektwalisasyon. Ang wikang ito'y patuloy na ginagamit
ng karamihan sa mamamayang Pilipino at lumalaganap pa sa pinakasulok na dako ng
ilipinas, dagdag pa ng istudyante kong Bikolano.
Bilang pansamantalang pagtatapos sa haypotesis na naihayag, inihahain na ang
usapin ng wika, gayundin ng usapin sa pambansang wika, ay usaping pulitikal sa
esensya-gaano man kasalimuot ang ideolohikal, pilosopikal, linggwistiko, at kultural
na mga ugnayan/ aspekto ng usapin, Dahil pulitikal, usapin ito ng kapangyarihan sa
kaibuturan, sa ispesipikong sitwasyong pangwika sa Pilipinas ang ubod nito’y ang
tunggalian ng wikang Filipino at ng wikang Ingles, kasama na ang lahat ng mga
ugnayan/aspekto ng bawat panig. Kung gayon, mas malamang kaysa hindi, praktikal
at rebolusyornaryong solusyon ang Kaningian ng usapin.

Wikang Pambansa: Pala-palagay at Direksyon


Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas. Ito ang wikang pinauunlad at
pinalalaganap sa bansa sa nakaraang limang taon. Nababatay ang pagpapaunlad at
pagpapalaganap na to sa iba’t ibang wika at wikain sakapuluan, kasama na ang mga
wikang Ingles at Kastila. Opisyal din itong wika, kasabay ng Ingles, ibig sabinin, isa ito
sa dalawang wikang dapat lamang gamitin ng gobyerno, mula sa pambansa tungo sa
rehiyunal tungo sa pamprobinsya at pambayang nga antas. (Konstitusyon ng Pilipinas
ng 1987.) Mula ikalawang hati ng taong 1989 hanggang sa kasalukuyan, ito ang
itinataguyod, pinauunlad at pinalalaganap na midyum ng pagtuturo mula primarya
hanggangtersaryang antas sa Unibersidad ng Pilipinas (U.P.). Inaasahan ng mga
administrador ng U.P., mula sa pangulo at tsanselor nito, na sa loob ng limang taon ay
midyum o pangunahing midyum na ito, sa lahat ng mga asignaturang itinuturo sa
kabuuang U.P. System. ("Patakarang Pangwika saU.P.,Publikasyon Bilang 1 Marso
1990, Sentro ng Wikang Filipino, UP Diliman, Quezon City.)
May pagtatalo hinggil sa kung ano o alin ang mga wikang Filipino sa hanay ng
marami-rami ring linggwista, dalubhasa sa wika, guro sa wika at panitikang Pilipino,
manunulat at istudyante ng wika, kasaysayan at kultura sa bansa. Marami sa mga
binanggit ay makikita o matatagpuan sa mga institusyong akademiko at ahensya ng
gobyernong may kinalamansa kultura, edukasyon at wika. May nagsasabi at
nagtataguyod sa persepsyon na ito ay ang wikang Pilipinong nakabatay sa Tagalog, na
mula sa pa noong 1935 o 1937 ay isa nang pinaunladat pinalaganap na wikang
pambansa n gobyerno- sa ilalim ng iba’t ibang administrasyon hanggang 1973; may
putol o puwang simula ng huling binanggit na taon dahil sa sa ilalim ng Konstitusyong
"niratipika" ng mamamayang Pilipino sa taong tinukoy, kung saan nawala ang
pambansang wikang Pilipino, sinabing pauunlarin at palalaganapin ang Filipino batay
sa mga wika at wikain sa Pilipinas, kasama na ang mga dayuhang wika- tungo sa
pagtatakda nito bilang wikang pambansa sa karampatang panahon, at opisyal na
idineklarang ang Plipino at ang Ingles ang mga opisyal wika, Ingles ang mangingibabaw
kung may pagtatalo sa kahulugan o interpretasyon sa alinmang probisyon ng
Konstitusyon 1973. (Samantala'y patuloy na ginamit ng nakararaming mamamayan ang
Pilipino; pinaunlad at pinalaganap ito sa maraming larangan; at patuloy itong ginamit
sa mga paaralan mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na antas- kung may
mga asignatura mang pinili’t pinanggamitan nito. At kung may iba’t ibang indibidwal
na pagpapatupad ang mga paaralan.) Gaya ng alam ng marami, lalo ng mga
sumusubaybay sausapin ng wikang pambansa at kultura sa kabuuan, Filipino na ngayon
ang wikang pambansa ng Pilipinas, ayon sa isang probisyon ng Konstiusyong 1987.
Dagdag pa ng mga nasabing tagapagtaguyod ng binanggit na persepsyon: di maiwasan,
dahil sa historikal, panlipunan, pangkultura, pang-ekonomiya at pampulitikang
pangyayari, na ang Pilipinong ito ay maging batayan- kahit sa simula lamang ng
pinauunlad at pinalalaganap na wikang pambansa, ang Filipino. Hindi rin maiiwasan,
anila, na lalawak at uunlad ang wikang ito, laluna sa leksikal at semantikal na mga
antas, sa “pakikipagtagpo” at "pakikipaglakipan” nito sa iba't ibang wika at wikain sa
Pilipinas, kasama na ang mga dayuhang wika rito. Persepsyon nilang Filipino ang
magiging bunga ng ganitong "pakikipagtagpo” at “pakikipaglakipan." Di tutungo nga sa
pagkabuo ng isang wikang pambansang Filipino ang pangalan, nalikha, pinaunlad at
pinalaganap sa hanay ng nakararaming mamamayang ang nakalalaking kalipunan ay
nasa labas ng mga anehsya ng gobyernong may kinalaman sa usapin ng kultura,
edukasyon at wika. Naniniwala sila, sa pinal na pagsusuri, na ang pagpapaunlad at
pagppalaganap ng Filipino ay hindi maihihiwalay sa mga historikal, panlipunan,
pangkultura, pang-ekonomiya at pampulitikang pamumuhay ng sambayanang Pilipino.
Persepsyon at/o paniniwala naman ng iba, karamiha'y mga linggwista at
dalubhasa sa wika, na ang Filipino ay hindi na ang Pilipinong nakabatay sa Tagalog,
kundi isa itong lingua franca na nasasalalay, umuunlad at umalaganap sa iba't ibang
rehiyon ng Pilipinas- kahulilip sa esensya ng “tagpuan" at "lakipan" ng iba't ibang wika
at wikain sa bansa, kasama na ang mga dayuhang wika. Lingua Franca, sa depnisyon
ay ang komong wikang ginagamit sa ugnayan at talastasan ng nga taong magkakaiba
ang katutubong wika; kung gayon, nindi magkakaunawaan kung walang isang wikang
komong namamamagitan sa kanilang komunikasyon. Sabi pa ng mga ta gapagtaguyod
ng ganitong persepsyon na ang Flipinong kanilang tinuukoy ay makikilala kung
bibigyang pansin ang mga barayti (variety) at baryasOn (variation) ng wikang komong
ito sa iba't ibang rehiyon ng Pilipinas. Sa isang pangkalahatang paliwanag ng isang
masugidna tagapagtaguyod nito (si Prop. Jesus Ramos ng DFPP, KAL, UP sa Diliman),
sinabing makikilala ng sinumang may pansin sa wika -mga tunog, pagbubuo ng mga
salita, paglikha ng mga pangungusap, pagbibigay ng kahuluganan- ang Filipino ng mga
Sebuwano, ng mga llokan, ng mga longgo, ng mga waay, ng mga Kapampangan, at iba
pa sa mga partikular at/o natatanging pagkakaiba ng mga ito- kung komon man itong
wika para sa kanilang lahat. Impresyon niyang ito ang mga barayti at baryasyon ng
Filipino at maiuugnay, sa kalahatan, sa mga angking katangian ng mga wikang
katutubo na ito at ang mga panlipuan at pangkulturang sangkap o elemento ng mga
grupong panlinggwistikang ito. Sabihin pa, mula sa mga barayti at baryasyong ito
nabubuo at umuunlad ang wikang pambansang Filipino. Sabi pa nga ng propesor sa isa
niyang panayam: Filipino ang pambansang wika (Konstitusyon ng 1987 na nababatay
sa Pilipino o Tagalog, ito ang lingua franca na ginagamit at umuunlad sa buong
bansang Pilipinas. Isang direksyon ng pananaliksik, dagdag niya, ang makita ang bawat
barayti at baryasyong ito ng Filipino; makatutulong ito nang malaki sakodipikasyon,
istandardisasyon, at elaborasyon ng wikang Filipino. (Ang mga teminong may diin ay
mahahalagang antas pagpaplanong pangwikang tinaggap at itinaguyod ngmga
linggwista at dalubhasa sa wika sa maraming bansa sa daigdig.) Tungkol sa
persepsyong lingua franca bilang batayan ng Filipino, bilang kawangis nga ng Filipino
mismo ayon sa propesor, lehitimo ang ganitong mga katanungan: wala bang papel o
kinalaman kaya ang Pilipinong lumawak na sa bansa mula pa noong 1935 o 1937
