You are on page 1of 8

MODULE 1 & 2; WEEK 1 & 2 ARALIN (KULTURANG POPULAR)

Ugnayan ng Wika sa Kultura at Lipunan

1. Ang Wika, Kultura at Lipunan

Ang ugnayan ng wika, kultura, at lipunan ay lahat sila ay mahalaga upang magkaroon ng pagkakaisa at
kaugnayan ang bawat tao sa lipunan.

Ang wika ang sinasabing ugat ng pagkakaunawaan at komunikasyon ng mga tao sa lipunan. At sa isang
lipunan, mayroon namang nabubuong mga kultura at pagpapahalaga sa pamamagitan ng wika.

Dahil may ugnayan na ang mga tao sa lipunan, nagiging maayos na rin ang pagpapayaman at pagpasa ng
kultura.

Ang kulturang nabubuo ay nagiging malaking bahagi ng lipunan at pagkakakilanlan ng bawat isa. Kung
may pagkakaunawaan ang bawat bahagi ng lipunan, siguradong ang lahat ay makakamit ang inaasam na
kaunlaran.

https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-ugnayan-ng-wika-kultura-at-lipunan

Ang Wika ba ay nakakaapekto sa kultura at lipunan. At ang kultura at lipunan ba ay nakakaapekto sa


wika.

Ang isa sa pinakamahalaga sa tao at lipunan ay ang wika. Samantala ang wika ay nabuo para sa tao at
lipunan. Ayon sa isang linggwista na si Henry Gleason, “Ang wika ay tumutukoy sa masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa
komunikasyon ng mga tao sa lipunang may iisang kultura.” Sa lipunan, wika ang tumutulong upang labis
na magkaunawaan ang mga tao sa isa’t-isa, ito rin ay mahalaga sa lipunan sapagkat gaya nga ng sabi nila,
“No man is an island.” Samakatuwid, walang sinuman ang maaaring mabuhay na para sa sarili niya
lamang. Nabuo ang wika para sa lipunan at ang lipunan ay nabuo dahil sa wika, kaya nakakaapekto ang
wika sa lipunan na ginagalawan ng tao.

Ang wika ay nakakaapekto sa kultura, sapagkat matutukoy o makikilala natin ang isang tao sa kung ano
ang wikang kanyang ginagamit, gayun din malalaman natin kung ano ang kultura o etnikong kanyang
pinagmulan. Hindi maitatangging, hindi mapaghihiwalay and wika at kultura, dahil sumasalamin sa
kultura ng isang tao ang kanyang ginagamit na wika, may mga salita din kasing pag-aari lamang ng isang
bansa. Halimbawa na lang nito ay sa pilipinas, dito lang sa atin ang may salitang “Po”,”Opo” at “Oho” na
naglalarawan sa kaugalian ng mga plipino bilang sa pagiging magalang. Sa ibang probinsiya naman
gumagamit sila ng “Manong” at “Manang” kapag mas nakakatanda sa kanila ang isang tao na sa ibang
lugar partikular sa mga taga maynila, ay hindi na ito ginagamit o paminsan-minsan na lang ginagamit
dahil para sa karamihan hindi ito maganda pakinggan.

Dinamiko ang wika, ito ay buhay na patuloy ring nag-iiba ang kahulugan, pagbigkas at tunog sa paglipas
ng panahon. Ang malaking nakakaapekto dito ay ang lipunan na ating kinagagalawan. Sa kadahilanang
marami nang naiimbentong salita katulad na lamang ng mga salita sa gay linggo (o salita ng mga bading)
at ang iba pang mga bagong salitang nabubuo sa lipunan. Taon-taon maraming nadidiskubre na wika
dahil masyadong matalino na ang mga tao, kung kaya’t mabilis na naiimpluwensiya ng mga ito ang
wikang gagamitin sa isang partikular na lipunan.

