You are on page 1of 34

MGA TEORYA

SA PAGKATUTO NG WIKA
Gramatika at Istruktura ng Wikang Filipino

Mga Miyembro:
Buhisan, Glaidyl Kaye L.
Estrada, Richalyn D.
Lavilla, Irin Kaye
Malicay, Kaye T.
Omiping, Jecel B.
Picardo, Ma. Elisa
Tiongco, Jecel Ann
Teoryang Behaviorism: Pakinggan at Ulitin
➢ Ipinahahayag nito na ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at
gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanilang kapaligiran.
➢ Binigyang diin ni Skinner, isang pangunahing behaviorist, na kailangang “alagaan” ang pag-unlad na
intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o
gawi.
➢ Ayon sa behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya, paulit-ulit na pagsasanay hanggang sa
mamaster ang tamang anyo nito, at positibong pidbak.
➢ May paniniwala rin si Skinner maaaring maisagawa ng bata ang anumang gawain kung tuturuan at bibigyan
siya ng tamang direksyon.
➢ Halimbawa, posibleng pagkaanak pa lamang ay maaaring hubugin na ng mga magulang ang kanilang anak
para maging isang doctor o isang abogado.
➢ Ang mga gurong umaayon sa painiwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng mga papuring:
“Magaling” “Tama ang sagot mo”. “Kahanga-hanga ka”. “Sige, ipagpatuloy mo”.
➢ Sa teoryang ito sa pagkatuto ay nagbigay sa mga guro ng set ng mga simulain at mga pamamaraang
madaling isagawa sa pagtuturo.
➢ Ang Audio-Lingual Method (ALM) na nagging populars noong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa
teoryang behaviorism.
Ang mga pangunahing katangian ng ALM:
• Binibigyan-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;

• Binibigyan-diin ang pag-uulit at mga drill;

• Paggamit lamang ng target na wika;

• Kagyat na gatimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;

• Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at

• Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro.


Teoryang Innatism: Nasa Isipan Lahat Iyan
➢ Ang teoryang ito sa pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat ng bata ay ipinanganak na may "likas na talino" sa
pagkatuto ng wika.
➢ Ipinaliwanag ni Chomsky (1975, 1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang
habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran.
➢ Ang pananaw na ito ang nagpapahayag na ang wika ay nakapaloob at nabibigyang-hugis ng sosyo-kultural na
kapaligiran kung saan ito nabubuo.
➢ Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed para sa pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay
nalilinang katulad nang kung paano nalilinang ang iba pang tungkuling biyolohikal ng tao.

Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition Device (LAD).

•LAD-ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang-isip na "black box" na matatagpuan sa isang sulok
ng ating utak. Tinatayang naglalaman ang "black box" ng lahat at tanging iyon lamang mga simulating panlahat na taglay ng
mga wika ng lahat ng tao, at ito ang humahadlang sa isang bata na lumihis sa tamang daan sa kanyang pagtuklas ng mga
tuntunin ng wika.
➢ Upang gumana iro, kailangan lamang ng bata na may pagkakataon siyang mahantad sa mga halimbawa ng wikang
kanyang sasalitain o pag-aaralan.
➢ Sa kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalig ang terminong LAD; sa halip, Universal
Grammar (UG) na ang tawag nila sa aparatong pang-isipan na taglay ng lahat ng mga bata pagsilang.
Teoryang Makatao

➢ Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga salik na pandamdamin at emosyunal.
➢ Ito'y nanalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay mangyayari lamang kung angkop ang kapaligiran, may kawilihan
ang mga mag-aaral at may positibong saloobin sila sa mga bagong kaalaman at impormasyon.
➢ Sa larangan ng pag-aaral ng wika, kailangan may magandang saloobin ang mga mag-aaral sa wikang pinag-aralan, sa
mga gumagamit ng wika at sa mga guro ng wika.
➢ Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang
pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at malaya nilang nagagamit at nasusuri ang
bagong wikang natutuhan. Kailangan ding linangin ng guro ang pagpapahalaga sa sarili ng mga mag-aaral.

