You are on page 1of 6

Mga Teorya sa Pagkatuto ng Wika

 Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
- Ang pag-iisip at ang wika ay magaka-ugnay. Ang mga batang matagumpay na
maksunod/makagawa ng mg agwain kaugnay sa pag-iisip (comprehension) ay karaniwan na
iyong may kahusayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
- Ayon kay TOMPSKIN (1999) “ Ang pagsulong at pag-unlad sa pagsulat ng mga bata ay
maoobserbahan habang unti-unti nilang naipapahayag ang kanilabg mga complex na ideya
o kaisipan sa kanilang sulatin.
- Mahalaga ang teoryang ito dahil ito ang nagiging basehan ng mg aistilo ng pagtuturo ng
mga guro. Ito ay mga suhestiyon lamang na maaring gamitin magkahiway o magkasama.
- “ kung gaano kagaling naipapamalas ang saloobin ng WIKA, ay Iyan din ang digrri ng
pagkatuto ng mag-aaral”.
Mayroong apat na paniniwala kung paano natutunan ng isang tao ang wika:
1. Teoryang Behaviorist (molded; teacher centered)
> Ayon sa kanila ang mga bata ay pinanganal na may kakayahan na sa pagkatuto ng wika at
ang kanilang kilos at gawi ay maaring hubugin sila sa kanilang kapaligiran.
> Binibigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviourist, na kailangang “alagaan”
ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at
pagpapatibay sa anumang gwai o kilos.
> Ang teoryang ito ay nagbibigay sa mga guro ng set ng mga simulain at ,ga pamaraang
madaling isagawa.
> halimbawa: Si Tarzan, na lumaking napapalibutan ng mga unggoy. Natutunan at naintindihan
niya ang paraan ng pakikipag-usap ng mga hayop, kahit siya ay isang tao.
> Audio-Lingual Method(ALM), ang mga pangunahing katanigian nito ay ang mga sumusunod:
a. binibigyang diin ang kasanayang pakikinig at pagsasalita;
b. binibigyang diin ang mga pag-uulit ng mga drill;
c. paggamit ng target na wika;
d. kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot (reinforcement);
e. at ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro.
2. Teoryang Innative (built-in)
 Ayon sa kanila ang mga bata ay ipinanganak na may “likas na salik” sa pagtamo ng pagkatuto
sa wika.
 Ipinaliwanag ni Chomsky (1975,1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama nang pagkaanak at
likas nitong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran.
 Ang panananaw na ito ang nagpapahayag na ang wika ay makapaloob at nabibigyang hugis ng
sosyo-kultural na kaligiran kungsaan ito nabubuo. Ito ay nabibigyang kahulugan lamang kapag
may interaksyong nagaganap sa kapaligiran. Inilalarawan dito ang likhang-isip na “aparato”
na taglay ng mga bata at tinatawag itong language-acquisition device (LAD).
 Ang LAD ang tumatanggap ng impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika. Ang wikang
ito ay sinusuri at pagkatapos amarinig, bubuuin na sa isipan ng mga tuntunin, ay inilalapat ang
mga tuntuinin habang nakikipag-usap ang bata.
3. Teoryang Kognitib (learned)
 Ayon sa kanila ang pagkatuto ng wika ay isang dinamiko kng saa ang mga mag-aarala ng
wika ay kailangang palagian mag-isip at gwaing may saysay ang bagong tanggap na
kaalaman at impormasyon mula dito mas napapaunlad nila ang pagkatuto sa wika.
 Inaalam ng mga mag-aaral ng wika ang mga pumapailalim na tuntuntunin at mailapat ito
nang sa ganun ay makabuo ng orihinal na pangungusap.
 Habang ginagawa ang prosesong ito hindi maiwasan ang pagkakamali.
 Ayon sa mga kognitibist, ang pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at
eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto.
4. Teoryang Makatao (student-centered)
 Ang paniniwla nila ay nakapokus sa damdamin at emosyon ng isang tao
 Mas mabilis natututunan ng tao ang wika at wala siyang pag-alinlangang gamitin ito at malaya
niyang nailalahad ang kanyang saloobin.
 Tungkulin ng isang guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kapaligiran sa klasrum at
isang pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-
aaral; at
 Malaya nilang nagagamit at nasusuri ang agong wikang natutunan. Kailangan ding linangon ng
guro ang pag[a[ahalaga sa sarili ng mga mag-aaral.
 > ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na gingamit ang makataong tradisyon ay ang
a. community language learning ni Curran.
b. silent way ni Gettegno
c. Suggestopedia ni Lazanov

“ Ang Sikolohiya ng Wikang Filipino ay ang pag-aaral sa karanasan, kaisipan at


oryentasyonng Pilipino, ito ang sikolohiyang Pilipino.

Topic 1
MGA SIMULAIN, METODO SA PAGTUTURO NG FILIPINO Mga Konsepto:
•Metodo. Ito and tawag sa pnalahat na pagplano para sa isang sistematikong at epektibong pagtuturo
ng isang aralin.May tiyak na hakbang na sinusunod and bawat metodo o pamaraan.
•Istratehiya. Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat hakbang ng
pagtuturo.Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto, larawan, o larong pangwika.
•Teknik. Ay tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. Alinman sa mga kagamitang
pagsasanay ogawain sa loob ng klasrum, upang maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin.
•Dulog – isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo.
•Pamaraan – isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad wika at batay sa
isang dulog.
•Metodolohiya – ito’y isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal (kasama rito ang mga paniniwalang
teoretikal atkaugnay na pananaliksik). Ito’y tumutugon din sa anumang konsiderasyon kaugnay ng
tanong na “paano angpagtuturo”.
•Silabus – Ito’y isang disenyo sa pagsasagawa ng isang particular na programang pangwika.
Itinatampok dito angmga layunin, paksang aralin, pagkakasunod-sunod ng mga aralin at mga
kagamitang panturo na makatutugon sa mgapangangailangang pangwika ng isng tiyak na pangkat ng
mga mag-aaral.
B. MGA SIMULAIN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA
1. Simulaing nakapukos sa mga mag-aaralAng bawat klase sa wika ay binubuo ng mag-aaral na taglay
ang kanilang iba’t-ibang katangian: kognitib,pandamdamin, at kagulangang sosyal, kaalaman sa wika;
motibasyon, kakayahan sa pagkatuto ng wika, istilo sapagkatuto, mga mithiin at mga
pangangailangang subhetibo. Sa simulaing ito, itinuturing ang bawat mag-aaral na maytaglay na
sariling pangangailangan at interes.
2. Simulaing Nagsasangkot sa Mag-aaralIsinasaad sa simulaing ito na dapat bigyan ang bawat mag-
aaral ng maraming pagkakataon upang makilahok sa iba’t-ibang uri ng gawaing komunikatibo.
3. Simulaing Nakatuon sa Target na WikaBinibigyang halaga ng simulaing ito na kailangang bigyan ng
guro ang mga mag-aaral ng mga input na komunikatibona abot ng kanilang pang-unawa at
makabuluhan para sa sarili nilang pangangaailangan at interes. Magagawalamang ito ng isang guro
kung lilikha siya ng isang sitwasyon kung saan mararamdaman ng mag-aaral na nagagamitniya ang
target na wika ng natural at hindi pilit.
4. Simulaing Nakapokus sa Ilang anyo ng WikaUpang mahusay na malinang ang kakayahang
komunikatibo ng mga mag-aaral sa loob ng maikling panahon,kailangang ng guro ang mga mag-aaral
sa ilang anyo at gamit ng wika, mga kasanayan at stratehiya na makatutulongupang magamit ang wika
sa isang kalagayan na limitado ang panahon
5. Simulaing Sosyo-kulturalAng wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito.
Mahalagang magkaroon ng mga kaalamangKultural upang maunawaan at mabigyang-kahulugan ang
sinasabi ng kausap. Tungkuling ng guro na ipadama samag-aaral na kailangan ang pagpapahalaga sa
mga karanasang pang-kultura na dala nila sa pag-aaral ng wika atmapag-yaman ito sa kultura ng mga
taong gumagamit ng target na wika.
6. Simulain ng kamalayanAng pag-aaral ng wika ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na lubos
na maunawaan ang ugnayan ng wika atkultura. Kailangan ng isang mag-aaral ng wika ang pagiging
sensitibo sa wika at kultura ng ibang tao. Angpagsasaalang-alang sa kultura ay nagiging daan upang
madama ang lakas ng wika upang mapaglapit ang diwa atisipan ng iba’t-ibang taong gumagamit ng
target na wika.