May mga kanya-kanyang lahi ang bawat isa, dito sa asya halos iisa lamang nag hulma ng mukha ang mga
tao kung kaya’t nakakalito tukuyin kung saang bansa ito nanggaling o ano ang kultura nito kaya sa
wikang gamit ng isang tao maaring makilala natin kung saang bansa galling ito. Mahalaga talaga na
magkaroon ng pambansang wika ang isang bansa upang mas madaling matukoy ang isang tao sa kung
saan siya galing at dito rin nagkakaroon o makikita ang pagkakaisa ng isang bansa gaya na lamang sa
kultura ng korea, parte ng kultura nila na hindi maaring magturo ng ingles sa lugar nila kung kaya’t
kinakailangan pa nilang pumunta sa ibang bansa para matuto ng salitang ingles, kapag marunong ka mag
ingles at nasa korea ka mataas na ang tingin nila sa’yo dahil bihira lang ang marunong mag-ingles sa
kanila. Sa kultura ng mga taga korea, makikita natin kung gaano nakakaimpluwensya ang wika sa kanila.
Gaya din ito ng bansang Tsina at Japan kung saan kahit na hindi sila marunong mag-ingles, maunlad ang
bansa nila.

Gaya ng nabasa ko “Kahit na ang ingles ang ating “Lingua franca” sa buong mundo, kailangan pa rin natin
ng pambansang wika” Kultura din sa ating mga Pilipino na kapag magaling mag-ingles ang isang tao o
nakakapagsalita siya ng banyagang wika, andun yung pag-iisip natin na mas matalino o mas magaling
ang taong iyon kaysa sa atin kaya kung minsan mas napapamahal tayo sa lenggwahe ng iba at hindi sa
sarili nating wika. Sadyang nakakaapekto ang kultura sa wika lalo na kapag naimpluwensyihan ng lipunan
na kinagagawalan nito.

Sa kabuuan, apektado ang wika sa kultura ng isang tao at sa lipunan ng partikular lugar at gayun din
nakakaapekto ang kultura at lipunan sa wikang ginagamit. Sadyang hindi maipaghihiwalay ang dalawa,
ang wika at kultura, samantala nakabuntot sa kultura ang lipunan dahil kung walang lipunan walang
mabubuong kultura, at kung walang kultura maaarin may sari-sariling paniniwala ang tao sa isang
lipunan. Mahalaga ang wika kaya’t mahalaga ring mahalin ito.

http://adsantosapokalips.blogspot.com/2014/08/wika-kultura-lipunan.html

2. Kultura ng Wika (Noon at Ngayon)

Ang Wika Noon at Ngayon


Lahat ng tao ay iniluwal sa mundong ito na walang kamalay-malay sa mga pangyayari sa paligid.
May sariling mundo, may sariling lingguwaheng naiintindihan. Sa paglipas ng panahon, unti-unting
namumulat ang ating sarili sa wika at kulturang bumubuo sa ating pagkatao. Tama, ang wika ay parte ng
ating pagkatao. Ito ang sumasagisag at sumisimbolo sa ating pagiging Pilipino. Ito rin ang nagsisilbing
tulay na kumukonekta sa bawat isa upang magkaintindihan, magkaunawaan at higit sa lahat, upang
mailahad ang damdaming nais ipabatid.

Naging instrumento ang wika tungo sa pagkakaisa. Isang perpektong larawan nito ay ang paglaban at
pag-alay ng mga buhay ng ating bayaning Pilipino upang buhaying muli at maipreserba ang kultura at
wika ng ating bansa. Bilang respeto sa mga kabayanihang nagawa ng ating mga bayani, nararapat lang
na gamitin at linangin natin ng maayos ang ating wika. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti na rin
tayong napapalayo, nakakalimot at isinasantabi ang wikang Filipino. Lahat ng ito ay sa kadahilanan ng
pagusbong ng teknolohiya partikular na ang social media. Unti-unti tayong nilalamon ng social media.
Aminin na nating araw-araw tayong gumagamit ng social media. Hindi ito nawawala sa ating isipan dahil
ang nasa utak ng mga tao, hindi ka parte ng lipunan kung wala ka nito o di kaya’y hindi ka parte ng
lipunan kung wala kang alam sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Batay sa datos na inilathala ng
Rapppler (n.d.), may higit kumulang 47 milyong Pilipino ang mayroong aktibong account sa Facebook sa
taong 2015. Ang Facebook ay isang social media na kung saan, maari kang mag-post ng iba’t-ibang
larawan, bidyo, at iba pa.

