You are on page 1of 25

Filipino- Ikaapat na Baitang

Self-Learning Module (SLM)


Ikalawang Markahan - Modyul 1: Pagsagot ng mga Tanong Mula sa Nabasang
Teksto, Pagsulat ng Wastong Baybay ng mga Salita, Pagbibigay ng Hinuha sa
Kalalabasan ng mga Pangyayari, at Wastong Paggamit ng Pang-uri (Lantay,
Pahambing, Pasukdol)
Unang Edisyon, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Republika Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot
ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi
inaangkin ni kinatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang mga
karapatang aring-iyon.
Mga Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Nancy S. Aquino, Frelyn R. Gonzales, Emelie M. Pernal.
Lara A. Sibumpan, Mylene A. Maaya
Editor: Cyrel S. Defensor
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos, Agabai S. Kandalayang
Tagaguhit: Jake D. Bana-ay, Danilo D. Bana-ay
Layout Artist: Melody A. Martin, Jesie O. Kalaw, Melanie V. Penuela
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz -Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon-Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo B. Mission- Subject Area Supervisor
Eipidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura- Division EPS in Charge of LRMS
Marcelo A. Bocatera - Division ADM Coordinator
Antonio M. Dumagpi – Subject Area Supervisor
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng
SOCCSKSARGEN
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-learning Modyul o SLM na ito ay maingat na inihanda


para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunanawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy


na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang nagsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa mga guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na


ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

i
Alamin

Mahilig ka bang magbasa ng mga kwento? Nagustuhan mo


bang alamin ang pinagmulan ng isang bagay o lugar? Nakarinig
ka na bang binibigkas nang patula ang damdamin, kaisipan, o
ginagawa ng isang tao? Mayroon ba itong tono, sukat at tugma?
Kapag ang isang tao ay umaawit, naipahahayag ba niya ang
kanyang damdamin?
Alam mo ba kung ano ang pagbaybay? Madali bang
maunawaan ang isang salita kung maayos ang pagkakabaybay
nito? Paano ang tamang pagbaybay sa mga salitang natutuhan sa
aralin, salitang hiram, at salitang kaugnay sa ibang asignatura?
Alam mo ba kung ano ang hinuha? Kaya mo bang magbigay
ng hinuha o sariling akala sa maaaring mangyari sa katapusan ng
isang kuwento?

Alam mo ba kung anong bahagi ng pananalita ang


nagbibigay-turing sa pangngalan at panghalip? Alam mo ba kung
ano-ano ang tatlong kaantasan nito?
Saklaw ng modyul ang pagpapahintulot sa iyo na gamitin ito
sa iba’t ibang sitwasyon ng iyong pagkatuto. Ang wikang ginamit
ay kumikilala sa iba’t ibang antas ng bokabularyo ng mga katulad
mong mag-aaral. Ang aralin ay nakaayos ayon sa pamantayang
itinakda ng asignaturang ito.

1
Most Essential Learning Competencies
⚫ Nasasagot ang mga tanong mula sa nabasang alamat, tula, at
awit (F4PB- Ia-d-3.1)
⚫ Naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa
aralin, salitang hiram at salitang kaugnay ng ibang asignatura
(F4PU-IIa-j-1)
⚫ Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari
sa napakinggang teksto (F4PN-IIb-12)
⚫ Nagagamit nang wasto ang pang-uri (lantay, paghahambing,
pasukdol) sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari
sa sarili, ibang tao at katulong sa pamayanan (F4WG- II a-c- 4)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito,


maisasagawa mo ang layuning:
⚫ nasasagot ang mga tanong mula sa nabasang alamat, tula, at
awit
⚫ naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa
aralin, salitang hiram at salitang kaugnay ng ibang asignatura
⚫ nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari
sa nabasang teksto
⚫ nagagamit nang wasto ang pang-uri (lantay, pahambing,
pasukdol) sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari
sa sarili, ibang tao at katulong sa pamayanan.

2
Subukin
Panuto: Para sa bilang 1-2, basahin ang patulang kuwento at
sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot sa
pagpipilian at isulat sa sagutang papel.