Palaging isinasaalang-alang ang saloobin ng mga mag-aaral sa pagpili ng nilalaman, kagamitang panturo at mga gawain
sa pagkatuto.
Ilan sa mga metodo sa pag-aaral ng wika na may kaugnayan sa makataong tradisyon ay ang mga sumusunod:

o Community Language Learning- sa pamamaraang ito, ang pagkabahala ay nababawasan dahil sa ang klase
ay sa isang komunidad ng mga mag-aaral na laging aalalayan sa bawat sandali ng pagkaklase.

- Ang guro ay tumatayo bilang isang tagapayo at laging handa sa anumang pangangailangan ng mag-
aaral.
- Naiiwasan ang anumang pagdadahilan sa pag-aaral dahil sa magandang ugnayang guro at mag-aaral.
- Ang pag-aaral na ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-Learning ni Charlse A. Curran.

o Silent Way - ito ay nananalig sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipauubaya sa mga mag-aaral ang
kanilang pagkatuto.

- Nananalig si Gattegno (1972) na dapat mayroong tiwala sa sarili ang mga mag-aaral at naroon din
ang pagiging may pananagutan sa kanyang sariling pagkatuto.
- Ang mga mag-aaral sa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa proseso ng pagtuklas ng mga
kasagutan sa mga suliraning pangwika.
- Sa ganitong kalagayan, nanatiling tahimik ang guro kung kaya't tinawag itong Silent Way.
Suggestopedia - ang pamaraang ito ay mula sa paniniwala ni George Lozanov(1979), isang sikologong Bulgarian.
Sinasabi na ang utak ng tao ay may kakayahang magproseso ng malaking dami ng impormasyon kung nasa
tamang kalagayan sa pagkatuto, katulad halimbawa ng isang relaks na kapaligiran at ipinauubaya lahat sa guro
ang maaring mangyari sa klase.
• Mahalaga ang musikang tinaguriang Baroque na may 60 kumpas at may tanging indayog na lumilikha ng
isang "relaks na kaligiran" at nagbubunga ng isang pagkatuto na lagpas sa inaasahan.
• Ayon kay Lozanov, habang nakikinig ang isang mag-aaral sa musikang Baroque, nagagawa niyang
makapagtamo ng maraming impormasyon dahil sa pagbilis ng alpha brain waves at pagbaba ng presyon ng
dugo at pulso.
MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA PAGTATAMO AT
PAGKATUTO NG WIKA

➢ Umiiral na pananalig na natutuhan ang wika sa pamamagitan ng palagiang paglalaan ng mga input na berbal at may
katugong pagpapatibay (reinforcement) ay malinaw na ipinahayag sa aklat ni Skinner na Verbal Behavior ( 1957)
➢ Noong 1959, Isang matinding rebyu ang ginawa ni Chomsky sa aklat ni Skinner, pinanindigan niya kung ang wika at
matutuhan lamang sa pamamagitan ng pagpapatibay, maging mahirap para sa Isang taal na tagapagsalita ng wika
(W1) ang pag- unawa sa mga pangungusap na hindi pa niya naririnig.
➢ Noong 1961, inilarawab ni Hymes ang bagong landas at lumayo siya sa mga pananaw na deskriptib linggwistik at
pagsusuring istruktura ng wika. Binigyang- diin niya ang kakayahang komunikatibo na nagsasaad na mahalaga ang
paggamit ng wika sa kontekstong sosyal upang matutuhan ito nang may saysay.
➢ Noong 1975, pinanigan ito ni Halliday. Idinagdag niya ang kahalagahan ng pakikipag- ugnayang sosyal sa wika sa
pagsasabi na Ang istrukturang sosyal ay mahalagang elemento sa Isang interaksyong linggwistik.
May tatlong pangunahing ideya ang nakaimpluwensiya sa pagtuturo at pagkatuto ng wika sa kasalukuyan.

