You are on page 1of 50

BABASAHIN BILANG 1

ANG PAGTATAMO AT PAGKATURO NG WIKA (W1 at W2): MGA TEORYA AT PRAKTIKA


Badayos, Paquito B. 2008. Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino:
Mga Teorya, Simulain, at Istratehiya. Malabon City: Mutya Publishing House,
Inc.

Mga Dulog Teoretikal sa Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika


Simula pa noong ikaapat na siglo BC, mahigpit na ang pagtatalo ng mga
pilosoping Griyego hinggil sa kalikasan ng wika na sinasalita na mga tao. Sa
katunayan, may mga paniniwala na ang mga salita raw ay likas at lohikal na
kumakatawan sa mga ideya at bagay sa paligid sa halip na mga simbolong pasalita na
pinili sa paraang arbitraryo. May dalawang klasipikasyon ang mga salita ayon sa mga
sinaunang pilosopong Griyego: una - iyong tumitiyak sa kilos na isinasagawa sa isang
pangungusap; at ang ikalawa - ang tao o bagay na nagsasagawa ng kilos. Humigit-
kumulang, noong ikalawang siglo BC, si Dionysius Thrax, isang Griyego, ay nakatukoy ng
walong iba't ibang klasipikasyon ng mga salita. Dahil dito, ang kanyang aklat na The
Art of Grammar ay sumikat at ginawang modelo sa pag-aaral ng mga balarilang Latin at
Griyego. At noong Edad Media, ang wikang Latin ang bumandilang modelo para sa pag-
aaral na pambalarila. Sa pagsisimula ng pagsulat ng balarila noong panahong iyon,
buong-buong kinopya ng mga mambabalarila ang balarilang Latin mula
terminolohiya hanggang klasipikasyon ng mga salita (Kitzhaber et al.,1970).

Ang Prescriptive Grammar


Bukambibig ng marami noong panahong iyon ang balarilang Latin sa mga
pag-aaral-wika. Maging ang mga mambabalarilang Ingles ay totoong nanalig din dito. Di
nila binigyang pansin ang mga sintaktikong kaibahan sa
pagitan ng wikang Ingles at Latin at pilit na inilapat ang deskripsyong Latin sa
Ingles. Karagdagan pa, sa lubos na pangongopya mula sa balarilang Latin, nalimitahan
nila ang kanilang sarili sa paggamit ng klasikong balarila sa pag-aatas kung paano
dapat ginagamit ang wika. Hindi sila nagsikap na ilarawan ang kalikasan ng wika o
kung paano ito ginagamit sa aktwal na pakikipagtalastasan (Kitzhaber et al., 1970)/
Halos ganito rin ang nangyari sa unang balarila ng wikang Filipino. Noong unang
ituro ang Filipino sa ating mga paaralang bayan, nakaangkla ito sa balarila ng wikang
Ingles. Sa kayarian at istruktura ng Ingles ibinatay ang
anumang pagpapaliwanag hinggil sa wikang Filipino. Kaya ang paniniwala noong una,
kung ano ang ayos ng pangungusap sa Ingles ay ganoon din sa Filipino.
Ang mga pananalig at mga paniniwalang binanggit hinggil sa pagkatuto ng wika
ay naglundo sa metodong grammar-translation sa pagtuturo ng wika. Sa metodong ito,
ang mga mag-aaral ay nagmememorya ng mahabang talaan ng mga talasalitaan,
mga anyo ng pandiwa at mga pangngalan. Pangunahing gawain sa klase ang
pagsasalin ng mga nakasulat sa teksto. Hindi inaasahang nasasalita ng guro ang wikang
itinuturo. Ang mahalaga ay may malawak siyang kaalaman sa mga tuntuning
pambalarila.
Ang Descriptive Linguistics
Noong mga siglo labingwalo at labingsiyam, nagsimulang pagtuunan ng pansin ng
mga iskolar ang pagkakatulad na masasalamin sa matatandang wika. Sa kanilang pag-
aaral ng mga nakasulat na dokumento ng mga unang wika, nagawa nilang
matunton ang pinagmulan ng mga tunog at salita at naroon na rin ang
pagtatangkang maipakita ang partikular na mga pagbabagong pinagdaanan ng mga
wika sa loob ng mahabang panahon at ang ugnayang pangkasaysayan ng mga
wikang ito. Sinuri ng mga naunang linggwist ang mga yunit ng tunog ng isang wika,
kung paano nabuo ang mga ito, at nailarawan din nila ang istruktura ng mga
pangungusap. Nakabuo sila ng isang metodo sa pagtukoy ng mga tunog ng wika, ng
pagsusuri at pagtukoy ng mga morpemang bumubuo ng isang salita, at ng
pagsusuri ng mga anyo ng pangungusap.
Sumibol nang panahong ito ang pagbabalangkas o dayagraming bilang gamiting
paraang pedagohikal sa paglalarawan ng wika. Ang pagsusuri ng mga pangungusap
ay nagsisimula sa paghahati ng mga pangungusap sa dalawang bahagi at bawat isa
nito ay hahatiin pang muli hanggang sa masuri ang maliliit na komponent na
bumubuo sa pangungusap. Ang ganitong sistema sa pag-aaral ng wika ay
pinaniniwalaang mailalapat din sa pag-aaral ng panglawang wika. Bukod pa rito,
marami rin ang umaayon na ang ganap na pag-unawa sa mga ponetikong
komponent ng unang wika ay makatutulong sa paghahambing ng palatunugan ng
una at ng target na wikang pinag-aaralan. Isang mahalagang tungkulin ng guro ng
wika noon ang kaalaman sa istruktura ng una at ikalawang wika upang maipaliwanag
ang target na wika (W2) sa tulong ng kaalaman sa kayarian ng unang wika.

Ang Teoryang Behaviorism: Pakinggan at Ulitin


Bagama't hindi tuwirang teoryang linggwistik ang behaviorism, malaki ang
naging impluwensya nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang wika.
Ipinahahayag ng teoryang behaviorism na ang mga bata ay ipinanganak na
may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa
pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng
mga bata ay mapayayaman at mapauunlad sa tulong ng mga angkop na
pagpapatibay rito. Binigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na
kailangang "alagaan" ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at
pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi. Ayon sa mga
bahaviorist, ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya, paulit-ulit na
pagsasanay hanggang sa mamaster ang tamang anyo nito, at positibong pidbak.
May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang anumang
gawain kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon. Halimbawa, posibleng
pagkaanak pa lamang ay maaaring hubugin na ng mga magulang ang kanilang anak
para maging isang doktor o isang abugado. Unti-unting ihahanda ang bata sa mga
bagay at gawaing kaugnay nito at palagi nang may angkop na pagpapatibay. Ang
mga gurong umaayon sa
paniniwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng mga papuring: "Magaling,"
"Tama ang sagot mo," "Kahanga-hanga ka," "Sige, ipagpatuloy mo."
Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbigay sa mga guro ng set ng
mga simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang Audio-Lingual
Method (ALM) na naging popular noong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa
teoryang behaviorism. Ang mga pangunahing katangian ng ALM ay inilahad sa
ibaba:
- Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;
- Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;
- Paggamit lamang ng target na wika;
- Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;
- Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at
- Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro.

Teoryang Innatism: Nasa Isipan Lahat Iyan


Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat ng bata
ay ipinanganak na may "likas na talino" sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky
(1975, 1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong
nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ang
pananaw na ito ang nagpapahayag na ang wika ay nakapaloob at nabibigyang-hugis
ng sosyo-kultural na kapaligiran kung saan ito nabubuo. Ito'y mabibigyang-
kahulugan lamang kapag may interaksyong nagaganap sa kapaligiran.
Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed para
sa pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano
nalilinang ang iba pang tungkuling biyolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating ng bata sa
takdang gulang, nagagawa niya ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng tamang
nutrisyon bukod pa sa malaya siyang nakakikilos at nakagagalaw. Hindi na siya dapat
pang turuan sa paglalakad. Lahat ng bata ay nag-uumpisang maglakad sa halos na
magkakatulad na edad at ang gawaing ito ay nararamdaman ng mga batang normal
ang paglaki at pag-edad. Para kay Chomsky, ganitong-ganito rin ang pagtatamo ng
wika.
Inilahad pa rin ni Chomsky na ang isipan ng mga bataay hindi blangkong
papel na kailangan lamang punan sa pamamagitan ng panggagaya ng wika na kanilang
naririnig sa paligid. Sa halip, inihayag niya na ang mga bata ay may espesyal na
abilidad na tuklasin sa kanilang sarili ang nakapaloob na mga tuntunin sa isang
sistema ng wika.
Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition
Device (LAD). Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang-isip na
'black box' na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Tinatayang naglalaman ang
'black box' ng lahat at tanging iyon lamang mga simulaing panlahat na taglay ng
mga wika ng lahat ng tao, at ito ang humahadlang sa isang bata na lumihis sa tamang
daan sa kanyang pagtuklas ng mga tuntunin ng wika. Upang gumana ang LAD,
kailangan lamang ng bata na may
pagkakataon siyang mahantad sa mga halimbawa ng wikang kanyang sasalitain o
pag-aaralan.
Ang mga halimbawang ito ang magbibigay-daan upang gumana ang aparato. Sa
oras na gumana na ito, magagawa na ng batang tuklasin sa kanyang sarili ang
istruktura ng wikang pag-aaralan sa pamamagitan ng paglalapat ng kanyang taglay
na kabatiran sa batayang gramatika ng isang partikular na wika sa kanyang
kapaligiran.
Sa kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ng kangyang mga kapanalig ang
terminong LAD; sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa aparatong pang-
isipan na taglay ng lahat ng mga bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook, 1988; White,
1989).

Teoryang Cognitive
Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang
prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging
nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan ang bagong
tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalaim na tuntunin, at mailapat ang
mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Habang isinasagawa ang
prosesong ito, malimit na nagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang
mga mag-aaral ng wika o di kaya nama'y nailalapat nang mali ang mga ito. Dahil
dito, malimit na nagaganap ang mga kamalian sa paggamit ng wika. Ayon sa mga
cognitivist, ang pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon
at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto. Tinatanaw ng mga cognitivist ang
pagkakamali bilang isang integral na bahagi ng pagkatuto.
Ang teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa maraming aspekto.
Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay ipinanganak na
may likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika (Page at Pinnel, 1979). Ang
tanging pagkakaiba ng dalawang teoryang ito'y may kinalaman sa implikasyon sa
pagtuturo. Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang bata
sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa kampo ng mga
cognitivist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis
sa pagkatuto ng wika.

