You are on page 1of 3

KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Tumatalakay ang kabanatang ito sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral.

Literasi ang tawag kapag may kakayahang umintindi, bumasa at sumulat ang isang tao.

Sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto, maraming landas ang maaaring tahakin ng guro ng wika

na siyang magpapasigla sa mga mag-aaral na makipagtalastasan sa mabisang paraan, pasulat

man o pabigkas gamit ang wika at literasing kanilang natamo.

Ayon kay Chomsky (2006) maiuugnay ang wika sa tunog at kahulugan ng isang

partikular na paraan, halimbawa sa pag-unawa sa mga sinasabi at sa pagbibigay ng mga senyas o

pidbak na may layuning magbigay-kahulugan upang maunawaan ito. Kapag taglay ng bata ang

wikang ginagamit sa pagtuturo sa kanya, mabilis niyang matututunan ang mga aralin. Kapag

komportable ang isang bata sa wikang panturo na ginagamit ng guro magiging madali para sa

kanya ang pagbabahagi ng kanyang kasagutan nang walang pag-aalinlangan.

Sa ipinalabas na press release ng Kagawaran ng Edukasyon, ipinapakita ang resulta ng

pag-aaral na sa pamamagitan ng paggamit ng unang wika(mother tongue) sa loob ng silid-aralan

sa mga unang taon ng bata sa paaralan, nakakatulong ito upang maging madali at mabilis ang

pagkatuto sa mga aralin kasama ang pagkatuto sa ikalawang wika (Filipino at Ingles).

Nakaugat sa karanasan sa loob ng silid-aralan at karanasan sa araw-araw na

pakikipagtalastasan ang pagkatuto. Inaasahang magiging matatas sa paglalahad ng kanyang mga

ideya o kaisipan tungkol sa isang bagay kung ang may sapat sa kabatiran sa mga nagaganap ang

isang mag-aaral.
Magiging mapanuri, aktibo at marunong sa mga aralin ang isang mag-aaral na

nahahantad sa iba’t ibang pagsasanay at mga gawaing pangklasrum. Sa pagtuturo ng wika,

nararapat lamang na sanayin ang mga mag-aaral sa iba’t ibang makabuluhang gawain upang

maiparanas sa kanila ang tunay na gamit at esensya ng kanilang natutuhan. Mahalagang

malinang ang kanilang kasanayan sa pagpapakahulugan sa salita at pahayag upang matamo nila

ang katatasan sa pakikipagtalastasan.

Ayon kay Richards (2001) marapat na maituro sa mga mag-aaral ang salita sa

pamamagitan ng paggamit nito sa pangungusap at mailapat ang pangungusap sa makabuluhang

konteksto at hindi dapat ituro bilang hiwalay na elemento. Hindi lahat ng mga mag-aaral sa

silid-aralan ang may eksepsyunal na kakayahan upang matutunan ang mga araling inihahain ng

guro sa madaliang paraan. Nangangailangan ng pagsasanay ang mga mag-aaral upang malinang

ang kakayahang magpaliwanag, bumuo ng interpretasyon, mailapat ang natutunan, bumuo ng

sariling pananaw, dumama at umunawa sa damdamin ng iba at kumilala sa sarili. Kinakailangan

din paghandaan ng mga guro ang mga kagamitang maaari niyang gamitin upang hasain ang

nabanggit na kasanayan ng mga mag-aaral. Kapag natutunan ng mga mag-aaral ang mga

kasanayang ito magiging matimyas na pagkukuro at pag-iisip.

Ang paglinang sa kasanayan ng mga mag-aaral tungo sa kapaki-pakinabang na paraan

ang siyang maituturing na hamon sa bawat guro ng wika. Maisasagawa ito ng guro kung

mayroon siyang sapat na kagamitang magagamit upang linangin ang kakayahan at kasanayan ng

mga mag-aaral.

Sinabi ni Tomlinson (2001) na bahagi ng isang larangan at gawain ang pagdedebelop ng

kagamitan. Bilang larangan, ito’y pag-aaral sa mga prinsipyo at hakbangin sa pagbuo ng


kagamitang panturo, implementasyon at ebalwasyon nito. Bilang gawain, kinasasangkutan ito ng

produksyon, ebalwasyon at paggamit ng guro ng kagamitang panturo sa kani-kanilang silid-

aralan. Isa sa mga paraan para matiyak ang pakinabang na pagkatuto ng mga mag-aaral sa

pagkakaroon ng sapat na kagamitang panturo na dumaan sa proseso ng pagtataya ukol sa

kabisaan nito. Marapat na kasangkutan ng guro ang kanyang layunin para sa kapakanan ng mga

mag-aaral na kanyang pinaglilingkuran.

Subalit sinabi ni Evans et. al. (2001) na maliit na bahagdan lamang ng magagaling na

guro ang maituturing na mahusay sa pagbuo ng kagamitang panturo. Hindi maitatangging sa

kasalukuyan ay maraming guro ang may salat na kaalaman hinggil sa pagbuo ng kagamitang

panturo na angkop sa iba’t ibang uri ng mag-aaral. Hindi akma sa antas ng mga mag-aaral at sa

kurikulum ang ilan sa mga nabuong kagamitan ng guro. Ang kagamitang binuo ng guro ay

marapat na naaayon sa kurikulum.

You might also like