You are on page 1of 2

WIKA, TULAY SA MABUTING PAKIKIPAG-UGNAYAN

“Walang kasaysayan ang makapagbibigay sa atin ng isang eksaktong pagkaunawa


sa mga pagbabago ng isang bayan, sa kanilang kaayusang panlipunan at sa kanilang mga
paniniwala at mga damdamin, na gaya ng isang pagsusuri sa kanilang wika”

Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog at kahulugan na


pinili at inayos upang magamit sa komunikasyon ng mga tao na nabibilang sa isang
kultura. Ang wika ay mahalaga sa lahat ng antas ng tao dahil ito ay isang instrumento sa
pagpapahayag ng iniisip at damdamin ng isang tao, ito rin ay isang daan sa
pagkakaunawaan at pagkakaisa ng bawat bayan, ito rin ay napakahalagang sangkap ng
nasyonalismo at ito rin ay isang susi sa pakikipagkalakalan.

Sa buong kasaysayan ng ating wika, ang wika ay ang pinagmulan, pagkasari-sari,


at patuloy na pagbabago nito ay nakakabinhagi sa mga kabataan. Tunay, na ang wika ay
isang tulay sa mabuting pakikipag-ugnayan sa bawat antas ng tao. Sa pamamagitan nito,
nagkakaugnay at nagkakaunawaan ang bawat tao sa isang bayang kinabibilangan nito,
isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin,
at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumikha ng tunog; at kabuuan din
nito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Ang wika ay isang kaloob ng Diyos. Ang
kabigha-bighaning proseso ng pagbabago sa wika ay nagpapakita kung gaano kadaling
baguhin ang kaloob na ito. Maaari rin nating matutuhan na walang isang guro ng tao ang
nakahihigit sa isa, sapagkat walang nakabababang wika. Katulad ng iba pang mga kaloob
ng Diyos, ang wika ay magagamit ng lahat ng tao nang pantay-pantay, ano man ang
kanilang kultura o dako na kanilang tinitirhan. Mula sa pasimula, ang mga wika ng lahat
ng tao ay karapat-dapat igalang, gaano man karaming tao ang nagsasalita nito. Ang
palakaibigang katangian ng tao ay nasasalamin sa wika nito. Kaya, kapag nagtagpo ang
mga kultura na isang karaniwang pangyayari na sumasalamin sa ating mga sarili.

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay as atin ng daaan sa


pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay ng mabuting pakikipag-ugnayan, at higit
sa lahat ay nagbibigay din ito ng tulong sa pag-unlad ng ating ibat-ibang bansa. An gating
wikang pambansa ay nagiging isang malaking daan sa komunikasyon upang mapalago at
mapabuti ang takbo n gating politika, sosyolohikal, at maging an gating ekonomikal na
aspeto ng ating lipunan. Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay may layunin na pag-
ugnay ugnayin ang bawat mamamayan sa isang bansa o lipunan na siyang nagbibigay
tulay upang tayo ay magkaintindihan.

Ang wika ang tulay sa pakikipag-ugnayan, tayo ay nakikipag usap sa iba, sa


pamamagitan ng wikang at yun an gating wikang Filipino, dahil sa wika tayo ay nakilala
ng mga madla o ibang tao sa ating lugar. Ang bawat bansa ay may kanya-kanyang wika
at sa atin ay ang wikang Filipino. Gayun din ang wikang Filipino ay an gating pambansa
kung saan tayong mga Pilipino ay nagkakaisa, an gating wika ay siyang tulay tungo sa
isang tahimik at mabuting ugnayan sa bawat isa. Dahil iisa lamang ang bawat panig ay
pakikinggan ang mga saloobin. Sa aking palagay ay hindi na nagagamit ng mga kabataan
ng tama ang ating wikang Filipino sa komunikasyon. Hindi na natin nabibigyang halaga
ang paggamit ng tama sa wikang Filipino dahil narin sa nagpapadala tayo sa panahon
kung saan marami ng wika ang umuusbong, hindi na natin isinaalang-alang ang mga
sakripisyo ng ating dating pangulo na si Manuel L. Quezon lamang maipagtatanggol an
gating wikang Filipino. Sa kasalukuyang panahon, gumagamit tayo ng ibat-ibang wika sa
pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan sa iba, alam naman nating kung gagamit tayo ng
ibang wika at ibang wika din ang gagamitin ng iyung kausap hindi tayo mag
kakaintindihan, ngunit sa panahon ngayon magkakaiba-iba man ang wika ng taong nag-
uusap, naiintindihan na nila ito dahil sa mga pagbabago, pag-iimpluwensya ng mga
dayuhan ng kanilang wika.

Ang pagkalat ng ibat-ibang wika ay malaki ang naiitulong sa bawat taong nais na
lumipat o lumabas n gating bansa. Subalit ang wikang nag-uugnay sa ating mga Pilipino
ay siya naming maghihirap. Maaaring ang wika natin ay nakakalimutan nang gamitin,
maisawalang bahala at kalimutan ng ating kapwa. Ang pagtangkilik sa ibat-ibang wika ay
hindi naman masama subalit maaapektuhan naman an gating pakikipag-ugnayan sa ating
kapwa sa pagdaan ng maraming panahon, maraming mga tao na natuto ng ibat-ibang
wika. Ginagamit upang magkaintindihan ang bawat isa.

Pag-ibayuhin ang paggamit ng wikang Filipino, dapat nating isaisip ang maaaring
magiging kalalabasan kung hindi natin pagtutuunan ng pansin ang paggamit ng sariling
wika. Maaaring maipasailalim tayo ng ibang bansa kung patuloy natin paiiralin ang
ganitong kaugalian na maspinapahalagahan ang iba pang wika kaysa sa sariling atin.

- MARVIN BELBES BALANON

You might also like