Teoryang Makatao
Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga
salik na pandamdamin o emosyunal. Ito'y nananalig na ang pagtatagumpay sa
pagkatuto ay mangyayari lamang kung angkop ang kapaligiran, may kawilihan ang
mga mag-aaral at may positibong saloobin sila sa mga bagong kaalaman at
impormasyon. Kung ang mga kondisyong ito'y hindi matutugunan, ang anumang
paraan o kagamitang panturo ay maaaring hindi magbunga ng pagkatuto.
Kaya nga, sa larangan ng pag-aaral ng wika, kailangang may magandang saloobin
ang mga mag-aaral sa wikang pinag-aaralan, sa mga gumagamit ng wika at sa mga
guro ng wika. Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran
sa klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang
pakiramdam ng bawat
mag-aaral at malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan.
Kailangan ding linangin ng guro ang pagpapahalaga sa sarili ng mga mag-aaral.
Pangunahing binibigyang-pansin ng teoryang makatao ang mga mag-aaral
sa anumang proseso ng pagkatuto. Palaging isinasaalang-alang ang saloobin ng
mga mag-aaral sa pagpili ng nilalaman, kagamitang panuro at mga gawain sa
pagkatuto

MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG WIKA


Ang umiiral na pananalig na natutuhan ang wika sa pamamagitan ng
palagiang paglalaan ng mga input na berbal at may katugong pagpapatibay
(reinforcement) ay malinaw na ipinahayag sa aklat ni B.F Skinner na VerbalBehavior (1957).
Samantala, noong 1959, sa isang matinding rebyuna isinagawa ni Chomsky sa aklat ni
Skinner, pinanindigan niya na kung ang wika ay matututuhan lamang sa pamamagitan
ng pagpaptibay, magiging mahirap para sa isang taal na tagapagsalita ng wika
(W1) ang pag-unawa sa mga pangungusap na hindi pa niya naririnig. Idinagdag pa rin
ni Chomsky na hindi lamang sa mga proseso ng pagmememorya at pag-uulit
natutuhan ang wika.
Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong prosesor ng wika, ang
Language Acquisition Device (LAD), na nakalilikha ng mga tuntunin sa pamamagitan ng
walang-kamalayang pagtatamo ng pansariling pagbabalarila. May tatlong pangunahing
ideya ang nakaimpluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng wika sa kasalukuyan.
· Una, ang paglipat sa isang paradigmang kognitib na nagsasabi ng pangunguna
ng pagkatuto bago pa man ang pagtuturo nito.
· Ikalawa, naisasaalang-alang nang lubos ang proseso ng pagtuturo/pagkatuto kung ito ay
katugma (compatible) ng mga prosesong likas na nagaganap sa ating utak.
· Ikatlo, ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang mahalagang kaisipang
kontemporaryo na may kaisahan sa mga layunin ng lahat ng mga lawak
pangnilalaman at pagsanib ng pagtuturo ng pagsulat, pagsasalita, pakikinig, pag-
iisip, at ang pagkilos ay isang nangungunang simulain sa kasalukuyang kaisipan
tungkol sa pagkatuto ng wika.

ANG BALARILANG TRANSPORMASYONAL (TRANSFORMATIONAL GRAMMAR)


Ang mga mambabalarilang transpormasyonal gaya ni Chomsky ay nananalig na
ang isang wika ay may taglay na set ng mga tuntunin na walang malay na
nalalamman at nagagamit ng isang tao sa kanyang pang-araw araw na
pakikipagtalastasan. Tunguhin ng balarilang transpormasyonal na maipaliwanag at
mailarawan ang likas na mga tuntuning ito ng wika.
Bagama’t hindi nagging modelo ang paradigmang ito sa pagtuturo ng wika
perse,
malaki ang naiambag nito sa monitormodel ni Krashen.
MONITOR MODEL NI KRASHEN
May iminungkahing teorya bsi Krashen (1981b, 1982) hinggil sa pagtatamo
ng pangalawang wika (W2) na nagging batayan ng isang balangkas para sa pag-
unawa ng
mga proseso kung paano natutuhan ang pangalawang wika. May limang
haypoteses na nakapaloob sa teoryang ito ni Krashen: ang acquisition learning hypothesis,
na nagpapakita ng kaibahan ng pagtatamo (na patungo sa katatasan) sa pagkatuto
(na sangkot ang kaalaman sa mga tuntuning pangwika); ang natural order hypothesis,
nagpapahayag na ang mga tuntuning pangwika ay natatamo sa isang mahuhulaang
pagkakasunod-sunod; ang monitor hypothesis, na nagpapalagay na may isang paraan ng
pag-iisip para sa pagtatamo ng katatasan; ang input hypothesis, nagpapahayag din na
ang unawa sa mga mensahe; at ang affective filter hypothesis, na nagpapaliwanag hinggil
sa mga sagabal na pang-isipan at pandamdamin para sa ganap na pagtatamo ng
wika.
Bagama’t marami ring pagtuligsa ang ibinato sa monitor model, nakapaglaan
naman
ito ng isang matibay na kaisipang teoretikal para sa natural approach, na malaki ang
impluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng pangalawang wika.
Ang acquisition learning hypothesis(pagtatamo-pagkatuto). Isinasaad ng haypotesis na
ito na ang pagtatamo at pagkatuto ay dalawang magkahiwalay na proseso sa pagiging
dalubhasa sa wika. Ang pagkatuto ay “kaalaman tungkol” sa wika.
Ang natural order hypothesis. Ayon sa haypotesis na ito, may mga tuntuning
pangwika
na mas naunang natamo kaysa sa iba. Nananalig din ito sa paniniwalang may likas
na sinusunod sa natural na order ang bata sa pagtatamo ng wika.
Ang monitor hypothesis. Malinaw na isinasaad ng haypotesis na ito ang ugnayan ng
pagtatamo at pagkatuto ng wika. Sa tulong ng kaisipang Monitor ni Krashen, napag-
ibayo ang kalakaran sa pagtuturo ng wika sa pamamagitan ng paglalaan ng isang
language-rich environment na makapagpapadali sa natural o likas na pagkatuto
nito.
Ang input hypothesis. Naninindigan ang haypotesis na ito na ang wika ay
natatamo sa isang prosesong payak at totoong kamangha-mangha-kapag naunawaan
natin ang mga mensahe. Ang kahusayan ay mapauunlad kung patuloy na tatangkilikin
ang mga sinasabi ni Krashen na comprehensible input. Ipinagpapalagay ni Krashen na ito ay
input na maaaring ihalintulad sa “caretaker speech,” anyo ng pagsasalita para sa
mga batang bago pa lamang nagsasalita na maririnig sa mga yaya o caregiver. Ang
caretaker speech (maikling pangungusap, madaling maintindihan, kontrolado ang
bokabularyo, iba’t-ibang paksa) ay nakapokus sa komunikasyon.
Ang affective filter hypothesis. Ang hypothesis na ito ay may kaugnayan sa mga
baryabol na pandamdamin gaya ng pagkabahala, motibasyon, at pagtitiwala sa
sarili. Mahalaga ang kabatiran ukol dito dahil nagagawa ng mga ito na
mahadlangan ang mga input para gisingin ang Language Acquisition Device (LAD). Kung
mahahadlangan ng affective filter ang ilan sa mga comprehensible input, maaaring kaunting
input lamang ang makapapasok sa LAD ng mag-aaral. Ang isang kontekstong
affective at positibo ay nakapagpapataas ng input.
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

MGA GAWAING PAMPAGTUTURO NA UMAALINSUNOD SA MONITOR MODEL


Isang maikling buod ni Krashen ay ang pananalig na matatamo ang mga
istrukturang pangwika (W1 o W2) sa isang mahuhulaang pagsusunod-sunod kung
may natatamong comprehensible input at kung mababa ang affective filters at maluwag na
makakapasok ang input.
Pagtatamo vs. Pagkatuto. Ang bahagyang komprehensyon at di-kumpletong
pagsasalita ay tinatanggap.
Natural Order. Inaasahang tatanggapin ng mga guro na ang pagbubuo sa isipan ng
mga pangungusap ay hindi nagsisimula sa payak patungo sa mas kompleks na mga
pangungusap.
Monitor.Maaaring maglaan ng mga karagdagang pantulong sa pamamagitan ng
mga mungkahi o tuwirang tuntuning gramatikal.
Comprehensible Input. Ang pinagaang wika gaya ng caretaker speech ay maaaring
epektibo sa ibang mag-aaral.
Ang Affective Filter. Mapabababa ng mga guro ang affective filter sa pamamagitan
ng isang pagkaklase na relaks ang lahat ng bata, may paggalang ang bawat bata.

ANG PAGTUTURONG NAKAPOKUS SA MAG-AARAL (LEARNER-CENTERED TEACHING)


Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:
- Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin, at istilo sap ag-aaral;
- Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral (halimbawa: pangkatang gawain
o pagsasanay)
- Nakadaragdag ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;
- At kurikulum na may konsultasyon at isanasaalang-alang ang input ng mag-aaral at
hindi itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.
Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng kamalayan na
“maangkin” ng mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto at nakadaragdag sa
kanilang intrinsic na motibasyon.

ANG PAGKATUTO NA TULONG-TULONG (COOPERATIVE LEARNING)


Ang isang klasrum na kooperatib-samakatuwid ay hindi pagalingan o paligsahan
kaugnay ng mga katangian ng pagkatutong nakapokus sa mag-aaral. Ang mga mag-
aaral ay isang “koponan” na ang layunin ng bawat manlalaro ay mapagtagumpayan
ang anumang itinakdang gawain.
Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa sama-
samang (collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang
layunin.

