You are on page 1of 9

ANGKAN NG WIKA SA BUONG MUNDO AT SA PILIPINAS

Bago natin talakayin kung ano-ano ang magkakamag-anak na wika sa mundo at sa Pilipinas at
saan-saan ito nagmula ay muli nating alamin ang kahulugan ng WIKA.Sang-ayon kay Henry
Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng mgasinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taongkabilang sa isang
kultura.Dagdag pa rito ay muli nating balikan ang ilang teorya na pinagmulan daw ng wika.

(Ang wika ay lubos na mahalaga sa bawat tao, ito’y maihahalintulad sa ating paghinga.
Nakailangan na kailangan natin upang mabuhay, upang sa bawat araw ay makapagsalita, bawat
araway makapagsabi ng hinaing, bawat minuto ay maihayag ang naiisip. Ito’y parang paghinga
na naturalna ating ginagawa, natural na kailangan upang mabuhay ngunit ang wika ay hindi
lamang buhay itorin ay isa sa ating mga pangangailangan upang mamuhay.

Katulad na nga ng nabanggit ni Henry Gleason, ang wika ay ang lahat sa kung paano
nagkakaroon ng komunikasyon.Bamagat napakaraming teorya at pag-aaral kung saan at kung
paano nga ba nagkaroon ngwika ang mga tao, ay nananatili pa ring misteryoso ang wika sa ating
mga nilalang ng Diyos, dahil sakasalukuyan ay may iilang linggwistika pa rin ang patuloy na
nagsusunog ng kilay hinggil sa tunay napinagmulan ng wika).

Ang nakatala sa ibaba ay listahan ng mga prinsipal na pinagmulan ng wika:(Sang-ayon sa


klasipikasyon ni Gleason at iba pang linggwistika)

MGA PRINSIPAL NA PINAGMULAN NG WIKA

Mga Wika sa Buong mundo na pinakagamitin:

Mga wikang nakapaloob pa rito

1. INDO-EUROPEAN (Pinakagamiting wika)

A. GERMANIC

a. English-Frisian

b. Dutch-German

c. Scandivian

B. CELTIC
a. Breton

b. Welsh

c. Irish

d. Scots

C. ROMANCE

a. Portuges

b. Espanyol

c. Pranses

d. Italyano

e. Rumanian

f. Sarinian

g. Rhato-Romanic

h. Haitian-Creole

i. Catalan/Galician

j. Latin

D. SLAVIC

a. Ruso

b. Byelorussian/Ukrainian

c. Polish

d. Czech

e. Slovak

f. Serbo-Croatian

g. Bulgarian

E. BALTIC
a. Lithuanian

b. Latvian

2. FINNO-UGRIAN

a. Finnish

b. Estonian

c. Hungarian

d. Lappish,Mordvinia,

e. Cheremiss

3. ALTAIC

a. Turkic

b. Mongol

c. Manchu-Tangus
Ano ba ang kaugnayan ng wika sa kultura? Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura, ang kultura
ay nalilinang dahil sa wika at ang wika ay angkultura mismo. Maari natin itong ituring bilang
batayang gabay sa matibay na kaugnayan ng wika at kultura bilang mabisang kasangkapan sa
pagtataguyod ng pagkakakilanlan nating mga Pilipino.

Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura. Ayon kay Walt Whitman, ang wika ay hindi abstraktong
nilikha ng mga nakapag-aral o ng bumubuo ngdiksyunaryo, kundi ito ay isang bagay na nalikha
mula sa mga gawa, pangangailangan, kaligayahan, panlasa ng mahabang talaan ng henerasyon
nglahi at nagtataglay ito ng malawak na batayang makamasa (Peña et. al 2012). Malinaw na ang
wika ay nalilinang at napagtitibay sapagkat ang kulturaang nagbibigay katuturan sa
ipinapahayag na kaisipan ng wika. Ginagamit ang wika dahil ito ay daluyan ng komunikasyon
upang magpasimula ngisang tiyak na pagkilos o paggawa. Ito rin ay pangangailangan ng tao sa
pakikipag-ugnayan sapagkat siya ay itinuturing na may pangangailangang
sosyal. Ang wika ay nakapagpapahayag din ng iba’t ibang damdamin at natutukoy din dito ang
pananaw sa iba’t ibang bagay napag

papasiyahan kungano ang magiging kalugod-lugod sa atin, ang pagpapasiyang mayroong


impluwensiya mula sa ating kapuwa at ng kabuuan ng lipunang
atingkinabibilangan.Gayunpaman, maari ring sabihin na ang kultura ay nalilinang at
napagtitibay din ng wika. Binigyang kahulugan ni Virgilio Almario ang wika bilangkatutubong
halagahan o