Ang Butiki at ang Ipis

Sa malawak na dingding na makinis,


Dito unang nag-peys- to- peys,
Ang malikot na butiki at lagalag na ipis.
At ito ang kuwento na di alam ng pulis.
“Saan ang punta mo palaboy na ipis?

Bakit di mapakali, ngayong gabi ay nakabihis?


Ako’y palakad- lakad, matanong na butiki.
Upang maghanap ng pagkain, kahit na panis.
Maitanong ko lang, matanong na butiki,
Saan ang daan tungo sa kusinang, nangingitim sa dumi?
"Yun lang ba, palaboy na ipis.
Ang kusina’y nasa unahan ng buntot kong matulis.”
Sala- salamat, matanong na butiki,
Ako’y humahanga sa mabuti mong ugali.
“O siya-siya, palaboy na ipis,

Baka di mo na maabutan ang gabing paalis.”


At ipis ay humakbang, dumaan sa harap ng butiki,
Ang sumusunod na pangyayari ay di kapuri- puri.
Ang naglalakad na ipis, sinagpang ng butiki!
At ito ang kuwento na di alam ng pulis.

1. Saan ang tungo ni ipis?


A. Sa sala
B. Sa kusina
C. Sa dingding
D. Sa silid-tulugan
2. Ilan ang nag peys-to-peys?
A. Apat
B. Dalawa
C. Isa
D. Tatlo

3
Para sa bilang 3-10, basahin nang mabuti ang mga tanong.
Piliin ang titik ng tamang sagot sa pagpipilian. Pagkatapos,
isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gumawa ng ____________ si Allan mula sa bao ng niyog.
3.Alin ang tamang baybay ng salita ang nararapat isulat sa
patlang?
A. alkansiya
B. alkanseya
C. alkensiya
D. alkonsiya
4. Alin sa mga nasalungguhitang salita sa sumusunod na
pangungusap ang naisulat sa wastong baybay?
A. Ang paboritong isport ni Daniel ay boksing.
B. Kinukuha ng mga minero ang karbun kabundukan.
C. Maraming nakadikit na babasahin tungkol sa
corona virus sa bolitin.
D. Malungkot ang reaksiyon ni Elena nang marinig
niya ang balita sa radyu.
5. Alin-alin sa mga nasalungguhitang salita sa loob ng
pangungusap ang naisulat sa tamang baybay?
I-Mahusay si Marie sa paggawa ng tena tali.
II-Matingkad na kulay ang paborito ni Peter.
III-Maganda ang pagkakahabi ng banig na papel.
IV-Gumawa si Alma ng plurira mula sa mga lumang
dyaryo.
A. I at II lamang
B. II at III lamang
C. III at IV lamang
D. I at IV lamang
Naglalaro sina Jake, John, Marie at Mia ng patintero sa
labas ng kanilang bahay kahit malakas ang ulan. Pinagsabihan
sila ng kanilang mga magulang na itigil na ang paglalaro ngunit
hindi sila nakinig at patuloy pa rin sila sa kanilang paglalaro.
6. Ano ang maaaring kalalabasan ng pangyayaring ito?
A. Titigil ang ulan.
B. Sila ay masayang-masaya.
C. Maaari silang magkasakit.
D. Lalakas ang kanilang katawan.

4
Laging nagsusunog ng kilay si Crissa, samantalang
madalas namang manood ng telebisyon ang kanyang kapatid na
si Glory.

7. Ano ang maaaring mangyari?


A. Mauubos ang kilay ni Crissa.
B. Masusunog ang mukha ni Crissa.
C. Pagtatawanan si Crissa ng kanyang kapatid.
D. Matatamo ni Crissa ang tagumpay sa pag-aaral.

8. Ang mga sumusunod na pangungusap ay ginagamitan ng


tamang pang-uri sa kaantasang pasukdol, alin ang HINDI?
A. Siya ang pinakamasunuring anak ni Mang Pedro.
B. Higit na mabagal lumakad ang suso kaysa pagong.
C. Si Botchok ang pinakamatabang bata sa aming lugar.
D. Ang bundok Apo ang pinakamataas na bundok sa
Pilipinas.
9. Ang mga sumusunod na pangungusap ay ginagamitan ng
tamang kaantasan ng pang-uri, MALIBAN sa
A. Si Rosa ay maganda.
B. Higit na malinis ang bayan namin.
C. Mas masayahing bata si Carmina kaysa kay Rowela.
D. Pinakamagandang tanawin ang bundok sa Mindanao.