ANG PAGKATUTONG INTERAKTIB (INTERACTIVE LEARNING)


Mapadadali ang paggamit ng wika kung ang pansin ay nakapokus sa pagbibigay

10
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

at pagtanggap awtentikong mensahe (mensaheng taglay ang impormasyong kawili-wili


sa

10
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

nagsasalita at tagapakinig). Ayon kay Wells, ang palitang-salita ang siyang


pangunahing yunit ng dikors. Ang interaksyong panlinggwistika ay isang sama-
samang gawain na nangangailangan ng triyadikong pag-uugnayan ng nagpapadala
(sender), tagatanggap (receiver), at ng konteksto ng sitwasyon sa isang komunikasyong
pasalita o pasulat man.
Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:
- Madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan
- Paggamit ng mga awentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na
paggamit nito.
- Paglikha ng mga tunay na wika para sa makabuluhang komunikasyon
- Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktwal
na paggamit ng wika sa “labas”
- Pagpapasulat na totoo ang target na awdyens.

ANG WHOLE LANGUAGE EDUCATION


Ang katawagang ito ay bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit
upang bigyang-diin a) ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw na pagbabahagi ng
wika sa mga maliliit nitong element gaya ng ponema, morpema, at sintaks; b) ang
interaksyon at pag-uugnayin sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at pagsasalita)
at wikang pasulat (pagbasa at pasulat); at c) ang kahalagahan ng alituntunin sa
pagsulat na ito’y likas at umuunlad, na katulad din ng alituntuning pasalita.
Ang whole language ay isang leybel na ginagamit upang mailarawan ang:
- Tulong-tulong na pagkatuto
- Pagkatutong partisipatori
- Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral
- Integrasyon ng “apat na kasanayan”
-Paggamit ng mga awtentiko at natural na wika

CONTENT-CENTERED EDUCATION
Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989), ang content-centered education ay ang
integrasyon ng mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin ng pagtuturo ng
wika.

ANG PAGKATUTONG TASK-BASED


Ayon kay Micheal Breen (1987), ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong
pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman, paraan, at mga inaasahang
matatamo ng mga magsasagawa ng task.

ANG BRAIN-BASED LEARNING


Sa ganitong kalagayan, marapat sigurong alamin natin ang mga

11
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

teoryang neurofunctional at ang pagtatangka nitong ipaliwanag ang koneksyon sa pagitan

12
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

ng tungkulin ng wika at neuroanatomy-para matukoy hangga’t maaari kung aling mga


bahagi ng utak ang may tungkulin para gumana ang wika sa pakikipagtalastasan.
Inilahad sa talahanayan sa ibaba ang mga simulain hinggil sa brain-based learning
(Caine at Caine, 1991) at naglaan ito ng paraan kung paano ilalapat ang ilang
kaalaman sa utak sa pagtuturo ng wika.

MGA SIMULAIN AT IMPLIKASYON SA PAGTUTURONG BRAIN-BASED

Simulain Mga Implikasyong Pampagtuturo


1.Nagagawa ng utak na Ang mga karanasan sa pagkatuto ay kailangang
makapagproseso nang maiplano nang mabuti (orchestrated) upang mapakilos at
maramihan at sabay-sabay. maisangkot ang maraming bahagi ng utak.
2.Kasangkot sa anumang Dapat isaalang-alang ang nutrisyon, ehersisyo, labis na
pagkatuto ang kabuuan ng pagkabahala, at kahandaan ng mag-aaral sa
ating physiology (katawan at anumang okasyon ng pagtuturo at pagkatuto.
mga bahagi nito).
3.Ang paghahanap at Ang anumang pagkatuto sa wika ay kailangang
pagbuo ng kahulugan ay maglaan ng kapanatagan at pagpapalayag-loob
likas sa tao. bukod pa na tumutugon ito sa kawilihan at
pagkamausisa ng mga
mag-aaral.
4.Ang utak ay nakadisenyo Ang ideyal at mabisang proseso ng pagtuturo ay
upang makapaghulo at naglalahad ng mga impormasyon sa paraang
makalikha ng mga larawan. magagawa ng utak na makahugot ng mga hulwaran
at aktibong
makalikha ng pagpapakahulugan.
5.Ang mga emosyon Kinakailangang suportahan ng anumang pagtuturo ang
ay mahalaga sa kaligirang kabatiran ng mag-aaral at ang kanyang
memorya. taglay na wika.
6.Sabay-sabay na pinoproseso Ang mga kasanayang pangwika gaya ng balarila at
ng utak ang mga bahagi at talasalitaan ay lubusang natutuhan sa isang
kabuuan ng isang kaisipan. awtentikong kaligirang pangwika (paglutas ng
suliranin, pagtatalo sa
isang isyu, pagtuklas).
7.Kasangkot sa pagkatuto ang Ang musika, sining, at iba pang mga katulad na
atensyong may tiyak na pampasigla sa ating kaligiran ay maaaring
pokus at mga pang-unawa makaragdagat makaimpluwensya sa likas na
sa pagtatamo ng wika.
kapaligiran kaugnay nito.
8.Ang di-malay at may Kailangang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral

13
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

malay na pagpoproseso ng na balik-aralan ang anumang pagkatuto upang


isip ay lagging kasangkot mapag-isipan itong mabuti, at mapamahalaan nang
sa maayos ang paglinang ng sariling pagkatuto.
anumang pagkatuto.

14
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

9.Tinatayang may dalawang Gamitin ang rote learning system sa mga teknik sa
uri ng memorya: ang pagtuturo na nakapokus sa pagsasaulo ng mga salita
memoryang spatial at ang at mga tuntuning panggramatika samantalang sa
memoryang rote. mga pagtuturong kailangang isangkot ang mag-aaral
sa
pagbabahagi ng naiibang karanasan.
10.Nagiging mabisa ang Ang isa-sa-isang paglinang ng mga kasanayang
pagkatuto kung ang mga pangwika ay lubos na matututuhan kung nakatutok sa
kaalaman at kasanayan ay mga gawain at karanasang awtentiko (lakbay-aral,
nakapaloob sa likas na pagtatanghal, dula, kwento, at iba pa).
memoryang spatial.
11.Ang pagkatuto ay Dapat sikapin ng guro na ang kanyang klasrum ay
napasisigla ng mga hamon kaaya-aya at walang anumang palatandaan ng
at nahahadlangan ng panankot a mayaman sa mga hamong pang-isipan.
pagbabanta at pananakot.
12.Bukod-tangi ang bawat Ang mga teknik sa pagtuturo ay kailangang marami
utak. at
magkakaiba.

ANG ISTRUKTURA NG WIKA: ISANG KOMPONENT NG SISTEMA NG WIKA

Ang Istruktura ng Wika: Isang Komponent ng Sistema ng Wika


Paano na kaya ang buhay kung walang wika? Siguro walang usapan, walang
radyo, walang telebisyon, walang malalamyos na mga awitin, walang makapigil
hiningang mga nobela, walang maiinit na yakap, walang usapang pangkaibigan. Buti na
lamang at may wika tayong ginagamit sa pakikipagtalastasan. Humigit-kumulang nahahati
nang ganito ang oras na ginugugol natin sa pakikipagtalastasan: 30% sa pakikinig, 25% sa
pagsasalita, 25% sa pagbasa, at 20% sa pagsulat.

Ang Kalikasan ng Wika


Ang wika ay masistemang pag-aayaw-ayaw ng lipon ng mga salita na ginagamit
sa paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin na tangi sa isang pangkat
ng tao sa isang pamayanan o bansa. Ang wikang tangi sa isang pamayanan ay may
set ng mga salitang ang pakahulugan ay nauunawaan ng bawat isa. Gayon din, ang
wikang ito ay may sariling balarila at sistema ng pag-uugnay ng mga salita at
nagagawang bigyan ng kahulugan ng mga taong kasapi sa pamayanang iyon.
Bilang isang mag-aaral ng wika, marapat lamang na may taglay kang
sariling pagpapakahulugan kung ano ang wika. Napakaraming kahulugan ang
maikakapit sa wika. Ilang kilalang tagapagtaguyod ng wika ang may ganitong mga
pahayag.

15
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

Ang wika ay isang may kaayusang sistema ng mga tunog na gamit sa interpersonal
na komunikasyon at nakagagawa nang puspusang pagkakatatag ng mga bagay,
pangyayari, at mga proseso ng mga karanasan ng tao (Carroll, 1973: 289).
Ang wika ay isang sistematikong paraan ng pakikipagkomunikasyon ng mga
ideya o damdamin sa pamamagitan ng paggamit ng kombensyunal na mga pananda,
tunog, kilos o galaw na mayroong talastas na mga kahulugan (Webster New
International Dictionary, 1961:1270).
Wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha ng kanyang sining.
Karaniwang di totoong mahalaga kung ano man ang wikang iyon. Ang higit na
mahalaga'y kung paano ginagamit ng maguniguning manunulat ang wikang
kasangkapan (Pineda, 2004:236).
Ayon kay Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa
kultura.
Ayon kay Hill, ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at
simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo
at kontrolado ng lipunan.
Narito ang ilang mahahalagang puntos na dapat isaalang-alang kaugnay ng
mga depinisyong inilahad:
> Ang wika ay gamit sa komunikasyon.
> Ang wika ay talagang pantao, bagama't maaaring hindi ito limitado sa mga
tao lamang.
> Ang wika ay set ng mga simbolong arbitraryo.
> Ang mga simbolong ito'y tunog sa pagsasalita ngunit maaari ring biswal.
> Ang mga simbolo ay may taglay na kombensyunal na mga kahulugan na
kanyang pinatutungkulan.
> Ang wika ay masistema.
> Ang wika ay mararanasan sa isang kultura o komunidad ng pagsasalita.

Gamit ng Wika
Bagama't ang bawat pamayanan o bansa ay may sariling wika na tangi sa iba
pang wika, ang mga wikang ito ay may magkakatulad na gamit o layunin:
1. Ang wika ay ginagamit upang mag-leybel, magtakda at maglimit. Sapagkat wika ang
ginagamit ng tao para makapag-isip, likas sa atin na agad nilalagyan ng leybel ang
mga
tao o bagay na nakikita sa paligid. Ang pagleleybel ay maaaring panlahat gaya ng
tao, hayop, halaman, para mapaghiwalay ang iba't ibang klase ng mga bagay. Sa
pagbibigay-order sa isang organisasyon gaya ng kolehiyo o pamantasan, may mga

16
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

leybel tayo gaya ng presidente, dekano/a, puno, propesor, at iba pa.


