You are on page 1of 10

Mary Jane P.

Turing BSED FILIPPINO 2A


Bb. Hasmera Pacio
FILI 105

Gawain 1
Magsaliksik tungkol sa paksang “Ang Pagkatuto ng Mag-aaral sa Wika” at ang
“Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika”. Kopyahin ang nasaliksik at
ilagay ang sanggunian. Pagkatapos, sumulat ng buod kaugnay sa iyong nasaliksik.
Palawakin ang iyong pagbabahagi, tiyaking may kaugnayan sa paksa.

ANG PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG WIKA (W1 AT W2): MGA


TEORYA AT PRAKTIKA
1. MGA DULOG TEORETIKAL SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO
WIKA
Mahaba-habang panahon na ang inilaan ng maraming pantas sa larangan
ng pag-aaral ng wika upang maipaliwanag kung paano natutuhan ang wika.
Ngunit totoong mailap ang ang mga kasagutan ditto. Upang maliwanagan
tayo kahit kaunti, marapat sigurong alamin natin kung anu-ano na ang
pinaniniwalaan ng marami mula noon hanggang ngayon… ang pagtatamo at
pagkatuto ng wika,misteryoso at may mahika ng aba?Sa katunayan, may
dalawang klasipikasyon ang mga salita ayon sa mga sinaunang pilosopong
Griyego: Una- iyong tumitiyak sa kilos na isinasagawa sa isang pangungusap;
at ang Ikalawa- ang tao o bagay na nagsasagawa ng kilos. Si Dionysius
Thrax, isang Griyego, ay tumutukoy ng walong iba’t ibang klasipikasyon ng
mga salita. Dahil dito, ang kanyang aklat na The Art of Grammar ay sumikat
at ginawang modelo sa pag-aaral ng mga balarilang Latin at Griyego

2. ANG PRESCRIPTIVE GRAMMAR


Bukambibig ng marami noong panahong iyon ang balarilang Latin sa mga
pag-aaral ng Wika. Noong unang ituro ang Filipino sa ating mga paaralang
bayan, nakaangkla ito sa balarila ng wikang Ingles. Sa kayarian at istruktura
ng Ingles ibinatay ang anumang pagpapaliwanag hinggil sa wikang Filipino.
Kaya ang paniniwala noong una, kung ano ang ayos ng pangungusap sa
Ingles ay ganoon din sa Filipino.Ang mga pananalig at mga paniniwalang
binanggit hinggil sa pagkatuto ng wika ay naglundo sa metodong grammar-
translation sa pagtuturo ng wika. Sa metodong ito, ang mga mag-aaral ay
nagmememorya ng mahabang talaan ng mga talasalitaan, mga anyo ng
pandiwa at mga pangngalan

3. ANG DESCRIPTIVE LINGUISTIC


Sinuri ng mga naunang Linggwist ang mga yunit ng tunog ng wika, kung
paano nabuo ang mga ito, at nailarawan din nila ang istruktura ng mga
pangungusap. Nakabuo sila ng isang metodo sa pagtukoy ng mga tunog ng
wika, ng pagsusuri at pagtukoy ng mga morpemang bumubuo ng isang salita,
at ng pagsusuri ng mg anyo ng pangungusap.Sumibol nang panahong ito ang
pagbabalangkas o dayagramming bilang gamiting paraang pedagohikal sa
paglalarawan ng wika. Isang mahalagang tungkulin ng guro ng wika noon ang
kaalaman sa istruktura ng una at ikalawang wika upang maipalaiwanag ang
target na (W2) sa tulong ng kaalaman sa kayarian ng unang wika
MGA TEORYA AT PRAKTIKA
1. ANG TEORYANG BEHAVIORISM: PAKINGGAN AT ULITIN
Bagama’t hindi tuwirang teoryang linggwistik ang behaviorism, malaki ang
naging impluwensya nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang
wika.Ipinahahayag ng teoryang behaviorism na ang mga bata ay ipinanganak
na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring
hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang
kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa
tulong ng mga angkop na pagpapatibay rito.Binigyang-diin ni Skinner (1968),
isang pangunahing behaviorist, na kailangang “alagaan” ang pag-unlad na
intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at
pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi. Ayon sa mga behaviorist,
ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya,paulit-ulit na pagsasanay
hanggang sa mamaster ang tamang anyo nito, at positibong pidbak.