10. Alin- alin sa mga pangungusap sa loob ng kahon ang


ginagamitan ng tamang kaantasan ng pang-uri?

I. Si Nena ay pinakaulirang anak.


II. Mas matalino si Nadia sa lahat.
III. Ang matabang bata ay nakatutuwang pagmasdan.
IV. Masarap ang ulam namin kaninang pananghalian.

A. I at II lamang
B. II at III lamang
C. II at IV lamang
D. III at IV lamang

5
Balikan

Panuto: Ibigay ang salitang tinutukoy sa sumusunod na


kahulugan. Isulat ang sagot sa mga kahon. Gawin ito sa
sagutang papel.
1. May pitong kulay na arko na nakikita sa langit matapos
umulan.

2. Anyo o katawan ng isang tao na yari sa bato, metal o kahoy.

3. Bahagi ng halaman na kumakapit sa lupa.

Tuklasin

A. Panuto: Basahin ang bugtong. Alamin kung tama ang baybay


ng mga salitang may salungguhit na natutuhan mo sa aralin.
Pagkatapos, ibigay ang sagot ng bugtong.
May parada’t magagandang karosa
May paputok at bandang masisigla
Masasarap ang pagkain, lahat ay masasaya.

Sagot: ______________

6
B. Panuto: Basahin at unawain ang kuwento.

Si Mariang Alimango

Dalagita na si Maria nang maulila siya sa ina. Isa siyang anak na


bukod sa maganda ay napakabait pa. Nang mag-asawang muli
ang kanyang ama, nagsimula ang hirap niya. Wala siyang tigil sa
kagagawa sa bahay samantalang hindi man lamang humahawak
ng kahit ano sina Leona at Lucia, ang dalawang dalagang anak ni
Aling Kikay.
Isang tanghali habang naglalaba si Maria, nilapitan siya ng
malaking alimango. “Ako ang iyong ina. Nawala ako sa iyo nang
malunod ako sa karatig-ilog. Alam ko ang hirap mo, Anak.”
Mula noon, laging masaya si Maria. Nagkikita sila araw-araw
ng kanyang ina hanggang sa matuklasan ni Aling Kikay ang
pagkikita nila. Ipinahuli niya ang alimango kay Maria upang
maiulam ito.
Lumuluhang sinabi ni Maria sa ina ang mga pangyayari.
“Sundin mo sila, Anak. Pagkakain nila, ibaon mo ang aking
mga galamay at talukap sa tabi ng balon. Tutubo roon ang isang
punungkahoy. Pitasin mo ang kaisa-isang bunga at itago mo.
Lahat ng hilingin mo ay ibibigay nito sa iyo.”
Totoo nga naman. Nang humiling siya ng damit, sapatos, at
mamahaling hiyas, binigyan siya. Isinuot niya sa kaarawan ni
Prinsipe Carlito. Nabighani ni Maria ang prinsipe. Bilin sa kanya
ng inang alimango na hanggang ika-12 lamang siya ng hatinggabi.
Hinangaan siya ng lahat pati ng mag-iina. Nang
maghahatinggabi na, mabilis na tumakbong pauwi si Maria.
Subalit naiwan niya ang kabiyak ng kanyang sapatos sa hagdan
ng palasyo.
Pinaghanap ng mga kawal ang may-ari ng sapatos sa utos ng
prinsipe. Nang matagpuan si Maria, ipinagsama siya sa prinsipe.
Nakita ng mag-iina ang lahat. Humingi sila ng tawad kay Maria.
Nagpakasal sina Prinsipe Carlito at si Maria sa palasyo.

