You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

MINDANAO STATE UNIVERSITY


KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
Departamento ng Filipino
Brgy. Fatima, Lungsod ng Heneral Santos
________________________________________________________________

MGA KALAKARAN SA PAG-AARAL


A. Disiplinal na Lapit
1. Linggwistika (Gramatika)
2. Pragmatiks
(Pagpapakahulugan)
3. Semiyotika (Senyas, Simbolo)
4. Semantika (Kahulugan)

Ipinasa Nina:

Lilian Nuñez

Hardelyn Pyang

Regine Sanchez

Rhea Mae Donaire

Suraima Sidney Alman

Ipinasa Kay:
Ma’am Angeles E. Ysmael

2019
LAYUNIN:

1. Maipahayag ang kahulugan, kasaysayan at kahalagahan ng


sumusunod na mga disiplinal na lapit
2. Mailarawan ang kabuluhan ng mga disiplinal na lapit

GAWAIN:

Magkakaroon ng tatlong grupo at ang bawat grupo ay bibigyan ng papel na


naglalaman ng salita at siyang magsisilbing batayan nila sa kanilang
gagawing dula. Bibigyan ang bawat pangkat ng sampung minuto para
makapag-usap at makapaghanda sa kanilang drama.

PAGPUPUNTOS

Criteria Puntos

Sistematiko 10

Malikhain 10

Kaisahan ng Grupo 5

Kabuoan 25
DISIPLINAL NA LAPIT

Kung ang Lapit-interdisiplinaryo ay patungkol sa kombinasyon ng isang


disiplina sa isang disiplina, ang disiplinal na lapit naman ay nakapokus
lamang sa iisang disiplina.

Ibig sabihin makakatayo mag-isa ang disiplina bunsod sa mahabang


kasaysayan, tradisyon at diskurso nito. Hindi naman ibig sabihin hindi
makakatayo mag-isa ang larangan, subalit dahil bukas ito kailangan itong
tindigan ng iba’t-ibang iskolar at iba’t-ibang aralin at paksain upang higit
na yumabong ang produksyon ng kaalaman.

Ang paksa ang hangganan, bakod at mismong limitasyon ng isang


disiplina.

Halimbawa:

Agronomiya na kung saan ito ay ang pag-aaral ng lupa kaugnay na kung


paano nito naaapektuhan ang paglaki ng mga halaman.

Alamat na kung saan ito ay isang uri ng kwentong-bayan at panitikan na


nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.

Isa pang halimbawa ay ang wika na kung saan nakapaloob na rito ang
sangay ng wika sa isang disiplina.

etimolohioya Dila

Salita

Diyalekto/
WIKA
Inang-wika Dayalek

Punto

Lingua
Franca Lingguwistika
LINGGUWISTIKA (GRAMATIKA)

Ang Lingguwistika ay nagmula sa salitang “Lenggwahe” na hiniram


natin sa latin na ang ibig sabihin ay dila. Tinuring itong gamit ng dila sa
kadahilanang ito ang pangunahing kasangkapan ng mga tao sa pagsasalita
o pakikipagkomunikasyon. Magiging mababaw ang pagpapakahulugan sa
Lingguwistika kung tanging teorya lamang ang pinagbabasehan. Ang
Lingguwistika ay hindi lang umiikot sa teorya bagkus ito ay patungkol sa
makaagham na pag-aaral na kung saan ito ay nakararanas ng “step by step
process” na pag-aaral.

Ayon kay Consuelo J. Paz, ang Lingguwistika ay ang sayantipik na


pag-aaral ng mga wika ng tao. Ayon naman kay Gloria V. Miano, ang
Lingguwistika na ang kahulugan ay makaagham na pag-aaral ng wika ay
maituturing na isang bahagi ng liwanag na magsisilbing patnubay sa pag-
unawa sa mga masalimuot at kahanga-hangang kapangyarihan ng wika.

Ayon sa aklat na ANG WIKA, LINGGWISTIKA AT KOMUNI-KASYON


SA ASPEKTO NG PAKIKINIG AT PAGSASALITA, pinag-aaralan at sinusuri
sa Linggwistika ang istruktura, katangian, pag-unlad at iba pang bagay na
may kaugnay sa isang wika at ang relasyon nito sa iba pang wika.