o Una, paradigmang kognitib na nagsasabi ng pangunguna ng pagkatuto bago pa man ang pagtuturo nito.
o Ikalawa, naisasaalang-alang nang lubos ang proseso ng pagtuturo/ pagkatuto bago pa man ang pagtuturo nito.
o Ikatlo, ang integrasyon ng mga kaalaman ay Isang mahalagang kaisipang kontemporaryo na may kaisahan sa mga
layunin ng lahat ng mga lawak pangnilalaman at pagsanib ng pagtuturo ng pagsulat, pagsasalita, pakikinig, pga-iisip
at ang pagkilos ay Isang nangungunang simulain sa kasalukuyang kaisipang tungkol sa pagkatuto ng wika.

Ang Balarilang Transpormasyonal ( Transformation Grammar )

➢ Ang mga mambabalarilang Transpormasyonal gaya ni Chomsky ay nananalig na Ang Isang wika ay may taglay na set
ng mga tuntunin na walang malay na nalalamanat nagagamit Ng Isang tao sa kanyang pang araw-araw na
pakikipagtalastasan.Ayon sa pananaw na ito, Hindi kailangan Ng tao Ang dating karanasan para sa isang partikular na
pangungusap upang mailahad o maunawaan ito.
Monitor Model ni Krashen
➢ May iminungkahing teorya si Krashen (1981, 1982) hinggil sa pagtatamo ng pangalawang wika (W2) na nagging
batayan ng isang balangkas para sa pag-unawa ng mga prsesom kung paano natutuhan ang pangalawang wika.

May limang haypoteses nakapaloob sa teoryang ito si Krashen:


o Acquisition learning hypothesis (pagtatamo-pagkatuto) – isinasaad ng haypotesis na ito na ang pagtatamo at
pagkatuto ay dalawang magkahiwalay na proseso sa pagiging dalubhasa sa wika.
1. Pagkatuto - ito ay ang kaalaman tungkol sa wika. Ito ang pormal na kabatiran sa isang wika at itinuturo nang
pormal upang malinaw na maunawaan ang mga tuntunin ng isang wika.
2. Pagtatamo- isang walang-malay na proseso na nagaganap sa mga pagkakataong wika ay ginagagamit sa
aktwal na pakikipagtalastasan.
o Natural order hypothesis - ayon dito ay may mga tuntuning pangwika na mas maunang natamo kaysa iba. Nananalig
din ito na may likas na sinusunod na order ang bata sa pagtatamo ng wika. Mahalaga rin dito ang paghahatad ng
mga bata sa mga pang-araw-araw na usapan kung saan ay malaya silang nakakalahok.
o Monitor hypothesis- malinaw na isinasaad dito ang ugnayan ng pagtatamo at pagkatuto ng wika.
1. Pagtatamo- ang tagapanguna sa pagsasalita tungo sa katatasan sa paggamit ng wika.
2. Pagkatuto- tumatayon monitor/editor.
3. Monitor- ay isang mekanismo sa pagtuklas ng anumang pagkakamali sa pagsasalita; sinasala nito ang
katatasan sa pagsasalita upang makagawa ng kaukulang pagwawasto sa anumang kamalian.
➢ Magsisimula sa pagsasalita ang isang tao at ang taong ito ang mag-eedit – ang pagsasalita bago o pagkatapos ng
isang binalak na kominikasyon. Ngunit hindi nagagamit ang Monitor sa mabilisang usapan.

o Input hypothesis - naninindigan ang hypothesis na ito na ang wika ay natatamo sa isang prosesong payak at totoong
kamangha-mangha – kapag nauunawaan natin ang mga mensahe. Ang wika ay natatamo nang hindi binibigyang-
pansin ang anyo,bagkus ay ang pag-unawa sa mga mensahe na maaaring magtaglay ng bagong istruktura, mga
mensahe na maaaring lagpas ng kaunti sa kasalukuyang lebel ng kasanayan ng nagsasalita.
o Affective filter hypothesis- ito ay may kaugnayan sa mga baryabol na pandamdamin gaya ng pagkabahala,
motibasyon, tiwala sa sarili. Mahalaga ang kabatiran ukol dito dahil naggawa ng mga ito na mahadlangan ang mga
input para gisingin ang LAD.
Mga Gawaing Pampagtuturo na Umaalinsunod sa
Monitor Model

