You are on page 1of 9

Ano Ang Kulturang Popular?

Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung
anong uso, anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng
teknolohiya at napakadali na para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng
lahat ng uri ng media --lahat ng nabanggit kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit ba
napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga ba talaga ang kulturang popular?
Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang kulturang
popular.

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang
pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa
mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula
sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang
popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang
katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika
at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang
tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang
pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.

Ngunit bakit nga ba may kulturang popular? San ba ito galing?

May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito ang mga:

1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante

Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang pangangailangan.


Maaaring ito ay pangangailangan maging maputi, maging diretso ang buhok, magkaroon ng
kolorete sa mukha at iba pa para matawag na maganda. Maaari rin namang gamitin ito ng mga
negosyante sa mga teknolohiya; natatanim sa utak ng tao na hindi na sila mabubuhay ng wala
silang magagandang cellphone, camera, at iba pa. Dahil dito, napipilitan bumili ang mga tao ng
mga produktong ginagawa ng mga negosyante para lang matugunan ang pangangailangan na
ito. Ang produktong ito ay siya namang nagiging sikat at napapasama sa kulturang popular
kinalaunan.

2. Latak

Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili sa mahal at sa orihinal.
Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi makabili ng mga kustal at kasuotan na
mamahalin kaya sila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga damit at bag na mura
hanggang sa ito na ang maging uso at gamit na ng lahat.

3. Pangmasa o komersyal na kultura

Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mga gamit, ang mga mumurahing
gamit ay kadalasang sumasailalim sa maramihang produksyon o mass production. Ang
kulturang popular ngayon ay ang mga pagkakaparepareho ng mga kagamitan na nabili ng mga
tao sa murang halaga.
4. Ginagawa ng tao

Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao --maaaring ng isang
sikat na personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito ng mga tao, unti-unti itong
napupunta sa mainstream. Ito ang tinatawag na pagpapauso. Ito ay maaaring ginagawang pang
hanapbuhay, pampasikat o tikis na pang-libangan lamang.

5. Larangan ng gahum

Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng mataas na tingin natin sa
isang gahum na bansa. Kung ano ang mga gamit, damit, bag o kung ano man na ginagamit sa
kanilang bansa ay ating tinatangkilik dahil ito ang maganda, nakahihigit at nakatataas para sa
ating paningin. Sinasabing nakakasama ito para sa ating sariling bansa dahil unti-unti nitong
nakikitil ang ating sariling industriya dahil walang tumatangkilik sa ating sariling mga produkto.
Dahil dito, sinasabing mas napapahalagahan natin ang kalinangan at kabihasnan ng iba kaysa
sa sarili nating kultura.

6. Pagkalusaw ng mga hangganan

Sa tumitingding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura at sibilisasyon sa buong


mundo, hindi na nagiging hadlang ang distansya ng mga bansa para magkaroon ng iisang
kulturang popular. Nawawalan na ng distinksyon ang mataas at mababang kultura, ang sariling
kultura, comersyal at popular na kultura. Lahat ng kultura ay nagkakasabay-sabay na ginagamit
at nagiging isa.

Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at sakyan ng tao. Sa kabilang
banda, maaari rin namang tayo rin ang magpa-uso at gumawa ng kulturang ito. Ngunit dapat
natin isaisip na ang kulturang popular ay hindi maiiwasang magbago kaya marapat lang na
panatilihin pa rin natin at wag kalimutan ang kulturang "unique" at sariling atin. Hindi dapat natin
ito hayaang matabunan ng kulturang popular --kulturang nagbibigay depenisyon sa
kasalukuyang panahon.