7
C. Panuto: Basahin ang mga ulat tungkol sa magagandang pook
sa Pilipinas.

Magagandang Pook

Handa na ang pangkat ni Willy sa pag-uulat. Agad siyang tumayo


nang magsimula ang klase.
“Magandang umaga sa inyong lahat. Ang aming pangkat ang
nakatakdang mag-uulat ngayon tungkol sa magagandang pook sa
Pilipinas. Gagawin nating parang laro. Lahat tayo kasali. Kunwari
kayo ang turista. Kami naman ang mga giya ninyo sa paglalakbay.
Payag ba kayo?” sabi ni Willy.
“Oo, sige,” agad tugon ng lahat. Unang nagsalita si Ruth.
“Maligayang pagdating sa Pilipinas, ang lupain ng
magagandang tanawin. Unang dadalawin natin ang Bulkang Taal
sa lalawigan ng Batangas. Pinakamaliit na bulkan ito sa buong
mundo ngunit pinakamalimit pumutok. Nasa isang lawa ang
bulkan. Kitang-kita ang tanawing ito sa lungsod ng Tagaytay.”
“Narito na rin lamang tayo sa Tagaytay, dalawin natin ang
ipinagmamalaking cable car, zoo, at kabayuhan. Napakaluwang ng
zoo at dahil sa dami ng puno at halaman, tila tunay na gubat ito.
Nakalululang tingnan ang cable car. At higit na nakatutuwa ang
kabayuhan. Maraming tao lalo na ang mga bata ang pumupunta
rito. Higit na maluwang ang pasyalan ng kabayo. Maraming hotel
at bahay-bakasyunan ang mauupahan sa Tagaytay.”
Sumunod na nag-ulat si Rose.
“Pumunta naman tayo sa Bicol, ang tahanan ng may
pinakamagandang hugis bulkan. Napakaayos ng pagkakatulis ng
bulkan bagama’t hindi raw perpekto dahil sa malimit na pagputok.
Ayon sa alamat, ito raw ay si Dalagang Magayon. Kaya sinasabing
mas magaganda sa karaniwang Pilipina ang mga Bicolana.

8
“Bago tayo pumunta sa Leyte at Samar upang makita ang
napakahabang tulay ng San Juanico, tikman muna natin ang
napakasarap na pili. Minatamis na pili ito na sa Bicol lamang
tumutubo. May ginataang dahon ng gabi rin na kung tawagin
nila’y laing. Napakalinamnam at masasabing higit na masarap ito
kaysa ibang ulam.

Suriin

A. Panuto: Sagutin ang mga tanong patungkol sa inilahad sa


Tuklasin A. Isulat ang sagot sa sagutang papel,
1. Ano-ano ang mga salitang may salungguhit sa bugtong
na iyong binasa?
2. Wasto ba ang pagkabaybay ng mga salitang may
salungguhit?
A. Oo
B. Hindi

B. Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa kuwentong binasa


sa Tuklasin B. Piliin ang sagot sa pagpipilian. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

1. Ano kaya ang nangyari kay Maria nang magkita sila ni


Prinsipe Carlito sa palasyo?
A. Nabighani ni Maria si Prinsipe Carlito.
B. Hindi pinansin ni Prinsipe Carlito si Maria.
2. Ano ang dahilan bakit humingi ng tawad ang mag-
iina kay Maria?
A. Dahil naging maganda si Maria
B. Dahil nakita ng mag-iina ang mga pangyayari
3. May mga kuwento ba na ang mismong nagbabasa ang
siyang magbibigay ng hinuha o sariling akala sa maaaring
kalabasan ng mga pangyayari sa kuwento?
A. Mayroon
B. Wala

9
C. Panuto: Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod na lipon
ng mga salita mula sa binasang ulat sa Tuklasin C. Pagkatapos,
sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A. 1. magandang umaga
2. maraming hotel
• Alin- alin ang mga salitang naglalarawan?
• Anong bahagi ng pananalita ang tawag dito?
• Ang mga ito ba ay naghahayag ng payak na
paglalarawan?
A. Oo
B. Hindi
• Nabuo ba ang mga ito sa pamamagitan ng
pagsasama ng panlaping “ma” at salitang ugat?
A. Oo
B. Hindi
*Ang mga pang-uring ito ay nasa kaantasang lantay.
B. 1. higit na masarap ang laing kaysa ibang ulam
2. higit na nakatutuwa ang kabayuhan kaysa cable car
• Alin- alin ang mga salitang naglalarawan?
• Ano- ano ang kanilang inilalarawan?
• Anong kaantasan ng pang-uri ito?
A. Lantay
B. Pahambing
• Mayroon bang paghahambing sa lipon ng mga
salita?
A. Oo
B. Wala
• Maari rin kayang paghambingin ang pangngalan
at panghalip?
A. Oo
B. Hindi
• Sa paghahambing, maari ba silang magkatulad o
di- magkatulad?
A. Oo
B. Hindi
• Ano- ano ang mga panlaping ginamit na
idinugtong sa salitang ugat?
A. Higit na
B. Higit pa