2. Ang wika ay nag-eebalweyt. Binibigyang-diin ng mga iskolar ng wika na ang wika ay
likas na may taglay na pagpapahalaga (value laden). Ang bawat salitang ating
binibitiwan patungkol sa isang bagay ay kalimitang may bahid ng nosyong positibo o
negatibo batay sa

17
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

salitang ating gagagamitin (Richards, 1965). Ebalwatib ang wika kung ginagamit natin ito sa
pag-aases o pag-uuri ng isang tao o bagay. Halimbawa, ebalwatib ang leybel na
ikakapit natin sa mga tao dahil nagiging dahilan ang mga ito para maging positibo o
negatibo ang pakikitungo sa mga tao: pangit, maganda, pandak, matangkad, bobo,
matalino, maputi, maitim. Dahil may ebalwatib na komponent ang bawat salitang ating
ginagamit sa pakikipagtalastasan, kailangan natin ang maingat na pagpili ng mga
bibitiwang salita upang maiwasan ang makasakit ng ibang damdamin.
3. Ang wika ay ginagamit sa pagtalakay ng mga bagay na labas sa ating kasalukuyang
karanasan. Nagagawa nating makapagsalita tungkol sa ating mga palagay o
paniniwala tungkol sa isang bagay o pangyayaring naganap na o maaaring mangyari
dahil sa wika. Sa pamamagitan ng wika, magagawa rin nating talakayin ang ating
kalalagyan sa darating na panahon, mabalikan at masuri ang mga nakaraang
usapang isa tayo sa mga kalahok o di kaya'y mabatid ang mga pangyayari sa
kasaysayan na humuhubog sa ating daigdig.
Nagagawa rin nating
matuto sa naging karanasan ng ibang tao dahil sa wika
4. Iba pang gamit ng wika. Ayon sa pananaw ng semantika, may tatlong gamit ang
wika:
a) ang wika ay nagbibigay ng impormasyon; b) ang wika ay nagse-set-up; at c) ang wika
ay nag-uutos (Hayakawa, 1979). Sinasabing ang wika ay nagbibigay ng impormasyon
kung nadaragdagan ang ating dating kaalaman ng mga salitang ating ginagamit.
Halimbawa: Maraming tumulong sa nasalanta ng bagyo, Bumaligtas ang dyip, at iba pa.
Ginagamit din ang wika para itakda ang saklaw ng mga kahulugan. Halimbawa, ano
ang bawndering sinasaklaw ng salitang lolo at lola para sa magulang? lolo, ama,
tatay ng iyong mga magulang; lola, ina/nanay ng iyong mga magulang. Isa pang gamit
ng wika na pamilyar sa ating lahat ay nag-uutos ang wika. Halos araw-araw ay
bukambibig nating lahat ang ganitong gamit ng wika -- Pakiusod naman. Magbayad
nang maaga. Magdala ka ng payong. Iwasan ang droga. Uminom ka ng gamot. Sa
ganitong gamit ng wika, malinaw na may inaasahang sagot o ganting kilos ang
pinagbatiran ng utos. Sa gamit na ito ng wika, mapapansin natin na ang mas
malakas/nakatataas ang madalas na mag-utos, at malaki ang posibilidad na susundin
ang utos.

Ang Istruktura ng Wika


Ang wika ay nahahati sa iba't ibang subsistem upang mapag-aralan nang lubos
ang mga natatanging komponent nito. Kasama rito ang ponolohiya, na pag-aaral ng
sistema ng palatunugan ng isang wika, morpolohiya, ang pag-aaral kung paano binubuo
ang mga salita; sintaks, ang pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap; semantika, ang
pag-aaral ng mga pagpapakahulugan ng isang wika; at pragmatik, ang paggamit ng
wika sa kontekstong sosyal. Ang mga mga komponent na ito ang bumubuo ng hirarkiya
sa pag-aaral ng wika mula sa pinakamaliit na yunit ng mga tunog hanggang sa
18
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

masalimuot na mga diskurso.

19
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

Ang Ponolohiya: Ang Mga Hulwarang Tunog ng Wika


Ang ponolohiya ng isang wika ang paraan kung paanong ang mga tunog ay
makabubuo ng mga hulwaran. Ang kaalaman sa ponolohiya ng isang nagsasalita/nag-aaral
ng wika ay makatutulong upang makabuo ng makabuluhang utterances ang nagsasalita
at matutukoy niya kung ano ang makabuluhan at di makabuluhang tunog sa kanyang
wika. Halimbawa, karaniwan sa mga salitang Filipino ang inisyal na tunog ng /ɳ/ ngunit
magiging mahirap itong bigkasin para sa mga nagsasalita ng Ingles dahil "alam"
nilang hindi ito hulwarang Ingles.

Mga Ponemang Segmental (Katinig at Patinig)


Ang mga ponema ay mga tunog na nakapaloob sa isang wika. Ito'y mga
makabuluhang yunit ng tunog na "nakapagpapabago ng kahulugan" kapag ang mga
tunog ay pinagsasama-sama upang makabuo ng mga salita. Ang Filipino ay binubuo
ng 21 ponema. Limang (5) patinig /a, e, i, o, u/ at labing-anim (16) na katinig /p, b, t,
d, k, g, m, n, ɳ, h, s, l, r, ', y, w/.
Pag-aralan ang pares ng mga salita na nagpapakita ng pagiging makahulugan ng
ilan sa 16 na ponemang katinig sa Filipino:
/p/ /pa.lah/ 'shovel' /k/ /kuloɳ/ 'encircled'
/b/ /ba.lah/ 'bullet' /g/ /guloɳ/ 'wheel'
/t/ /patpat/ 'stick' /l/ /laket/ 'locket'
/d/ /padpad/ 'drift' / r/ /raket/ 'racket'
/kupkop/ 'cared for'
/kubkob/ 'surrounded'

Mga Ponemang Suprasegmental


Ang mga ponemang suprasegmental ay makabuluhang yunit ng tunog na
karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, kinakatawan ito ng
mga notasyong ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.
Kabilang sa ponemang suprasegmental ang diin, tono, intonasyon, punto at hinto.
1. Diin. Ginagamit ang dalawang pahilis na guhit (//) at dito ipinaloloob ang
mga notasyong ponemik na kakatawan sa paraan ng pagbigkas ng isang salita. Ang
tuldok/./ ay ginagamit na pananda upang matukoy ang pantig ng salita na may diin
at nangangahulugan ng pagpapahaba ng naturang pantig na laging may kasamang
patinig.
Halimbawa: /ba.soh/ 'glass'
/pagpapaha.ba/ 'lengthening'
/sim.boloh/ 'symbol'

Samantala, kumakatawan ang panandang /'/ sa mga ponemang patinig na may impit
at ang /h/ sa pagbigkas nang may bahagyang hangin na lumalabas sa notasyong ponemik.

11
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika 0
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

Walang salitang nagsisimula o nagtatapos sa mga tunog na /a, e, i, o, u/. Dahil dito,
ganito ang magiging notasyon kung ang salita ay may inisyal at pinal na tunog na
patinig.

/'abalah/ 'busy' (may impit sa unahan at may bahagyang hangin sa hulihan.)


/'asiwah'/ 'uneasy' ( kapwa may impit sa inisyal at pinal na tunog.)

Mahalaga ang diin sa wikang Filipino sapagkat sa pagbabago ng mga diin sa isang
salita, nagbabago rin ang kahulugan ng salita.
Halimbawa: /tu.boh/ 'pipe' /kasa.mah/ 'companion'
/tu.bo'/ 'sprout' /kasamah/ 'tenant'
/kaibi.gan/ 'friend /maɳ.gaga.mot/ 'doctor'
/ka.ibigan/ 'lover' /maɳga.gamot/ 'will treat'

2. Tono, Intonasyon, at Punto. Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng


tinig sa pagsasalita na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Pansinin sa
sumusunod na halimbawa kung saan inihuhudyat ang pagtaas at/o pagbaba ng tinig.
> Pagsasalaysay/Paglalarawan
Dumating sila ka/ga/bi.
Magaling talaga si /Wil/ma.
> Masasagot ng Oo o
Hindi Toto/o?
Tayo i/yon, di/ba?
> Pagpapahayag ng matinding
damdamin Na/ku, may na/ba/ril!
/Hoy! Upo/ kayo!
> Pagbati
Magandang u/ma/ga.
Kamusta /ka?
Mabuti po naman.
> Pagsagot sa
tanong Oo, kakain
na a/ko.
Hindi. Hindi na ako a/a/lis!

Hindi dapat ipagkamali ang intonasyon sa punto o tono ng pagsasalita. Ang punto
ay tumutukoy sa rehiyonal na "tunog" o accent. Karaniwan sa isang probinsya na iisa
ang wika, may iba't ibang punto rin ang iba't ibang bayang sakop nito. Samantala,
ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin.

11
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika 1
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

3. Hinto. Ang hinto ay nangangahulugan ng pagtigil sa pagsasalita na


maaaring panandalian habang sinasabi ang isang pangungusap, o pangmatagalan
bilang hudyat ng

11
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika 2
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

pagtatapos ng pangungusap. Sa pagsulat, inihuhudyat ng kuwit (,) ang


panandaliang paghinto at ng tuldok
(.) ang katapusan ng pangungusap.
Tulad ng diin, mahalaga ang paggamit ng hinto sa tamang bahagi ng
pangungusap dahil maaaring maiba ang kahulugan ng pangungusap sa ibaba, gumamit
ng isang pahilis na guhit (/) para sa isang saglit na paghinto at ng dalawang pahilis
na guhit (//) para sa pagtatapos ng pahayag.
Aki Mae Briones ang pangalan niya.//
(Si Aki Mae Briones ang tinutukoy sa pangungusap at binabanggit ang buo
niyang
pangalan.)
Miguel/ Jomar Empaynado ang pangalan niya.//
(Kinakausap si Miguel at ipinakikilala si Jomar Empaynado.)
Si Antonio/ Miguel/ ang aking abogado.//
(Kausap si Miguel ng nagsasalita at binigyang-diin sa kanya na si Antonio ang
abogado nito.)