value

para sa marangal na buhay ng ating mga ninuno, isang dakilang pamantayang nararapat sundin
saanman at kailanmantungo sa wastong pakikipagkapuwa-

tao, isang banal na tuntuning kailangang tupdin upang hindi ‘maligaw ng landas’. Hindi
mapasusubalian na ang

ating sariling wika ang siyang midyum na ginamit ng ating mga ninuno sa pagpapahayag ng mga
itinakdang batas at pamantayan sa lipunan pasalitaman o pasulat. Sa batas ni Maragtas at
Kalantiaw, malinaw na nakapaloob sa kaisipang ipinapahayag ng wikang ginamit ang
pamantayang itinakdang batas na ito na siya namang pinagbabatayan ng pamumuhay at
pagkilos ng isang mamamayang Pilipino sa lipunan na kaniyang kinabibilangan.Matagumpay
ding naipabatid at naipasa sa bawat henerasyon ang mga paniniwala at pamamaraang Pilipino
bunga ng sabi-sabi o

‘word of mouth’

.Samakatuwid, natutukoy ang mga pamantayan gayon na rin ang kultura ng lipunang Pilipino
gamit ang wika sa diskursong pasalita at pasulat.Ang kultura ay nalilinang dahil sa wika. Ang
wika ay daluyan ng komunikasyon at sa pagkakaroon ng komunikasyon ay naisasakatuparan
angugnayan ng isang tao sa kaniyang kapuwa. Sa pagkakaroon naman ng ugnayan ay maaring
bumuo ng pagkakasunduan at dahil ang tao ay tunay naisang sosyal na nilalang, ang
pagkakasunduang ito ang maghahantong upang magpasya upang makisama sa kapuwa at ang
pagkakabigkis na ito aynagkakaloob sa mga tao upang magtaguyod ng isang lipunan. Ang isang
lipunan ay may tiyak na kultura na nakasalig naman sa napagkasunduangkatotohanan. Ito ay
nabuo sapagkat may pagkakasundo bunga ng komunikasyon na mauugat naman sa katangian
ng wikang maging daan na nag-uugnay ng mga kaisipan.Ang isang partikular na kaisipan na
bahagi ng kultura ay ganap na nagiging bahagi ng kultura kung ito ay naipakikilala at
naitataguyod. Kung walaang wika bilang panuluyan ng mga ideyang bumubuo sa kultura tungo
sa kaisipan ng mga tao sa isang lipunan ay magiging imposible ito. Sapagkatayon sa
Encyclopedic Supplement, Living Webster Dictionary of the English Language

, ang mga ideya ay nabubuhay dahil sa wika, ito ay katulad ng pagbibigay-katawan sa kaluluwa
(Bernales et. al 2011). Kaugnay nito, maaring bigyang patotoo na may kakanyahan ang wika na
maging ina ngkarunungan ayon kay Krank Kruas (Peña et. al 2012) Samakatuwid,
pinangatwiranan ng librong