hanggang sa sa kasalukuyan sa “pagkabuo,” “paglitaw”, “pag-unlad” at
“paglaganap”ng tinutukoy na lingua franca? Lehitimo bas a isang syentipikong pag-
aaral at/o pagkukuro ang isaisantabi na lamang ang ganitong usapin?
Pansinan, halimbawa, ang regular na mga kolum ni Dr. Edilberto N. Alegre,
istudyante ng pagkain, kultura at wika sa Pilipinas, sa Sunday Inquirer Magazine.
Persepsyon niyang Tagalog ang umuunlad at lumalaganap na wika sa buong bansa, na
ito ang linggua franca sa mga rehiyon at probinsyang may mga sariling katutubong
wikang hindi Tagalog, at ito nga ang nagagamit niyang wika sa kanyang pananaliksik sa
pagkain, kultura at wika sa mga lugar na nabanggit syempre, binabanggit rin niyang
ang ganitong penomena ay makikita sa mga lugar na may mga sinehan, midya (dyaryo,
radyo a telebisyon) at iskwelahan. Ngunit mulat din si Dr. Alegre na Tagalog na itoy
nasa isangproseso ngpagbabago, at nagkakaroon ng pagtatanging panrehiyon o
pamprobinsya ang Tagalog na ito. Nag-iiba nang "bahagya ang bawat isa- laluna sa
leksikal na antas. (Pransit, traysikol, tradyak, siting, stopping sa ilang lugar
saKaminadanawang kanyang tinigilan.) Ngunit tiniyak ni Dr. Alegre na
nagkakaintindihan sila ng kanyang kausap- kung Tagalog man ang kanyang katutubong
wika. (Sa puntong ito’y maaaring sabihing gumagamit siya at ang kanyang kausap ng
lingua franca, di nangangahulugang Tagalog lamang.)
Sa mga persepsyong nailahad sa itaas, di dapat isiping tunay na magkakaiba ang
mga ito, at mutually exclusive, wika nga.Kung susuring mabuti ang presentasyon, mas
makabuluhang pansinin ang pagtutuon o direksyon ng bawat isa: ang pagpapaunlad at
pagpapalaganap ng Filipino bilang wikang pambansa. Kung may mas matibay mang
salalayang historikal, panlipunan, pangkultura, pang-ekonomiya at pampulitika
anguna at hul, kailangan maging masinop ang pangalawa- laluna kung iuugnay ito sa
elaborasyon(pagpapalawak) at pagpaplanong pangwika ng gobyerno o ng mga grupo at
institusyong wala sa ilalim o loob ng gobyerno. Kung gayon ang “convergence” o ang
“learning from each perception" ang dapat na lapit, hindi ang pagiging “mutualy
exclusive” ng tatlong persepsyon.
Persepsyon ng sumusulat nito na aktiboang kilusang pambansa. Na ang ganito’y
mahigpit nitong ikanakawing sapang-ideolohiya, pampulitika at pang-organisasyong
gawain nito- laluna sa kanayunan. Maliit man, may maitutulong marahil sa kilusang ito
ang pahapyaw na paglalahad ng ilang persepsyon kaugnay ng pagbubuo, pagpapaunlad
at pagpapalaganapng Filipino- bilang wikang pambansa. Kung ma sinop ang
pagsubaybay ng nagsusulat sa mga ginawa at ginagawa ng kilusan tungkol sa wika at
wikang pambansa, sasabihin niyang "nakakiling” ang kilusan sa persepsyong ang
Filipino ay nakabatay sa Pilipinnong nakabatay sa Tagalog; na ito ay wika sa
nakalalaking bahagi ng bansaat mas mainam, kaysa hindi, na ito na ang palaganapin,
paunlarin at maging daan sa pagbubuo sa madaling panahon ng matatawag na wikang
Filipino, masaklaw at tunay na wikang pambansa. At lalaganap at uunlad ito,
mabubuo nga,sa aktibo, ibig sabihi’y dyalektiko, na “pagtatagpo” at "paglalakipan” ng
Pilipino at mga wika at wikain sa Pilipinas, kasama na ang mga dayuhang wika rito.
(Sa isang panimulang pag-aaral sa wika at kilusang pambansang-demokratiko na
ipinagpapatuloy, pinalalawak at pinalalalim ng inyong lingcod, Pilipino ang wikang
pinalalawak at pinauunlad ng kilusan; masigla itong tumatanggap ng mga salita at
termino mula sa iba’t ibang wika at wikain sa Pilipinas, kasama na ang mga wikang
dayuhan; at hindi nito alintana ang Filipino bilang wikang pambansa sa ilalim ng
Konstitusyon. Patuloyiro sapagpapalaganap ng wikang pambansa. At ang wikang
ginagamit ng nakararami saPilipinas ang pangunanin nitong gabay at pinagbabatayan.
Maituturing kayangg karagaagan pa itong persepsyon?)
Kung totoong ang kilusan ay nasa marami’t iba’t ibang panig ng kapuluan, na
ito'y masasabing may kontrol a/o impluwensya sa mga lugar na ito, nasa naaangkop
nga itong kalagayang maging istratehiko ang papel sa pagpapaunlad a pagpapalaganap
ng Fiipino. Kagyat ngang maimumungkahi ng nagsusulat na maging malaki ang papel
nito, kung hindi man pangunahin, sa mga panimulang pananaliksik sa mga "barayti at
baryasyon ng Filipino” na matatagpuan sa iba’t ibang rehiyon, probinsya at bayan sa
Pilipinas. Di nga malayong makagagawa na ito ng mga hakbang tungo sa
“pagsubaybay-pananaliksik” sa proseso ng leksikal na pagbabago, pag-unlad at
paglaganap ng Filipino sa buong kapuluan. Isang kongkretong proyektong kagyat
nitong masisimulan ang pagbuo ng mga leksikon ng iba’t ibang barayti at baryasyon ng
wikang pambansa. Mula marahil sa mga leksikon na ito ay mas matitiyak ang paglikha
ng isang pangkalahatang leksikon na tunay na maglalarawan sa siyentipikong paraan
ng buhay at lumalawak na wikang pambansa Mga hakbang din ang mga ito tungo sa
kodipikasyon, istandardisasyon, elaborasyon at implementasyon kaugnay ng
pagpaplanong pangwika sa Pilipinas. Kakawing ang mga hakoang na ito ng layunin ng
kilusang makatulong nang malaki sa pagbuo ng isang pambans, syentipiko at
pangmasang wika sa kapuluan, layuning ganap na nakakapit syentipiko sa pang-
ideolohiya, pampulitika at pang-organisasyong tungkulin nito sa sambayanan at
rebolusyong Pilipino.
Ang ganitong gawain ay isa ring tiyak na pagpapalaganap at pagpapaunlad sa
pambansang lingua franca sa wikang Filipino ay hindi "pagbansot” at “pagpatay” sa
mga wikang rehiyonal, probinsyal, munisipal at/o etniko; bagkus ay pagpapaunlad at
pag papayaman din ng mga ito. Sa bagay na ito’y maaaring kapulutan ng kabuluhan
ang sinabi ni Kris Montanez, isang masugid na tagapagtaguyod at aktibong alagad ng
kultura at sining ng kilusang pambansa-demokratiko; ganito ang kanyang banggit;
“Ang mga dokumento, babasahing teoretikal, likhang pampanitikan at pansining ng
kilusan ay nasusulat at nakararami sa pambansang wika. Ang mga ito’y nakakarating
saiba’t ibang pook at sulok ng kapuluang kinikilusan ng mga kadre, kasapi at
aktibisang simpatisador ng kilusan; marami at magkakaiba ang mga wika at wikain sa
mga pook at sulok na ito. Nangyayari na madalas ang pagsasalin, at sa prosesong ito’y
nagiging ganap ang inter-aksyon ng pambansa at mga lokal na wika at wikain,
dyalektikong paglalapat-pagtatagisan ng dalawang tipo ng wika, na di maiiwasang
magbunga ng pag-unlad at pagyaman ng dalawa di lamang sa lebel ng mga salita at
termino kundi sa mismong pagkokonsepto at pagbuo rin ng mga bagong salita at
termino. Gayunman, malinaw na ang pambansang wika ang nakahihigit sa pagpapasok,
minsan nga'y paggigiit, ng mga salita at terminong ideolohikal, pulitikal at
organisasyonal sa mg wikang lokal.
ANG PULITIKA NG WIKANG PANTURO
Patricia M. Melendres-Cruz

Tesis namin na mahalaga’t maselan ang papel na ginagampanan ng wika sa


proseso ng pagkatuto. Dahil dito, kinakailangang harapin, suriin, at pagpapasiyahan
nating nasa larangan ng edukasyon ang usapin ng wikang panturo. Pinanghahawakan
namin na sa ating lipunang mala-kolonyal, maka-uri, at multilinggwal, ang usaping
pangwika ay may dimensyong hindi lamang pedagohikal kundi politikal pa. Magagamit
ang wikang panturo bilang instrumento, alin sa dalawa: ng pagbibilanggo o
pagpapalaya sa isipan.