❖ Pagtatamo vs. Pagkatuto – ang pinakamahalagang komponent ng pagtatamo ay ang katotohanang instrumento ang
wika para sa pakikipagtalastasan
❖ Natural order – inaasahang tatanggapin ng mga guro ang pagbubuo sa isipan ng mga pangungusap ay hindi
nagsisimula sa payak patungo sa mas kompleks na mga pangungusap. Sa halip, ang mga mag-aaral ng wika ang
tumuklas ng wastong pagkakasunud-sunod mula sa hulwaran ng mga input na kanilang nakikita at naririnig.
❖ Monitor – maaaring maglaan ng karagdagang pantulong sa pamamagitan ng mga mungkahi o tuwirang tuntuning
gramatikal.
❖ Comprehensible Input- maaaring ilahad ito ng guro sa iba’t ibang kaparaanan: gawing kawili-wili at makabuluhan ang
pagtuturo; gumamit ng mga payak na pangungusap; malimit na pagtiyak sa komprehensyon; at iba’t ibang
intonasyon, nolyum, at tono sa pagsasalita. Maaari ring gumamit ang guro ng cooperative na gawain.
❖ Affective filter – mapabababa ng mga guro ang affective filter sa pamamagitan ng isang pagkaklase na relaks ang
lahat ng bata, may paggalang sa isa’t isa, may kawilihan sa pagkatuto, may tiwala sa sariling kakayahan, atbp.
Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-
Centered Teaching)

Ito ay gumagamit ng mga teknik na :

o Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin, at istilo sa pag-aaral;


o Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral (halimbawa: pangkatang gawain o pagsasanay).
o Nakadaragdag ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;
o At kurikulum na may konsultasyon at isinasaalang-alang ang input ng mga-aaral at hindi itinatakda kaagad-agad ang
mga layunin.

Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng kamalayan na maangkin ng mga mag-aaral ang kanilang
pagkatuto at nakadaragdag sa kanilang intrinsic na motibasyon.
Ang Pagkatuto ng Tulong-Tulong (Cooperative
Learning)

➢ Ang isang klasrum na kooperatib ay hindi pagalingan o paligsahan kaugnay ng mga katangian ng pagkatutong
nakapokus sa mag-aaral.
➢ Dagdag na konotasyon ng «kooperatib» ay hindi pagalingan o paligsahan kaugnay ng mga (collaborative) pagsisikap
ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin.
➢ Ang kolaborasyon ay maaaring sa mga mag-aaral lamang o di-kaya’y kolaborasyon mag-aaral-guro sa pagpili at
paglalapat ng mga teknik at sa ebalwasyon na nagaganap sa pagkatuto.
Ang Pagkatutong Interkatib (Interactive Learning)

➢ Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:

1. Madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan.


2. Paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na
paggamit nito.
3. Paglikha ng mga tunay na wika para sa makabuluhang komunikasyon.
4. Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahansa para sa aktwal na
paggamit ng wika sa «labas».
5. Pagpapasulat na totoo ang target na awdyens.
Ang Whole Language Education
➢ Ang katawagang ito ay bunga ng mga mananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyang- diin ang
mga sumusunod:

o Kabuuan ng wika laban sa pananaw na pagbabahagi ng wika sa mga maliliitnitong elemento gaya ng
ponema, morpema, at sintaks;
o Ang interaksyon at pag uugnayan sa pagitan ng pasalitang wika ( pakikinig at pagsasalita) at wikang
pasulat ( pagbasa at pagsulat);
o Ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito'y likas at umuunlad, na katulad din ng alituntuning
pasalita.