10
* Ang mga pang-uring ito ay nasa
kaantasang pahambing.
C.
1. pinakamaliit na bulkan
2. napakahabang tulay
• Alin- alin ang mga salitang naglalarawan?
• Anong kaantasan ng pang-uri ito?
A. Pahambing
B. Pasukdol
• Ano-ano ang kanilang inilalarawan?
• Nagpapahayag ba ng kasidhian ang mga ito?
A. Oo
B. Hindi
• Ano-ano ang mga panlaping ginamit na
idinugtong sa mga salitang-ugat?
__________ mabait
__________ habang tulay

*Ang mga pang-uring ito ay nasa kaantasang


pasukdol.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Hanapin sa word search ang tamang baybay ng mga
salitang tinutukoy sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

S E K R E T A R I
W D U S R A L B S
D G L O B O A E W
E S A T S W M K B
N P Y D E H A L D
B Y T R N G T M E

11
1. Ito ay kaugnay ng asignaturang Araling Panlipunan na
tumutukoy sa modelo ng mundo.

2. Ito ay isang salitang hiram na nangangahulugang tagapagtala


ng mga napagkasunduan sa isang pagpupulong.

3. Ito ay mahalaga upang magiging maganda ang kinalabasan


ng isang iginuhit.

4. Ito ay isang kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay.

5. Ito ay isa sa mga elemento ng pagiging bansa.

Gawain 2
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga larawan sa bawat
bilang ayon sa nakasaad na kaantasan ng pang-uri na
nakasalungguhit sa kanang bahagi. Buuin ang pangungusap sa
pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot sa pagpipilian na nasa
loob ng panaklong. Isulat ito sa sagutang papel.

1. bayabas mangga pahambing


Ang mangga ay (malaki, mas malaki) kaysa sa bayabas.

2. basketbol softbol holen pasukdol


Ang bola ng basketbol ang (mas malaki, pinakamalaki) sa
lahat.

3. bulaklak lantay
Ang bulaklak ay (makulay, mas makulay).
12
4. Pat tatay pahambing

Si Pat ay ( maliit, mas maliit) kaysa kay tatay.

5. ahas bulate pahambing


Ang ahas ay (mahaba, mas mahaba) kaysa bulate.

Isaisip

Panuto: Punan nang tamang sagot ang bawat patlang ng talatang


nasa ilalim upang mabuo ang mga pahayag. Piliin ang sagot sa
pagpipilian at isulat sa sagutang papel.

A. sino tula kailan awit alamat paano ano


ano
Ang 1. ______________________ ay isang uri ng kuwentong-
bayan na nagsasalaysay o nagsasaad ng pinagmulan ng isang
bagay o lugar.
Ang 2. _____________________ay isang anyo ng panitikan kung
saan binubuo ito ng taludtod at saknong. Ito rin ay inilalahad ng
may tono sukat at tugma. Ito ay nagpapahayag ng damdamin,
kaisipan, o ginagawa ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit
ng mga maririkit na salita.

Ang 3. ___________________naman ay isang uri ng


literaturang Pilipino na kung saan ang bawat taludtod o linya ay
naglalayong magsaad ng isang kuwento at karanasan.
Upang lubos na maunawaan ang mensaheng ipinapaabot
ng mga ito, sinasagot natin ang mga tanong tulad ng ano,
4.________, saan, 5.___________ ,bakit, __________ at iba pa.