Hindi maitatangging parte na ng ating buhay ang social media. Saan man, kailan man, hahanap-hanapin
ito ng bawat Pilipino. Kaugnay nito, malaki na rin ang epekto ng social media sa ating buhay lalong-lalo
na sa ating wika. Magmula ng sumikat ang Facebook, tinatangkilik na ng mga Pilipino ang wikang Ingles
upang magmukang sosyal ang kanilang mga post. Naging madali na rin ang pagpasok ng mga bagong
salita gaya ng “Pak ganern!”, “Selfie”, “How to be you po?” at ang mga katagang, “Nagmahal, Nasaktan,
Naging Blogger”. Nalilimutan na nating tangkilikin ang ating sariling wika. Marami na ang nagbago,
marami na ring salita ang naglaho, at unti-unti ng natatakpan ang ating pagka-Pilipino. Kung kaya’t naisip
namin na pagkaisahin ang wikang Filipino at ang social media, dahil mahirap ng burahin sa ating isipan
ang paggamit ng social media. Ito ay sa pamamagitan ng pag-popost ng mga blog patungkol sa kultura
ng Pinoy, mga magagandang lugar o tanawin na makikita sa Pilipinas at ang pagbabalik tanaw sa mga
ginawa ng mga bayaning Pilipino sa makabagong paraan upang siguradong tatangkilikin ng lahat. Sa
paraang ito, tayo’y nakakatulong upang maipreserba at mapagyaman ang ating kultura at wika.

Simula noon hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang social media sa ating buhay sa kabila ng
mga epekto nito maganda man o hindi. Kaya’t imbes na tanggalin ang social media na siguradong
ikakagalit ng marami, mas mabuting gamitin natin ang social media sa paraan na kung saan nakikitang
buhay pa rin ang wika at kultura ng bansa. Sa paraan na napepreserba ang ating pagiging makabayn, ang
ating pagiging Pilipino.

https://fabs213.wordpress.com/2016/09/22/wika-noon-at-ngayon/

3. Filipino at Modernisasyon o Globalisasyon

Kasabay ng paglipas ng panahon, maraming mga pagbabago ang naganap hindi lamang sa ating
kapaligiran kundi maging sa ating wika. Malaki ang naging pag-unlad ng wika, simula noong panahon ng
mga katutubo, na kung saan tayo ay may alibata hanggang sa kasalukuyan na kung saan nagkaroon ng
bagong alpabeto. Itinuturing na malaki ang naging ambag ng mga katutubo sa pag-unlad na tinatamasa
ngayon ng wika.

Gamit ang mga makabagong teknolohiya, nagagawa ng wika na mas mapaglagom pa lalo ang saklaw
nito. Ang “internet”, ang nagbigay daan sa global na komunikasyon. Kahit na malayo ang isang tao,
nagagamit pa rin ang wika sa kanilang pakikipagtalastasan. Dulot ng interaksyon na ito sa modernong
kaparaanan, ay maraming salita ang nadagdag, naimbento at nabago. Marami ring salita ang umuso at
nakakuha pansin sa mga tao. Ang henerasyon ngayon ang may malaking ginagampanan sa pagyaman at
pagbabagong ito ng wika. Ang kanilang mga malilikhaing isip ang nakagawa at nakaimbento ng mga ito.
At sa pamamagitan ng biyayang ito ng globalisasyon, pinanatili nitong buhay ang kaluluwa ng ating
Wikang Filipino sa puso’t isip ng bawat-isa. Hindi naging hadlang ang wikang banyaga sa panahon
ngayon bagkus ay nakatulong pa lalo upang maipakita ang pag-unlad nito.