Social Dimensions of Education

, ang pagkatuto ngisang kultura ay sa pamamagitan ng wika. Mula dito ay nagkakaroon tayo ng
kolektibong alaala tulad ng mga alamat, pabula, salawikain at iba pa nanaaayon sa ating
kaalaman sa kultura, gayundin ang pagsulat, sining, at kung anu-ano pang mga midya na
humuhubog sa kamalayan at makapag-ipon at makapagbahagi ng kaalamanAng wika ay ang
kultura mismo. Kung pagbabatayan naman natin ang winika ng karakter na si Simoun ng El
Filibustersimo ni Dr. Jose Rizal na angwika ay paraan ng pag-iisip ng tao, samakatuwid
tinatanggap natin na ang wika ay ang kultura mismo. Dahil nga ang kultura ay pamamaraan ng
pagkilos at pamumuhay ng isang tao ay nakabatay sa kaniyang pag-iisip, ito ang pangunahing
pinagmumulan ng kaisipan ng kultura.Paano nga ba magagamit ang wika upang malinang ang
pambansang kultura?Ang wika ay may kakayahan upang sumisid sa pinakamalalim na
kaalamang bayan, liparin ang pinakamatayog na karanasan upang maibalik sa lupaat maipatalas
ng ibayong talastasan at praktikang panlipunan (Bernales, et al. 2011). Ang ating wika ang
nagkanlong at nagtago ng hiwaga,kasaysayan, at mayamang kaalaman ng ating bayan kung
saan nahubog ang katauhan ng ating lahi na bumubuo sa ating pagkakakilanlan bilang
isangPilipino. Nakapaloob sa kaalamang ito ang dakilang nagawa ng magigiting nating mga
ninuno. Sa paggamit ng wika ay mapagtitibay ang mgakaalamang ito sa kaisipan na isang
mabisang sangkap upang maiwaksi ang kolonisadong pag-iisip sapagkat natatamnan ito dahil sa
pagpapatibay ng pamamaraang Pilipino. Binigyang-diin nga ni Samuel Johnson na ang wika ang
nagdadamit sa ating kamalayan, samakatuwid ito ang magbibihis saatin ng pagkakakilanlan, ang
magkakaloob ng isang tatak na siyang tatak ng ating lahi.Hindi nagtatapos sa paglikha ng
bagong pananaw ang paglilinang ng wikang Filipino tungo sa paglinang din ng pambansang
kultura tungo sa pagkakakilanlan, o hindi nga maaring sang-ayunan pa ang paglikha lamang ng
isang bago at wastong pananaw bagkus ang pagsasangkot ng sarilingwika sa pagkilos ng sariling
dila. Ang wika ay maari ring itulad sa isang pirasong papel na ang kabilang mukha ay ang
kaisipan at ang kabila ay angtunog ayon kay Ferdinand de Saussure. Hindi maaring sa paggupit
ng papel, mahahati ang kaisipan at ang tunog. Anumang bahagi ng putol,magtataglay kapuwa
ang mga ito ng kaisipan at tunog. At ang pagtataglay ng wika na kaisipan at tunog ay
kakanyahan nito (Peña et. al 2012).Bigyan ng higit na pansin na ang kaisipan at tunog ay hindi
mapaghihiwalay sa wika. Kung nakapaloob sa wika ang kaisipan ng kultura at ang wika
ay mamumutawi sa ating dila, hindi ba’t mamumutawi rin naman ang kultura sa atin at sa
pagkaalam ng kultura ay matutukoy nati

n ang ating pagkakakilanlan? Kaya naman, nararapat na ang wikang Filipino ay higit na
nararapat maunawaan higit sa mababaw na pagkaunawa lamang upangnararapat na
magkaroon tayo ng kritikal na pag-unawa sa ating kultura.Walang anumang pagsasanay ang
makalilikha ng pinakamainam at pinaka-epektibong pagkatuto at pag-unawa ng isang wika kung
hindi angmismong paggamit at pagpapadaloy nito sa sariling dila. Pinapatotohanan ng aklat na

Social Dimensions Of Education

na ang wika ng isang nilalangay ang repleksyon ng kaniyang pagkatao at ang pamamaraan at
pagkilos na inaasahang aasalin niya. Dagdag pa, ang wika ay ang susi sa tagumpay ng pag-
usbong ng isang lahi sa paglikha at pagpapanatili ng kultura sapagkat kung walang wika, ang
kakayahan upang makabuo ng mga kaisipan attradisyon ay hindi makatotohanan

Ang Salita

Salitang Pangnilalaman

A. Mga salitang pangnilalaman (mga content word)

1. Mga nominal

a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook,
katangian,pangyayari, atbp.

b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali sa pangngalan

2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga
salita

3. Mga panuring (mga modifer)

a. Pang-uri (adjectve) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at


panghalip

b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at


kapwanito pang-abay

B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)

1. Mga Pang-ugnay (Connectives)


a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay

b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang nuturingan

c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita

2. Mga Pananda (Markers)

a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip

b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at


panaguri Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matinding
damdamin)sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit
bilang pandamdam angkahit anong salita kung bibigkasin nga ng may manding damdamin.

Salitang Pangkayarian

Mga Salitang Pangkayarian ( Function Words)

1. Mga Pang-ugnay (Connectives)

a. Pangatnig (Conjunction) – mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay


(sapagkat, at, raw, pati)

b.Pang-angkop ( Ligature) – mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita


upangmaging kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito (na, -ng at -g) (mataas na tao, malaya ng
isipan)

c. Pang-ukol ( Preposition) – mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang


salitaPangkat:

➤ Ginagamit bilang pangngalang pambalana (Common Noun) (Ang mga donasyong ibinigay ng
mga pulitiko ay para sa mga nasunugan.)

➤Ginagamit na pantukoy sa ngalan ng tanging tao (Ang librong kanyang binabasa ayukol kay
Imilda Marcos.)

d. Pandamdam – mga salitang nagdadamdam ng malakas na Emosyon. ("oy, wow, grabi)

# Mga Pananda ( Markers)

a.Pantukoy ( Article/Determiner ) – mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o pang"alip


(ang,si)
b. Pangawing o Pangawil ( Linking o Copulative) – salitang nagkakawing ng paksa o simuno
(Subject ) at panaguri ( Predicate) mga salitang Pangkayarian ( Function Words)

You might also like