Kulturang Popular
https://seanchungfil12.wordpress.com/2013/04/22/kulturang-popular/

Ang kulturang popular ay ang tinatangkilik ng karamihan sa lipunan, halimbawa ang mga pelikula at ang
mga teleserye, sa mga damit na sinusuot at ang mga artista na tinitingalaan namin – lahat ito ay nasa sakop ng
kulturang popular. Ang ng ginagawa naming, sa mga salita at ang mga akysons – ito ang subconscious na
pagnanais sa mga bagay na popular sa karamihan. Ito ang isang simpleng paliwanag para sa kulturang popular,
pero ano talaga ANG ‘kulturang popular?’

May maraming ideyas na lumikha ang tinatawag naming ‘kulturang popular.’ Isa, tumatakbo ang
kulturang popular sa prospekto ng kita. Kung walang kita o potensyal na negosyo mas maliit ang impluensya
ang mga kompanya sa komunidad. Laging nagdadala ang mga kompanya ng mga bagay na nakatingin nila
may potensyal na maging popular dahil ito ang paanong tumatakbo ang mga kompanya – nagdala ng mga
produkto na lilikha ng pinakamaraming kita. Dahil sa itong pananaw, karaniwan maganda ang mga produkto
na dinadala ng mga kompanya, katulad sa mga damit o mga restawrans, at ito ay gumagawa ang trend na
sinusundan namin.

Gumagawa ang pagnanais na umiral sa kulturang popular ang konsepto ng sado-masokismo. Ito ang
kagustuhan para makukuha ng kasiyahan sa pagkuha ng mga bagay na tinatawag naming ‘kulturang popular.’
Isang halimbawa ay ang kagustuhan ng bagong tatak ng Nike o Adidas na sapatos . Kahit mataas ang presyo
nila, ang pangangailangan ng mga bagay na ito ay lumamang ng mas importanteng at mapakikinabangan na
bagay. Ito ang negatibong aspekto ng sado-masokism sa kultura namin. Ito ang dahilan kung bakit may mga
bagay na may pekeng tatak katulad sa mga bagay na binebenta sa Greenhills. Ang layunin ng mga ito ay para
lang matutupad ng kasiyahan sa pamamagitan ng kahulugan na binibigay ng isang tatak.

Nagmula ang kulturang popular sa mga sentro ng lipunan. Ang Maynila, ang kapital ng Pilipinas, ay isang
halimbawa – dumadaloy ng maraming internasyonal na negosyo sa mga sentro ng bayan dahil maraming
ginaganap na mangalakal dito . Dahil iyon, malaki ang impluensya nila sa lipunan at ang pagkalantad sa mga
internasyonal na produkto. Tumutulong ang nosyon na laging maganda ang mga dayuhang produkto sa
pagkalat ng trend sa lipunan. Sa huli, dumadaloy ang impluensya ng mga ito sa mga iba’t ibang estado ng
buhay.

Ito ang ilang mga ideyas na bumubuo ng tinatawagang naming kulturang popular, pero may mas malalim
na pananaw na naroroon.

Hindi pareho ang kulturang popular sa lahat ng mga tao na sinusunod ito. Kahit na may isang particular
na trend, maaring mayroong iba’t ibang kahulugan. Kahit na may isang partikular na bagay na itinuturing
naming bilang isang ‘kulturang popular,’ ang mga tao ay may sariling pananaw sa pagkita ito. May iba’t ibang
mga kategorya kung saan naming tingnan ang mga ibang ng mga tao.

Isang pananaw ay ang paghati ng itaas at ibaba o mga ibang estado ng buhay. Maaring tingnan ang isang
tao sa isang partikular na trend depende sa kapasidad sa kanilang kaya para makabili ito. Isang halimbawa ay
ang iPhone. Tinitingnan ng mga taong may kayamanan ng iPhone bilang isang normal na telepono at walang
masyadong importansya sa kanilang bagay kundi iyon. Pero ang mga taong na wala masyadong kayaman at
nagsakripisyo para makukuha nila ang iPhone ay bumubigay ng higit pang importansya at mas lalong silang
magbigay ng kahalagaan so ito. Halimbawa ito sa isa sa mas maraming pananaw sa kulturang popular, may
kultural na kategorya, na nakikita naming ng mga bagay sa pamamagitan ng mga sosyal na kaalaman. May
global at lokal na kategorya na bumubigay ng relasyon ng dalawa sa ating lipunan katulad sa iHop, isang
restawran. Mas maliit ang kanilang mga servings ng pagkain para makibagay sa mas maliit na apetito ng mga
Pilipino.

