You are on page 1of 3

SURIGAO DEL

LEARNING MODULE
NORTE STATE
____________________________________________________
UNIVERSITY
PAKSA: KLASIKONG PAMARAAN

PANIMULA
Ang pagtuturo ng kahit anumang wika ay hindi nag-iiba kung ang ating pag-uusapan ay pananaw at
pamamaraan nito. Sa kahit na anong pagtingin, ang pagtuturo ng wika ay nagiging epektibo kung ang isang
guro ay gumagamit ng isang epektibo teknik, pamamaraan o metodolohiya upang mailipat ang pagkatutosa
wikang ninanais matutunan ng mga mag-aaral.
Sa kabila nito, ang kaalaman at kasanayan sa pagtuturo ng wika ay maaring nakatuon lamang sa pagtuturo
ng wikang Ingles na nagging dahilan ng pagkaiwan ng pag-unlad sa pagtuturo ng sariling wika. Mula sa
pananaliksik ng mga manunulat, naunawaan ng mga ito na halos wala naman palang pinagkaiba ang mga
pamamaraan at gawi ng pagtuturo ng wikang Filipino sa pagtuturo ng wikang Ingles – mga pangunahing
wikang umiiral sa bansa. Sa mas malawak na pagtingin, magkakatulad na mga approach din ang ginagamit
sa pagtuturo at pagpapakadalubhasa sa pag-aaral ng kahit anong wikang higit pa sa sinusong wika. Dahil
dito, nagkaroon ng ideya ang mga manunulat kung ano at kung papaano ito ibabahagi sa aking mga mag-
aaral.

PAGTATALAKAY
Ano ang Komunikatibong Pagtuturo ng Wika ( KPW ) ?
Nag-ugat sa motional-functional approach na pinaunlad ni David Wilkins ng Britanya. (pokus sa mensahe
kaysa sa porma o istruktura). Pinansin at binago ni Wilkins ang kanyang sariling pagtuturo ng wika.
Ang Batayan ng Pamaraang Komunikatib Iba't iba ang batayang lumalaganap na teorya ng communicative
competence. Pinakapopular ang batayang pinaunlad ni Michael Canale at Merril Swain. Ayon sa kanila
may apat aspekto o elemento ng communicative competence:
1. Linguistic Competence-kakayahang umunawa at makagawa ng mga istruktura sa wika na sang-ayon sa
mga tuntunin sa gramatika.
2. Socio-Linguistic Competence-isang batayang interdisciplinary. Nakakaunawa at nakagagamit ng
kontekstong sosyal ng isang wika.
3. Discourse Competence-may kinalaman sa pag-unawa, hindi ng isa-isang pangungusap kundi ng buong
diskurso.
4. Strategic Competence-Wala raw taong perpekto ang kaalaman tungkol sa kanyang wika at nakagagamit
ng kaalamang ito sa tuwina na walang problema. (Coping o survival Strategies). Ang mga Dapat Tandaan sa
Paggamit ng Pamaraang Komunikatib Ano ang mga prinsipyong sinusunod ng pamaraang komunikatib?
Bunga ng kooperatibong pag-aaral sa mga estudyante:

1.Malaki ang maitutulong ng kooperatibong pag-aaral sa paghubog ng magandang pag-uugali at


pakikipagkapwa ng mga estudyante.
_______________________________________________________________________________________
2016:MGA INOBATIBONG PAGDULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA
LEARNING MODULE
SURIGAO DEL
NORTE STATE
2.Napatataas din ang kanilang pagpapahalaga atpagtingin sa kanilang sariling kakayahan.
3.Mataas na pagsulong sa pagkatuto. UNIVERSITY
4.Malilinang ang matalino at mapanuri ng pag-iisip.
5.Nagkakaroon ng positibong atityud sapag-aaral,mataas na motibasyon.
6.Mas mabuting relasyon ng guro at estudyante;estudyante sa kapwa estudyante

Katuturan ng wika

Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ngmga makabuluhang
simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.” Dagdag
naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel naginagampanan sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi
sa pagkakaunawaan.

Katangian ng wika

Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog(fonema) na
kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita(morfema) na bumabagay sa
iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur
(sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

Kapangyarihan ng wika

maaari kang makipag ugnayan sa pamamagitan ng wikang inyong ginagamit1. ang wika ay maaaring
makapagdulot ng ibang kahulugan.2. ang wika ay humuhubog ng saloobin.3. ang wika ay nag dudulot ng
polarisasyon.4. ang kapangyarihan ng wika ay siya ring kapangyarihan ng kulturang nakapaloob dito.