13
A. Tandaan:
Ang alamat ay isang uri ng kwentong-bayan na
nagsasalaysay o nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.
Ang tula ay isang anyo ng panitikan kung saan binubuo ito ng
taludtod at saknong. Ito rin ay inilalahad ng may tono sukat at
tugma. Ito ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, o ginagawa
ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng mga maririkit na
salita. Ang awit naman ay isang uri ng literaturang Pilipino na
kung saan ang bawat taludtod o linya ay naglalayong magsaad ng
isang kuwento at karanasan. Upang lubos na maunawaan ang
mensaheng ipinapaabot ng mga ito, sinasagot natin ang mga
tanong tulad ng ano, sino, saan kailan, bakit, paano at iba pa.

B.

alpabeto asignatura pagkakasula salitang wasto


salitang hiram wastong baybay orihinal na anyo

Ang isang kasulatan ay higit na maunawaan kung


maayos ang 1. ________________ nito. Isang sangkap ng maayos
na pagkakasulat ng mga salita ay ang 2. __________________
nito. Sa pagbaybay ng mga salitang natutuhan sa aralin,
panatilihin ang 3.____________________ ng mga salita. Sa
pagbaybay naman ng mga 4. _______________ lalo na mula sa
Espanyol baybayin ito ayon sa 5. ______________ at sa mga
hiram na salita naman mula sa banyagang wika ay panatilihin
ang orihinal nitong anyo. Sa pagbaybay naman ng mga
salitang kaugnay ng ibang asignatura, may mga salitang
sadyang ginamit sa mga tiyak na 6. ____________gaya ng
Musika at Araling Panlipunan.

14
B. Tandaan:
Ang pagbaybay ay ang pagsusulat ng salita o mga salita sa
pamamagitan ng lahat ng kinakailangang letra sa tama nitong
pagkakasunod-sunod. Ang isang kasulatan ay higit na
mauunawaan kung maayos ang pagkakasulat nito. Isang sangkap
nang maayos na pagsulat ay ang wastong pagbaybay ng mga
salita. Sa pagsulat ng tamang baybay sa salitang natutuhan sa
aralin kailangang panatilihin ang orihinal na anyo ng mga
salita. Samantalang sa pagsulat ng tamang baybay sa mga
salitang hiram lalo na mula sa Espanyol ay baybayin ito ayon sa
alpabeto at sa mga hiram na salita mula sa banyagang wika ay
panatilihin ang orihinal nitong anyo. Sa pagsulat nang tamang
baybay sa salitang kaugnay ng asignatura, may mga salita na
sadyang ginamit sa mga tiyak na asignatura gaya ng Musika at
Araling Panlipunan

C.
hinuha mahalagang pagkakasunud-sunod
magkakaugnay-ugnay damdamin

May mga kuwentong ang babasa na ang magbibigay ng


1.___________________ o sariling akala o palagay sa maaaring
kalabasan ng mga pangyayari sa kuwento.
Sa pagbibigay ng hinuha kinakailangang alamin ang
mumunti at 2. ______________ mga pangyayari sa kuwento.
Kinakailangan din ang 3. ____________ ng mga pangyayari mula sa
una, ikalawa, at iba pang sumunod na pangyayari hanggang sa
huling nasasaad sa kuwento. Alamin ang 4. ____________________
na pangyayari mula sa simula hanggang sa katapusan ng kuwento

C.Tandaan:
May mga kuwentong ang babasa na ang magbibigay
ng hinuha o sariling akala o palagay sa maaaring kalabasan
ng mga pangyayari sa kuwento.
Makatutulong sa pagbibigay ng hinuha ang sumusunod na
tuntunin: 1.) Alamin ang mumunti at mahahalagang mga
pangyayari sa kuwento. 2.) Alamin ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari mula sa una, ikalawa, at iba pang magkakasunod na
pangyayari hanggang sa huling15nasasaad sa kuwento. 3.) Alamin ang
magkakaugnay-ugnay na pangyayari mula sa simula hanggang sa
katapusan ng kuwento.
D.
pang- uri lantay tatlo pang-abay pahambing pasukdol
Ang 1. ay salitang naglalarawan o nagbibigay
turing sa pangngalan o panghalip.
Ang pang- uri ay may 2. _____________ kaantasan. Ito ay ang
lantay, pahambing, at pasukdol.
Ang 3. ____________ ay naglalarawan ng isang pangngalan o
panghalip.
Ang 4. ____________________ ay ginagamit kung ang
inilalarawan o pinaghahambing ay dalawang pangngalan
o panghalip.
Ang 5. __________________ ay ginagamit kung higit sa
dalawa ang pinaghahambing o inilalarawan.