Ang Kulturang Popular


Posted on April 21, 2013 by ralphsuarez

https://ralphsuarez.wordpress.com/2013/04/21/ang-kulturang-popular/

Mayroon kaming diskusyon sa nakaraang linggo ukol sa Kulturang Popular sa Pilipinas. Sa diskusyon
namin, nahula kami sa halaga ng Kulturang Popular, ito ba para lamang pa pang-aliw? Ito ba para lamang
sa sining? Para sa mga mahirap, mga jologs? Ang sinasabi ay eto na ang eded ng kulturang popular. Ito
ang ating kinakain, pinapanood, dinaramdam. Ito ang ating buhay. Paano natin namumuhay ang ating
buhay? Paano tayo nagiging tao? Nakikita natin ito sa Kulturang Popular at ang impluensiya nito sa
buhay natin.

Malakas ang kapangyahiran ng Kulturang Popular. Ito ay ginagamit ng mga estado at negosyo
dahil mayroong itong kakayahang kumita. Dahil ang kulturang popular ay kapangyarihan na
maipalaganap para sa marami. Mga halimbawa ay ang gamit ng telebisyon o ang gamit ng mga
tanyag na tatak. May produkto ang kulturang popular at may halagang gamit at palitan ito.
Makikita nito sa mga pinapanood ng mga tumatangkilik. Hindi naman nila kilala personally ang
mga Artista ngunit pa rin nila paibig ang mga Artista. Kapag may problema ang Artista gaya ni
Kris Aquino, may paalala rin ang mga tagahanga sa kanya. At dito makikita ang palitan, ang
bayad. Kailangan nila mabayad para makikita nila ang pabortiong Artista sa mga sinehan at sa
telebisyon. At ito ay ang magic ng kulturang popular. May oras kung kailan walang pakinabang
ang mga produkto nito pero napapamangha ang mga tao.

Malakas rin ang kulturang popular dahil sa liberal na demokrasya. Makikita natin na ang
kulturang popular ay pinapakita ng mga gustuhan ng mga tao at ang mga paksa na makiag usap
ng mga tao. Pre constituted ang kulturang popular dahil ang mga negosyo o estado ay namili na
kung ano ang gustuhan ng mamayan pero pre conditioned rin ito dahil ang mga mamayan ay
sinasabi kung may gustuhan sila sa itong namili ng negosyo o estado. Halimbawa, ang negosyo
ay namili ng mga damit na walang manggas at nagustuhan ng mga tao nito dahil mainit na ang
mga suotin nila. Dahil dito, tinatanggap nila ang namili ng negosyo. Pero may isang isyu na
kailangang makita; ang kapangyahiran sa pamili ay depende sa kapangyarihan sa mga kaya
mong’ bilhin.
Malakas rin ang kulturang popular dahil sa kultural – kung paano tayo umiisip at kumikilos.
Makikita natin na ang mga tao na hindi kilala ay may ugnayan sa bawat isa. Halimbawa, ang tao
na nakatira sa Alabang ay may alam na uulan sa Makati mamaya at ang tao na nakatira sa San
Juan ay may alam rin na uulan sa Makati mamaya. Ito ay dahil baka nakita nila ito sa telebisyon
o nakita nila ito sa diyaryo. Makikita natin na ang impormasyon na binibigay sa kulturang
popular ay parehas lamang sa mga mata ng mga tao at masasabi natin na mayroong maunawaan
nila sa itong impormasyon para sa mga maraming isyu.