Morpolohiya: Ang Mga Salita ng Wika


Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ng salita ng isang
wika. Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na may kahulugan.
Halimbawa, ang salitang mapera ay binubuo ng dalawang morpema: [ma-] + [pera]
(panlaping ma na may taglay na kahulugang "marami" na isinasaad ng salitang ugat)
sa halimbawang salitang
mapera, maaaring ang ibig sabihin nito'y "maraming pera." Pansinin ang iba pang
halimbawa: matao, madamo, magalis, marumi, mabisyo at iba pa. At gaya ng alam
natin, ang salitang-ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng sariling kahulugan. Hindi na ito
mahahati pa sa lalong maliit na yunit na may kahulugan.

Mga Uri ng Morpema Ayon sa Kahulugan


May dalawang pangkalahatang uri ng morpema ayon sa kahulugan 1) mga
morpemang may kahulugang leksikal, at 2) mga morpemang may kahulugang
pangkayarian. Halimbawa, sa pangungusap na-
Naglaro ng basketball sa plasa ang mga koponan.
Ang mga katagang, ng, sa at ang mga ay walang tiyak na kahulugan sa kanyang
sarili di tulad ng mga salitang basketball, plasa, koponan. Ang mga katagang
binanggit ay makapagpapalinaw ng kahulugan ng buong pangungusap, di ba?
Gayundin, iniuugnay ng mga ito ang mga sangkap na dapat pag-ugnayin, o
pagpapakilala kaya ng gamit sa pangungusap ng isang salita. Ang ng ay
nagpapakita ng kaugnayan ng naglaro, at basketball. Ang sa ay nagpapakita ng
kaugnayan ng basketball at plasa; ang mga ay nagpapakitang ang kasunod na

11
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika 3
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

pangalan ay nasa kaukulang palagyo. Kaya masasabing ang bawat isa ay kailangan
sa kayarian ng pangungusap. Hindi sinasabi ng taal ng nagsasalita ng Filipino ang --

11
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika 4
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

* Naglaro basketball plase koponan.


(Ang mgay asteriko sa unahan ng mga pahayag ay naghuhudyat na hindi ito
tinatanggap sa wikang pinag-uusapan.)

Sintaksis: Ang Mga Hulwarang Pangungusap ng Wika


Ang sintaksis ay tumutukoy sa istruktura ng mga pangungusap at ang mga
tuntuning nagsisilbing patnubay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang
pangungusap. Ang mga pangungusap ay binubuo ng mga morpema, ngunit ang
pakahulugan sa pangungusap ay higit pa sa kabuuan ng kahulugan ng mga
morpema. Ang pangungusap na "Pinakanta ng maestra ang klase," may parehong
bilang ng morpema sa "Pinakanta ng prinsipal ang klase." ngunit magkaiba ito ng
kahulugan; at ang hanay ng mga morpemang "ang pinakanta titser klase ng" ay
walang linggwistikang kahulugan.
May mga tuntunin sa balarila na nagtatakda kung paano pagsasamahin ang
mga morpema at mga salita para makapagpahayag ng isang tiyak na
pagpapakahulugan. Ito ang tinatawag na mga tuntuning sintaksis ng wika.

Semantika: Ang Mga Kahulugan ng Wika


Ang semantika ay ang pag-aaral ng mga kahulugan ng isang salita at ng
mahahabang yunit ng salita gaya ng mga parirala at mga pangungusap. Ang mga
tagapagsalita ng isang wika ay may likas ng kaalaman sa salita at parirala ng kanilang
wika kaya naman nagagawa nilang bigyang kahulugan ang mga ito kung sakaling
gamitin nila sa pakikipagtalastasan. Kapag ang mga tagapagsalita ay gumagamit ng
wika upang makalikha ng pagpapakahulugan sa isang kaganapan na nangyari sa
daigdig na kanilang ginagalawan, kailangang paglapatin nila ang kahulugan ng wika
gaya ng pagkaalam nila sa maraming pagkakataon na ito ay lumitaw. May mga salita
na nagtataglay ng mataas na digri ng katatagan at pagkakatulad ayon sa kung paano
ito ginagamit (halimbawa, sampal isang pandiwa, ay kailangang iugnay sa kamay dahil
mali kung sasabihing "sinampal niya ako ng kanyang paa"). May mga salita namang
maraming kahulugan, malabo ang kahulugan o di kaya nama'y kontrobersyal ang
kahulugan, at mga salitang mayaman sa pahiwatig.
Ilang kaugnay na salita ng pagpapahiwatig:
1. Mga salitang nagsasaad ng sinadyang palihis na pagpuntirya.
Pahaging
Padaplis
2. Mga salitang ang pinag-uukulan ng mensahe ay hindi ang kaharap na kausap kundi
ang makikinig.
Parinig
Pasaring
3. Mga salitang humihikaya't ng pansin sa pamamagitan ng

11
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika 5
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

pandama. Paramdam
Papansin

11
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika 6
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

4. Mga salitang nagpapahayag na waring nasasaling o di kaya'y nagpapahiwatig ng


isang bagay na ayaw o
kinayayamutan.
Sasagasaan
Paandaran

Ang pahiwatig ay maaaring: 1) berbal - binibigkas gaya ng parinig o


pasaring: 2) di-berbal - ipinahahayag sa pamamagitan ng katahimikan o
pagsasawalang-kibo; at 3) kombinasyon ng berbal at di-berbal gaya ng
paglalambing o kaya'y pagtatampo o pagpapakita ng sama ng loob sa
pamamagitan ng pag-irap, pagsimangot, paglabi, at iba pa.

Ang Pragmatiks: Ang Impluwensya ng Konteksto


Ang pag-aaral kung paanong naaapektuhan ng konteksto ang interpretasyon ng
wikang ginagamit sa komunikasyon ay tinatawag na pragmatiks. Ang pragmatiks ay
tumutukoy sa mga kaalamang extralinguistic na dapat na taglayin ng isang nagsasalita
upang makapagtamo ng kahulugan mula sa isang sitwasyong komunikatibo. Isang
bahagi ng kaalaman ay sitwasyunal, na may kaugnayan sa mga batayang hulwaran ng
interaksyon ng mga tao. Isang kaugnay na bahagi ng kaalamang ito ay ang pag-iba-
iba ng mga hulwaran ng interaksyon ayon sa kultura ng mga taong gumagamit ng
wika.

Ang Mga Iskrip O Hulwaran


Ang bawat sitwasyon ng komunikasyon ay kalakip ng mga inaasahang kaganapan
sa pakikipagpalitang kuro at kasama nito ang isang iskrip upang mailapat ang mga
ito, Halimbawa, sa ilang piling restoran, tumigil sandali ang mga kostumer sa bungad ng
restoran upang hintayin kung mayroong mag-eeskort sa upuan. Bago pa man sila
umupo ay may inaasahan na silang ganitong mga tanong: "Ilan po sila?" at "Smoking
ba o non-smoking?" Sa pagpapatuloy ng iskrip, kung nakaupo na, inaasahan nilang may
weyter na lalapit, ibibigay ang menu, at itatanong kung ano ang gustong inumin
bago mag-order ng pagkain. Ang pagpapalitang usapan na ito ay may sinusunod na
mahuhulaang pagkakasunud-sunod at kailangan ang kaalamang pragmatik upang
dumaloy ang dayalog o usapan.
Ang mga fastfood restoran ay may katulad na iskrip subalit tiyak na iba ito sa naunang
binanggit. Nakatawag ka na ba sa telepono na answering device ang sumasagot? Ano-
ano ang mga iskrip o pagkakasunud-sunod ng dayalog? Mailalahad mo ba?

Ang Kontekstong Kultural


Ipinahihiwatig ng pragmatics na nakalukob sa anumang wika ang kontekstong
kultural. Sa pagpapakilala ng mga Japanese ay lagi nang kasama ang inaasahang

20
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

pagyukod at mag-iiba-iba rin ang kilos na ito ayon sa istatus ng kausap. Ang
mga gawi sa pagsasalita sa pagpapakilala ay laging kakambal ng mga
kombensyong

20
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

sosyal na magkokontrol kung ano ang inaasahan ng bawat partisipant sa isang


akto ng komunikasyon. Balik-tanawin natin ang pragmatiks na nagaganap sa
isang klasrum: bibigyang-pansin ng guro ang isang batang wari'y di alintana ang
gawaing pang-upuan nang ganito -- "Tapos ka na ba sa iyong ginagawa?" Sa
ibang kultura kung positibo ang tugon ng bata, inaasahan ng bata na
makaririnig siya ng papuri sa guro; ngunit sa mga klasrum sa Amerika, ang
ganitong tanong ay maaaring maghudyat ng kailangan ng mag-aaral na
bigyang-pokus ang kanyang ginagawa at huwag "mag-aksaya ng oras."Ang
pragmatikong konteksto ng sitwasyong inilahad ay nagbabadya na
dapat ipakita ng bata ang pagpapahalagang kultural ng
kasipagan at direksyong pansarili. Sa ganitong kalagayan, maaaring ang
anumang paghuhusga na igagawad ng guro hinggil sa kakayahang
akademiko ng mga mag-aaral ay dapat na nakabatay sa kanilang
kakayahang tumugon sa mga katangiang pragmatik ng
diskursong pang-klasrum. Kung magkakaganito, ang tuwirang
pagbibigay atensyon sa ganitong mga katangian ay maaaring maging susi sa
pagtatagumpay ng mga mag-aaral sa klasrum ("Kapag sinabi kong oras ng
tanghalian, kailangang iligpit na ang mga gamit at ihanda na ang baong
pananghalian"). Isang paraan ito upang magkaroon ng kamalayan ang mga
mag - aaral sa pragmatikong katangian ng wika.