Ayon sa 2001 Rebisyong ng Wikang Filipino at Patnubay sa Ispeling, dala ng mga bagong dagdag na
titik/letra C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Ang mga ito ay nakatulong nang malaki sa pagsasalin upang magkaroon ng
sariling berso ang ating wika. Higit na mas napadali ang paggamit ng wika sa pagbibigay interpretasyon
ng iba’t ibang salita mula sa banyaga. Halos lahat ng wika sa mga karatig bansa ay may katumbas na ring
berso sa Filipino. Hindi naging hadlang ang pagkakaiba-iba ng wika sa ating pakikiangkop sa agos ng
globalisasyon dahil ang rebisyong ito ang naging tulay sa ating pakikipagtalastasan sa iba.

Ang ating ekonomiya sa usaping komersyal at industriya ay higit na napaunlad rin dulot ng wika.
Nagkaroon ng pagkakaintindihan ang mga tao dala ng komunikasyon gamit ang lingua franca na siyang
nagbigay daan sa pagkakaisa. Mas naihatid nang madali at maayos ang mensahe na may kinalaman sa
transaksyon kahit nasa magkaibang lugar. Mas napaganda rin ang paggamit ng wika sa panahong ito.
Hindi naging mahirap sa mga tao na makipagsabayan sa mga karatig bansa dahil na rin sa pagtaas ng
ekonomiya sa tulong nang matalinong paggamit ng wika.

Samakatuwid maraming salik ang naging ugnayan ng globalisasyon at ng ating wika. Ang dalawang ito ay
magkaagapay sa pag-unlad. Hindi naging masama ang panahong ito sa pagpapalagom ng ating wika
bagkus ay lalo pang naisakatuparan ang mithiin para sa wika.

Patuloy pa rin ang pagbabago at pag-unlad ng wika. Hindi ito mapipigilan o masisira man ng panahon.
Iba- iba man ng yugto, ay patuloy pa rin ang pagyabong nito. Ang modernong panahong ito tungo sa
bagong yugto ng globalisasyon ay malaki ang maitutulong sa wika. Patuloy ang rebisa ng wika hanggang
sa mas lalo pa itong mapaunlad. Marami pa rin ang madadagdag, mababago at maiaambag sa ating wika
ng mga susunod pang henerasyon.

https://dianamarieyolola.wordpress.com/2015/09/20/ang-wikang-filipino-kaugnay-ng-globalisasyon/

4. Kultura at Lipunan

Panoorin ang Video Clip sa website na ito https://www.youtube.com/watch?v=IPLCd9VAtk4

5. Kaalamang Bayan

ANO ANG KAALAMANG BAYAN?

Ang kaalamang bayan ay itinuturing na isa sa mga pinakamatandang sining. Maaari itong maging tula,
awitin, tugmang de gulong, palaisipan, kawikaan, o mismong bugtong. Halimbawa ng kaalamang bayan
na unang dulang Pilipino ay ang bulong sa Visayas. Ang halimbawa ng bugtong bilang kaalamang bayan
ay nagtago si piro, nakalutang ang ulo. Sagot: Pako. Ang halimbawa naman ng kaalamang bayan bilang
salawikain ay pag may sinuksok may madudukot. Ang halimbawa naman ng sawikain bilang kaalamang
bayan ay tulak ng bibig kabig ng dibdib. Ang halimbawa ng kaalamang bayan bilang panunudyo ay: Tiririt
ng maya, tiririt ng ibon, ibig mag-asawa, walang maipalamon.

Bakit may kaalamang bayan?

Ang kaalaamang bayan ay ginamit ng mga sinaunang Pilipino upang magamit habang sila ay naglilibang o
kaya naman ay may mga mensaheng nais iipahatid sa taong nais nilang makarinig nito.