Ang mga linggwista ay mga propesyonal na may higit na interes sa


pag-aaral ng wika, kung paano ito ginagamit, nagkakatulad at nagbabago
kasabay ng panahon o ng kultura ng sangkatauhan. Sinisiyasat nila ang
pagbuo ng mga modelo upang lubos pang maunawaan ang mga prosesong
may kaugnay nito. Para sa kanila, ang pananalita ay sanga-sangang
palaisipan, kaya naman hinimay himay nila ang mga ito sa mga aspeto, ang
ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod;

Una ay ang Estruktura na kung saan ay nakapaloob dito ang masistemang


balangkas ng pinagsama-samang tunog. Ang Ponema ay tumutukoy sa
makabuluhang tunog ng mga titik. Samantala, ang Morpema naman ay
tumutukoy sa pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan.
Ang Sintaks naman ay ang pag-aaral ng estruktura ng isang pangungusap
at pagsasaayos ng mga salita upang makabuo ng isang makabuluhang
pangungusap habang ang Semantiks ay tumutukoy sa kahulugan ng mga
salita at mga pangungusap.

Sa kabilang banda, ang isang polyglot naman ay isang tao na may


kakayahang magsalita, sumulat, gumamit at umintindi ng iba’t-ibang
lenggwahe. Sa kabilang banda, hindi lahat ng polyglot ay linggwista- gaya
ng hindi lahat ng linggwista ay polyglot. Gayunpaman, mariin pa ring
inererekomenda sa mga linggwista ang pag-aaral ng higit sa iisang wika.
Pangalawa, Pagpapaunlad ng Wika at bagay na may kaugnayan sa Wika

- walang halaga ang estruktura ng Wika kung obligado lang tayo.

Pangatlo, Relasyon ng Wikang ito sa iba pang Wika

- pag-aaral ng kultura at lipunan ay parte ng Lingguwistika o maagham na


paraan.

Mga Teologo Theologians)

 Sa kanila nagbuhat ang mga unang sagot sa mga gayong katanungan.


Sinasabing nilikha ng Diyos ang wika.
 Sinasabing ang pagkakaroon ng iba’t-ibang wika sa daigdig ay parusa ng
Diyos sa pagmamalabis ng tao
 Subalit ang mga palaaral nang unang panahon, tulad nina Plato at Socrates,
ay hindi nasiyahan sa mga ganong paliwanag ng simbahan.
 Nagsimula silang maglimi tungkol sa wika.
 Sa kanilang mga sinulat ay mababakas ang kanilang halos walang
katapusang pagtatalu-talo tungkol sa pinagmulan at kakanyahan ng wika.
 Sinasabing ang kinikilalang kauna-unahan sa larangan ng Lingguwistika ay
ang Mambabalarilang Hindu.

Kahulugan ng Linggwistika ayon kay Dr. Cecilio Lopez


Ang linggwistika ay ang pagsasaalang-alang at paggamit ng mga
maagham na paraan sa pag-aaral at pagsusuri ng wika.
Maagham na paraan sa pagtuklas ng impormasyon at kaalaman tungkol sa
wika.

Ang maagham na paraan ay nagdaraan sa hindi kukulangin sa


limang proseso tulad ng mga sumusunod:

Una, may proseso ng pagmamasid makikinig, magbabasa, hanggang masid


lang, huwag gayahin agad-agad. Kailangang di nakukulayan ng emosyon.

Pangalawa, proseso ng pagtatanong, inquiry o imbestigasyon. Gumagawa


ng SOP.

Pangatlo, proseso ng klasipikasyon, maisaayos ang bunga ng Pananaliksik.


Magkakaroon ng interpretasyon.

Pang-apat, Generalization (Paglalahad), bumuo ka sa nasabing abstrak


- Ang anumang paglalahat, hipotesis, teorya at prinsipyo, mga tuntunin o
batasbna nabuo ng isang linggwista ay kailangang patulo na mapailalim sa
pagsubok upang ma modipika o marebisa kung kailangan.
Panglima, Proseso ng pagbibigay konklusyon.

Panghuli, Proseso sa pagverifika at pagrebisa


- Ang proseso ng pagklasipika ay dapat humantong sa pagbuo ng nasabing
mga abstraksyon ayon sa naging resulta o kinalabasan ng obserbasyon at
pagsusuring isinagaww sa mga datos.

Katangian ng panlinggwistikang pag-aaral ng wika.