Teorya ng Wika at Edukasyon


Hindi isang sistema ng palatandaan o isang neutral na daluyan ng isipan at damdamin
ang wika. Likha ito ng lipunan; samakatuwid, may katakdaang kulural. Ito ay
kapahayagang kultural ng isang kapaligirang panlipunan at pangkasaysayan ng isang
sambayanang may katakdaang panlipunan at pangkasaysayan. Ang kapaligirang
panlipunan at pangkasaysayan ng isang sambayanan ang humuhubog sa kanilang wika,
nagbibigay ng mga tiyak na kahulugan at pagpapahalaga sa kanilang mga salita. Ang
wika naman nila ang siyang humuhubog at nagsasaayos sa kanilang kaisipan at
damdamin. Sabi nga ni Rozal: “Ang wika naman nila ang siyang kaisipan ng
sambayanan.” Ang indibidwal na isinilang isang partikular na kapaligirang sosyo-
kultural ay hinuhubog ng wika, at mga nakapaloob na ideolohiya, ng kanyang
pangkat/uri/lipunan. Kung gayon, ang wika ay kaparaanan ng sosyalisasyon at
integrasyon.
Gayunpaman, bagama’t napangyayarihan ang indibidwal ng wikang sinuso o ng
wikag pinag-aralang maangkin, magagawa rin naman niyang makapangyari. Kahima’t
siya’y isang natatakdang nilalang, may kakayahan siyang maging mapanuro, may
kakayahang muniin ang kanyang persepsyon at aksyon. Anupa’t kaya niyang igpawan
ang kalakarang wika ng kanyang pangkat/uri/lipunan, at matutunan, alalaumbaga,
ang isang bagong wika at ang kaakibat na tuntunin ng daigdig ng panibago. Sa ganito
nakapag-aambag ang indibidwal sa paglago’t pag-unlad ng kanyang wika.
Bagama’t magkahiwalay na sistema ang wika at kognisyon, napakatalik naman
ng kanilang ugnayan. Katunayan, magkasalikop ang dalawang sistema, kumukuha ng
buhay sa isa’t isa. Ang wika ayon nga kay Plato, ang siyang pangunahing kaparaanan
ng tao sa panlingguwistika na ating alam. Samakatuwid, nakakaanyo ang ating iniiisip
sa pamamagitan ng wikang ating ginagamit sa pag-iisip. Sa kabilang dako, ang ating
iniisip ang siya namang nilalaman ng ating wika. Sa pamamamagitan ng dalawang
kaparaanan, nagiging malayo tayo sa ating sarili bilang indibidwal at sosyal na
nilalang. Ang kaalamang ito sa sarili’t daigdig ay dapat mauwi sa kaganapan ng ating
makataong potensyal. Ito ang siyang kadahilanan ng edukasyon- ng malaya’t
mapagpalayang edukasyon-bilang institusyong panlipunan.
Sa makauring lipunan, tulad ng sa atin, na may balangkas ng nakapangyayari-
napangyayarihan, ang wika ng pagtutuo ay hindi lamang isang isyung pedagohikal
kundi isyung politikal. Totoong ang bawat uri ay may sariling wika, kahit sa mga
aparatong kultural na gamit at hawak ng nakapangyayaring uri, nagagawa nitong
makapanaig sa pamamagitan ng pamamahala, pagsagka, at pagbaluktot sa wika ng
pangyayarihan. Dahil dito, sa pagkasaloob sa wika ng nakapangyayaring uri, hindi
magawang makita ng napangyayarihan ang una bilang kanyang kataliwas. Anupa’t
naging bihag ang napangyayarihan nang hindi namamalayan kaya hindi matumpakan
ang hakbang sa paglaya. Umaalinsunod na upang lumaya, kailangang maging malay
ang napangyayarihan na sila’y bumubuo ng isang ur na para sa sarili. Samakatuwid,
kailangan nilang magsalita sa sariling wika Anupa’t ang pakikibaka para sa makauring
paglaya’t pananaig ay kaugnay ng usaping pangwika.
Totoo ito sa kaso natin.

Patakarang Pangwika sa Edukasyon: Kasaysayan


Bilang Asignatura
Masalimuot ang sitwaysong pangwika sa atin at ang isyung pangwika, para sa
mga masusugid na tagapagtaguyod ay kakabit ng naglalatang na damdamaing
nagbabatang sumabog. Mahigit sa isang daana ang ating katutubong wika. Walao ang
pangunahin, batay sa dami ng katutubong nagsasalita. Sa mga ito, napadagdag pa ang
Arabe, Kastila’t Ingles dala ng ating Kasaysayan.
Ang isyu ng wikang pambansa at ang isyu ng wikang panturo ay dalawang salik
ng usaping pangwika. Sa papel na ito, ang pagtutuunan ay ang isyu ng wikang panturo
yamang, sa ganang amin, ang isyu ng wikang pambansa ay napagpasuyahan na, hindi
de fure ng urong-sulong nating pamahalaan kundi de facto ng masang sambayanan,
ang napangyayarihang uri, na bumubuo sa 80% ng ating populasyon.
Ang kilusang pangwika na nagtataguyod sa wikang katutubo o bernakular bilang
wikang opisyal at/o wikang pambansa at bilang wikang panturo ay supling ng kilusang
makabayan. Sanhi, marahil, ng etniko’t uring pinagmulan ng mga rebolusyonaryong
naglunsad sa unang yugto ng Himagsikang Pilipino laban sa kolonyalismong Kastila,
kanilang isinasaad sa Konstitusyon ng Biak-na-Bato ng Unang Republika ng Pilipinas
(Mayo 31, 1897) na Tagalog ang opisyal na wika ng Republika. Gayunman, nang
pamunuan ng Himagsikan at ng Ikalawang Republika ay naagaw ng clase ilustraday
rica, ang mga saligang batas na kanilang binalangkas, maliban sa 1943 Konstitusyon ng
Ikatlong Republika sa panahon ng pananakop ng Hapon, ay kakikitaan ng pag-uulik-ulik
sa mga katutubong wika at pagkabalani sa wika ng dati nilang kolonisador sa kanilang
naangkin. Ngayon, tayo’y nasa kahiya-hiyang katayuang walang wikang pambansa,
palibhasa, isinatabi ng 1973 Konstitusyon ng Ikalimang Republikang inanak ng Batas
Militar ang Pilipino (ang tawag sa Wikang Pambansa mula 1959 sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran bilang 7) bilang wikang pambansa bagama’t kinilalang wikang opisyal
kaagapay ng Ingles. “The National Assembly shall take steps towards the development
and formal adoption of a common language to be known as Filipino.”
Baybayin man “P” o “F” mula’t sapul ang pambansa at/o opisyal na wika ay
nakasalig sa lingua franca ng Maynila, ang pangunahing lungsod ng bansa. Una itong
napasok sa paaralan bilang asignatura. Sa ProgramaConstitucional de la Republica
Filipino ni Mabini, nakatakdang dapat ituo sa primarya ang pagbasa, pagsasalita at
pagsulat sa Tagalog na siyang wikang opisyal. Hindi ito naisakatuparan dahil
tinanggihan ng clase ilustrada y rica na nakuhang makapanaig sa kumbensyong
konstitusyonal. Saka, di kalaunan at ang kasisilang na Reppublika ay dinagit ng
imperyalistang bansang Amerika. Apatnapu’t dalawang taon ang lumipas bago
tuluyang nakapasok sa mga paaralan ang wikang pambansa. Sa Kautusang
Pangkagawaran Bilang 22 serye 1940, na pinalabas ng Sekretarya ng Edukasyon,
itinakdang simula Hunyo 19, 1940, ituturo ang wikang pambansa sa lahat ng paaralan
bilang asignatra sa ikaapat na taon ng mataas na paaralan at sa kolehiyong pangguro.
Noong 1943, itinagubilin ang pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng publiko’t
pribadong paaralan at kolehiyo. Noong 1978 inatas sa bisa ng Kautusang
Pangkagarawan Bilang 22 serye ng 1978 ng Ministri ng Edukasyon at Kultura, na
ipinatutupad pa hanggang sa kasalukuyan ang paglalakip ng anim na yunit ng Pilipino
sa lahat ng programang kurikular ng mga kolehiyo, publiko’t pribado simula sa unang
semestre ng taong pasukan 1979-1980, maliban sa kurikular ng Edukasyong Pangguro
na ang kahingian ay mananatiling labindalawang yunit.

