behaviorism, malaki ang naging impluwensya nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang wika. Ipinahahayag ng teoryang behaviorism na ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Binigyang diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na kailangang “alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay ng anumang mabuting kilos o gawi. Ayon sa mga behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya, paulit-ulit na pagsasanay hanggang sa mamaster ang tamang anyo nito at positibong pidbak. May paniniwala rin si Skinner na maaring maisagawa ng bata ang anumang gawain kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon. Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbigay sa mga guro ng set ng mga simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang Audio-Lingual Method (ALM) na naging popular noong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa teoryang ito. Pangunahing katangian ng ALM
Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita
Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril Paggamit lamang ng target na wika Kagyat na gantimpala/ pagpapatibay sa bawat tamang sagot Kagyat na pagwawasto sa kamalian; at Ang pagtuturo at pagkakatuto ay nakatuon sa guro. Teoryang Innatism Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat ng bata ay ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975, 1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pakaanak at likas itong nalilinang habang ang bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ang pananaw na ito ang nagpapahayag na ang wika ay nakapaloob at nabibigyang-hugis ng sosyo-kultural na kapaligiran kung saan ito nabubuo. Ito’y nabibigyang-kahulugan lamang kapag may interaksyong nagaganap sa kapaligiran. Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed para sa pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano nililinang ang iba pang tungkuling biyolohikal ng tao. Inilahad rin niya na ang isipan ng mga bata ay hindi blankong papel na kailangan lamang punan. Tinukoy niya ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition Device (LAD). Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang-isip na ‘black box’ na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Tinatayang naglalaman ito ng lahat at tanging iyon lamang ang simulaing panlahat na taglay ng mga wika ng lahat ng tao, at ito ang humahadlang sa isang bata na lumihis sa tamang daan sa kanyang pagtuklas ng mga tuntunin ng wika. Sa kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ang kanyang mga kapanalig ang terminong LAD; sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa aparatong pang-isipan na taglay ng lahat ng mga bata pagsilang (Chomsky 1981, Cook 1988; White 1989). Teoryang Cognitive Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Habang isinasagawa ang prosesong ito, malimit na nagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mga mag-aaral ng wika o di kaya nama’y nailalapat nang mali ang mga ito. Nakatuon sa mga mag-aaral ang mga pagkaklaseng batay sa teoryang cognitive. Nakapokus ito sa patuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod, ginagabayan ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang makatuklas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng halimbawa. Ang teoryang cognitive palaging nakapokus sa kaisipan ang pagkatuto ay isang aktibong prosesong pangkaisipan. Ang teoryang cognitive at innatism ay parehong pinanghahawakan na ang mga tao ay ipinanganak na may likas na kakayahan upang matutunan ang isang wika (Page at Pinnel, 1979). Ang tanging pagkakaiba ng dalawang ito’y may kinalaman sa implikasyon sa pagtuturo. Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa kampo ng cognitivist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng wika. Teoryang Makatao Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga salik na pandamdamin at emosyunal. Ito’y nananalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay mangyayari lamang kung angkop ang kapaligiran, may kawilihan ang mga mag-aaral at may positibong saloobin sila sa mga bagong kaalaman at impormasyon. Pangunahing binibigyang pansin nito ang mga mag-aaral sa anumang proseso ng pagkatuto. Palaging isinasaalang-alang ang saloobin ng mga mag-aaral sa pagpili ng nilalaman, kagamitang panturo at mga gawain sa pagkatuto. Ilan sa metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa makataong tradisyon ay ang sumusunod;
Community Language ni Curran
Silent Way ni Gattergno Suggestopedia ni Lazanov Napapanahong Teorya sa Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika
Ang umiiral na pananalig na natutuhan ang wika sa
pamamagitan ng palagiang paglalaan ng mga input na berbal at may katugong pagpapatibay (reinforcement) ay malinaw na ipinahayag sa aklat ni B.F Skinner na Verbal Behavior (1957). Samantala, noong 1959, sa isang matinding rebyu na isinagawa ni Chomsky sa aklat ni Skinner, pinanindigan niya na kung ang wika ay matututuhan lamang sa pamamagitan ng pagpapatibay, magiging mahirap para sa isang taal na tagapagsalita ng wika (W1) ang pag- unawa sa mga pangungusap na hindi niya pa naririnig. Idinagdag rin ni Chomsky na hindi lamang sa mga proseso ng pagmememorya at pag-uulit natututuhan ang wika. Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong propesor ng wika, ang Language Acquisition Device (LAD), na nakalilikha ng mga tuntunin sa pamamagitan ng walang kamalayang pagtatamo ng pansariling pagbabalarila. Samantala si Hymes (1961) ay naglalarawan ng bagong landas at lumayo siya sa mga pananaw ng deskriptib linggwistik at pagsusuring intruktural ng wika. Binigyang daan niya ang pagkatuto at pag-aaral ng wika ang ideya ng kakayahang komunikatibo na nagsasaad na mahalaga ang paggamit ng wika sa loob ng isang kontekstong sosyal upang matutuhan ito nang may saysay. Pinanigan ito ni Halliday (1975) at idinagdag niya ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayang sosyal sa wika sa pagsasabi na ang instrukturang sosyal ay mahalagang elemnto sa isang interaksyong linggwistik. May tatlong pangunahing ideya ang nakaimpluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng wika sa kasalukuyan. Una, ang paglipat sa isang paradigmang kognitib na nagsasabi ng pangunguna ng pagkatuto bago pa man pagtuturo nito. Ikalawa, naisasaalang-alang nang lubos ang proseso ng pagtuturo/ pagkatuto kung ito ay katugma (compatible) ng mga prosesong likas na nagaganap sa ating utak. Ikatlo, ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang mahalagang kaisipang kontemporaryo na may kaisahan sa mga layunin ng lahat ng lawak pangnilalaman. At pagsanib ng pagtuturo ng pagsulat, pagsasalita, pakikinig, pag-iisip at ang pagkilos ay isang nangungunang simulain sa kasalukuyang kaisipan tungkol sa pagkatuto ng wika. Maraming salamat po!