2. TEORYANG INNATISM: NASA ISIPAN LAHAT IYAN


Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay nakabatay sa paniniwalang ng
bata ay ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika.
Ipinaliwanag ni Chomsky (1975,1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama
na pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-
interaksyon sa kanyang kapaligiran

3. TEORYANG COGNITIVE
Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang
prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging
nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan ang
bagong tanggap na impormayon, alamin ang pumapailalim sa tuntunin, at
mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Ayon sa
mga cognitivist, ang pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at
eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto.Nakapokus ito sa
pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at
pabuod. Sa dulog na pabuod, ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa
pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito
upang makatukalas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw na
kabaligtaran ng dulog na pabuod. Kung ang dulog na pabuod ay nagsisimula
sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin; ang dulog
na pasaklaw naman ay nagsisismula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa
pagbibigay ng mga halimbawa. Ang teoryang cognitiveay palaging nakapokus
sa kaisipang ang mga impormasyong ito’y maiuugnay ng mga mag-aaral sa
kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan at sa kanilang dating kaalaman

4. MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA PAGTATAMO AT


PAGKATUTO NG WIKA
Ang umiiral na pananalig na natutuhan ang wika sa pamamagitan ng
palagiang paglalaan ng mga input na berbal at may katugong pagpapatibay
(reinforcement) ay malinaw na ipinahayag sa aklat ni B.F Skinner na
VerbalBehavior (1957). Samantala, noong 1959, sa isang matinding rebyuna
isinagawa ni Chomsky sa aklat ni Skinner, pinanindigan niya na kung ang
wika ay matututuhan lamang sa pamamagitan ng pagpaptibay, magiging
mahirap para sa isang taal na tagapagsalita ng wika (W1) ang pag-unawa sa
mga pangungusap na hindi pa niya naririnig. Idinagdag pa rin ni Chomsky na
hindi lamang sa mga prosesong pagmememorya at pag-uulit natutuhan ang
wika.Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong prosesor ng wika, ang
Language Acquisition Device (LAD), na nakalilikha ng mga tuntunin sa
pamamagitan ng walang-kamalayang pagtatamo ng pansariling
pagbabalarila. May tatlong pangunahing ideya ang nakaimpluwensya sa
pagtuturo at pagkatuto ng wika sa kasalukuyan.
 Una, ang paglipat sa isang paradigmang kognitib na nagsasabi ng
pangunguna ng pagkatuto bago pa man ang pagtuturo nito.
 Ikalawa, naisasaalang-alang nang lubos ang proseso ng
pagtuturo/pagkatuto kung ito ay katugma (compatible) ng mga prosesong
likas na nagaganap sa ating utak
Ikatlo, ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang mahalagang
kaisipang kontemporaryo na may kaisahan sa mga layunin ng lahat ng mga
lawak pangnilalaman at pagsanib ng pagtuturo ng pagsulat, pagsasalita,
pakikinig, pag-iisip, at ang pagkilos ay isang nangungunang simulain sa
kasalukuyang kaisipan tungkol sa pagkatuto ng wika.

Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika


MOTIBASYON
Ano nga ba ang motibasyon? Ang motibasyon ay isang pagkilos ng pagpapasigla ng
interes ng isang tao na gawin ang isang bagay. Higit pa rito, “Ang pagganyak ay
maaaring tukuyin bilang lahat ng bagay na nagtutulak at nagpapanatili ng pag-uugali
ng tao” (Gard,2001).Sa katunayan, meron itong dalawang uri ang panlabas na
motibasyon at panloob namotibasyon. Ang panlabas na motibasyon o sa ingles ay
extrinsic, ito ay nag-uudyok sa isangtao na tapusin o gawin ang isang bagay dahil may
kapalit itong papuri, premyo o reward. Ito ay may tinatawag na dalawang uri, ang
integratibong motibasyon at motibasyong instrumental.
Ang integratibong motibasyon, ito ay ang pagkagusto na makahalubilo sa isang
kultura ng mga tao na filipino ang salita, habang ang motibasyong instrumental
naman ay ang pag asam na makatuntong sa isang pamantasan o trabaho ng mataas ang
pasahod dahil sa alam na wika.Ngayon, ang pangalawang uri ng motibasyon ay ang
motibasyong intrinsik. Ito ay likas na kagustuhan sa pagkatuto ng isang wika na
kung saan ay tumutukoy ito sa kawilihan at kusang loob na nag uudyok o
naghihikayat sa isang tao na gawin at tapusin ang isang gawain ng walang kapalit
dahil walang pumipilit sa kanya.
ANG MGA GURO
Ayon kay Richard (1992), ang epektibong guro ay malikhain. Ang kanyang klase ay
masigla, kawili-wili, at laging may bagong gawain. Hindi lamang ang mag punla at
magkintal ng impormasyon o prinsipyo at hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais
ay matulungan ang mag-aaral na mapabuti ang buhay. Nasusukat ang pagiging
epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan, at saloobin ng kanyang tinuturuan. Ito
ang resulta ng kanyang mga gawain sa klase. Ito ang batas ng edukasyon.
(Hendricks,1998).Mahalaga ang gampanin ng isang guro sa pagkatuto ng wika meron
tayong mga katangian sa pagiging epektibong guro, una ay ang walang itinatangi,
hindi malilimutan ng mga mag-aaral kung ang guro’y may paborito sa klase o ang
kanyang di pagkakapantay-pantay na pagtrato sa kanyang mga mag-aaral. Sa loob ng
klase, dapat na siya’y walang kinikilingan at mahalagang maging pantay ang
kanyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral.Pangalawa, may positibong ugali,
nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y nabibigyan ng papuri at pagkakilala o
rekognisyon. Malaki ang impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at direksyon.
Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-aaral.
Pangatlong katangian ay may kahandaan, ang kahusayan (competence) at kaalaman
sa saklaw na nilalaman ng mga paksang itinuturo ay kinikilala ng mga mag-aaral.
Madaling makilala ng mga mag-aaral ang gurong organisado at handa nang magturo.
Ang pang-apat na katangian na dapat taglayin ng isang guro ay may haplos personal.
Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang gurong may ugnayan sa kanila, yaong
tumatawag sa kanilang pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang
nadarama at opinyon, tinutuklas ang kanilang interes at tinatanggap ang tunay nilang
pagkatao. Ang pagkukwento ng guro ng mga kwentong may kinalaman sa aralin ay
higit na nagugustuhan ng mga mag-aaral. Ang pang-limang katangian ng epektibong
guro ay ang pagiging masayahin, naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin
sa klase. Ang dagling pagbibiro at pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan at
napapahiya ang mga mag-aaral ay nakababawas sa paghihirap
o kahihiyang dinaranas ng mga mag-aaral. Ang pang-anim naman ay ang pagka-
malikhain ng guro. Nagugunita ng mga mag aaral ang kanilang gurong malikhain sa
mga gawaing pangklasrum, lalo na sa oras na ginaganyak sila para sa isasagawang
aralin, pati na ang pag-aayos sa klasrum ng kanilang guro. Ang pang-pitong katangian
ng epektibong guro ay ang marunong tumanggap ng kamalian, nababatid ng mga
mag-aaral kung nagkakamali ang kanilang guro lalo’t sila ang labis na naaapektuhan
bunga ng pagkakamaling ito. Nagiging modelo ang isang guro kung
tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at buong pagpapakumbabang humingi
siya ng kapatawaran sa pagkakamaling kanyang nagawa. Pang-walo ay ang
mapagpatawad, kinalulugdan ng mga mag-aaral ang gurong marunong magpatawad
sa kasalanang kanilang nagawa, lalo’t yaong nauukol sa kanilang
maling gawi at ikinilos. Ang guro ang tagabuo ng anumang tunggaliang nagaganap sa
klase kaya’t mahalagang maiwasan din niyang magbigay ng di-magandang puno ukol
dito. Pang-siyam ay ang guro na may respeto. Ang kinalulugdang guro ay yaong
marunong maglihim ng markang kanyang ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o
yaong kinakausap ang mag-aaral na may nagawang pagkakamali o kasalanan nang
walang nakaririnig o nakakaalam, o yaong nagpapakita ng sensitibiti sa nadarama ng
kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang
kanyang mga tunguhin. Ang ika-sampung katangian ng isang epektibong guro ang
may mataas na ekspektasyon. Ang di-malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng
napakataas na pamantayan lalo’t hinahamon ang kanyang mga mag-aaral na gawin
nang napakahusay ang kanyang ipinaguutos. Madalas na nawawalan ng tiwala sa
sarili ang mga mag-aaral. Kung maniniwala ang guro na may mga kakayahan ang
kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga magaaral na matupad ang
kanyang mga tunguhin. Panghuli ay ang ipinadaramang kabilang ang mga mag-
aaral. Kasama na rin dito ang pag-aalala o pagmamahal ng isang guro sapagkat hindi
naman lingid sa ating kaalaman na laging nasa isip ng mga mag-aaral na sila'y
kabilang sa klase. Sa pamamagitan ng isang guro, kung naipadarama niya ito sa
kaniyang mga mag-aaral ay tiyak lamang na nadarama rin nila
na sila ay kapamilya ng kanilang guro. Ang pagtatanong at pagpapakita ng kasiyahan
sa ipinakikitang mga gawad ay nakabubuo ng pagkakaisa at mabuting pagsasamahan.
Sa madaling salita, ang mahusay at epektibong guro ay yaong nakaiisip agad ng
paraan upang hindi magkaroon ng hinanakit ang kanyang mga mag-aaral.
ANG MGA MAG-AARAL
Sa patuloy na pag-usbong ng mundong ating kinagagalawan, may mga salik na dapat
ay isaalang-alang bilang mga mag-aaral upang sa ganon ay mas maging matagumpay
sa pagkatuto ng wika. Sa paraan ng pag-aaral nito, kinakailangan muna nating ilagay
sa ating puso at isipan ang mga salik na nakakaapekto sa maunlad na pagkatuto sa
larangan ng wika. Batay sa pag-aaral ni Abad at Ruedas (2006), ang wika ay ang
pinakamahusay at pinakamalinaw magbigay ng himaton sa kung ano ang partikular na
pananaw ng isang tao sa daigdig na kanyang ginagalawan. Kaya dahil dito,
binibigyang-diin na ang pagtuturo ng guro sa kanyang estudyante hinggil sa wika ay
nahuhubog ang kakayahang umunawa at maghinuha ng mga iba’t ibang konsepto sa
larangan ng wika. Ang ilan sa mga salik na may kaugnayan sa pagkatuto ng wika ay
ang antas na intelektwal na pag-unlad ng mga mag-aaral. Lalong lalo na’t sa panahon
ng pandemya, hindi nagiging madali ang pagkatuto ng mga ito sa makabagong
sistema ng pag-aaral ngunit sa tulong ng mga alternatibong pamamaraan at maging
ang kontribusyon ng mga guro ay tiyak na mas maging matagumpay ang
pagpapatuloy ng edukasyon sa bansa. Samakatuwid, sa papel na ito ay bibigyang diin
natin ang kahalagahan ng bawat katangian at maging ang kasanayan na dapat ay
linangin ng isang mag-aaral tungo sa epektibo at matagumpay na pagkatuto sa pag
aaral ng wika. Ang bawat klase sa wika ay binubuo ng mga mag-aaral na taglay ang
kanilang ibat ibang katangian ito ay ang kognitib, pandamdamin, at kagulangang
sosyal, kaalaman sa wika; motibasyon, kakayahan sa pagkatuto ng wika, istilo sa
pagkatuto, mga mithiin at mga pangangailangang subhetibo. Ngunit sa isang pag-aaral
nina Rubin at Thompson (1982) nag
tala sila ng mga mahahalagang katangian ng isang magaling na mag-aaral ng wika.
Ang unang katangian ay ang pandama ng isang mag-aaral. Ito ay ang nagagawa ng
mga estudyante ang manghula o makiramdam hinggil sa kayarian ng wikang pinag-
aaralan at sinusubukan ang mga ito sa pamamagitan ng pag-iipon at pangangalap ng