Bilang Wikang Panturo


Maging ang mga Amerikanong kolonisador ay kumilala sa katunayang mabisa
ang pagtutuo sa katutubong wika. Tinagubilin ni Presidente William McKnley noong
1900 sa komisyong pinamumunuan ni William H. Taft na “primary instruction should
be given in the first instance in every part if the island in the language of the
people.” Datapwat labag sa kanilang katinuan, sa harap ng inakalang di maiigpawang
balakid, pinili ng kolonisador ang pinakamadaling hakbang. Ipinasya nilang gamitin ang
kanilang wika, ang Ingles bilang tanging wikang panturo mula sa primarya hanggang
antas tersyaryo.
Limampu’t taong nagdaan bago ginamit ang bernakular bilang wikang panturo
sa una’t ikalawang baitang ng mababang paaralan. Ang pasiyang ito ng Lupon ng
Pambansang Edukasyon ay ibinatay sa kinalabasan ng eksperimento sa Iloilo (1948-
1954) na sa unang yugto ng pagkatuto, ang nilalaman ng edukasyon ay higit na
madaling makuha sa bernakular kaysa sa wikang banyaga, sa Ingles, at ang literasi sa
bernakular ay mas nagtatagal dahil malamang na ang mga babasahin sa pamayanan ay
ansa bernakular sa halip na sa Ingles. Tangi sa rito, mapapdali ang pagdadala ng
natutunan sa paaralan sa tahanan, palibhasa’y matatalakay sa bahay ang mga
nagaganap sa paaralan. Gayundin, ang nadaramang suliranin ng pamayanan ay
matatalakay sa paaralan. Sinuhayan ang kapasiyahang ito ng rekomendasyon ng
UNESCO noong 1951 na:
…pupils should begin their schooling through the medium of the
mother tongue, because they understand it best and becaause to
begin their school life in the mother tongue will make the break
between home and school as small as possible.
Sa pagsigabo ng kilusang makabayan sa ikalawang hati ng sisenta, sa
pagkatantng naging wik na ng masa ang pilipino, ginamit ito ng mga aktibistang mag-
aaral sa kanilang gawaing pulitisasyon. Ibinunga rin ng siglang makabayan ang
pagkatatag ng Departamento ng Pilipino at Panitikan ng Pilipinas sa Kolehiyo ng
Agham at Sining ng Unibersidad ng Pilipinas noong 1966. Noong 1968, ilang mga guro
ng naturang kolehyo, bilang tugon sa kahingian ng mga mag-aaral para sa isang
makabuluhang edukasyon, ang nagpasiyang gamitin ang Pilipino sa pagtuturo ng kani-
kanilang asignatura. Ang kanilang tagumpay ay naging batayan ng patakarang
pinagtibay ng kaguruan ng kolehiyo ng sinundang taon na nagpapahintulot sa paggamit
ng Pilipino bilang wikag panturo sa alinmang kurso sa kolehiyo. Noong 1971,
pinagtibay ng Unibersidad ang patakarang pagkakapantay ng wikang Ingles at Pilipino.
Maaari nang ipalit ang mga kursong Pilipino sa Programa ng Masaklaw na Edukasyon
(General Education Program) sa mga kursong Ingles na dati ay siya lamang inaatas.
Gayunman, mapapalitan ang progresibong patakarang ito sa sandaling pagtubayin at
ipatupad na ang panukalang pagbabago sa Programa.
Nahigop din ng balaning makabayan ang Lupon ng Pambansang Edukasyon. Sa
pamamagitan ng Resolusyon bilang 45, serye 1969, pinagtibay nito ang paggamit ng
Pilipino bilang wikang panturo sa una hanggang ikaapat na baitang ng mababang
paarlan sa buong kapuluan. Nguanit halos hindi maipatupad sanhi ng kakulangan sa
pondong panustos sa guro at sa mga kagamitang panturo. Nang sumunod na taon,
itinagubilin ng Presidential Commission to Survey Phillipine Education, una, Pilipino
ang panguhaing wikang panturo ng bernakular sa unang dalawang baitang at ikalawa,
Pilipino at Ingles ang magiging wikang panturo sa mataas na paarlan at sa kolehiyo. Di
pa man naipapatupad ay napalitan na noong 1974 ng Patakarang Bilinggwal.
Bilinggual Education is defined operationally, as the separate uses of Pilipino
and English as media of instruction in definite subject areas, provided that
additionally, Arabic shall be used in the areas where it is necessary… Pilipino shall be
used as medium of instruction in the following subject areas: social studies/ social
sciences, character education, music and arts; English for sciences, mathematics, and
technology.
English and Pilipino shall be taught as language subjects in all grades in the
elementary and secondary schools to achieve the goal of bilingualism.
Ni hindi ito ganap na naipatupad. Dapat sana ngayong 1984 ay pambansa na ang
saklaw ng pagpapatupad, ngunit kung hindi man ito pinawalang-bisa ay hindi rin
naman binigyan ng dibdibang pansin.
Sa bagong kurikulum ng Edukasyong Elementarya (983) nananatili ang magkahiwalay
na gamit ng Ingles (para sa matematika at siyensiya) at Pilipino (para sa sibika,
kultura at Pilipinismo) bilang wikang panturo.
Sa kabila ng mga patakarang nabanggit, ang katunayan ay pangunahin pa rin, bagamat
hindi na tangi, na wikang panturo ang wikang Ingles sa lahat ng antas ng edukasyon.