Ang whole language ay leybel na ginagamit upang mailarawan ang:


o Tulung - tulong na pagkatuto
o Pagkatutong partisipatori
o Pagkatutong nakapokus sa mag- aaral
o Integrasyon ng apat na kasanayan
o Paggamit ng mga awtentiko at natural na wika
Content-Centered Education

➢ Ayon kina Brinton, Snown, at Weshe (1989), ito ay integrasyon Ng mga pagkatuto
Ng mga nilalaman sa mga layunin Ng pagtuturo Ng wika. Ito'y Ang magkasabay na
pag-aaral Ng wika at paksang-aralin, na ang anyo at pagkakasunud-sunod Ng
paglalahad Ng wika ay idinidikta Ng nilalaman o Ng paksa. Taliwas ito sa
nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ay itinuturonang hiwalay
at malayo sa konteksto Ng paggagamitan nito.
Ang Pagkatutong Task-Based
➢ Ayon kay Michael Breen (1987), ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong
pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman, paraan, at mga inaasahang
mattamo ng mga magsasagawa ng task.
➢ Ang task ay isang espesyal na anyo ng teknik subalit mas malaki ang saklaw nito
kaysa teknik.
● Approach
● Metodo
● Teknik
➢ Ang pagkatutong task-based ay hindi bagong pamaraan. Binibigyang pokus
lamang nito ang pagtututro.
➢ Tinatanaw nito ang proseso sa pagkatuto bilang isang komunikatib task na
tuwirang nakaugnay sa mga layuning pangkagawian at ang mga hangarin nito’y
lagpas sa nakagawiang pagsasanay sa wika.
Ang Brain-Based Learning

➢ Ayon sa pag-aaral, ang pagkatuto ang pangunahing gampanin ng utak. Maraming


bahagi ng utak ang sabay-sabay na nagtutulong-tulong sa pagpoproseso ng ating
reyalidad gamit ang mga pag-iisip, damdamin, imahinasyon, at mga pandama sa
pag-unawa at sa interaksyon sa kapaligiran.
MGA SIMULAIN AT IMPLIKASYON SA PAGTUTURONG
BRAIN-BASED
Simulain Mga Implikasyong Pampagtuturo
1. Nagagawa ng uta na makapagproseso nang Ang mga karanasan sa pagkatuto ay kailangang
maramihan at sabay-sabay. maiplano nang mabuti upang mapakilos at maisangkot
ang maraming bahagi ng utak. Kailangang may taglay
na malawak na imbakan ang guro ng mga dulog at
metodo na kanyang mapagpipilian sa pagtuturo.
2. Kasangkot sa anumang pagkatuto ang kabuuan ng Dapat isaalang-alang ang nutrisyon,ehersisyo,labis na
ating physiology (katswan at niga balingi nito). pagkabahala,at kahandaan ng mag-aaral sa anumang
okasyon ng pagtuturo at pagkakatuto.
3. Ang paghahanap at pagbuo ng kahulugan ay likas sa Ang anumang pagkatuto sa wika ay kailangang
tao. maglaan ng kapanatagan at pagpapalagayang-loob
bukod pa na tumutugon ito sa kawilihan at
pagkamausisa ng mga mag-aaral.
4. Ang utak ay nakadesinyo upang makapaghulo at Ang ideyal at mabisang proseso ng pagtuturo ay
makalikha ng mga larawan. naglalahad ng mga impormasyon sa paraang
magagawa ng utak na makahugot ng mga hulwaran at
aktibong makalikha ng pagkakahulugan.
Simulain Mga Implikasyong Pampagtuturo