D.Tandaan:
Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na nagbibigay-
turing sa pangngalan at panghalip. Ito rin ay tinatawag na salitang
naglalarawan. Ito ay may tatlong kaantasan, ang lantay,
pahambing, at pasukdol.
Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay
Ang antas na lantay ay naghahayag ng payak na
paglalarawan. Karaniwan itong nabubuo sa pamamagitan ng
pagsasama ng panlaping “ma-”at salitang-ugat.

2. Pahambing
Ang antas na pahambing ay naghahambing ng dalawang
pangngalan o panghalip. Maaaring ito ay magkatulad o di-
magkatulad.
a. Magkatulad – Gumagamit ito ng mga panlaping ka-, sing-,
kasing-, o magsing- na idinudugtong sa salitang-ugat. Maaari ring
gumamit ng mga salitang tulad ng, pareho, at kapwa na inilalagay
sa unahan ng pang-uri na nasa kaantasang lantay.
b. Di-magkatulad – Gumagamit ito ng mga salitang pahambing
pero nagpapakita ng pagkakaiba tulad ng higit na, mas, di-tulad,
kaysa, at iba pa.
3. Pasukdol
Ang antas na pasukdol ay ang mga pang-uring naghahayag
ng kasidhian. Gumagamit ito ng mga panlaping pinaka-, napaka-
, walang kasing-, at mga salitang ubod ng, sukdulan ng, at iba pa.

16
Isagawa

A. Panuto: Basahin ang sumusunod na akda. Pagkatapos,


gumawa ng mga tanong gamit ang ano, sino, bakit, kailan at
paano. Pumili lamang ng dalawa sa mga ito at gawing mga tanong.
Pagkatapos, sagutin ang mga ito. Isulat ang mga tanong at sagot
sa iyong sagutang papel

Magtanim ay di Biro
Magtanim ay di biro maghapong nakayuko,
Di man lang makaupo di man lang makatayo,
Sa umaga paggising ay agad iisipin,
May patanim, masarap ang pagkain.

Bisig ko’y namamanhid baywang ko’y nangangawit,


Binti ko’y namimitig sa pagkababad sa tubig.
Halina halina mga kaliyag, tayo’y magsipag unat-unat
Magpanibago tayo ng lakas, para sa araw ng bukas

B. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon sa loob


ng kahon.
Dahil sa pagtaas ng kaso ng sakit na corona virus lahat
tayo ay kailangang magsuot ng facemask bilang proteksyon sa
ating katawan. Ano kaya ang posibleng mangyayari sa taong
hindi magsusuot ng facemask sa tuwing lumalabas ng bahay?
Iguhit ito sa iyong sagutang papel sa pamamagitan ng paggawa
ng poster.

17
Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot
sa pagpipilian at isulat sa sagutang papel.

Bayani ng Bukid
Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
Ang ani ay dumami na para sa lahat
Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak
Umaasa akong Poo’y magagalak.

At pagmasdan ninyo ang aking bakuran


Inyong makikita ang mga halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan.

1. Sino ang tinutukoy na tauhan sa tulang binasa?


A. Doktor
B. Guro
C. Magsasaka
D. Mangingisda

2. Ayon sa tula, kung pagmasdan ang bakuran na tinutukoy ng


may-akda, ano ang iyong makikita?
A. Mga isda
B. Mga bata
C. Mga halaman
D. Mga pasyente

Maraming dumalo sa ____________ ng pista sa aming


barangay.