Wikang Panturo: Isyung Politikal


Instrumento ng Kolonisasyon ng Isipan
Ang isyu ng wikang panturo ay hindi lamang pamimili sa Ingles, isang banyagang
wika o sa Pilipino isang kattutubong wika. Pinasasalimuot pa ito ng sitwasyong
multilinggwal ng bansa. Dapat ba ito sa Pilipino, ang wikang opisyal o sa bernakular?
Walang ganoong pagtutol sa Pilipino bilang asignatura. Ang nakapagtataka, mas
lalong angkop, hindi dapat pagtakhan, tanging ang Unibersidad ng Pilipinas na
pangunahing pamantasang publiko, ang humingi at pinahintulutan naman na malibre
sa pagpapatupad sa kahingian ng Ministri ng Edukasyon, Kultura at Isports na
pagpapaturo sa anim na yunit ng Pilipino. At sa panukalang pagbabago sa Programa ng
Masaklaw na Edukasyon, tatlong yunit lamang ang inilaan sa Pilipino (para sa panitikan
ng Pilipinas samantalang siyam na yunit sa Ingles).
Sa kabilag dako, ang paggamit ng Pilipino bilang panturo ay mahigpit a
tinututulan, hayag man o patago, hindi lamang ng mga may kapangyarihan kundi
maging mga edukador, publiko’t pribado, na magbalik sa paggamit ng Ingles bialng
tanging wikang panturo sa lahat ng antas. Ito ay sa kabila ng kanila na ring napag-
alaman sa mga pananaliksik na manaka-nakang isinasagawa na iyon ay hindi mabuti sa
aspektong pedagohikal at nakasasama sa apektong sikolohikal at politikal. Kahit pa
nga tanggapin natin na magkaibang sistema ang wika at isipan; gayunman, ag
signipikasyon pa rin ng wika ay “ isang kultura, isang disenyo ng kaisipan-damdamin,
isang uri ng pamumuhay”.
Simula’t sapul kinilala ng naghaharing uri, kabilang ang ating uring
nakapangyayari, dayuhan at/o katutubo, ang mahalagang papel ng edukasyon sa
pagpapanatili’t pagpapatanggap sa umiiral na kaayusang sosyo-ekonomiko. Simula pa
ng pag-iral ng edukasyon bilang isang institusyong panlipunan, hindi na ito neutral.
Pinaglingkuran nito at patuloy na pinaglilingkuran ang interes ng nakapangyayaring
uri. Ideolohiya ng nakapangyayaring uri ang inihahasik at nililinang ng mga paaralan sa
mga murang isipan. Kaya ang inaani ay isang kultura ng pag-ayon at pagtanggap sa
pagpapatuloy at lehitimasyon ng umiiral na sistemang sosy-ekonomiko.
Bilang dating kolonya ng Espanya, sumunod ng Amerika, mauunawaan natin at
inaasahan lamang na ang patakarang pang-edukasyonat pangwika ng mga kolonisador
ay naglalayong panatilihin tayo bilang isang bihag na sambayanan.
Hindi pinalalaganap ng Kasyilang Kolonisador, sibil, at klerikal,a ng wikang
Kastila sa mga katutubo sa kabila ng mga dekretong royal na nagtatagubiling ituro ito
sa mga nasasakupan. Sa halip, ang mga prayle, na inatasang mangalaga hindi lamang
sa kaluluwa kundi maging edukasyon ng katutubo, ang siyang nag-aaral ng mga
katutubong wikq. Gayundin, bagamat Kastila ang wikang panturo sa mga kolehyo’t
unibersidad, nabuksan ang mga ito sa mga katutubo boong 1863 lamang, kaya hindi
nakalinang ng isang wikang pambalana, Kastila man o isa sa mga bernakular. Isa
lamang itong manipestasyon sa larangang pangwika ng patakarang kolonyal na “hatiin
at pagharian”. Tinuligsa ni Rizal na ang edukasyong tinanggap ng Pilipino mula nang
isilang hanggang sa mamamatay ay “mapang-ayop, mapang-aba’t di makatao”.
Sa kabilang dako natuto ang mga Amerikanong kolonisador sa kamalian ng
nauna sa kanila. Kaya, ginawa nila ang edukasyon na mahalagang bahagi ng kanilang
“benevolent assimmilation policy”-ang pinagandang katawagan para sa
Amerikanisasyon ng katutubo. Sa paaralan bumagsak ang tungkuling hubugin ang mga
Pilipino bilang mabuting layon ng Amerikang gawing kolonyal at masunuring
kayumangging Amerikano. Nilayong pigilin ang maaating sumibol na pagtutol sa
imperyalistikong layon ng Amerikanng gawing kolonyang ekonomiko ang Pilipinas
pagkatapos, sakaling mapilitan, na maipagkaloob ang nominal na kasarinlan.
Sinadyang subhan ang maalab na nasyonalismong nagbigay-buhay sa Himagsikang
Pilipino laban sa kolonyalismo. Ang sumusupling na damdaming makabayan ay hindi
nagkaroon ng pagkakataong makagugat nang malalim sa puso’t diwa ng isang
salinlahing umawit, bilang pang-araw-araw na ritwal, kamay sa tapat na puso at
minultahan sa pagsasalita ng sariling wika.
Mangyari pa, itiniim ng edukasyong kolonyal sa mga “bihag na isipan” ang
abstraksyon ng demokrasya, indibidwalismo’t liberalismo.Wika nga ng dating Ministro
ng Edukasyon, Kultura at Isports Dr. Onofre D. Corpuz, ilang taon bago siya unang
nahirang na sekretaryo ng dating Departamento ng Edukasayon at Kultura:
The education process…rooted deep I the Filipino mind a
predisposition, in the resolution of political issues to appreciate and
understand the Amereican point of view.
Kakambl ng kolonyal na patakarang pang-edukasyon ng mga Amerikano ang
kanilang patakarang pangwika na gawin ang Ingles na hindi lamang isanga signatura
kundi higit na mahalaga, tanging wikang panturo. Kanilang pinangangalandakan na ito
ang magbubukas sa Pilipino sa sibilisasyong Amerikano na siyang magiging saligan
naman ng sarili nilang kalinagan at kaunlaran. Nadala ng retorikang altruisko na
nagtatago sa makasariling motibo ang ating clase ilustrada y rica. Pahayag nga ng
kilalang kinatawan: After peace is established, all our efforts will be directed to
Americanizing ourselves. To cause a knowledge of the English language to be
extended and generalized in the Philippines, in order that through its agency the
Ameerican spirit may take possession of us, and that we may so adopt its principles,
its political customs, and its peculiary civilization that our redemption may be
complete and radical.
Ang patuloy na mis-edukasyon at pagkabihag ng isipan hindi lamang ng mga
mag-aaral kundi maging ng administrador at edukador ay siyang nagpapanatili sa
mala-kolonyal at maka-urong katayuan ng kasalukuyang sistemang pang-edukasyon.
Nangyayari ito sa pamamagitan ng kurikulum at wikang panturo.
Sapagkat ang pangunahing wikang panturo ay Ingles, umaalinsunod na ang mga
batayang aklat at sanggunian ng iba’t ibang disiplina ng karunungan sa syensya,
syensya sosyal,a t humanidades ay sa Igles din at may oryentasyong kanluranin, sa
partikular Amerikano, kung hindi man tuwirang natutungkol sa lipunan at kulturang
Pilipino ay sinulat pa ng mga kanlurang Amerijanong iskolar at ng mga Pilipinong
iskolar na nalalinan ng oryentasyong Kanlurang Amerikano nang sila’y
nagpapakadalubhasa. Palibahasa’y nasa Ingles at nagtataglay ng oryentasyong
kanluraning Amerikano ang mga batayang sanggunian, hindi maiiba ang mga
programang kurikular. Natuklasan sa isang isinagawang pananaliksik ng puno ng
Tanggapang Pananaliksik ng Kolehiyo ng Edukasyon UP na ang kultura’t isipang
Amerikano” ay patuloy na nasasalmain sa mga programang kurikular sa ating mga
kolehiyo’t unibersidad, publiko’t pribado. Kalabisan nang sabihin pang nakasasama ito
sa pagpapahalaga’t pananaw natin. Ang wikang panturo a ang kurikulum ay
magkaibang mukha lang ng iisang bagol.