Mga Tungkulin/Gampanin ng Wika


Ang ponemik, morpemik, sintaktik at semantik na komponent ng wika ay
mga bahagi ng istruktura ng isang wika - mga tuntungang bato. Gayunman, ang
istruktura ay bahagi lamang ng sistema ng wika. Ang isang sistema ng
pagpapakahulugan ay nakabigkis sa istruktura. Sa pag-aaral ng wika, unang
nalalaman kung ano ang magiging silbi ng wika sa sarili - anong mga
tungkulin ang ginagampanan nito - at pagkatapos ay bubuuin ang kahulugan
gamit ang mga salita at mga pangungusap.
Naglahad si Halliday (1978) ng pitong kategorya ng wika na mailalapat sa
mga diskursong pasalita o pasulat.
> Wikang Instrumental. Wikang ginagamit upang mabigyang tugon ang
mga pangangailangan.
Halimbawa: Gusto ko ng isang basong tubig.
> Wikang Regulatori. Wikang kumokontrol/gumagabay sa kilos at usal ng iba.
Halimbawa: Ipasok mo na sa garahe ang kotse.
> Wikang Interaksyunal. Wikang nakapagpapanatili at nakapagpapatatag ng

21
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

relasyong sosyal.
Halimbawa: Gusto mo bang sumabay sa akin ng pagpasok?

22
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

> Wikang Personal. Wikang ginagamit upang maipahayag ang sariling


damdamin o opinyon.
Halimbawa: Mas gusto ko ang pulang kamiseta kaysa sa asul.
> Wikang Pang-imahinasyon. Wikang ginagamit upang makapagpahayag ng sariling
imahinasyon sa malikhaing paraan.
Halimbawa: Ang trapiko ay isang simponiya.
> Wikang Heuristiko. Wikang ginagamit upang maghanap ng mga impormasyon o
datos.
Halimbawa: Ano ba ang kinakain ng mga tarsier?
> Wikang Impormatib. Wikang ginagamit upang makapagbigay impormasyon.
Halimbawa: Binubuo ng sampung katao ang aming mag-anak.

Ang Komunikasyong Di-Berbal


Ano ang di-berbal na komunikasyon? Ito ay mga kilos ng katawan at kalidad ng tinig
na kalukob ng mga mensaheng berbal sa ating pakikipagtalastasan. Karaniwan itong
ginagamit ng mga taong kabilang sa isang kultura o komunidad ng wika at may
kasunduang interpretasyon hinggil dito (Burgoon, 1994).
Ang mga di-berbal na komunikasyon ay bahagi ng ating mga mensaheng berbal
kahit na ang mga ito'y isinasagawa nang wala sa loob o hindi kinukusa. Halimbawa,
kapag sinabi ni Jaypee "Nakuha ko na" at pabagsak na inilapag ang libro sa mesa,
mahihiwatigan na ang malakas na tinig ni Jaypee at ang pagbagsak ng libro, ay
pagbibigay-diin sa pakahulugang nais niyang ipahatid sa kausap.
Ang bawat kultura o komunidad ng wika ay may pinagkasunduang interpretasyon o
pakahulugan sa anumang mensaheng di-berbal. Kinikilala natin ang katotohanang
gumagamit ang mga tao sa iba't ibang dako ng daigdig ng halos magkakatulad na
mga hudyat na di-berbal, ngunit magkakaiba namang interpretasyon o pakahulugan
ang ikinakapit nila rito. Halimbawa, ang ngiti'y maaaring bunga ng isang magandang
karanasan, kasiyahan sa isang pagtatagpo, o di kaya'y isang panakip o pagtatago ng
pagkapahiya sa isang usapan.

Mga Kilos ng Katawan


Sa karamihan ng mga komunikasyong di-berbal na ginagamit sa pakikipagtalastasan,
pinakapamilyar ang mga kilos ng katawan gaya ng: pagtingin, ekspresyon ng
mukha, kumpas ng kamay, at tindig. Kinesiks ang tawag sa pag-aaral at
pagpapakahulugan ng galaw ng katawan.
Pagtingin
Ang pagtingin o pagtitig ay ang paraan kung paano natin pinagmamasdan
ang kausap. Maraming tungkuling ginagampanan ang pagtingin sa ating
pakikipagtalastasan. Ang pagtingin nang diretso ay maaaring pagpapakita ng interes o
pagbibigay ng atensyon sa kausap. Maaari ring sa pamamagitan ng pagtingin ay

23
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

masasalamin natin ang sinseridad o kagandahang loob ng tao. Makikita rin sa paraan
ng pagtingin ang iba't ibang uri ng

24
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

emosyon gaya ng pagmamahal, pagkatakot, o pagkagalit. Inilalarawan natin ang


mga taong nagmamahalan na malalagkit ang tingin; mayroong patraydor kung
tumingin; ayaw natin ng tinging nanunukat; mayroon din tayong tinatawag na ligaw
tingin; naghahangad na tingin; takaw-tingin; at nakakatunaw na tingin.
Ang dalas ng pagtitinginan ay nagkakaiba-iba ayon sa kung sino ang ating kausap
at ayon sa konteksto ng usapan. Bagama't gawi na ng mga tao ang magtinginan
habang nag-uusap, lumalabas sa ilang pag-aaral na humigit-kumulang 40 bahagdan
lamang ang itinatagal sa pagtingin ng nagsasalita, samantalang ang mga tagapakinig
ay 70 bahagdan (Knapp at Hall, 1992).

Ekspresyon ng Mukha
Ang ating mukha ay nagtataglay ng tatlong set ng mga kalamnan (muscles)
na nagkokontrol sa mga kilos at galaw ng mga bahagi nito. Ang mga kalamnan sa
noo ang nagpapakilos sa ating mga mata, kilay, at ilong; ang mga kalamnan sa mga
pisngi at bibig, at sa baba. Nagagawang maihatid ng ekspresyon ng mukha ang
anim na batayang emosyon ng tao gaya ng kasiyahan, pagkalungkot, pagkagulat,
pagkatakot, at pagkainis (Eksman at Friesen, 1975).

Galaw ng mga Braso at Kamay


Ang pagkaway ay pinakagamiting galaw ng kamay at braso. Ang kilos na ito'y
maaaring bunga ng ating pagnanais na maipaabot sa mga taong malayo sa atin ang
iba-ibang mensahe gaya ng: "Sige, paalam," "Umalis ka na," "Halika rito," at
marami pang iba. Pinagagalaw natin ang ating mga kamay, braso, at mga daliri
kung may nais tayong ilarawan o bigyang-diin. Kapag sinabi ng tao ang ganito, "Siguro
mga ganito kataas" o "Mga ganito kahaba o kabilog," nakatitiyak tayong may kasama
itong kilos o galaw ng kamay.
Tikas o Tindig
Ang tikas o pagtindig ay ang posisyon at paggalaw ng katawan. Maraming
pagpapakahulugan ang maibibigay natin kung "babasahin" ang iba-ibang posisyon o
kilos ng iba pang bahagi ng katawan. Halimbawa, ang pagtayo nang patingkayad ay
nangangahulugang may gusto kang abutin; ang biglang pagtalikod sa kausap ay
maaaring pakahulugan ng kawalang-galang; ang taong hukot at bagsak ang balikat
ay maaaring kinakabahan o natatakot. May mga lalaking nakatikwas ang dibdib kapag
naglalakad at mayroon ding parang hari kung lumakad. Ano ang ipinahihiwatig ng
ganitong paraan ng paglalakad?

Ang mga Kilos ng Katawan at Gamit Nito sa Komunikasyon


1. Ang mga kilos ng katawan ay maaaring pamalit o kumatawan sa mga salita o parirala. Maaari
tayong makabuo ng isang talaan ng mga sagisag (di-berbal na mga simbolo na
kumakatawa sa mga salita) na karaniwang ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Halimbawa, ang nakatikom na mga daliri at nakaturo sa langit ang hinlalaki ay
25
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

nangangahulugang "ayos

26
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

ang lahat o okey," kapag ipinormang letrang V ang dalawang daliri ay nangangahulugan
ito ng peace o victory, ang pag-iling ng ulo ay "pag-ayaw o sagot na hindi," ang
pagtango ay sagot na oo;" ang pagkibit ng balikat ay maaaring pakahulugan ng
"Siguro," "Wala akong pakialam,"
"Hindi ko alam."
Sa ilang pagkakataon o konteksto, ang mga kilos ay itinuturing na anyo ng
wikas sa kanyang sarili gaya ng sign language na ginagamit ng mga pipi at bingi.
2. Ang mga kilos ng katawan ay maaaring paglalarawan sa mga nais na pakahulugan ng tagapagsalita.
> upang bigyang-diin ang isang pahayag. Maaaring pasuntok na pukpukin ng
isang nagsasalita ang mesa habang sinasabi, "Huwag ninyo akong subukin."
> upang ipakita ang daloy o direksyon ng isang kaisipan. Maaaring pagalawin ng
isang guro ang kanyang kamay sa direksyong kaliwa pakanan kapag sinasabi
niyang "Ang pagbasa ay nagsimula sa direksyong kaliwa-pakanan."
> upang ihimaton ang isang lugar o posisyon. Maaaring sabihin at sabay turo
ng? upang ilarawan ang isang bagay o pook. Maaaring gamitin ang mga kamay
habang sinasabi mong
"Humigit-kumulang ganito kataas ang mesang aking ipinagagawa."
3. Naipakikita ng mga kilos ng katawan ang mga ekspresyong berbal hinggil sa mga damdamin.
Halimbawa, hindi mo maiwasang mapangiwi sa sakit kung natalisod ka sa isang
malaking bato habang naglalakad.
4. Nagagamit ang mga kilos ng katawan upang kontrolin ang daloy ng usapan. Ginagamit
natin ang pagbabago ng tingin, bahagyang galaw ng ulo, pagbabago ng tindig,
pagtaas ng kilay at pagtango upang ipahiwatig sa ating kausap kung kailangang
ipagpatuloy, ulitin, linawin, tapusin ang kanyang sinasabi. Nagagawa ng isang mahusay
na tagapagsalita na maiangkop ang kanyang sinasabi at paano niya ito sasabihin ayon
sa mga kilos ng katawan na ipinakikit ng kanyang kausap.