 Synchronic at Diachronic

1) Sinkronikong Lingguwistika
 Ito ay tinatawag ring “Descriptive Linguistics” sa Ingles.
 Ito ang sangay ng lingguwistika na naglalarawan sa wika sa
isang partikular na panahon.
Nagmula sa salitang “syn” na ang ibig sabihin ay at the same at
chronic na ang ibig sabihin ay time. Kapag pinagsama ang
dalawa, ito ay nangangahulugang at the same time.

3 Aspekto ng Singkronikong Lingguwistika

 Ponolohiya – pag-aaral ng tunog ng isang wika.

 Morpolohiya – pag-aaral sa morpema o ang pinakamaliit na yunit ng


tunog na may kahulugan.

 Sintaks – sangay ng balarila na tumatalakay sa masistemang


pagkakaayus-ayos ng mga salita sa pangungusap.

2) Dayakronikong lingguwistiks
Ito ay nagsimula sa salitang, “Dia”, na ang ibig sabihin ay
“through” at chronic na ang ibig sabihin ay “time”. Kapag
pinagsama ang dalawa, ito ay nangangahulugang through time.
Ang pag-aaral ng mga pagbabago sa isang wika sa loob ng
maraming taon ay ang paksa ng diachronic or historical
linguistics. Samakatuwid, tinitingnan ng mga historical linguist
ang ebolusyon ng isang wika.

Ponolohiya- pag-aaral ng ponema, juncture, pitch at marami pang iba.

Istraktyur- Ponema, morpema, sintaks, semantiks at pragmatiks

Leksikon- paraan ng pagsasalita o vocabulary ng wika


PRAGMATIKS (PAGPAPAKAHULUGAN)

Ang Pragmatiks ay isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan


bilang pag-aaral ng ugnayan ng mga anyong lingguwistiko at mga
gumagamit nito. Binibigyang-pansin dito ang gamit ng wika sa mga
kontekstong panlipunan gayundin kung paano lumilikha at nakauunawa ng
kahulugan ang tao sa pamamagitan ng wika.

Ang pragmatiks o pragmatika ay isang bahaging larangan ng


linggwistika na nag-aaral ng mga paraan kung paano nakapag-aambag ang
konteksto sa pagbibigay ng kahulugan sa wika o salita. Isa itong sangay ng
semiotika o semantika, ito ay ang pag-aaral mismo ng kahulugan ng wika.

Sa pakikipagtalastan, mahalagang maunawaan ang intensyon ng


nagsasalita dahil mahuhulaan ang mensahe nito nang tagapakinig.
Mahalaga ang kakayahang pragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo
nang pakikipagtalastasan, sapagkat nililinaw nito ang relasyon sa pagitan
ng intensyon ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan
nito.

Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang konsepto ng


speech act. Ito ay ang paggawa ng mga bagay gamit ang salita. Halimbawa
nito ay pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin, pangangako at iba pa.
May tatlong sangkap ang speech act.

1. Illocutionary Force – sadya o intensyonal na papel

2. Locution – anyong linggwistiko

3. Perlocution – epekto sa tagapakinig

Mga Halimbawa

1. Illocutionary Force – pakiusap, utos, pangako

2. Locution – patanong at pasalaysay

3. Perlocution – pagtugon sa hiling, pagbibigay atensyon

Sinasabing ang pragmatiks ay binubuo ng tatlong kasanayan sa


pagsasalita. Ito ang mga sumusunod:

 Paggamit ng wika para sa iba’t-ibang pamamaraan


Halimbawa:
Pagbati, pagbigay ng impormasyon, paghingi ng pahintulot at
pagsasabi ng pangako.
 Pagbabago o pag-aadjas sa gagamiting wika base sa
pangangailangan o inaasahan ng kausap
Halimbawa:
pakikipag-usap sa bata kaysa sa matanda; ang pagbigay ng
sapat na impormasyon sa isang di gasinong kakilala; ang lugar
kung saan makikipag-usap na iba sa klasrum kaysa sa
playgrawnd o palaruan o sa ibang lugar.