7. Simulain ng PagtatayaAng kamalayan hinggil sa sariling pag-unlad ng wika ay maaaring maging
pampasigla para sa ibayo pang pagkatuto.Kaya’t mahalaga na palagiang may pidbak ang mag-aaral
hinggil sa kanilang pagsulong sa pagkatuto at kailanganitong maging realistiko.
8. Simulain ng PananagutanMahalaga sa anumang larangan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng sariling
pananagutan anuman ang maging bunganito at malinang ang pagkatuto sa sariling sikap.
MGA PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO
• Pamamaraang Grammar Translation (Pamaraang Klasiko)Mithiin (Goals)
1. Mabasa ang literature ng target na wika.
2. Maisaulo ang mga tuntuning balarila talasalitaan ng target na wika.
3. Mga Katangian.4. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na
wika.
5. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan.
6. Binibigyang diin ang pagbasa at pagsulat halos hindi nalilinang ang pakikinig at pagsasalita.
7. Pabuod na tinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-aaralan at pagkatapos ay magkakaroon
mg maramingpagsasanay sa pagsasalin.
8. Ang pagbabasa ng mga kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi isinasaalang-alang ang
kahandaan ng mgamag-aaral.
9. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa pagsasalin ang mga mag-aaral
mula satarget na wika.
• Ang Series Method
Ay isang pamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay itinuturo nang tuwiran (walang
pagsasalin) atisang serye ng mga magkakaugnay na pangungusap ay inilalahad sa isang kosepto na
madaling maunawaan ng mag-aaral.
Walang pagpapaliwana sa tuntuning balarila bagamat maaaring mayroong kayaring balarila na
napapaloob sa mgapangungusap ang dapat linawin.
Ang pamaraang ito’y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay ang transpormasyon ng mga
pananaw sawika at isang konsepto na madaling maintindihan.
• Ang Pamaraang DirectMga simulain sa pamaraang Direct.
Mga katangian:
1. Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin.
2. Pangunahing istratehiya sa pagkatuto ay ang panggagayak, pagsasaulo ng mga parilala, at paulit-
ulit napagsasanay.
3. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na pagsasanay.
4. Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila. Ang mga tuntuning balarila ay
itinuturo ng mgamodelo.
5. Limitado ang gamit ng mga bokabularyo at itinuturo ito ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
6. Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at karaniwang isinasagawa ito sa language labs at mga
pagsasanay napares minimal.
7. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkaklase.
8. Ang mga tamang tugon sa mga tanong/pagsasanay ay agad na pinagtitibay.
9. Sinisikap ng furo na gamitin ng mga mag-aaral ang wika nang walang kamalian.Ang Mga “Designer
Methods” ng Dekada ‘70
1. Ang Community Language Learning (CLL)
Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na pandamdamin. Ang
pamaraan ito ayekstensyon ng modelong Counselling-Learning ni Charles A. Curran na nagbibigay-diin
sa pangangailangan ng mgamag-aaral-kliyente na nagsama-sama bilang isang komunidad na
binibigyan ng kaukulang pagpapayo.
2. Ang Suggestopedia
Ang pamaraang ito’y halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang kakaiba’y isinasagawa ang
mahahalagang bahaginito sa isang kalagayang palagay ang kalooban ng bawat mag-aaral at relaks ang
kanilang isipan.
Mga katangian:
a) Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na maging panatag
ang kalooban
b) Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuot at may maririnig na mahinang
tugtugin.
c) Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay nang komprehensibo.
d) Napapalinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika.
e) Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension; ang kamalayan (conscious) kung saan
nakikinig sa isang binabasaang diyalogo at ang kawalang-kamalayang (sub-conscious) kung saan ang
musikang naririnig aynagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali.
f) Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at drama.
g) Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walang pormal na pagsubok ang
ibinibigay.
3. Ang Silent Way
Ito ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipinapaubaya sa mga mag-aaral
ang kanilangpagkatuto.Ang mga mag-aaral sa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa
proseso ng pagtuklas ng mga kasagutan samga suliraning pangwika. Sa ganitong kalagayan nanatiling
tahimik ang guro kaya ang katawagan Silent Way.