Natuklasan sa mga pananaliksika at pag-aarala na isinagawa na hindi mabisang
wikang panturo ang Ingles. Sa kabila ng mahigit na walumpung taon ng masinsinang
pagtutuo ng Ingles bilang asignatura at puspusang paggamit bilang pangunahing
wikang panturo, patuloy na nababawasan ang kasanayan ng mga mag-aarala sa wika.
Sa pagsisiyasat na ginawa ng Monroe Survey Commission, lumitaw na ang mga
mag-aaral na Pilipinong nasa ikaapat na baitang ay kapantay lamang ng Amerikanong
mag-aaral na nasa ikalawang baitang. Gayundin, ang kakayahan sa pagbasa ng isang
tapos sa mataas na paaralan ay katumbas lamang ng isang amerikanong nasa
ikalimang baitang. Ito’y noong 1924 nang ang mga gro sa Ingles ay mga Amerikano
mismo. Lumabas tuloy na mapupurol ang mga Pilipino. Sinuhayan nito ang mga
palagay ng mga Amerikano na ang edukasyong marapat lamang sa mga Pilipino’y
yaong maghahanda sa kanila upang maging manggagawa.
Noong 1960, napag-alaman na:
...two-thirds of the English I students sampled for administration
of standardized reading tests feel below the fiftienth percentile rank-
that in spite of the fact that they belong to the top 20% of their
respective graduating classes, 1009 or 62% of those below the 30 th
percentile rank in a standardized reading test failed in English I, despite
intesive English courses. At the semester’s end, 49% of the same group
were in the deliquency list.
Isipin na lamang na sila’y mag-aaral na pinapalagay na kakanggatta ng UP,
kinikilalang panguniahing unibersidad ng bansa. Pinatibayan ng resulta ng ikawalong
National College Entrance Examination (1980) ang malawakang paghina ng mga mag-
aaral sa Ingles na inihimatong ng nagdaang pagsusulit. Maging ang kalidad ng
pagtuturo ng Ingles sa higit na mataas na suweldong gawain. Sa pangkalahatan, hindi
gaanong mahuhusay ang mga naiwan kaya’t hindi nagsilbing mabuting halimbawa ng
paggamit sa wika para sa mga mag-aaral.
Isinisisi rin ito sa Patakarang Bilinggwal na sa bugso diumano ng nasyonalismo
ng sisenta, ay nagbigay ng ibayong diin sa pagyayaman at paggamit ng wikang Pilipino.
Subalit mga paimbabaw na dahilan lamang ang mga ito. Ang hindi naturol ng
task force na nilikha ng nabagabag na pangulo ng bansa sa pagluwag ng pagkasapol sa
Ingles ng mga mag-aaral ay ang tunay na sanhi: ang patakaran ng wikang panturo na
noon pa man 1924 ay natukoy na ng Monroe Survey Commission. Pinansin nito na:
…instruction in Philippine Schools faced a language handicap. The children, from their
first day in school, had to master a strange tongue and carry on school work in it. No
other country has ever attempted to carry such a load.
Paano aasahang matutong mabuti ang mga mag-aaral kung sa simula pa lamang ay
sagabal na ang mismong kaparaanan ng pagkatuto? Ngunit ang naharap ay ang mga
mag-aaral na napulaang mababagal matuto. Ang masaklap nito’y naisaloob naman ng
mga mag-aaral ang gayong palagay sa kanila.
Bukod sa rito, ang irasyunal na patakarang pangwikang panturo ay nakapag-
aambag, kundi man nakapagpalala, sa mababang kalidad ng edukasyon. Sa
pangkalahatan, ang mga mag-aaral ay nagiging palatanggap lamang ng kaalamang
pang-aklat Sa halip ng pagtataning at paglutas ng problema, pagkabisa ang siyang
nagiging tanggap na paraan ng pagkatuto. Gayundin, ang natutunan ay nagtitiwalag
dahil walan kabuluhan sa pagkaunawa ng mga mag-aaral sa kanilang sarili’t lipunan.
Sa panig naman ng mga guro’t iskolar na nakamamalay sa kanilang panakip-
mata, kanilang tinanggap nang walang labis-walang kulang ang mga kanluraning
Amerikanong perspetiktiba’t metodolohiya sa paniniwalang ang mga paraang maka-
agham ng kani-lkanilang disiplina ay unibersal , obhetibo’t value free tulad nang
pinapaniwala sa kanila. Kaya hindi nla makita ang katunayang ang mga perpsektiba’t
metodolohiya ay mga modelong nagtatakda ng kung anong sasaliksikin, paano
isasagagawa’t mangyari pa, matuklasan.
Anupa’t sa halaip na maging malikhain, manupanubok, sila’y naging palaasa sa,
kundi man bilanggo , ng mga kanluraning teorya’t metodolohiya. Kaya, ang tangi
nilang nagagawa ay ulitin at patibayin ang mga ito sa halip na makabalangkas ng sarili
na mas angkop sa pagsapol at pag-unawa sa mga realidad ng sariling lupuna’t kultura.
Sa gayon, makatutulong sila sa pagbalangkas sa isang lipunang tutugon sa
pangangailang at mithiin ng sambayanan. Walang masama sa pag-aaral ng mga
teorya’t metodolohiya, saan mang bayan nagbuhay, o umagapay sa mga pagsulong sa
sariling disiplina. Ang masama’y mabalaho nang hindi namamalayan. Dahil dito, ang
pagtatangka ng mga pulitisadong iskolar na “Pilipinuhin ang agham panlipuna”,
dugtong naming, ang syensya’t umanidades, ay ikinatatakot ng isang Pilipino social
scientist, nab aka “red herring” lang. Manyari, aniya.
…There is now a healthy buyer’s market of paradigms, with
which we can do our scientific work foe our own discipline and our
own needs within the over-all purpose of national development.
Ngunit paano natin madadalumat ang sariling pangangailangan kung sa simula
pa lamang ay ibang mata ang ating gamit?
Sinasalamin lamang ng sitwasyong ito sa larangan ng edukasyon ang ugnayang
gitna-gilid (center-periphery) na umiiral sa iba pang larangan ng buhay panlipunan sa
pagitan ng maunlad at umuunlad na mga bansa. Ipinauubaya, kung hindi man nila
inangkin, sa mga dalubhasa sa mauunlad na bansa ang pagbabalangkas ng mga
teorya’t metodolohiya. Sa isang kumperensyang panglinggwist na ginanap sa atin,
isang Amerikanong linggwista na walang pasubaling may mabuting hangad, ang
nagsabi sa mga tagapakinig na Pilipinong linggwist: “I do not believe we need those
who understand theory.” Ang implikasyon nito’y inaasahang basta na lang tatanggapin
ng mga Pilipinong linggwista, o ng sinumang Pilipinong mananaliksik ng kultura, ang
mga yari nang balangkas konseptwal. At dahil marami nga sa kanila ay ganito ang
ginagawa hindi sila makapag-ambag ng makabuluhan sa ikasusulong ng kanilang
disiplina.
Kahit pa tanggapin natin ang pahayag ng kolonyal na kapangyarihang Amerikano
na:
…in view of the great number of languages spoken by the different
tribes, it is especially important to the prosperity of the islands that a
common medium of communication may be established and it is
obviously desirable that this medium should be the English language.
Gayundin, inakala nilang ang pagtuturo ng Ingles, sa kung anong mahiwagang
kaparaanan, ay hahantong sa pagpapayaman ng mga demokratikong konseptong
nakatalaga nilang ihasik. Subalit hindi ito nangyari. Hindi lamang hindi ito naangkin ng
masang Pilipino, sa kabila ng sapilitang walang bayad na edukasyong primary,
manapa, naging kasangkapan pa ito sa pagbigo sa demokratikong proseso sa bansa.
Sa halip na maging kaparaanan ng pagsasakaganapan ng mga demokratikong ideyal
ang sistemang pang-edukasyon at ang wikang panturo, wika ng demokrasya, kapwa ito
tumulong sa pagpapanatili “ng mga panlipunan at pangkabuhayang di pagkakapantay-