mga impormasyon sa isang mabisang paraan na kung saan gumagamit ng mga hudyat
na kanilang makikita o maririnig sa paligid. Sa ganitong klase ng katangian ng
estudyante ay pinapahalagahan nito ang kasanayan sa
pakikinig sapagkat ito ay isa sa mabisang paraan upang makatulong sa pagpapalawak
ng kaalaman sa larangan ng wika. Sa madaling salita, hindi matagumpay na
maisakatuparan ang pagtatamo sa mga katangian at kasanayan nang hindi ganap na
nalilinang ng bawat mag-aaral ang kasanayan sa pandama o pakikinig, (Mangahis,
2011). Ang pangalawang katangian ng isang mag-aaral tungo sa matagumpay na
pagkatuto ng wika ay ang pagkakaroon ng mataas na motibasyon. Hindi lingid sa
ating kaalaman na ang isang mag-aaral na may mataas na motibasyon ay may
kakayahang makipagtalas-tasan na syang magiging rason upang maghanap ng mga
posibleng istratehiya para maiparating sa iba ang kanyang naisip at nadarama. Kaya
naman ay malaki ang naitutulong ng dalawang uri ng
motibasyon – ang intrinsik o panloob at extrinsik o panlabas na motibasyon. Hindi
natin maipagkakaila na mahalaga rin ang kontribusyon nitong dalawa sapagkat kung
walang interes o motibasyon ang mga mag-aaral ay tiyak na wala ring patutunguhan
ang pagtuturo ng wika. sa na rito ang istratehiyang paggamit ng sirkumlokyusyon na
kung saan gumagamit ng mga sariling pagpapakahulugan sa pagpapaliwanag ng iba’t
ibang kahulugan ng isang teksto. Malimit ding gumagamit ng mga signal na
nonberbal tulad ng pagkumpas o paggalaw ng katawan, ekspresyon ng mukha, at iba
pa. Sa pangatlong katangian ng mag-aaral na makatutulong sa matagumpay na
pagkatuto ay ang makipagsapalaran sa paggamit ng wika. Hindi napipigilan ng
estudyante ang kaniyang sarili na makipagsapalaran sa paggamit ng wika sapagkat sa
pamamagitan nito ay napupukaw ang kanilang interes at nahuhubog ang kanilang
imahinasyon na maging malikhain sa pakikipag-usap sa iba. Tinatanggap nito ang
kalagayan bilang isang “linguistic toddler” o nangangahulugang natututo sa paggamit
at umunawa ng higit pang uri ng mga salita. Bukod
pa roon, tanggap nya rin ang magmukhang hangal sa mata ng iba para lamang
maunawaan siyang mabuti ng kanyang kausap. Kaya sa pakikipagsapalaran nito sa
paggamit ng wika ay importante rin na isaalang-alang ang kasanayan sa pagbasa dahil
ito ang magsisilbing pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng pinabagong
karunungan hinggil sa wika. Kung kaya’t nararapat lamang na pagtuunan ng isang
guro ang lumikha ng isang kapaligirang lilinang sa mga mag-aaral ng pagtitiwala sa
sarili upang mahimok sila na makipagsapalaran sa paggamit ng wika. Ang pang-apat
at panghuling katangian na taglay ng isang mag-aaral ay ginagamit ang wika. Ang
mag-aaral ay syang humahanap ng mga pagkakataon upang magamit ang wika at
malayang nangunguna sa pagsisimula ng usapan sa pagkakataong makapagsalita sa
klase. Isa itong makrong kasanayan na ang tanging layunin ay ang pabibigay,
pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa pamamagitan ng verbal na paraan, paggamit
ng wika na may wastong pamamaraan upang malinaw at maipaliwanag ang kaisipan
at damdamin kaya naman ay dapat lamang na pag-ibayuhin ang pagtuturo ng tamang
paggamit ng wika sa mga mag-aaral.
MGA ISTILO SA PAGKATUTO
Ang mga istilo sa pagkatuto ay tumutukoy sa mga kaparaanan na mas higit na gusto
ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Si Willing (1998 at binanggit kay Nuna,
1997) ay nag sabi na ang isang guro na sensitibo at isinasaalang-alang ang mga
gustong istilo sa pag-aaral ng mga estudyante ay makatutulong sa pagkakaroon ng
isanng matagumpay at mabisang pagkatuto. May apat na uri ng mag-aaral na
kinategorya ni willing noong 1988 kasama ang mga angkop na estratehiya na kung
saan ang pokus ay ang pag-aaral ng wika.
A. Mag-aaral na “Concrete”
Ito yung mag aaral na dapat meron silang mga laro o mga laruan na pwede
gamitin sa kanilang pagkakatuto,Mga larawan na ginagamit, Pair work yung pina
pangkat pangkat sila ng dalawa o higit pa sa dalawa at Pagsasanay ng wika sa labas
ng klasrum na pwede nilang gamitin sa kanilang pang araw araw. Ang mga