Hindi lamang kultural ang kulturang popular pero ito rin ang tumutukoy sa mga politikal na isyu.
Sinasambit rin ang kultural sa politikal na aparato tulad ng militar, batas, at marami pa.
Halimbawa ay si Miriam Santiago at ang mga sinasabi niya para sa batas ay parang ing pang-
aliw na rin ng ibang tao. Pero sa huli ng araw, ang mensahe na sinasabi niya ay parehas rin sa
mga tao. Tumutulong ang kulturang popular dito dahil pinapaalam ng mga tao kung ano ang
mabuti at kung ano ang hindi. Gihuawa nila ng mga sining, pang-aliw para maalala ng mga tao
nito. Ito ay ang kapangyarihan ng kulturang popular sa politika.

Ano naman ang mga katangian ng Kulturang Popular? Ito ay ginagawa para sa kita. Hindi naman
puro wagas ang pinapakita pero gumagamit ng kulturang popular ng mga elemento para mabenta
ang mga negosyo ang mga produkto. Gusto ng mga tao na may drama na may kasali o may
tunggalian ito. Sa kahit anong industria, ang ginagawa ng mga negosyo ay namimili nila kung
ano sa tinggin nila ang gustuhan ng mga tumatangkilik. Halimbawa ay ang mga telenovelas at
ang mga ginagawa ng itong negosyo para maaliw ang mga nood nito. Ang kulturang popular rin
ay transgresibo sa mga kategorya. May mga maraming interpretasyon na nakikita ng mga tao sa
mga produkto ng mga negosyo. Hindi lamang may isang kahulugan ang itong produkto.
Halimbawa ang Jolibee Champ, makikita ang ibang tao na masarap ito at bibilhin nila ito parati.
Pero sa mga mayaman pa sa kanila ay sasabihin nila na gustuhan nila ang Burger sa Makati
Shangrila dahil mahal ito ay masarap. Ang kulturang popular rin ay may koneksyon sa gamit ng
teknolohiya. Ginagamit ang media para maipaabot ang mga kulturang popular sa mga tao gaya
ng print, broadcast, film, at marami pa. Pero makikita natin ang isyu ng media. Pwede rin matago
ang maraming impormasyon sa publiko ang media dahil nagpapadaloy ang teknolohiya ang mga
kulturang popular. Halimbawa ay ang mga sinasabi talaga ng mga Artista ukol sa mga
nagnonood sa kanya. Baka may nasabi siyang masama at ginagamit ng isyu ang media kaya
nawawala rin ng tumatangkilik sa kanya. O pwede rin hindi makapantay sa realidad ang
pinapakita kaya ang mga tao ay masama rin. Malakas ang media pero kung ano ang pinapakita
ay importante.

Ito rin ay pumapailanlang sa nosyon ng sado-masokismo. Ang sinasabi dito ay ang tao ay hindi
kontento sa mga bagay niya dahil alam niya na may maganda pang bagay na nasa labas. Pero sa
kulturang popular, nagpapasaya ang mga tao ng mga marami nilang produkto na parang ang tao
ay nagiging isang fetisistikong objek. Ang kulturang popular ay naggagling sa sentro. Sinasabi
dito na importante ang mga produkto ng kulturang popular ay nasa urban ng mga tao o kung saan
may maraming tao. May mga kailangan ang mga tao at ang mga kailanagan nito ay nagiging
komplikado sa mga exposure sa maraming bagay. Halimbawa ay ang init sa labas at may
kailangan na sa mga air-con. Ito ay nagiging sentro sa kulturang popular at nagugustuhan ito ang
mga tao.