 Pagsunod sa panuntunan ng konbersasyon o narativ


Halimbawa:
pagkukuwento, pag-uulat hinggil sa aklat na binasa,
pagsasalaysay ng mga pangyayaring naganap sa buong
maghapon, pagbibigay ng daan para makapagsalita ng iba, pag-
iintrodus ng paksa, pagpokus sa paksa, pagpaparapreys upang
maintindihan. Mayroon ding panuntunan sa paggamit ng tama
o apropriyet na non-verbal na simbolo sa konversasyon;
halimbawa, ang distansya o espasyo ng nagsasalita at
tagapakinig, ang ekspresyon ng mukha at kontak ng mga mata.
Ang panuntunan ay maaaring magkaiba-iba dahil sa wika at
kultura.
SEMIYOTIKA (SENYAS, SIMBOLO)

Ang semiotika ay isang pormal at normatibong agham na kasangkot


sa paghahanap ng katotohanang masisiswalat sa pamamagitan ng
senyas/tanda/lagda/hudyat. HInahanap nito ang mga esensiyal na
kondisyon sa paggamit ng senyas. May tatlong sangay ito: gramatikang
semiotika na sumusuri sa kung paano naituturing ang anumang bagay
bilang senyas; lohikang kritikal na naglalahad ng pamantayan kung paano
natutuklasan ang katotohan sa hinuhang bbunga ng senyas; at retorikang
unibersal hinggil sa pagtatakda ng kondisyon sa komunikasyon at pag-
unlad ng senyas. (Parret 1994; De Waal and Skowronski 2012)

PAGKAKAIBA NG TEORYA NI SAUSSURE AT PEIRCE

FERDINAND DE SAUSSURE (1857-1913)

 Swiss linguist at semiotician


 Nagtatag ng semiotics. Ang pag-aaral ng semiotics ay tinatawag na
semiology.
 Tinaguriang Ama ng Modernong Linggwistika dahil sa mga nabuong
teorya niya tulad ng mga sumusunod:
1. Ideya ng wika bilang isang Sistema.
2. Ang likas na katangian ng linggwistikang “sign”.

MGA TEOYA NI SAUSSURE UKOL SA SIGN

Ayon kay Saussure, nabuo siyang kaisipan na may dalawang yunit ng


linguistics para maging dalawang bahagi ng pagkakakilanlan o identity.

Ito ay ang:

Konsepto – ang pagdama o perception sa isip; di- konkreto.


- Kahulugan o ideya

Sound Image- naglalahad ng imahen sa isip na may katumbas na tunog.


- Sound letter Combination.

LANGUE AT PAROLE

Isa sa mga nabuong teorya ni Saussure ay ang terminong Langue at


Parole. Ayon sa kanya, natural na sa atin ang pag iisip ang pagtutumbas sa
pagitan ng tunog at kahulugan na nagbubuo ng ating wika.

 Langue (French for “Language”)


 Di konkretong Sistema dahil sa natural na pag-iisip
base sa pinag-aralang sariling wika.
 Hal. “kwaderno” (Filipino/Espanyol)
“Notebook” (English)
 Parole (French for “speaking”)
Hal. Si Aling Nena sa tindahan pumunta.
*Pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena

SIGNIFIED AT SIGNIFIERS

Signified – ito ay naglalahad ng kahuluguhan o ideya. Sa madaling salita ito


ang konsepto.

Signifiers – ito ay naglalahad ng mga labels. Sa madaling salita, ito ang


Sound – Image.

SIGN

SIGNIFIED

SIGNIFIER
CHARLES SANDERS PEIRCE (1839-1914)

 Amerikanong dalubhasa sa pilosopiya’t agham.


 Imbentor ng “pragmatismo”
 Ama ng Modernong Semiyotika

“Ang buong katuturang intelektwal ng simbolo (ideya) ay binubuo ng lahat


ng uri ng kilos na makatwiran sa susunod kung tatanggapin ang simbolo
depende sa kondisiyon ng lahat na maaring kalagayan at kagustuhan na
pumapatnubay.

TATLONG SANGKAP O SALIK SA SIGNOS/ SENYAS NI PEIRCE

 Tanda/ Signos (Representamen)


 Bagay
 Nagbibigay – kahulugan (interpretant)

TATLUHANG PAGHAHATI NI PEIRCE SA BATAYAN NG SIGNOS AYON SA


KATEGORYA

*Pangunahin (Firstness)

Tumutukoy sa larangan ng kalidad, ng posibillidad, ng nadarama ng


sensibilidad.

Ang uri ng signos ay Qualisign, mga Icon na kahawig ng bagay, tanda


ng posibilidad/ pagkamaari (Rheme)

*Pangalawahin (Secondness)

Ito ay larangan ng aktuwalidad, in interaksiyon sa kapaligiran o


umiiral na bagay sa mundo kung saan nagkakalaman ang abstraktong
kalidad. Ito ang lugar ng mga datos, pangyayari, anumang pumipigil sa
ating nais o hangad.