materyales na ito o mga kagamitan ay natutugunan ang ilang adhikaing pansosyal sa
pag-aaral ng wika. Higit pa rito, Mas madaling magkaroon sila ng pagkatuto at
kamalayan sa mga bagay sa kanilang komunidad na ginagamit nila sa pang araw araw
na pakikisalamuha. Bilang karagdagan, ang awtentikong kagamitan ay nagbibigay ng
motibasyon sa mag-aaral sa matalinong pagkatuto, nagagawa rin nitong ihayag ang
tunay na nilalaman at istruktura ng lengguwahe.
B. Mag- aarak na “Analitikal”
Mga mag-aaral na masusing nag babasa o nag-aaral upang lubusan nilang unawaan
ang teksto o impormasyon na kanilang nalaman. Kagaya lamang ng pag-aaral ng
gramatika upang mas maging mahusay sila sa pagawa ng kanilang proyekto sa
paaralan o upang mas maging mahusay na tagapagsalita. At pagbabasa ng mga
pahayagan upang mas maunawaan nila katanungan o ipinahihiwatig ng pangungusap.
Pag-aaral nang mag-isa merong mga mag-aaral na nag-aaral sila ng mag isa upang
mas maka pokus sila sa kanilang pagkatuto para din hindi
sila ma disturbo. Panghuli, Pag-alam sa pagsusuri ng mga kamalian sa wika, inialam
din ng mga mag-aaral kung ano ang mga bagay na mali o tama ang paggamit ng wika
upang mas maging mahusay sila sa kanilang pagkatuto. Itong uri na mag-aaral na ito
ay naglilikom sila ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian upang
makagawa ng isang ideyao konklusyon na kapani-paniwala. Ginagamit ang mapanuri
o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahalagahan, kahulugan ng
isang aralin o teksto.
C. Mag-aaral na “communicative”
Isang uri na mag aaral na mahilig makikipag-ugnay sa mga tao upang mas mabilis ang
kanilang pagkatuto. Kagaya lamang ng Pagmamasid at pakikinig sa mga katutubong
nagsasalita ng wika, merong mag aaral na nagiging mahusay sa pagmamasid o sa
pakikinig ng mga iba’t ibang wika upang mas maging mapadali ang kanilang
pagkatuto. Pakikipag-usap sa kaibigan na gamit ang wikang pinag-aralan kung saan
ito ay mahalaga sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Hindi lang sa pagpapahayag ng
saraling ideya kundi ang pag-unawa sa mensaheng ipinahahayagan ng iba kasangkot
sa interaksyon, Panonood ng programa sa Tv sa
wikang pina-aaralan ito rin ay paraan para mapabilis ang pagkatuto nakikinig o
panonood ng
mga iba’t ibang programa sa Tv o cellphone.
D. Mag-aral na “Authority oriented”
Isang uri na mag-aaral na may sariling batayang aklat, isinusulat ang lahat ng
impormasyon sa notbuk, pinag-aaralan ang balarila, nagbabasa para matuto, natutuhan
ang mga
bagong salita kung makikita ang mga ito ay isang mag-aaral na humahanap ng mga o
impormasyon kung sino sa tingin niya ang makapagdadagdag ng kaalaman na wala pa
siya.
Authority-oriented ibig sabihin mayroon siyang tiwala sa kakayahan at katalinuhan ng
mga
taong nakakataas sa kaniya.
Multiple Intelligence sa Pagtuklas ng mga Talento at Kakayahan
Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong 1983, ang
teorya
ng Multiple Intelligence. Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na tanong ay “Ano
ang iyong
talion” at hindi, “Gaano ka talion? “ayon kay Gardner, bagama”t lahat ay may
angking likas
na kakayahan, iba’t ibang ang mga talent. Ang mga ito ay:
Verbal/Linguistic - Ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita.Kadalasan ang
mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsulat, pagkuwento
at
pagmemorya ng mga salita at mahahalagang petsa. Mas madali siyang matuto kung
nagbabasa,
nagsusulat, nakikinig o nakikipagdebate. Madali para sa kanya ang matuto ng ibang
wika.
Halimbawa ng mga may ganitong talion ay: mga taga pagsulat,abogada\abogado at
tagapagsalita.Matematikal/ Logical - Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang
pagkakatuto
sa pamamagitan ngpangangatwiran at paglutas ng suliranin (problem solving).Ito ay
talinong
may kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero. Gaya ng inaasahan, ang talinong ito
ay may
kinalaman sa kahusayan sa mathematika,kompyuter at iba pa. Gayunpaman, mas
malapit ang
kaugnayan nito sa kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng
abstract
patterns at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong patutuos.
Visual or Spatial – Ang mga taong may talinong visual/spatial ay mabilis matuto sa
pamamagitan ng paningin at mag ayos ng mga ideya. Nakagagawa ng mga ideya at
kailangan
din niyang Makita ang paglalarawan upang maunawaan ito. May kakayahang siya na
Makita
sa kaniyang pagisip ang mga bagay upang makalikha ng isang produkto o makatuklas
ng isang
prosukto o makalutas ng suliranin.May kaugnay din ang talinong ito sa kakayahan sa
mathematika. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino artist, mga designer,
engineers
kasi ang mga ito ay mabilis makakuha ng ibat ibang ideya o matuto sa isang bagay na
pwede
nilang gamit sa kanilang gawaing pang araw-araw at marami pang iba.
Musical/Rhythmic - Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa
pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi ito pagkatuto sa pamamagitan ng
pandinig
kundi pag-uulit ng isang karanasan. Halimbawa rito ay mahilig kumanta o makinig ng
mga
kanta, mga taga paggawa ng mga kanta sila yung ilang halimbawa rito dahil natuto
sila sa isang
bagay dahil ito ay paulit ulit nilang ginagawa o naririnig.
Bodily/ Kinesthetic – Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng
mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa
pamamagitan
ng paggamit ng kaniyang katawan tulad halimbawa ng pagsasayaw o paglalaro. Sa
kabuuann,
mahusay siya sa pagbubuo at paggawa ng mga bagay kagaya ng pagkakarpintero,
Mataas ang
tinatawag na muscle memory ng mga taong may ganitong talino. Halimbawa ng mga
taong
may ganitong talino ay dancers o tagapagsayaw, demonstrators, actors,
athletes/atheleta,
drivers, sports people, at marami pang iba , diba sa napapansin natin ang mga tao mag
ganitong
talento ay mas nagiging mahusay sila dahil sa kanilang sariling karanasan o di kaya sa
kanilang
kapaligiran kaya mas nagiging mahusay sila sa isang bagay.
Interpersonal – Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-uganayan sa ibang tao. Ito
ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Ang taong
nabibilang dito ay
kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa o extrovert. Siya ay sensitibo at
mabilis na
nakatutugon sa pagbabago ng damdamin. motibasyon, at disposisyon sa kapwa.
Mahusay siya sa pakikipag-ugnayan nang may pagdama at pag-unawa sa damdamin
ng iba. Siya ay epektibo bilang pinuno o tagasunod Halimbawa ng mga taong may
ganitong talino ay yung mga Guro, Doktor,leaders o mga pinuno, politicians sila yung
nakikipagtulungan upang mapabago ang damdamin, motibasyon at disposisyon sa
isang tao kung baga sila yung isa ding paraan upang magkaroon ng magandang buhay
o kalagayan ang isang tao o organisasyon.
Intrapersonal – Sa talinong ito natututo, ang tao sa pamamagitan ng damdamin,
halaga, at pananaw. Ito ay talinong kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin
ang kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o
introvert. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kanyang nararamdaman at
motibasyon
Malalim ang pagkilala niya sa kanyang angking talento, kakayahan at kahinaan. At
lahat ngtao na nasa proseso ng pagbabago ng pang-unawa sa sarili sa paniniwala at
mga gawain na may kinalaman sa sarili, sa iba, at sa komunidad na kanyang
ginagalawan.
Naturalist - ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang
makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition). Hindi lamang ito
angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan. Halimbawa ng mga
taong may ganitong talino ay Botanist, farmer, environmentalists.
Existentialist – ito ay talino sapagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig.
"Bakitako nilikha?" "Saan ako nanggaling? Ano ang papel na ginagampanan ko sa
mundo? Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay. Mga pilosopo, theorist,
mga pari o pastor.Ang mga taon ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang
pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating gingalawa