3. Alin ang tamang baybay ng salita na nararapat isulat


sa patlang?
A. prosisyon
B. prusesyon
C. prusisyun
D. prusisyon

18
4. Alin sa mga nasalungguhitang salita sa sumusunod na
pangungusap ang naisulat sa wastong baybay?
A. Bumili ng plorera si tetser.
B. Maraming tao ang nanood ng kunsyertu.
C. Ang mga pasahero sa dyip ay nagsiksikan.
D. Si Ben ang nanguna sa klase bilang baledekturyan.
5.Ang mga nasalungguhitang salita sa sumusunod na
pangungusap ay naisulat sa wastong baybay MALIBAN sa
A. Si tatay ay magaling sumayaw ng Chacha.
B. Ang larong basketbul ang nakahiligan ni Luis.
C. Mahilig ng tumbang preso ang mga anak ni Mang Lito.
D. Palaging naglalakad sa paligid ng plasa si lolo tuwing
umaga.
Madalas ang kain ni Cindy ng junkfood kahit na kabilin-
bilinan pa ng mga magulang niya na walang mabuting
maidudulot ito sa kanyang kalusugan.
6. Ano kaya ang maaaring mangyari kay Cindy?
A. Lalaki siyang malusog.
B. Magkakasakit sa bato si Cindy.
C. Magiging huwaran siya sa kanyang mga kapwa bata.
D. Masisiyahan ang kanyang mga magulang sa ginagawa
niya.

Nanatili sa Maynila ang mag-anak ni Mang Ramon.


Pinipilit nilang pagkasyahin ang kaunting kinikita ng kanilang
ama. Ayaw kasi ng mga anak niyang mamuhay sa bukid.
7. Ano ang posibleng mangyari sa mag-anak ni Mang Ramon?
B. Makapagtatayo sila ng malaking bahay.
A. Magiging artista ang kanyang mga anak.
C. Maghihirap sila sa kanilang pamumuhay.
D. Makapagtatapos lahat ng kanyang mga anak sa pag-
aaral.
8. Ang mga sumusunod na pangungusap ay ginagamitan ng
tamang pang-uri sa kaantasang pasukdol, alin ang HINDI?
A. Ang sapatos ni Amir ay bago.
B. Pinakamakupad si Daphne sa kanilang tatlo.
C. Si Jean ang pinakamadaldal na bata sa loob ng klase.
D. Si Ahmed ang pinakamahusay na manlalayag sa lahat.

19
9. Ang mga sumusunod na pangungusap ay ginagamitan ng
tamang kaantasan ng pang-uri, MALIBAN sa
A. Siya ay mas mahinahon.
B. Ang suot niyang blusa ay kulay pula.
C. Maraming mabangis na hayop sa kagubatan.
D. Mas maagang umuwi si Patrick kagabi kaysa noong
isang araw.

10. Alin- alin sa pangungusap sa loob ng kahon ang


ginagamitan ng tamang kaantasan ng pang-uri?

I. Si Jessa ay batang matulungin.


II. Sa lahat ng mag- aaral si Randy ang mas magaling.
III. Mas mainit pa ang bagong saing na kanin ni ate.
IV. Ang mga gulay na ito ang pinakasariwa sa lahat.

A. I at IV lamang
B. II at III lamang
C. II at IV lamang
D. III at IV lamang

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumipi ng isa sa mga ito: alamat, tula at awit Pagkatapos,


gumawa ng tigdadalawang tanong at sagutin ang mga ito gamit
ang tamang baybay ng mga salita. Ibigay din ang iyong sariling
hinuha sa maaaring kalalabasan ng mga pangyayari. Itala ang
mga pang-uring ginamit at tukuyin ang kantasan ng mga ito.

20
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Angelita L. Aragon, Z. S. (1999). Bagong Filipino Sa Salita at
Gawa 4.(pp.128-133) Quezon City: JGM & S Corporation.
(Angelita L. Aragon, Bagong Filipino Sa Salita at Gawa, 2010) pp.
180-181, Quezon City: SD Publications, Inc.
Lydia P. LAlunio, P. D. (2010). Hiyas sa Wika IV. Quezon City: LG
& M Corporation.
Verzo, R. (2010, August 7). www.google.com.ph. Retrieved June
30, 2020, from https://www.google.com:
https://www.google.com

21
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag
ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang
anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

22

You might also like