pantay.” Nauwi ang sistemang pang-edukasyon sa mataas na uri ng edukasyon para sa
mayaman at mababang uri naman para sa mahirap. Natitipon ang ilang mabubuting
paaralan sa Kamaynilaan at sag a sentrong rehiyonal sa Bisaya at Mindanao. Ang mga
mag-aaral ay mula sa paggitan at mataas na antas panlipunan/pangkabuhayan. Ang
dalawang katlo sa mga mag-aaral sa UP ay mula sa naturang mga antas, dahil ang
UPCAT, palibhasa’y sa Ingles, ay makiling sa kanila.
Idagdag pang sa kabila ng napakaraming unibersidad at kolehiyo- sa Maynila
lamang ay may animnapu’t apat na- nanatili, sa pangkalahatan, sa antas ng primary
an gating sistema pang-edukasyon. Sa kabila ng pagiging sapilitan at walang bayad ang
edukasyong primary, kalahati lamang ng buong bilang ng kabataan ang nasa paaralan.
Sa bawat isang daang nasa unang baitang, pitumpo ang nakatapos ng kursong primary;
limampu’t anim ng kursong intermedya; tatlumpu’t tatlo, ng kursong sekundaryo; at
labing-isa lamang ng kursong tersaryo. Apatnapu’t limang bahagdan ng nasa ikaanim
na baitang ay “functionally illiterate”. Pinatibayan nito ang natuklasan na nuon pa ng
Monroe Survey Commission na “the rank-and-file of Filipino students do not learn the
English language well enough to guarantee facility in its usein adult life.” Hindi totoo,
kung gayon na sinumang nakatuntong sa paaralan ay makaaangkin ng Ingles. Sa
malaon at madali, makakahulagpos sa nakatapos ng primary, o ng intermedya man,
ang Ingles dahil hindi niya ginagamit sa pakikipamuhay sa kanyang pamayanan.
Paano, kung gayon, naging “third largest English speaking country in the world,
second only to the United States and Great Britain” ang Pilipinas, samantalang
ibinubunga ng Ingles ang
…a small group… who can articulate their thoughts in English, wider
group who can read and speak in fairly comprehensible English and
great mass that can hardly express itself in this tongue.
Samakatuwid, paano magkakaroon ng edukasyon para sa demokrasya kung ang
wika ng paaralan ay hindi siyang wika ng sambayanan? Paano makalalahok ang
taumbayan sa mga talakayang publiko, na siyang kalikasan ng demokratikong
pamahalaan, kung ito’y hindi sa wika nila ginagawa?
Ang tindi ng “mis-edukasyon” at “bihag na isipan” ng mga umuugit ng pambansang
edukasyon at ng mga edukador na rin, sa pangkalahatan, ay mahihinuha sa kanilang
irasyun: na pagpipilit na Ingles ang maging pangunahing wikang panturo sa lahat ng
antas. Kanilang pinagwalambahala ang masama nitong bisang pedagogikal, sikolohikal,
at pulitikal na naturol ni Rizal nuon ang 1891. Sa pamamagitan ng tauhan si Simoun,
sa kanyang nobelang El Filibusterismo, pinaalalahanan niya ang mga kabataang
nagnanais matuto ng Kastila.:
…You [ang ilang matututo ng Kastilala] will only kill your individual
personality and subject your thoughts to other minds. Instead of
making you free, you will only make yourselves truly slaves. Nine out
out ten among you who presume to be educated are renegades to
your own...
Sa kasawiang palad, hindi ito narinig ng mga taingang-kawaling taga-ugit ng
patakaran at tagapagpaganap. Inatasan ni Pangulong Marcos ang mga opisyal ng
edukasyon na palakasin ang Ingles bilang wikang panturo, kaugnay, anya, ng
pagtatangka ng bansang maging industrialisado. Sinipi niya ang ulat ng World Bank na
nagsasabing ang Pilipinas at ang Australya ay “the only two nations in the region likely
to join the ranks of industrialized countries of the world soon." Ang Australya,
marahil; ang Pilipinas malayo. Halos di na makagulapay ang ating ekonomiya dahil sa
$25 bilyong utang sa labas, tulad nang makikita sa malulubhang debalwasyon at
pagbaba ng halaga ng piso sa pamilihan. Anupa’t ang pagbulusok ng ekonomiya ng
bansa ay umaagapay sa pagbulusok din ng kanyang kasanayan sa Ingles. Patuloy ng
Pangulo:
...National pride requires a national language for transmission
of learning, yet no Filipino educator dares today to attempt a
monolingual policy to use Pilipino as our language of instruction. Such
course could seriously impair the acquisition of knowledge on your
society.
Kung totoo ito, bakit hindi nakapinsala sa pagkakamit ng karunungan sa mga
bansa, at ito'y halos lahat, na piniling gamitin ang edukasyon sa wika bilang tanging
wikang panturo sa lahat ng antas ng edukasyon. Hindi maitatwang ang edukasyon sa
mga bansang ito ay kapantay, kundi man nakahihigit sa atin.
Kasaudlong na pambansang patakarang industrilasisasyon ang bagong
patakarang pang-edukasyon nag awing politekniko ang mga akademikong mataas na
paaralan ng bansa. Kaugnay nito ang panawagan para sa mabisang pagtuturo ng Ingles
upang, diumano, ay mabuksan sa mga mag-aaral ang kaalamang kanluranin sa
teknolohiya’t syensya.
Ngunit sa kabila ng mahigit na walumpung taong pagiging halos tanging wikang
panturo ng Ingles, napag-iiwanan ang bansa ng kanyang mga kalapit-bansa sa Timog-
Silangang Asya sa larangan ng edukasyong siyentipiko't teknikal, at ang pinapangarap
na industriyalisasyon ay pagkailap-ilap. Hindi makatagpo ng gawain sa sariling bayan
ang mga nagsipagtapos sa mga paaralang politekniko’t kolehiyong propesyunal kaya
nangingibang bayan. Tuloy, ibang bayan ang nakIkinabang sa utak na kailangan ng
bansa para sa sariling pag-unlad. Ang mas praktikal na dahilan ng pagbibigay-diin sa
Ingles ay ipinahayag ng isang kilalang linggwista't pinagpipitaganang pangulo ng
kolehiyo. Anya: …
Since Tagalog-based Pilipino is relatively easy to learn for non-
Tagalogs, considering its linguistic affinities to their home languages
and the supportive social community for Pilipino at present, and
already mastered by Tagalogs, one would not be devaluing Pilipino by
devoting less time to it in the curriculum in favor of a totally
different language such as English which has yet to be learned and
which does not have the advantages of a supportive social community
outside of the classroom.
Ganito rin ang palagay ng dating pangulo ng UP na kinilalang pangunahing
taga-ugit ng patakarang bilingwal ngunit pasubali niya ngayon: "His... was a cautious
if reluctant support to the policy of bilingualism." Sa kanya ngayong pagdadalawang-
isip, kinatwiran niya na ang …
policy [ibig sabihin ang muling pagdiin, na para bagang may
panahong hindi ito nabigyang-diin) on English would not cquire
abandonment of the policy to promote Pilipino as the National
Language. It would mean only that we are being guided by the
pragmatic consideration that while Pilipino will continue to grow and
spread under its own inherent dynamism as the national language,
the maintenance of English calls for a deliberate and sustained
program of nurture cultivation.
Gayon pala't mabilis na lumalaganap ang Pilipino't nagiging wika na ng
sambayanan, idagdag pa ang mga natalakay ng salik, hindi naming maunawaan ang
lohikal ng pagpipilit na Ingles ang panatilihing pangunahing wikang panturo sa lahat ng
antas ng edukasyon.

