You are on page 1of 4

Sa paglipas ng panahon, ang mundo ay patuloy na umuunlad, nagkakaroon ng mga

pagbabago at pagyakap sa makabagong teknolohiya na dulot ng kaalaman ng tao. Isa sa dulot


ng pag-unlad na ito ay ang pagkabuo ng Sosyal Media na siyang laganap na sa buong daigdig. At
sa kasabay ng pag-unlad na ito at ay ang pagyabong rin ng ating wika. Kahit saan man tayo
tumungo, kahit ano man ang ating gawin ay nagagamit natin ang wika. Ngunit dapat rin nating
pansinin na nagkakaroon din ng epekto ang mga ito sa ating sari-sariling kultura. Minsan pa
nga’y nakakalimutan na natin ang sarili nating kultura dahil sa lubos na pagtangkilik natin sa
Sosyal Media. Bagamat ganoon tumingin pa rin tayo sa magandang maiidudulot nito sa paglipas
ng mga panahon.
Ano ba ang kaugnayan ng wika sa kultura? Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura, ang
kultura ay nalilinang dahil sa wika at ang wika ay ang kultura mismo. Maari natin itong ituring
bilang batayang
gabay sa matibay
na kaugnayan
ng wika at kultura
bilang mabisang
kasangkapan
sa

pagtataguyod ng pagkakakilanlan nating mga Pilipino.


ANG UGNAYAN NG WIKA SA KULTURA AT LIPUNAN
Ayon kay Walt Whitman, ang wika ay hindi abstraktong nilikha ng mga nakapag-aral o ng
bumubuo ng diksyunaryo, kundi ito ay isang bagay na nalikha mula sa mga gawa,
pangangailangan, kaligayahan, panlasa ng mahabang talaan ng henerasyon ng lahi at
nagtataglay ito ng malawak na batayang makamasa (Peña et. al 2012).
Malinaw na ang wika ay nalilinang at napagtitibay sapagkat ang kultura ang nagbibigay
katuturan sa ipinapahayag na kaisipan ng wika. Ginagamit ang wika dahil ito ay daluyan ng
komunikasyon upang magpasimula ng isang tiyak na pagkilos o paggawa. Ito rin ay
pangangailangan ng tao sa pakikipag-ugnayan sapagkat siya ay itinuturing na may
pangangailangang sosyal.
Gayunpaman, maari ring sabihin na ang kultura ay nalilinang at napagtitibay din ng wika.
Binigyang kahulugan ni Virgilio Almario ang wika bilang katutubong halagahan o value para sa
marangal na buhay ng ating mga ninuno, isang dakilang pamantayang nararapat sundin
saanman at kailanman tungo sa wastong pakikipagkapuwa-tao, isang banal na tuntuning
kailangang tupdin upang hindi ‘maligaw ng landas’. Hindi mapasusubalian na ang ating sariling
wika ang siyang midyum na ginamit ng ating mga ninuno sa pagpapahayag ng mga itinakdang
batas at pamantayan sa lipunan pasalita man o pasulat. Sa batas ni Maragtas at Kalantiaw,
malinaw na nakapaloob sa kaisipang ipinapahayag ng wikang ginamit ang pamantayang itinakda
ng batas na ito na siya namang pinagbabatayan ng pamumuhay at pagkilos ng isang
mamamayang Pilipino sa lipunan na kaniyang kinabibilangan. Matagumpay ding naipabatid at
naipasa sa bawat henerasyon ang mga paniniwala at pamamaraang Pilipino bunga ng sabi-sabi
o‘word of mouth’.

