Professional Documents
Culture Documents
Bautista
Fil 40 X2-A
2014-06325
Summary at Reflection
Kaya kung susundan natin ang pag-iisip na ito, ang balarila ay isang pagtaya sa kung
paano binuo at binubuo ng mga gumagamit na ito ang isang wika. Kung ililipat natin sa ibang
larangan, ang mga istilo ng sining ay pagtaya sa kung paano binuo at bumubuo ng likha ang mga
gumagawa ng sining, kung paano nabuo at binubuo ang mga technique at lasa ng paglulutong
Pilipino kumbaga, kung ano ang mga karanasan, pangyayari, at kasaysayan na pinagdaanan ng
mga tagagawa o tagapagsalita ng wika, sining, o cuisine (mga taong Pilipino) para maging kung
ano kultura natin ngayon.
Maipupuna ko nga lang na hindi madaling makuha ang ibig ipahiwatig ni Covar dahil
walang matinong pag-aayos o pagbabalangkas sa simula ang papel, at maraming paulit-ulit na
pahayag. Dahil kayay hindi na napapanahon ang ganitong istilo ng pagsulat ng mga artikulo, o
di kaya siguroy baka mahirap lang para sa henerasyon ngayon? Kung ano man ang dahilan,
isang interesanteng konsepto na tawaging kultura ng wika ang balarila.
Wika at Kamalayan ni Silvino V. Epistola
Summary
Itinawag sa atensyon ng magbabasa ang kaugnayan ng kamalayan at wika sa
pamamagitan ng pagturo sa kakaibang pakiramdam kapag may namalayan tayong hindi natin
mabigyan ng salita galing sa sarili nating wika, at sa kakaibang pakiramdam na biglang nagbago
ang ating kamalayan kapag nag-iiba ng wikang ginagamit. Bilang tao raw ay tayoy
nauusbungan ng pagkausisa para maipaliwanag ang penomenong ito.
Hindi naman kasi raw nagbabago ang daigdig na namamalayan natin, kaya kung
nagbabago ang kamalayan natin kapag nagbabago tayo ng wika, may implikasyon itong may
kaugnayan ang wikang mismong gamit natin sa ating kamalayan sa ating kapaligiran.
Masasabing ang wika ang nagtutulay sa kapaligiran at kamalayan, bagamat hindi
kailangang dumaan sa wika ang lahat ng ating mga nadadanas sa limang pandama. May mga
pakiramdam, at mga instinkto tayo na nagmimistulang pang-anim na pandama na kahit hindi
natin mabigyan ng katawagan ay naiintindihan natin at natutugunan.
Kung gayon, ano ang silbi ng wika bilang tulay ng kamalayan at kapaligiran? Kung wala
tayong wika, mahihirapan tayong ipahayag at ipamahagi sa iba ang atin mga namamalayan sa
paligid. Kapag wala tayong magamit na salita bilang pangkilala sa mga namamalayan natin,
kaunti lamang ang mapagpipiliang paraan para maipahayag ang mga ito: una, bigyan ng
mahabang deskripsyon ang namalayang bagay, pangalawa, gumamit ng mga salita gaya ng
kuwan o yung ano, o pangatlo, dalhin mismo sa harapan ng kausap ang ating namalayang
bagay.
Ngunit iba ang ginagawa ng tao. Hinahanapan niya ng katwawgan ang kanyang mga
namamalayan. Mahihinuhang pinapadaan natin sa wika ang ating mga namamalayan dahil may
likas tayong inklinasyong pangalanan ang mga bagay na nasa paligid. Ang ating mga utak ay
may kagustuhang ipailalim ang lahat ng mga bagay sa isang balangkasna nag-aayos at nag-uuri
ng mundong nararanasan natin, at ang pagbibigay ng katawagan ang siyang tumutulong
magpasok sa balangkas ng utak.
Ipinaris ang naturang gawi nito ng utak ng tao sa sistema ng pageetiketa o paglalabel sa
wika. Ang istruktura ng pag-eetiketa ay tugma sa istruktura ng pagbabalangkas ng pag-iisip ng
mga tao - may mga uri ng bagay, at mga uri ng uri ng bagay, at may mga panuntunan sa pag-uuri
ng mga ito. At itong sistema na ito ang nag-uugnay sa wika at kamalayan.
At dahil ang bawat kultura a may sariling piraso ng mundo na ginagalawan, at mga
sariling pagpapahalaga sa mga bagay sa paligid nila, may kanya-kanyang bagay na namamalayan
ang bawat kultura. Ang mga bagay na ito, na naitutugma sa mga etiketa at balangkas ng wika at
kamalayan nila, ay walang kaparehas sa mga ibang kultura. Kaya pati ang mga wika ay may
kanya-kanyang pagkakaayos at pagkakauri ng mga bagay-bagay sa kapaligiran. Itong mga
pagkakaiba na ito ang nagdudulot ng kakaibang pakiramdam kapag nag-iiba ngwikang
ginagamit.
Reflection:
Pinag-usapan namin dati ng isa kong kaibigan ang kabaligtaran ng artikulong ito: kung
paano natin nalalaman kung anong mga damdam, emosyon, at karanasan ang nakalakip sa mga
saitang ginagamit sa araw-araw na pangungusap. At lumabas sa aming talakayan ang konsepto
ng pagpapasa ng kahulugan, at kung paano natin alam na iba ang masaya sa malungkot. Ito
nga ay dahil sa walang-tigil na pagbabalangkas at pag-uuri ng mga utak natin ng mga bagaybagay na nararanasan natin.