5. Ang mga emosyon ay mahalaga sa memorya Kinakailangan suportahan ng anumang pagtuturo ang
kaligirang kabatiran ng mga mag-aaral at ang kanyang
taglay na wika. Ang anumang interaksyon ay dapat
kakitaan ng isa- Isang paggalang at pagtanggap.
6. Sabay-sabay na pinoproseso Ng utak ang mga Ang mga kasanayang pangwika gaya Ng balarila at
bahagi at kabuuan Ng Isang kaisipan. talasalitaan ay lubusang natutuhan sa isang
awtentikong kaligirang pangwika (paglutas Ng suliranin,
pagtatalo sa isang isyu, pagtuklas).
7. Kasangkot sa pagkatuto ang atensyong may tiyak na Ang musika, sining, at iba pang mga katulad na
pokus at mga pang-unawa sa kapaligiran kaugnay nito. pampasigla sa ating kaligiran ay maaaring makaragdag
at makaimpluwensya sa likas na pagtatamo ng wika.
Ang ilang hudyat mula sa guro ay maaaring tanawing
tulong ng mag-aaral upang maitaas ang lebel ng
kanilang sigasig at kawilihan sa pagkatuto.
8. Ang di-malay at may malay na pagpoproseso ng isip Kailangang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral
ay laging kasangkot sa anumang pagkatuto. na balik-aralan ang anumang pagkatuto upang mapag-
isipan itong mabuti, at mapamahalaan nanag maayos
ang paglinang ng sariling pagkatuto.
Simulain Mga Implikasyong Pampagtuturo

9. Tinatayang may dalawang uri ng memorya: ang Gamitin ang rote learning system .sa mga Teknik sa
memoryang spatial at ang memoryang rote. pagtuturo na nakapokus sa pagsasaulo ng mga salita
ay mga tuntuning panggramatika samantalang sa mga
pagtuturong kailangang isangkot ang mag-aaral sa
pagbabahagi ng naiibang karanasan, tulungan silang
gunitain ang mga naunang pagkatuto, at iugnay ito sa
kasalukuyan.
10. Nagiging mabisa ang pagkatuto kung ang mga Ang isa-isang paglinang ng mga kasanayang pangwika
kaalaman at kasanayan ay nakapaloob sa likas na ay lubos na matututuhan kung nakatutok sa mga
memoryang spatial. gawain at karanasang awtentiko (lakbay-aral,
pagtatanghal, dula, kwento, at iba pa).
11. Ang pagkatuto ay napapasigla ng mga hamon at Dapat sikapin ng guro na ang kanyang klasrum ay
nahahadlangan ng pagbabanta at pananakot. kaaya-aya at walang anumang palatandaan ng
pananakot at mayaman sa mga hamong pang-isipan.

12. Bukod- tangi ang bawat utak Ang mga teknik sa pagtuturo ay kinakailangang marami
at magkakaiba at may pagsasaalang-alang sa iba't
iBang katalinuha na taglay ng bawat mag-aaral.
Kaganapan ng Pandiwa
➢ Bahagi ng panaguri (predicate) na nagpapahayag ng ganap na kahulugan sa
pandiwa. Kung ang pokus ng pandiwa ay ang relasyon nito sa paksa, ang
kaganapan ng pandiwa ay ang relasyon naman ng oanaguri sa pandiwa.

1. Kaganapang Tagaganap
- bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
- Ikinalungkot ng mga Filipino ang pagkatalo ni Mann Pacquaio sa
katunggaling si Antonio Margarito.
- Kinakain ni Liza ang tsamporadong gawa ni Nanay Huling.
(Kinakain nino?)
Kaganapan ng Pandiwa