Instrumento ng Pagpapalaya sa Isipan


Mula sa mga katunayang inihanay, hindi maitatangging ang sistemang pang-
edukasyon at ang kaakibat na patakaran ng wikang panturo ay tumutulong upang
maging lehitimo’t makapanatili ang umiiral na kaayusang panlipunan at
pangkabuhayan. Gayunman, dahilan na rin sa kalikasan ng edukasyon at sa
garantiyang konstitusyunal ng kalayaang pang-akademiko, mabibigyang-buhay ang
anti-tesis niyon: isang makabayang edukasyon. Sa kamay ng paparaming edukador na
nagiging pulitisado sa makabayang simulain, ang institusyong pang-edukasyon ay
magiging maka-Pilipino sa oryentasyon at magiging malaya't mapagpalaya ang
edukasyon sa pagsisiwalat sa tunay na kalikasan ng namamayaning kaayusang
panglipuna't pangkabuhayan at ng totoong kalagayan ng sambayanan. Sa kanilang
paglaya, magiging kalahok sila ng sambayanan sa pakikibaka para sa paglayang
pambansa't panlipunan.
Sasagutin ng makabansang edukasyon ang katanungang para kangino ang
edukasyon at nakapaloob sa sagot ang kapasiyahan hinggil sa usapin ng wikang
panturo. At ito, hindi maiwasan, ay pulitikal bukod sa pagiging pedagogikal. Ang wika
ng makabayang edukasyon, umaalinsunod, ay ang wikang Filipino.
Napag-alaman sa mga pag-aaral sa bilingwalismo-dito't sa labas, na mahirap
matamo ang pantay o magkaagapay na bilingwalismo (coordinate bilingualism). Lagi
nang mangingibabaw ang isa sa isa. Sa ating kaso, tiyak na higit tayong magiging sanay
sa Filipino kaysa sa Ingles palibhasa'y malapit ang una sa ating wikang sinuso. Sa mga
pag-aaral ng Pilipino o dayuhang lingwista, lumitaw ang malaking pagkakatulad sa isa't
isa ng may mahigit sa isang daan nating katutubong wika. Natunton nila na ang mga
ito ay kabilang sa sangay ng wikang Malayo-Polynesia ng pamilyang Austronesian.
Sinalungguhitan ng pananaliksik ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1978 na
multilingwal ang batayan ng Filipino. Sa sukatang isang libong basal na salitang
Tagalog na sinasabing siyang pangunahing batayan ng Filipino, ito ay 59.6% na
kapareho ng Pampango; 48.2% ng Sebwano; 46.6% na Hiligaynon; 41.3% ng Ilokano;
30% ng Tausug at 29.16%% ng Pangasinan. Ito ang paunang ambag ng mga pangunahing
wika sa noo'y Pilipino. Madaragdagan pa ito sa pag-ibayo ng ugnayang inter-etniko.
Idagdag pang mayroon nang pamayanan inuuwian ang mag-aaral na higit na
gumagamit ng Filipino kaysa Ingles. Ngayon (1985), tinatayang 65% ng populasyon ang
nagsasalita ng Filipino; sa ika-21 dantaon, ang hinuha'y 97.19%.
Sa isang pg-aaal na isinagawa sa Bikol, Cebu, Iloilo, lloko at Pampanga, sa loob
ng apat na taon, napag-alaman na ang mga batang tinuruan sa Filipino ay kasinghusay
na nakababasa't nakasusulat sa kani-kanilang bernakular gayong hindi pormal na
tinuruan. Sinapantaha na ang dahilan ng makabuluhang paglilipat-kaalaman mula sa
Pilipino tungo sa bernakular ay gawa ng malaking pagkakatulad ng dalawang wika sa
ortograpiya, mga katangiang ponetiko, at sa bokabularyo. Pinabulaanan nito ang
paratang na ang Filipino ay kasing banyaga ng Ingles para sa ibang grupong
etnolingwistiko, maliban sa Tagalog, yamang ang wikang Tagalog, diumano, ay siyang
pangunahing batayan, kundi man tangi, ng Filipino.
Sa aspektong pedagogikal, hindi na pagtatalunan ang bisa ng Filipino bilang
wikang panturo maging sa mga asignatura sa syensya, matematika at teknolohiya. Ang
tanging argumento lamang para sa paggamit ng Ingles sa mga asignaturang nabanggit
na, tulad ng matematika, ay sa wikang ito malamang isagawa ang mataas na antas ng
pag-aaral. Kaya, ikinatwiran, mas maagang ituro sa Ingles ang mga ito, mas mabuti.
Subalit sa isang pag-aaral na naglayong alamin ang epekto ng wikang gamit sa
pagtuturo ng matematika, napag-alaman na sa mga sinulit, ang mga mag-aaral sa
ikalawa't ikatlong baitang ay mas maraming mali sa Ingles bilang wikang pansulit kaysa
Filipino. Natuklasan din na higit na kaugnay ng komputasyong aritmetika ang Ingles,
samantalang ang Filipino ay sa paglutas ng problema na nakasalig sa wika. Nuong
1970, apat- napung seksyon sa animnapung klase sa pisika ang ginamitan ng Pilipino
bilang wikang panturo. Ang panimulang kahirapan ay bunga ng paninibago kapwa ng
guro't mga mag-aaral sa Pilipino dahil hindi nila ito nakasanayan. Datapwat kung
ipinagpatuloy ang paggamit, mauuwi sana ito sa pag-angkin o sa muling pag-angkin sa
wika. Walang dahilang hindi maituturo ng guro sa Filipino ang kanyang kurso kung
alam din lamang niya ito. Gayundin, kinatwiran ang kakulangan ng kagamitang
panturo kaya hindi ipinagamit ang Filipino. Mauunawaan at inaasahan lamang ito.
Paano malilinang ang mga kagamitang panturo kung wala namang pangangailangan
pasasaan ba't hindi ito matutugunan. Kung sa Filipino ituturo ang syensya at
matematika sa lahat ng antas, hindi magiging napakahirap para sa mga mag-aaral.
Ang panimulang pagtatangkang ituro sa Filipino ang syensya’t matematika at
ang dumaraming bilang ng mga tesis at disertasyon sa siyensiya sosyal at umanidades
ay tumalimuwang sa paratang na kakulangan sa intelektwalisasyon ng Filipino kaya't
sahol daw "for scholarly and academic discourse." Hindi ang wika ang sahol kundi ang
gumagamit. Kung ganap mang linang ang Filipino bilang wika ng damdamin tulad ng
sabi ng mga pumupula, ito'y dahil sa larangan ng madamdaming pagpapahayag, tulad
ng panitikan, ito lubos na pinagamit.
Natuklasan ng mga gurong gumamit ng Filipino ang mapagpalaya nitong bisa.
Napadali ang pagkatuto dahil naalis ang sagka sa malayang daloy ng kaalaman.
Yamang sanay na sa kasangkapan ng pagkatuto, higit na napagtutuunan ng mga mag-
aaral ang liksyon. Palibhasa'y naunawaan nila, higit silang naging nmapagsuri't
mapanuri. Sa pagtalas ng isipan, matiwala nilang naipapahayag ang iniisip.
Gayundin, ang nadaramang kabiguan sa hindi nila pag-unlad sa kanilang
larangan ay humantong sa paglaya ng mga guro't iskolar. Napagtanto nila na sahol ang
Ingles sa pag-arok sa kaibuturan at sa pagpapahayag sa kasalimuotan ng diwang
indibidwal at pambansa. Bukod dito, napag-alaman din nila na di angkop na gamitin
ang mga modelong kanluran sa pag-aaral ng sariling kultura't lipunan na ngayo'y kanila
nang nakikita sa pamamagitan ng sariling mata. Ang kaalamang ito ang nagbunsod sa
kanila upang gamitin ang Filipino at bumalangkas ng sariling modelo. Halimbawa, sa
Departamento ng Sikolohiya sa UP, ang paggamit ng Filipino bilang isang "heuristic
device, a discovery procedure... [which] forces the [user] to rethink concepts and
principles and even the model in its most simple and elementary forms by returning to
the ‘deep structure' of the language" ay humantong sa indihinasyon ng isang larangan
nilang ng sikolohiya- ang sikolohiyang Pilipino. Nauwi naman sa kanilang
pagkapulitisado ang pagkasapol nila sa kanilang realidad panlipunan at ang
pagkatistis nila sa "bihag na isipan" ng Pilipino.
Higit na mahalaga, makikinabang din ang sambayan sa mga pag-aaral sa
lipunan at kultura yamang kanilang magaganap dahil nasusulat sa wikang pambansa.
Palibhasa’y mga bagong pagpapakahulugan sa kanilang sarili't daigdig ang mana algdig
ang makakaharap sa mga pag-aaral, malilinawan nila ang kanilang kalagayan, at sa
pagkakaunawa ay maitutumpak ang pagkilos. Hindi matatamo ang tunay na kaunlaran
at kasarinlan hanggat hindi nakalaya sa kamangmangan at karalitaan ang masa. Sa
gayon, magkabalikat nilang isasagawa ang pagbibigay katuparan sa ranilang
makabayan at demokratikong mithiin.

Konklusyon
Filipino ang itinataguyod naming wikang panturo sa lahat ng antas.
Mananatiling asignatura ang Ingles mula sa unang baitang anggang sa kolehiyo. Dapat
itong iturong mabuti bilang pangalawang wika upang hindi lamang maging kaparaanan
ng pakikipagta- lasta sang propesyunal ng iilan, bagkus, maging wikang pang-aklatan
ng nakararami upang madulang ang kaalamang duo'y nakaimbak.
Ang sitwasyong multilingwal na rin ng bansa at ang pangangailangang pambansa
ang nagbibigay katwiran sa paggamit sa Filipino bilang wikang panturo sa kabila ng
kabisaan ng bernakular. Lilinangin ng bernakular ang rehiyonalismo kaya
makasasagabal sa pagkakaisang pambansa. Ang layon ng makabayang edukasyon sa
Filipino ay maging bahagi ng pambansang entidad ang mga grupong etniko nang hindi
isinasakripisyo ang kani-kanilang kakanyahan at gawin silang aktibong kalahok sa
pagkakamit ng pambansang kaunlaran at kaisahan. Hindi mamamatay ang bernakular
sa paggamit ng Filipino. Patuloy itong gagamiting wika ng tahanan, ng pamayanan, at
rehiyon; gayundin, bilang katulong na wikang panturo sa lahat ng antas.
Batid naming hindi lubos na malulutas ang usapin ng wikang Panturo hangga't
hindi muling naaangkin ng sambayanan ang kapangyarihang ugitin ang pambansang
buhay. Ang pananaig ng Ingels sa ating pambansang buhay ay nakaugat sa
malakolonyal at maka-uring balangkas ng ating lipunan.
The realities in the Philippines are such, however, that the
leadership thus far has been for the most part exercised by the
economic elites... For as long as these elites continue to run the
country, then English will be favored and only lip ice will be given to
whichever language is selected, or, as in the present case, the
decision to live with a fiction and in effect to choose not to take a
stand. As long as the power structure in a society and the elites in
this structure find the maintenance of language (local or foreign)
economically rewarding and socially advancing as well as opening
opportunities for further economic continue, no amount of rhetoric
or even palliative legislation will change the situation.
Narito ang lohika ng waring irasyunal na patakaran ng wikang panturo. Upang
hindi magamit sa pagpapalaya, ang gamit nito'y hinahanggahan sa pamilihan at sa mga
kaparaanan ng walang muwang na aliwan at hanggat mapipigilan ay ayaw papasukin
sa akademya. Ngayon natin mauunawaan kung bakit gayon na lamang ang pagtutol sa
paggamit sa Filipino bilang wikang panturo sa kabila ng kabisaan at katinuan nitong
pedagogikal, sikolohikal, at puli- tikal.

You might also like