Ang signos dito ay tinatawag na Sinsign, katumbas ay Index, na may


litaw na koneksiyon sa bagay na kinakatawan nito; ito ay tanda ng tunay na
eksistensiya ng mga bagay sa mundo (dicent)

*Pangatluhin (Thirdness)

Tumatalakay sa pangkalahatang huwaran, regulasyon o panuto na


siyang nag – uugnay sa dalawang unang kategorya: damdamin/ posibilidad
at katalagahang humahadlang o sumasalungat. Tumutukoy ito sa batas,
ugali, nakagawian, regularidad. Katumbas nito ang Legisign, simbolo o
sagisag ng kumbensiyonal na kilos. Ang interpretant nito ay tinaguriang
Argument.

SEMANTIKA (KAHULUGAN)

Ang Semantika ay tumatalakay kung paano nabibigyang kahulugan


ang mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o sa pahayag.

Ayon kay Gonzales (1992), ang semantika ay proseso ng pag-iisip,


kognisyon at konseptwalisasyon. Ang Semantika ay tumatalakay kung
paano nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito sa
pangungusap o sa pahayag.

Ayon kay Lydia Fer Gonzales, ang semantika ay itinuring na sentrong


daluyan ng iba’t-ibang larangan ng isipan at disiplina ng pag-aaral.

Ayon kay Tayag (2016), ang semantika ay pag-aaral kung paano


masusuri ang isang salita at mabibigyan ng pagpapakahulugan.

Ayon kay Gonzales(1992), ang semantika ay proseso ng pag-iisip,


kognisyon at konseptwalisasyon.

Konsepto o Mental Image

Ayon kay Linako (2015), sa tuwing iba ang tunog at antala ng sinasabi
natin ay nagbibigay ito ng ibang kahulugan para sa mga taong kausap
natin.

Binigyang kahulugan ni Odrada ang Diin at antala:

Tono - ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng


isang salita.

Halimbawa: Ikaw.

Ikaw?

Antala – Ito ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging


malinaw at mabisa ang kaisipang ipinahayag.

Halimbawa: Basahin at huminto kapag nakita ang /.

Hindi siya si Jomar//

Hindi/ siya si Jomar//

Hindi siya/ si Jomar//


Ayon sa aklat nina Cardenas, Austero et. Al tinukoy nila ang kahulugan ng
salita sa pamamagitan ng:

Kahulugang Konotasyon at Kahulugang Denostasyon

Denotatibo/Denotasyon – ito ay paraan ng pagpapakahulugan kapag ito


ay tumutukoy sa literal na konsepto ng isang bagay, tao, lugar at
pangyayari. Karaniwang makikita sa diksyunaryo ang ganitong uri ng
kahulugan.

Halimbawa;

Ahas- isang uri ng hayop naa makamandag ang kagat at pausad kung
lumakad.
Papel – manipis na bagay na sulatan o limbagan.
Ilaw – isang materyal na gamit na may liwanag.

Konotatibo/Konotasyon – ito ay paraan ng pagpappakahulugan kapag ito


ay nagtataglay ngbmga emosyon o pansoloobing pahiwatig subhektibo ang
ganitong paraan sa pagpapakahulugan o maaring kahulugan na hindi
hayag o may iniuugnay pang ibaang kahulugan.

Halimbawa:

Babae – kabit o kalaguyo


Ilaw – ina ng tahanan
Hangin o mahangin – kung sa tao ito ay pagiging isang mayabang.
TALASANGGUNIAN

Epifanio, San Juan Jr. Academia.edu. Pagpapakilala sa Semiotika ni

Charles Sanders Peirce: Kahulugan, Katuwika at Katotohanan. Date

retrieved: September 08, 2019.

Austero, Cecilia S., et al. (2009). Reserbado ang lahat ng Karapatan. UNLAD

Publishing House 200 C-INLAY, Pasig City.

Palero, Miguel. (2016). www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-konotasyon-

at-denotasyon.

Halliday, H. www.slideshare.net. Date Retrieved: September 09, 2019.

LINGGWISTIKA by Jessica Cristine Cacao on Prezi.

https://prezi.com/vr7mjitklrds/linggwistika/ (08-18-19)
https://www.coursehero.com/file/18105439/SEMANTIKA/

https://www.scribd.com/presentation/328135753/Pragmatiks

You might also like