Ang isang partikular na kaisipan na bahagi ng kultura ay ganap na nagiging bahagi ng kultura
kung ito ay naipakikilala at naitataguyod. Kung wala ang wika bilang panuluyan ng mga ideyang
bumubuo sa kultura tungo sa kaisipan ng mga tao sa isang lipunan ay magiging imposible ito.
Sapagkat ayon sa Encyclopedic Supplement, Living Webster Dictionary of the English Language,
ang mga ideya ay nabubuhay dahil sa wika, ito ay katulad ng pagbibigay-katawan sa kaluluwa
(Bernales et. al 2011). Kaugnay nito, maaring bigyang patotoo na may kakanyahan ang wika na
maging ina ng karunungan ayon kay Krank Kruas (Peña et. al 2012) Samakatuwid,
pinangatwiranan ng librong Social Dimensions of Education, ang pagkatuto ng isang kultura ay
sa pamamagitan ng wika. Mula dito ay nagkakaroon tayo ng kolektibong alaala tulad ng mga
alamat, pabula, salawikain at iba pa na naaayon sa ating kaalaman sa kultura, gayundin ang
pagsulat, sining, at kung anu-ano pang mga midya na humuhubog sa kamalayan at makapag-
ipon at makapagbahagi ng kaalaman
Ang wika ay ang kultura mismo. Kung pagbabatayan naman natin ang winika ng karakter na si
Simoun ng El Filibustersimo ni Dr. Jose Rizal na ang wika ay paraan ng pag-iisip ng tao,
samakatuwid tinatanggap natin na ang wika ay ang kultura mismo. Dahil nga ang kultura ay
pamamaraan ng pagkilos at pamumuhay ng isang tao ay nakabatay sa kaniyang pag-iisip, ito
ang pangunahing pinagmumulan ng kaisipan ng kultura. Paano nga ba magagamit ang wika
upang malinang ang pambansang kultura?
Ang wika ay may kakayahan upang sumisid sa pinakamalalim na kaalamang bayan, liparin ang
pinakamatayog na karanasan upang maibalik sa lupa at maipatalas ng ibayong talastasan at
praktikang panlipunan (Bernales, et al. 2011).
Ang ating wika ang nagkanlong at nagtago ng hiwaga, kasaysayan, at mayamang kaalaman ng
ating bayan kung saan nahubog ang katauhan ng ating lahi na bumubuo sa ating
pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. Nakapaloob sa kaalamang ito ang dakilang nagawa ng
magigiting nating mga ninuno. Sa paggamit ng wika ay mapagtitibay ang mga kaalamang ito sa
kaisipan na isang mabisang sangkap upang maiwaksi ang kolonisadong pag-iisip sapagkat
natatamnan ito dahil sa pagpapatibay ng pamamaraang Pilipino. Binigyang-diin nga ni Samuel
Johnson na ang wika ang nagdadamit sa ating kamalayan, samakatuwid ito ang magbibihis sa
atin ng pagkakakilanlan, ang magkakaloob ng isang tatak na siyang tatak ng ating lahi. Hindi
nagtatapos sa paglikha ng bagong pananaw ang paglilinang ng wikang Filipino tungo sa
paglinang din ng pambansang kultura tungo sa pagkakakilanlan, o hindi nga maaring sang-
ayunan pa ang paglikha lamang ng isang bago at wastong pananaw bagkus ang pagsasangkot ng
sariling wika sa pagkilos ng sariling dila.
Ang wika ay maari ring itulad sa isang pirasong papel na ang kabilang mukha ay ang kaisipan at
ang kabila ay ang tunog ayon kay Ferdinand de Saussure. Hindi maaring sa paggupit ng papel,
mahahati ang kaisipan at ang tunog. Anumang bahagi ng putol, magtataglay kapuwa ang mga
ito ng kaisipan at tunog. At ang pagtataglay ng wika na kaisipan at tunog ay kakanyahan nito
(Peña et. al 2012). Bigyan ng higit na pansin na ang kaisipan at tunog ay hindi mapaghihiwalay
sa wika. Kung nakapaloob sa wika ang kaisipan ng kultura at ang wika
ay mamumutawi sa ating dila, hindi ba’t mamumutawi rin naman ang kultura sa atin at sa
pagkaalam ng kultura ay matutukoy nati
n ang ating pagkakakilanlan? Kaya naman, nararapat na ang wikang Filipino ay higit na
nararapat maunawaan higit sa mababaw na pagkaunawa lamang upang nararapat na
magkaroon tayo ng kritikal na pag-unawa sa ating kultura. Walang anumang pagsasanay ang
makalilikha ng pinakamainam at pinaka-epektibong pagkatuto at pag-unawa ng isang wika kung
hindi ang mismong paggamit at pagpapadaloy nito sa sariling dila. Pinapatotohanan ng aklat na
Social Dimensions Of Education
na ang wika ng isang nilalang ay ang repleksyon ng kaniyang pagkatao at ang pamamaraan at
pagkilos na inaasahang aasalin niya. Dagdag pa, ang wika ay ang susi sa tagumpay ng pag-
usbong ng isang lahi sa paglikha at pagpapanatili ng kultura sapagkat kung walang wika, ang
kakayahan upang makabuo ng mga kaisipan at tradisyon ay hindi makatotohanan.

Hindi maipapagkaakilang mahalagang malaman natin ang pinagmulan ng ating kultura at


maging ang kasaysayan nito. Na siyang tanging nagbibigkis ng ang ating kultura at siyang
nagbuklod at nagsilbing gabay sa ating mga Pilipino. Madaming pinagdaanan tayong mga
Pilipino bago natin nakamit ang kalayaaan. Mula sa madugong pakikipaglaban sa Mactan, ang
pkikibaka at at paglalaban ng ating mga Katipunero

You might also like