May mga pananaw rin ang Kulturang Popular. Ang main punto ay ito ay ang terain ng tunggalian
gaya ng Itaas at Ibaba. Ito ay sinasabi sa maunawaan ng isang posisyon ng tao. Kung bakit doon
siya at bakit hindi siya sa ibang kategorya. Halimbawa sa itaas ay Starbucks at ang Ibaba ay ang
tumatambay sa kanto. Makikita natin na nasa itaas ang Starbucks dahil para sa mga sosyal o ang
mga tao na kaya bumili ng Starbucks. Sa Ibaba naman ang kanto dahil parang sa hirapan naman
ito, ang mga tao na hindi kaya bumili ng Starbucks. Mayroon ring Kultural at Kategoya at ang
mga ibang mga pananaw ng mga tao. Mayroon ring Kasaysayan, Lipunana at Modernismo na
tumutukoy sa gawain dati at ginagamit nito para sa kulturang popular. Ang pang-aliw sa
kasaysayan at and incorporasyon ng modernismo nito. Mayroon ring global at lokal at sinasabi
na hindi mahina ang lokal sa global pero sa mga tinatanggap ng mga tao sa huli. Mayroon ring
nasyonal at transnasyonal at ang globalisasyon. Kung ano ang epektibo sa mga tao.

Sa pakatuto ng kulturang popular, makikita natin dito kung paano natututo at patatanghal ng mga
tao at kung ano ang epektibo sa kanila. Makikita na may gustuhan ang mga tao sa mga tensyon
mula sa maraming panig ng kapangyarihan. May ibahan sa mga realidad at ito ay kase nagiging
kulturang popular ang isang produkto.
Sa itong lahat, masasabi natin na malakas ang Kulturang Popular pero malakas lamang kung
matatanggap natin ang mga produkto. Makikita natin sa buhay natin ang kulturang popular at
kung hindi matatanggap ng konting tao ang produkto, parating makikita nila ito at kaya dito,
naiging produkto ito ng kulturang popular. Sa pasulat ko nitong blog entry, masasabi ko na ito ay
ang kulturang popular.

-Rafael Francisco S. Suarez “Ralph”.

May mas malalim na bagay sa pag-uunawa ng kulturang popular kasya sa kung ano ang maari naming
makikita sa labas. Importante ang pag-aaral ng kulturang popular dahil bumibigay ito ng mas malaking
kamalayan sa aming lipunan at ang kulturang naapekto ito.

Kultura ng Pilipinas
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng mga
katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang
pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333
taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas
kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga
pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na
seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng
malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito.
Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay
mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop
ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang
din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing
sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng
Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensiya sa mga katutubong paniniwala ng mga
Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang
wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang
mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino.
Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana
sa mga mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga
tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.

Lipunang Pilipino[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at marami dahil sa
pagkakahiwalay ng mga ito ng lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos at mga kasanayan. Ang
bansa ay nahahati sa pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat; sa pagitan ng mga
nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at
ng mga mahihirap.
Kaugaliang Pilipino[baguhin | baguhin ang batayan]
 Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan
kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang
nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding
tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O
kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang
mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin
upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga
lipunang Europeo at Amerikano.

 Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa


kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino
ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila
ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas
ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang
binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala

 Pakikisama[1]: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at


mabuting pakikitungo sa iba.

 Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na
dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay
nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang
sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo
ng paghahanda kahit na hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming
tao, sila ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob.

 Utang na Loob[1]: Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga
pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
ay hindi makararating sa paroroonan
 Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad. citation needed
 Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar. Kailangang
ang pagkilos ay tanggap ng lipunan upang hindi marumihan ang dignidad ng mag-anak.citation
needed
 Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga
sinabi nitong mga salita o pangako.

Mga Pagdiriwang[baguhin | baguhin ang batayan]

Araw
Araw

Enero 1 Bagong taon

Pebrero 25 Himagsikang EDSA

Abril 9 Araw ng Kagitingan

Mayo 1 Araw ng Manggagawa

Hunyo 12 Araw ng Kalayaan

Agosto 29 Araw ng mga Bayani

Nobyembre 30 Araw ni Bonifacio

Disyembre 25 Pasko

Araw ni Rizal
Disyembre 30

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kultura_ng_Pilipinas

You might also like