You are on page 1of 2

Ma. Kristel J.

Orboc 04:00-06:00PM Saturday 11 August 2018

FLT 4007 – Paglinang ng Kurikulum at Paghahanda ng mga Kagamitang Pampagtuturo

1. Ano ang kurikulum? Sinong nagsabi?

Ang kurikulum ayon kina Ragan at Shepherd, ay isang daluyang magpapadali kung saan ang
paaralan ay may responsibilidad sa paghahatid, pagsasalin, at pagsasa-ayos ng mga karanasang
pampagkatuto. Sa pamamagitan ng kurikulum ang mga mag-aaral naisasama sa karanasang
pang-edukasyunal at tunay na makakatulong sa pagpapa-unlad ng sitwasyon ng lipunan.
(https://www.slideshare.net)

Ang kurikulum at pagtuturo ay isang larangan sa loob ng edukasyon na naglalayon


makapanaliksik, makapag-unlad, at makapagpatupad ng mga pagbabago sa kurikulum na
nakapagpapataas ng mga nagagawa o nakakamit ng mga mag-aaral sa loob at labas ng
paaralan. (https://tl.m.wikipedia.org)

2. Mga pananaw sa kurikulum.

 Progresibong Pananaw
a. Ayon sa pagpapakahulugan ni John Dewey ang kurikulum ay nangangahuluganag
kabuuang karanasang pamapagkatuto ng isang indibidwal sa karanasang pang-
edukasyon. Naniniwala siya na ang replektibong pag-iisip ay paraan na
nagbubuklod-buklod sa mga elementong kurikular. Ito ay pinatunayan sa
aplikasyon at paglalapat at hindi hinango sa mga aksyon.
b. Ayon sa pananaw ni Caswell at Campbell, ang kurikulum ay pumapatungkol sa
lahat ng mga karanasang pampagkatuto na may patnubay ng guro.
c. Ayon sa pananaw ni Smith, Stanley at Shores, ang kurikulum ay ang pagkakasunod-
sunod ng mga karanasang potensyal na ang pinakalayunin ay madisiplina ang mga
mag-aaral at kabataan sa paraan ng pag-iisip at pagganap.
d. Ayon sa progresibong pananaw sa kurikulum, ang listahan ng mga asignatura sa
paaralan, silabus, kurso at talaan ng mga tiyak na disiplina ay hindi kurikulum.
Maaari lang itong tawaging kurikulum kung ang mga isinulat na materyales ay
ginawa at naranasan ng mga mag-aaral.
 Trdisyunal na Pananaw ng Kurikulum
a. Mula sa pannaw ni Arthur Bestor, naniniwala siya na ang misyon na dapat
tambukin ng mga paaralan ay mga intelektwal na pagsasanay, ibig sabihin, ang
kurikulum ay nagbibigay pokus sa pangunahing intelektwal na disiplina ng
gramatika, literature at pagsulat.
b. Ayon kay Robert Hutchins tinitignan niya ang kurikulum bilang “permanenteng
pag-aaral” kung saan ang alituntunin ng gramatika, pagbasa, retorika at lohika at
matematika para sa panimulang pagtuturo ay mabibigyang diin.
c. Ang tradisyunal na pananaw sa kurikulum ay nagpapahayag ng kalipunan ng mga
asignatura at mga paksang aralin na inihanda ng mga guro para sa pagkatuto ng
mga mag-aaral.
Iba pang pananaw:

 Pag-alam sa maaaring lamanin ng kurikulum


 Pagbuo ng matibay na layunin ng kurikulum
 Pagpili ng tiyak na lalamanin ng kurikulum
 Pag-oorganisa ng lalamanin ng kurikulum
 Pagbabantay sa mga karanasan ng pagkatuto sa kurikulum
 Pag-oorganisa sa mga karanasan ng pagkatuto sa kurikulum
 Pagsasagawa ng mga epektibong pamamaraan sa pagkatuto na lalamanin ng kurikulum
(https://www.academia.edu)

3. Mga Uri ng Kurikulum


 Recommended Curriculum
– ang uri ng kurikulum na kadalasang nagmula sa mga nasyunal na ahensya kagaya ng
DedED, CHED, DOST o iba pang pampropesyunal na organisasyon na may kinalaman
sa edukasyon.
 Written Curriculum
–uri ng kurikulum kung saan kasama ang mga dokumento, kurso ng pag-aaral, o silabus
na ibinibigay sa mga paaralan, distrito, dibisyon, departamento, at kolehiyo para sa
implementasyon.
 Taught Curriculum
– iba’t ibang planadong gawain na inilalalapat sa loob ng silid-aralan.Mga aktibidades
na inimplementa para matamo ang layunin ng isinulat na kurikulum.Ginagamit din ito
ng mga mag-aaral sa gabay ng mga guro. Nag-iiba rin ito batay sa estilo ng pagkatuto ng
mag-aaral at paraan ng pagtuturo ng mga guro.
 Supported Curriculum
- mga materyales na sumusuporta o tumutulong sa implementasyon ng isang writtem
kurikulum o isinusulat na kurikulum. Dapat din itong mgbigay daan sa mga mag-aaral
na matamo ang tinatawag na tunay at panghabambuhay na pagkatuto.
 Assessed Curriculum
– uri ng kurikulum na tinataya o iniebalweyt. Ito ay ginagawa ng isang guro para
malaman kung may pag-unlad ba ang pagkatuto ng isang mag-aaral.
 Learned Curriculum
–ito ang mga learning outcomes na natamo ng mga mag-aaral. Napapatunayan ito sa
pamamagitan ng mga resulta ng mga pagsusulit at pagbabago ng kanayang kognitib,
apektib, at saykomotor.
 Hidden Curriculum
- uri ng kurikulum na hindi kasali sa pagpaplano pero maaaring makaapekto sa ugali at
kilos ng isang mag-aaral o kaya’y makaapekto sa kalalabasan.
(https://www.slideshare.net)

You might also like