4. Ang Total Physical Response (TPR)
Ang pamamaraang ito’y humango ng ilang kaisipan sa Series Method ni Gouin na nagsasabi na ang
pakatuto ayepektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng wikang pinag-aralan.Mga Katangian:
a) Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mg autos mula sa titser na isinasagawa ng mga
mag-aaral.
b) May interaksyong guro-mag-aaral o mag-aaral-mag-aaral; nagsasalita ang guro, tumutugon ang
mga ma-aaral sapamamatnubay ng guro.
c) Binibigyang diin ang komunikasyong pasalita, isinasaalang-alang ang kultura ng mga katutubong
tagapagsalita sapagkatuto ng pangalawang wika.
d) Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang sa pamamagitan ng mga kilos.e) Inaasahang
magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang magsalita; mga kamaliang global lamang
anginiwawasto.
5. Ang Natural Approach
Ginagamit sa pamamaraang ito ang mga gawain sa TPR sa panimulang lebel ng pagkatuto kung saan
mahalaga angmga “comprehensive input” upang mapasigla ang pagtatamo ng wika. Nilalayon ng
Natural approach na malinang ang mga personal na batayang kasanayang pangkomunikasyon tulad ng
gamiting wika para sa mga pang-araw-araw nasitwasyon gaya ng pakikipag-usap, pamimili, pakikinig
sa radyo at iba pa.Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng iba’t-iba at mga kawili-wiling
gawaing pangklasrum gaya ng laro,maikling dula-dulaan at pangkatang gawain.
6. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-Centered Teaching)
Ang katawagang ito’y gamitin sa kurikulum at sa ilang tiyak na teknik sa pagatuturo.
Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:
a) Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral;
b) Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral.(Hal. Pangkalahatang gawain o pagsasanay)c)
Nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;
d) At kurikulum na may kunsultasyon at isinasaalang-alang ang input ng mag-aaral at hindi itinatakda
kaagad-agadang mga layunin.
7. Ang Pagkatuto na Tulong-tulong (Cooperative Learning)
Sa pagiging kasapi sa isang pangkat, nagagawa nilang magbahaginan ng mga impormasyon na laging
naroon angpagtulungan sa isa’t-isa.Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito
sa sama-samang (collaborative) pagsisikap ng guroat mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang
layunin.
8. Ang Pagkatutong Interactib (Interactive Learning)
Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya kundi pag-unawa rin s
ideya ng iba. Angmga kalahok ay gumagawa ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon, na lagging
may nauunawaan sa isangkonteksto.Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga
sumusunod:
a) madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan
b) paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit nito.
c) Paglikha ng mga tunay ng wika para sa makabuluhang komunikasyon
d) Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktuwal na paggamit ng
wika sa “labas”
e) Pagpapasulat na totoo ang target audyens
9. Ang Whole Language Education
Ang katawagang ito’y bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyan-diin:
a) Ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw ng pagbabahagi ng wika sa maliliit nitong elemento gaya
ng ponema,morpema at sintaks.
b) Sa interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at pagsasalita) at wikang
pagsulat(pagbasa at pagsulat); at
c) Ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas na umuunlad, na katulad din ng
alituntuning pasalita.
Malawak ang nasasakop ng katawagang ito sa edukasyon. Ang whole language ay isang lebel na
ginagamit upang mailarawan ang :
a) Tulong-tulong na pagkatuto
b) Pagkatutong partisipasyon
c) Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral
d) Integrasyon ng “apat na kasanayan”
e) Paggamit ng awtentiko ant natural na wika
10. Content-Centered Education
Ayon kina Brimton, Snow, at Weshe (1989) ang content-centered education ay ang integrasyon ng
mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y ang magkasabay na pag-
aaral ng wika at paksang-aralin na ang anyo at pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng wika ay
idinidikta ng nilalaman ng paksa. Taliwas ito sanakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika
ang itinuturo nang hiwalay at malayo sa konteksto ngpaggamitan nito
11. Ang Pagkatutong Task-Based
Ayon kay Michael Breen (1987) ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong pangwika na may
tiyak na layunin,nilalaman, paraan at mga inaasahang matatamo nga mga magsasagawa ng task. Ang
task ay isang espesyal na anyong teknik subalit man “malaki” ang saklaw nit kaysa sa teknik. Ang
pagkatutong task-based ay bagong pamaraan.Binibigyang pokus lamang nito ang tasksa pagtuturo.
Tinatanaw nito ang proseso sa pagkatuto bilang isangkomunikatib task na tuwirang nakaugnay sa mga
layuning pangkagawian at ang mga hangaring nito’y lagpas nanakagawiang pagsasanay ng wika.

You might also like