BUOD
Ang pagkatuto ng wika ay isang mahalagang proseso sa pag-unlad ng isang
tao. Ang proseso ng pagkatuto ay nagsisimula sa pag-unawa sa mga salik na
nagpapatatag ng matagumpay na pagkatuto. Ang mga salik na ito ay kasama
ang interes ng mag-aaral, ang pagsasanay, ang pag-uugnay ng mga ideya,
ang pagtitiwala sa sarili, ang katalinuhan, ang pagkamalikhain, at ang mga
kasanayan sa pag-iisip. Ang mga salik na ito ay nagdudulot ng magandang
resulta sa pagkatuto ng wika. Ang interes ng mag-aaral ay isang mahalagang
salik sa pagkatuto ng wika dahil ang interes ay nagpapataas ng antas ng pag-
unawa. Ang pagsasanay ay nagbibigay ng impormasyon sa mag-aaral
tungkol sa mga konsepto at pangungusap na kinakailangan sa wika. Ang pag-
uugnay ng mga ideya ay nagbibigay ng pagkaunawa sa mag-aaral tungkol sa
mga pasulong at pabaligtad na mga salita at mga kahulugan ng mga salita.
Ang pagtitiwala sa sarili ay nagbibigay ng lakas ng loob sa mag-aaral upang
subukan ang mga bagong bagay. Ang katalinuhan ay nagpapabuti sa
pagkaunawa ng mag-aaral sa mga konsepto. Ang pagkamalikhain ay
nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na magkaroon ng mga bagong
ideya. Ang mga kasanayan sa pag-iisip ay nagpapataas sa antas ng pag-iisip
ng mag-aaral sa wika. Kaya, ang mga salik na ito ay mahalaga sa
matagumpay na pagkatuto ng wika. Ang Pagkatuto ng Mag-aaral sa Wika" ay
isang pag-aaral na naglalayong masuri kung paano ang mga mag-aaral ay
nag-aaral ng isang wika. Ang pag-aaral ay nagpakita na ang mga mag-aaral
ay may iba't ibang mga salik sa pagkatuto. Ang mga salik na ito ay kabilang
ang interes ng mag-aaral, kalidad ng guro, suporta ng pamilya, suporta ng
komunidad, at iba pa. Ang pag-aaral ay nagpakita na ang mga salik ay
maaaring matulungan ang mga mag-aaral na matuto ng isang wika nang mas
mahusay. Ang pag-aaral ay nagpakita din na ang mga mag-aaral ay dapat
magkaroon ng malalim na kaalaman sa wika upang makamit ang mataas na
antas ng pagkatuto. Sa kabuuan, ang pag-aaral ay nagpakita na ang mga
salik sa pagkatuto ay mahalagang isaalang-alang kapag ang mga mag-aaral
ay nag-aaral ng isang wika. Ang pag-aaral na "Ang Pagkatuto ng Mag-aaral
sa Wika" ay nagpakita na ang mag-aaral ay may iba't ibang mga salik sa
pagkatuto na maaaring matulungan silang matuto ng isang wika nang mas
mahusay. Sa pamamagitan ng pag-aaral, nalaman na ang mga salik na
interes ng mag-aaral, kalidad ng guro, suporta ng pamilya, suporta ng
komunidad, atbp ay mahalaga upang matamo ang mas mahusay na antas ng
pagkatuto. Sumulat ng buod kaugnay sa "Ang Pagkatuto ng Mag-aaral sa
Wika” at ang “Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika”. Palawakin
ang iyong pagbabahagi, tiyaking may kaugnayan sa paksa.

SAGGUNIAN

Intro SA PAG Aaral NG WIKA (Ang Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika),

Keystone College(2022) retrieved from Intro SA PAG Aaral NG WIKA (Ang

Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika) - I. ANG PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG -


Studocu

Kabanata-5-Mga-Salik-sa-Matagumpay-na-Patuturo-ng-Wika.docx.
Retrieved from Kabanata-5-Mga-Salik-sa-Matagumpay-na-Patuturo-ng-
Wika.docx - PAMAGAT NG KURSO: PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO (FIL 304)
PAKSA: MGA SALIK SA MATAGUMPAY NA | Course Hero

You might also like