2. Kaganapang Layon
- bahagi ng panaguri na nagsasad ng bagay na tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit
din dito ang panandang ng.
Halimbawa:
- Si Pedro ay bibili ng bagong laptop sa SM Megamall. (Bibili ng ano?)
- Nagpamudmod sila ng salapi. (Nagpamudmod sila ng ano?)
3. Kaganapang Tagatanggap
- bahagi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang makikinabang sa kilos na isinasaad ng
pandiwa. Ang mga panandang para sa at para kay ay kalimitang ginagamit dito.
Halimbawa:
- Nagbigay ng donasyon ang Pamilya Santos para sa mga sinalanta ng bagyong Juan
(Para kanino ang donasyong ibinigay?)
- Nagbuwis sya ng buhay para kay Lolo Jose
Kaganapan ng Pandiwa
4. Kaganapang Ganapan
- bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar o pook na pinaggaganapan ng kilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
- Nanood ng palatuntun.an sa silid-aklatan ang mga mag-aaral.
- Pupunta kami sa Manila Zoo.
5. Kaganapang Kagamitan
- bahagi ng panaguri na nagsasaad kung anong bagay o kagamitan ang ginagamit
upang maisagawa ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
- Iginuhit niya ang larawan ni Mona Lisa sa pamamagitan ng krayola.
- Pinatay niya ang ahas gamit ang karit.
Kaganapan ng Pandiwa
6. Kaganapang Direksyunal
- bahagi ng panaguri na nagsasaad ng direksyong isinasaad ng kilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
- Namasyal sila sa Lunes ta buong maghapon
- Nagsunog siya ng kilay sa silid- aklatan
7. Kaganapang Sanhi
- bahagi Ng panaguri na nagsasaad Ng dahilan Ng pagkakaganap Ng kilos na
isinasaad Ng pandiwa.
Halimbawa:
- Nagwagi sya sa eleksyon dahil sa kabutihan Ng kanyang puso.
- Nagtagumpay Siya sa buhay dahil sa kanyang kasipagan.
Pang- abay
1. Pang-abay na Pamanahon
- nagsasaad kung kailan nagaganap o magaganap ang kilos na taglay ng
pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda (nang, sa, noon, kung, kapag,
tuwing) walang pananda,(kahapon, kanina, ngayon, mamaya) at nagsasaad ng
dalas (araw-araw, tuwing umaga, taun-taon).
Halimbawa:
- Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
- Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang
Pilipino.
- Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang
kanyangkalusugan.
Pang- abay

2. Pang-abay na Panlunan
- tumutukoy sa pook na pinangyayarihan o pangyayrihan ng kilos ng pandiwa.
Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay o kina.
Halimbawa:
- Tumawag siya kay Fely upang ipagbigay-alam ang nangyari.
3. Pang- abay na Pamamaraan
- Naglalarawan kung paano naganap o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng
pandiwa o ng isang kayariang hango sa pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o
na/-ng.
Halimbawa:
- Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Pang- abay
4. Pang-abay na Pang-agam
-Nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. marahil, siguro,
tila, baka, at iba pa. (marahil, siguro, tila, baka, atbp.)
Halimbawa:
- Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng
Sandiganbayan.
5. Pang-abay na Kundisyunal
- Nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa.
(kung, kapag, o pag at pagka).
Halimbawa:
- Luluwag ang ekonomiya ng bayan kapag nakapagtatag ng maraming
industriya dito sa atin.
Pang- abay

6. Pang-abay na Pananggi
- Nagsasaad, pagtanggi. (hindi, di, at ayaw)
Halimbawa:
- Hindi pa lubusang nagagamot ang sakit na Kanser.
7. Pang-abay na Kusatibo
- Nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilosang pandiwa. (dahil sa, sanhi ng/sa,
bunga ng/sa)
Halimbawa:
- Nagkasakit si Vianing dahil sa pagpapabaya sa katawan.
Pang- abay
8. Pang-abay na Panang-ayon
- Nagsasaad ng pagsang-ayon. (oo, opo, tunay, talaga, atbp.)
Halimbawa: Oo, asahan mo ang aking pagtulong.
9. Pang-abay na Panggaano o Pampanukan
- Nagsasaad ng timbang o sukat.
Halimbawa:
- Tumaba ako nang limang libra
- Tumagal nang apat na oras ang operasyon niya.
10. Pang-abay na Benepaktibo
- Nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagganap sa kilos ng
pandiwa o ng layunin ng kilos ng pandiwa. (para sa)
Halimbawa: Mag-aroskaldo ka para sa may sakit.
-
Pang- abay

11. Pang-abay na Pangkaukulan


- Nagsasaad ng pag-uukol.(tungkol, hingil o ukol)
Halimbawa:
- Nagplano kami tungkol sa gagawin nating pagdiriwang.
SALAMAT! ☺
Ang paksang ito ay handog sa inyo ng ikalawang
pangkat. ☺

You might also like