Ang Paralanguage
Ano ang paralanguage? Ito ay ang di-berbal na "tunog" na ating naririnig at
nagsasaad kung paano sinasabi ang isang bagay. Ang paralanguage ay binubuo ng pitch,
bolyum, bilis at kalidad ng tinig kapag tayo ay nagsasalita. Magagawa ng isang
taong mapunan, madagdagan, o di kaya'y mapabulaanan ang pagpapakahulugan hatid
ng mensahe kung kokontrolin niya ang apat na katangiang ito ng tinig sa
pagsasalita.
Ang pitch ay ang pagtaas o pagbaba ng tono. Ang ganitong katangian ng tinig
sa pagsasalita ay karaniwang inaangkop kung sino ang ating kausap.
Ang bolyum ay paglakas o paghina ng boses. May mga tao na likasna malakas
ang boses sa pagsasalita ngunit mayroon din namang malumanay kung nagsasalita.
Nagtataglay

27
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

ka man ng malakas o mahinang boses, nagagawa ng taong maiangkop ang bolyum


ng kanyang boses ayon sa sitwasyon o tapik ng talakayan.
Ang bilis ay ang tulin o dalas ng pagsasalita ng tao. Nagiging mabilis ang
pagsasalita ng isang tao kung sila ay masaya, natatakot, ninenerbiyos, o nagagalit.
Ang kalidad ay ang klase ng boses sa pagsasalita. Ang bawat tao ay may
sariling taginting ng boses kapag nagsasalita; may matinis ang boses; may malagong
na boses, may paos na boses, may malamig na boses, may boses ipis, may boses
palaka, at may malamyos na boses.

Ang Paghaharap ng Sarili


Nagiging lubos ang pagkilala natin sa ibang tao sa pamamagitan ng kanyang
pananamit, pag-aayos sa sarili, at kung paano niya pinahahalagahan ang oras o panahon.

Pananamit at Pag-aayos ng Sarili. Mapapansin na ang ating pananamit at kung paano


tayo nag-aayos ng sarili ay may malaking epekto sa leybel na ikinakapit ng ibang
tao sa atin - disente o hindi disente. Na ang ibig sabihin, mas madaling sabihin kung
disente o hindi disente ang isang tao lalo na ang mga babae batay lamang sa suot na
damit. Ganoon din sa paggamit ng kolorete at make-up - mas disente sa tingin ng
maraming tao ang babaeng walang make-up kaysa iyong may make-up.

Katatagan. Ang katatagan ay tumutukoy sa ipinakikitang tiwala sa sarili ng isang tao sa


lahat ng pagkakataon. May mga pag-aaral na nagsasabi na 20 bahagdan ng
populasyon ang nagpapakita ng pagkabahala at pagkatakot kung may kaharap na
ibang tao o dayuhan, kung pagsasalitain sa harap ng maraming tao lalo na kung
pagsasalitain pa sa publiko (Richmond at McCroskey, 1989). Ang kahandaan sa
paksa ay nakapagpapawala ng pagkatakot at nakapagbibigay sa nagsasalita ng tiwala
sa sarili. Kailangan ang masigasig na pagsasanay upang magkaroon ng lakas ng loob sa
pagsasalita ang isang tao kahit kanino at kahit saan man.

Oras at Panahon. Mahalaga ang oras at panahon sa pakikipagtipan sa isang


mahalagang pag-uusapan. Sinasabing Filipino time ang tawag sa hindi marunong
sumunod sa itinakdang oras ng pakikipag-usap. Paano kung halimbawa'y may
kakaibang oryentasyon sa oras at panahon ang ating kakausapin o tatagpuin?
Maaaring marami nga tayong oras na pwedeng aksayahin, pero hindi maganda ang
ganitong pag-uugali lalo na't maraming pinagkakaabalahan ang ating kakausapin o
tatagpuin at walang sapat na oras o panahon para sa paghihintay.

28
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

Ang Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika


Ang Mga Batang Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika
Sa mga talakayan sa larangan ng pagtuturo ng wika, maging Filipino o Ingles
man, palagi nang nakasentro ang usapan sa mga guro ng wika at kung paano sila
nagtuturo. Mayroon ngang banggit tungkol sa mga mag-aaral subalit mga palipad
hangin lamang. Sa katunayan, mas mahalagang isipin muna natin ang tungkol sa mga
batang ating tinuturuan:
> Sino sila?
> Saan sila galing?
> Ano ang alam nila?
> Ano-anong mga motibasyon nila sa pag-aaral ng wika?
> Ano ang palagay nila sa wikang Filipino?
> Paano sila natututo ng wika?
Samakatuwid, ang simula ng lahat ng pagsisikap sa pagtuturo ng Filipino sa ating
mga paaralan ay ang pag-unawa sa kalikasan at pagkakaiba-iba ng mga bata sa
paaralan, pati na ang pagkakaroon ng kaalaman at lubusang pang-unawa kung
paano natutuhan ang wika, una o pangalawang wika man at ang mga proseso sa
pagkatuto nito.
Napaniwala tayo ng popular na kaalaman na mas madaling matuto ng
pangalawang wika ang mga bata kaysa may edad nang mag-aaral. Sa mga ganitong
paniniwala, nararapat lamang ang ilang kwalipikasyon.
Una, hindi totoong mas madaling matuto ng pangalawang wika ang mga bata.
May mga patunay na marami rin silang mga pagsisikap na ginagawa upang
matutuhan ang kanilang una at pangalawang wika (Brown, 1994). Ang kaibhan sa
pagkatuto ng wika sa pagitan ng mga bata at may edad na mag-aaral ay nakabatay
sa likas at natural na paraan ng pagsasalita ng mga bata at kalimitang hindi nila
binibigyang pansin ang anyo ng wikang sasabihin. Samantalang sa isang may edad na
nag-aaral ng wika, tahasang binibigyan niya ng pokus ang salitang bibigkasin at
pinag-iisipang mabuti ang anyo ng wikang kanyang sasalitain.
Ikalawa, may mga pag-aaral na nagsasabi na ang may edad ay may higit na
kakayahan sa pagtatamo ng pangalawang wika. Magagawa nilang makapagsaulo ng
higit na maraming talasalitaan kaysa sa mga bata. Maaari silang gumamit ng mga
prosesong deduktibo at abstraksyon sa pag-aaral ng balarila at iba pang konseptong
panlinggwistika kaya sa kabila ng otomatikong pagpoprosesong ginagamit ng mga bata
sa pagtatamo ng wika, maaaring magkaroon sila ng problema sa pag-aaral ng
pangalawang wika.
Ikatlo, hindi malinaw ang hangganan ng edad ng mga batang bago pa
lamang nag-aaral magsalita sa mga batang pre-pubescent. Lumilitaw sa maraming
pagkakataon na may mga batang totoong hirap sa pagtatamo ng pangalawang wika
dahil sa maraming kadahilanan. Pangunahin sa mga kadahilanan ay may kinalaman sa

29
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

mga salik na personal, sosyal, kultural at politikal.


Ang pagtuturo ng wika sa mga bata ay hindi basta nagaganap sa
pamamagitan ng pagbibigay ng maraming karanasang pangwika sa loob ng klasrum.
Kailangan ng guro ng

21
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika 0
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

tanging kasanayan at intwisyon na kaiba kung may edad na mga mag-aaral ang tuturuan
niya.
Inilahad sa ibaba ang limang kategorya na may kinalaman sa paglaki at pag-unlad
ng mga mag-aaral na maaaring makatulong sa guro sa pagpili ng mga praktikal na
teknik at estratehiya sa pagtuturo ng wika.
1. Intelektwal na Pag-unlad
Dahil sa ang mga bata (humigit kumulang hanggang edad labinsiyam) sa
ganitong edad ay nasa yugto pa ring ng tinatawag ni Piaget na concrete operations,
dapat lamang na isaalang- alang ang kanilang mga limitasyon. Ang mga tuntunin at
mga paliwanag tungkol sa wika ay kailangang gamitin nang may ibayong pag-
iingat. Hindi masyadong pinahahalagahan ng mga bata sa ganitong yugto ng
paglaki ang nosyon ng mga edad ng "kawastuhan" at lalong higit na hindi nila
mauunawaan ang mga pagpapaliwanag ng tungkol sa mga konseptong
panlinggwistika. Ilang mga tuntunin para sa mabisang pagkaklase:
> Iwasan ang paggamit ng mga teknikal na salita sa pagpapaliwanag ng
ilang kaalamang pambalarila (e.g. ponolohiya, morpema, at iba pa).
> Iwasan ang pagbibigay ng mga tuntunin na makalilito sa mga nag-aaral.
2. Tagal ng Pagkawili (Attention Span)
Isang kapansin-pansing kaibahan ng mga may edad sa mga bata ay ang tagal
ng panahon ng kanilang pagkawili. Mahalagang maunawaan ng guro ang kahulugan ng
tagal ng panahon ng pagkawili: Paupuin mo ang mga bata sa harapan ng TV na ang
palabas ay ang paborito nilang cartoon at asahan walang tatayo ni isa man sa kanila
hanggang hindi natatapos ang palabas. Kaya't hindi ka maaaring magbigay ng isang
paglalahat na maikli lamang ang tagal ng panahon ng pagkawili ng mga bata.
Mangyayari lamang ang maikling panahon ng pagkawili kung ang pagkaklase ay
nakasasawa at walang kabuhay-buhay. Dahil mahirap minsan ang paksang pinag-
aaralan sa wika, tungkulin mong gawin itong kawili-wili, buhay, at masaya. Paano mo
ito gagawin?
> Mag-isip ng mga gawaing may kagyat na kawilihan para sa mga bata.
> Maglahad ng mga makabago at iba't ibang gawain.
> Gawing buhay ang pagkaklase at huwag mabahala na mag-oober-akting dahil
kailangan ito ng mga bata para sila'y maging gising at listo.
> Tuklasin ang kiliti ng mga bata at gawin itong puhunan sa pagpapanatili ng
kanilang kawilihan.
> Isaalang-alang ang pagiging palatanong o kuryusidad ng mga bata
upang mapanatili ang kanilang kawilihan.
3. Pakilusin ang Iba't ibang Pandamdam (Sensory Input)
> Maglaan ng mga gawaing magpapakilos sa mga bata tulad ng role play at mga
laro.
> Gumamit ng iba't ibang kagamitang panturo na makatutulong sa pagpapatibay

21
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika 1
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

ng mga kaisipang natamo.


> Isaalang-alang din ang paggamit ng sariling mga non-verbal language.