Ugnayan ng wika sa kultura at pulitika

Ang kultura ay siyang nagbubunsod upang ang isang tao ay kumilos ng ayon sa kanyangginagawa at tuloy
nagbibigkis sa mga miyembro ng lipunan. Sinasabi na ang kultura at lipunanay magkaugnay sapagkat hindi
maaaring lumitaw ang isa kung wala yaong isa pa.Marami pang kaugnayan ang kultura tulad na lamang ng
wika kung saan ang wikang simbolikoay ang pundasyon ng kultura ng tao. Masasabi kong pundasyon
sapagkat sa pamamagitan ngwika, ang kultura ay naisasalin ng isang tao sa kanyang kapwa tao o ng isang
henerasyon sasusunod na henerasyon.Pulitika- Ito ang tulay o "medium" ng komunikasyon ng mga pulitiko
patungo sa masa.

Ang Batayan ng pamaraang Komunikatib


•iba’t iba ang batayang lumalaganap na teorya ng 8ommuni8ati@e 8ompeten8e.
•Pinakapopular ang batayang pinaunlad ni
Michael Canale at Merill Swain.
•ayon sa kanila may apat aspeto o elemento ng communicative competence
1.Linguistic Competence -kakayahang umunawa at makagawa ng mga istruktura sa wikana sang-ayon sa
mga tuntunin sa gramatika.
2. Socio- Linguistic -isang batayang interdisciplinary . Nakakaunawa atnakagagamit ng kontekstong sosyal
ng isang wika.3.
3. Discourse Competence- may kinalaman sa pag-unawa5 hindi ng isa-isang pangungusapkundi ng buong
diskurso.

_______________________________________________________________________________________
2016:MGA INOBATIBONG PAGDULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA
LEARNING MODULE
SURIGAO DEL
NORTE STATE
4.Strategic Comptence- Wala raw taong perpekto ang kaalaman tungkol sa kanyang wikaat nakagagamit ng
UNIVERSITY
kaalamang ito sa tuwina na walang problema.

GURO, MAG-AARAL AT ANG KPW

Ang gurong gumamit ng KPW ay naglalahad na malinang nag kakayahan ng kanyang mag-aaral sa aktuwal
na paggamit ng wika sa mga tiyak na pagkakataon.
Tungkulin ng guro ng mag-aaral
Sa KPW ang mga-aaral ay tagapatnubay o facilitator sa ibat ibang gawain sa klasrum. Siya ay tagasubaybay
ng reaksiyong naggaganap ng mag-aaral.
Ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto ng mga bata
Ang mga katangian sa proseso ng pagkatuto at pagtuturo ng KPW ay nauunawaan ng mga mag-aaral ang
mga dahilan kung bakit niya ginagawa ang isang gawain at paano niya ito isinasagawa.
Katangian parin ang pagdulog na ito ang pagbibigay ng sapat na pagkakataon sa pag-aaral at pagsasanay sa
paggamit ng target na wika.

Ang mga Dapat Tandaan sa paggamit ng Pamaraang Komunikatib

Ano ang mga prinsipyong sinusunod ng pamaraang Komunikatibo?

Una ,sa paggamit ng wika5 malinaw sa mga makikipagtalastasan kung ano an konteksto ngtalastasan.

Pangalawa, ang wika ay isang kasangkapan sa pakikipagtalastasan5 di katulad noong araw naang gawain ng
guro ay ituro partas o istruktura ng wika na gumagamit ng mga pagsasanay tulad ng substitution drills ,
pattern practice at iba pa.

Pangatlo, higit na mahalaga sa gumagamit ng pamaraang komunikatib kung gaano kahusay sa


pakikipagtalastasan sa wika ang isang tao hindi kung gaano ang nalalaman sa gramatika ngisang wika
Pang-apat, mahalagang gamitin sa loob ng klase ang mga sitwasyong tunay na tumatawag sa
pakikipagtalastasan.

Panglima,may iba’t ibang antas ng communicative competence lalo na hindi maasahan na angisang hindi
negati@e speaker ay magiging mahusay sa bawat uri ng pakikipagtalastasan.

Paglalahat

Malaking bahagi ng pag-aaral at pagtuturo ay komunikasyon sa pagitan ng guro at mag-aaral. Katunayan,


ang mga pinakamagagaling na guro ay tunay na magaling sa komunikasyon sa ibang tao. Tunay nga naman
kasi na ang pagtuturo ay pagbabahagi ng kaalaman sa pamamagitan ng pakikipag-usap ng guro sa kanyang
estudyante, hindi ba?

At kalakip ng pag-uusap na ito ay hindi lamang ang mga salita na ginagamit, kundi pati na ang tono ng
pananalita, ang mga gestures na gagawin, at iba pa. Kailangang linangin ang maayos at mabisang
komunikasyon upang maging mabisa at produktibo ang bawat klase.

Inihanda ni: CHARA M. TACANG


Taga-ulat

_______________________________________________________________________________________
2016:MGA INOBATIBONG PAGDULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA

You might also like