Mga Halimbawa ng Kaalamang Bayan:

1. Salawikain - Ang salawikain ay mga salitang maituturing na pilosopiya sapagkat ito ay may malalim na
kahulugan at talaga namang matalinghaga. Ang mga salawikain ay mga salitang sumasalamin sa mga
tradisyon at kultura ng mga Pilipino. Ito ay maaari ring tawaging mga pilosopiya sa Pilipinas o mga
katutubong karunungan. Kalimitan ay ginagamitan ito ng retorika para mas kaaya-ayang pakinggan.

Halimbawa:

Kung ano ang puno siya ang bunga.

Kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot.

Ang taong gipit sa patalim kumakapit.

Kung anong itinanim, siyang aanihin.


Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

2. Sawikain - Ang sawikain naman ay mga salitang lumalarawan sa isang bagay o pangyayari na
kadalasan ng mahirap malaman ang tumpak na kahulugan. Ang mga sawikain ay maaaring mga idyoma.
Ang pagpapahayag na mga ibig sabihin ng mga sawikain ay hindi komposisyunal o mahirap matumpak.

Halimbawa:

magdilang-anghel (magkatotoo ang sinabi)

balitang kutsero (balitang hindi totoo; fake news)

ilaw ng tahanan (nanay o ina sa pamilya)

mababaw ang luha (iyakin o madaling mapaiyak)

nakalutang sa ulap (masaya)

3. Bugtong - Ang bugtong ay kadalasang ginagamit sa laro o libangan ng kahit sino. Isa itong masayang
laro na ginagamitan ng palaisipan. Ito ay hinango sa salitang “pagbasa” sa lumang Ingles na ang
kahulugan ay ipaliwanag o hulaan. Sinisimulan ito sa dobleng salita at sinusundan ng nakakaaliw na
paglalarawan ng mga salita.

Mga Halimbawa ng Bugtong:

1. Dumaan si Tarzan, nabiyak ang daan (sagot: siper)

2. Bata pa si Nene, marunong ng magtahi (sagot: gagamba)

3. Binili ko ng buhay, tinapon ko ng buhay (sagot: sigarilyo)

4. Dalawang bolang itim, malayo ang nararating (sagot: mata)

5. Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo (sagot: pako)

4. Palaisipan – Ito’y gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isnag kalutasan ng isang suliranin.

Halimbawa:

May isnag bola sa lamesa, tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang hindi man lang
gumalaw ang sombrero?
Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero

Tanong: Ano ang nakikita mo sa gitna ng Dagat?

Sagot: G

Tanong: Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna?

Sagot: Donut na may butas sa gitna

Tanong: hindi hayop, hindi rin tao ngunit tinatawag niya ako

Sagot: Telepono/Cellphone

Tanong: Dalawang kuwebang naglalabas ng tubig pagkaraan nama’y agad binabalik

Sagot: Ilong (sipon sa ilong ang tinutukoy na tubig)

Tanong: Dala-dala ko siya, ngunit ako rin ay dala niya

Sagot: Tsinelas/Sapatos

Tanong: Anong meron sa jeep, tricycle, at bus, pero wala sa eroplano?

Sagot: Side Mirror

Tanong: Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.

Sagot: Baril

5. Bulong - Ang bulong ay kilala bilang orasyon noong sinaunang panahon. Ang bulong ay itinuturing na
dasal o panalagin na sinasambit kapag mayroong gustong makamit ang mga tao noon. Ang mga bulong
din ay ginagamit upang maki-santabi sa mga puno, ilog, at iba pa.

1. Tabi, tabi po, ingkong.

2. Makikiraan po.

3. Mano po.

4. Paabot po.
5. Paalam.

6. Ingat lagi.

7. Tabi tabi po apo, alisin mo po ang sakit ng pamilya ko

8. Lumayo kayo, umalis kayo, at baka mabangga kayo

9. Huwang kayong maiinggit, nang hindi kayo magipit

10. Pagaling ka, amang, mahirap ang may karamdaman

You might also like