21
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika 2
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

4. Mga Salik na Apektib (Affective Factors)


> Iparamdam sa mga mag-aaral na natural lamang na makagagawa sila
ng pagkakamali sa pagsasalita, pagbabasa, at pagsulat habang nag-aaral ng isang
wika.
> Maging mapagpaumanhin at ibigay ang lahat ng suporta upang magkaroon
ng tiwala sa sarili ang bawat mag-aaral, ngunit maging matiyak sa mga inaasahang
matatamo ng iyong mag-aaral.
> Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita mula sa mga mag-aaral lalo't
higit iyon mga tahimik sa klase upang mabigyan sila ng maraming pagkakataon na
subukin ang iba't ibang gawain sa pag-aaral ng wika.
5. Awtentiko, Makabuluhang Wika
> Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi awtentiko at di makahulugan.
Magaling ang mga bata sa paghalata ng wikang di awtentiko; dahil dito, iwasan
hangga't maaari ang mga de kahon o di natural na paggamit ng wika.
> Ang mga pangangailangang pangwika ng mga mag-aaral ay kailangang
nakapaloob sa isang konteksto. Gumamit ng mga kwento, sitwasyon, mga tauhan,
at mga usapang pamilyar sa karanasan ng mga mag-aaral upang mapanatili ang
kanilang atensyon at mapatatag ang kanilang retensyon.
> Iwasan ang paghahati-hati ng wika sa maliliit nitong mga sangkap dahil
mahihirapan ang mga batang makita ang kabuuan nito. Bigyang-diin din ang pag-
uugnayan ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
Ang Mga May Edad na Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika
Bagama't maraming "tuntunin" sa pagtuturo ng mga bata na maaaring ilapat kung
may edad na mag-aaral ang tuturuan, dapat pa ring alalahanin na maraming
pagkakaiba ang dalawang pangkat na ito ng mag-aaral na kailangang alam ng
isang guro. Mas higit ang kakayahang kognitibo ng mga may edad kaysa mga
batang mag-aaral kaya't maaaring mas magiging matagumpay sila sa ilang mga
gawaing pangwika sa loob ng klasrum. Mapagagalaw nila nang mabisa ang
kanilang mga pandamdam ("imahinasyon" sa pagsamyo ng bulaklak vs. totoong
pag-amoy ng bulaklak) na hindi pa kaya ng mga bata. Maaaring pareho ang antas ng
kanilang pagiging mahiyain pero higit na may tiwala sa sarili ang mga may-edad na
mag-aaral. Kung may limang salik na isinasaalang-alang sa pagtuturo ng wika sa
mga bata, mayroon ding mga mungkahing dapat isaalang-alang kung may edad na
mag-aaral ang tuturuan.
1. May kakayahan na ang mga may edad sa pag-unawa ng mga konsepto at
mga tuntuning mahirap unawain pero kailangan pa rin ang pag-iingat. Maaaring
kainisan ng mga ito ang masyadong mahirap at masyadong madali na paglalahat at
tuluyan silang mawalan ng interes sa pag-aaral.
2. Maaaring mahaba ang kanilang panahon ng pagkawili subalit ang mga gawaing
maikli at ayon sa kanilang interes ay hindi dapat kaligtaan.

21
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika 3
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

3. Hangga't maaari'y gisingin ang lahat nilang mga pandamdam upang ang
klase'y maging masigla at laging buhay.

21
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika 4
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

4. May taglay rin silang kaunting tiwala sa sarili kaya't hindi masyadong kritikal ang
kanilang pagiging maramdamin. Subalit hindi dapat iwaksi ang mga salik emosyunal na
kaugnay ng kanilang pag-aaral ng wika.

Mga Yugto sa Pagkatuto ng Wika


Unang Yugto: Pasumala (Random)
Sa yugtong ito, ang mga bata ay lumilikha ng mga tunog na kakailanganin
nila sa pagsasalita sa mga darating na araw.Kasama sa mga likhang tunog na ito ay
iyong bunga ng kanilang vocalizing, cooing, gurgling, at babbling. Ang mga tunog na
nililikha ng mga bata ay marami at iba-iba at ito'y tinatanaw ng mga matatanda
bilang mga ponema (pinakamaliit na yunit ng tunog sa pagsasalita). Karaniwan nang
ang babbling ng mga bata ay binubuo ng magkakalapit na tunog ng katinig-patinig
gaya ng Ma Ma Ma o Da Da Da. Tinatanaw ng maraming magulang na ang mga ito'y
nangangahulugan ng Mama at Daddy dahil para sa kanilang sarili, nakapagsasalita na ang
kanilang bunso. Uuulit-ulitin nila ang mga ito at bibigyan nila ng kaukulang atensyon at
gantimpala ang mga bata sa tuwing mabibigkas nila nang maayos ang mga tunog na
kanilang ipinaririnig. Ang mga ginagayang pagbigkas at pagsasalita ay karaniwang
tinatawag na echoic speech.

Ikalawang Yugto: Unitary


Sa yugtong unitary, patuloy na lumilikha ng maliliit na yunit ng tunog ang mga
bata na limitado sa isang pantig. Ang haba ng pagsasalita o likhang tunog ay naaayon
sa kalikasan ng pag-unlad na pisikal at pagkontrol sa paggamit ng kanilang mekanismo
sa pagsasalita sapagkat ang mga proseso ng paglinang ng wika at paggulang
(maturation) ay magkasabay na nagaganap.
Halimbawa, ang batang isang taong gulang ay limitado lamang sa pagbigkas ng isang
salita
na maaari niyang ulit-ulitin. At karaniwang ang isang salita na kanilang binibigkas
ay pagpapahayag ng iba't ibang kaisipan. Halimbawa: Ang "sali" ay maaaring
mangahulugang "Sali ako" o "Sali ikaw." Ang paggamit ng mga bata ng isang salita
upang magpahayag ng mga ideya ay tinatawag na holophrastic speech.

Ikatlong Yugto: Ekspansyon at Delimitasyon


Sa yugto ng ekspansyon at delimitasyon, ang pagsasalita ay umuunlad mula
isahan o dalawahang pagsasalita hanggang sa maging katulad na ito ng pagsasalita ng
matanda. Humigit-kumulang, sa edad na 18 hanggang 20 buwan, lumalabas na ang
kanilang dalawahang salita. Ang mga salitang gamit dito ay may dalawang klase.
Ang una ay tinatawag na pivot class na kalimita'y maikli, at ito iyong malimit nilang
bigkasin at maaaring nasa una o ikalawang posisyon. Ang posisyon ay iyong
kinalalagyan ng salita sa isang pangungusap. Ang ikalawa ay iyong isa pang salita

21
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika 5
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

at tinatawag itong open class. Halimbawa: "Kain baby," "Kain Mommy," "Kain ato"
(Kain ang pivot word). Sa mga halimbawang "Tuya alit," "Mommy alit," "Daddy alit," alit
(alis) ang pivot word at mapapansing

21
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika 6
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

ito ay nasa ikalawang posisyon. Ilan sa mga dalawahang salitang pagsasalita ay


maaaring magtaglay ng maraming kahulugan ayon na rin sa layunin ng pagsasalita.
Halimbawa, ang "Mommy raro" ay maaaring pakahulugan ng "Naglalaro si Mommy" o
"Gusto kong makalaro si Mommy."

Ikaapat na Yugto: Kamalayang Istruktural


Upang mailahad nang mahusay ng mga bata ang kanilang papaunlad at
paparaming mga abstraktong ideya at mga damdamin, kailangang makarating sila
sa yugtong kamalayang istruktural. Ito'y mahalaga upang makabuo sila ng mga
paglalahat at matuklasan nila ang hulwaran at kaayusan sa pagsasalita. Habang
patuloy na nagiging komplikado ang kanilang pagsasalita, magagawa nilang magkamali
dahil bumubuo sila ng sarling paglalahat na kung minsan ay hindi pinapansin ang mga
eksepsyon. Halimbawa: "nikain" vs. "kinain."

Ikalimang Yugto: Otomatik


Sa yugtong ito, ang bata'y nakapagsasabi ng mga pangungusap na may
wastong pagbabalarila kaya magagawa na nilang maipahayag ang kanilang ideya
at damdamin kagaya ng mga matatandang tagapagsalita ng wika. Ang mga batang
nasa yugtong ito ay may kahandaan na sa pagpasok sa kindergarten.

Ikaanim na Yugto: Malikhain


Sa yugtong ito, nagagawa ng mga bata na mag-imbento o lumikha ng sarili nilang
wika. Bagama't ang mga pariralang gamit ay mga dati nang naririnig, nagkakaroon sila
ng lakas ng loob dahil nagagawa na nilang masalita ang ginagamit ng kanilang mga
kaibigan at mga tao sa paligid.
Sa mga talakay sa itaas, malalagom na ang mga bata ay natututo ng wika
sa pamamagitan ng 1)pag-uugnay (pagtatambal ng tunay na bagay sa tunog ng
salita), 2) pagpapatibay (anumang positibong papuri na gaganyak sa isang bata
upang ulitin ang anumang tugon), 3) panggagaya (paggagad sa anumang tunog na
narinig sa matatanda), at 4) elaborasyon (pagpapalawak ng isang salita upang
makabuo ng pangungusap).

SANGGUNIAN:
Badayos, Paquito B. 2008. Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino: Mga
Teorya, Simulain, at Istratehiya. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Bernales, Rolando A., et al. 2009. Mabisang Komunikasyon sa Wikang Pang-akademiko.


Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Paz, Consuelo J., Hernandez, Viveca V.,& Peneyra, Irma U. 2003. Ang Pag-aaral ng

30
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

Wika. Quezon City: The University of the Philippines Press.

30
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021
Adaptive Community for the Continuity of Education and Student Services National
Teachers College

Santiago, Alfonso O., & Tiangco, Norma G. 2003. Makabagong Balarilang


Filipino: Binagong Edisyon. Manila: Rex Book Store, Inc.

Villafuerte, Patrocinio V., at Bernales, Rolando A. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino:


Mga Teorya at Praktika. Valenzuela City: Mega-Jesta Prints, Inc.

30
FIL 101 - Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Ikalawang Semestre, SY 2020-2021

You might also like