You are on page 1of 3

Colegio de la Purisima Concepcion

The School of the Archdiocese of Capiz


FINAL EXAMINATION in
MF 16 – PANULAANG FILIPINO
2nd Sem, AY 2020-2021

PANGALAN:Kyla May T. Andrade KURSO: BSED PERMIT NUMBER:

I. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Isang uri ng panitikan na itinatanghal sa tanghalan.
a. tula b. dula c. maikling kuwento d. nobela
2. Ito ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino ayon kay Tiangson.
a. iskrip b. tauhan c. tagpuan d. memises
3. Sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi, at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula.
a. kalutasan b. kasukdulan c. kakalasan d. tunggalian
4. Sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin.
a. tunggalian b. kasukdulan c. kakalasan d. kalutasan
5. Saglit na paglayo ng mga tauhan sa suliraning nararanasan. Anong sangkap ng dula ito?
a. tunggalian b. kasukdulan c. saglit na kakalasan d. sulyap sa suliranin
6. Ito ang pinakapaksa ng dula. Anong elemento ng dula ito?
a. dayalogo b. tanghalan c. iskrip d. tema
7. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula.
a. iskrip b. dayalogo c. aktor d. tanghalan
8. Ang nagpapakahulugan sa isang iskrip.
a. iskrip b. direktor c. aktor d. dayalogo
9. Ito ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
a. iskrip b. tagpo c. eksena d. tanghalan
10. Ang _______________ ay ang pagpapalit ng iba’t ibang tagpuan sa pangyayari sa dula.
a. tagpo b. eksena c. iskrip d. dayalogo
11. Nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng pangunahing tauhan.
a. komedya b. melodrama c. parsa d. trahedya
12. Mga karaniwang ugali ang paksa ng dulang ito.
a. parsa b. trahedya c. melodrama d. saynete
13. Masaya ang wakas ng dulang ito ngunit may mga malulungkot na mga bahagi ang dulang
ito.
a. komedya b. melodrama c. trahedya d. parsa
14. Ang dulang ito ay nagtatapos na masaya at nagkakasundo ang mga tauhan.
a. komedya b. melodrama c. trahedya d. saynete
15. Dulang pagtutula at kinapapalooban ng sayawan at awitin.
a. Wayang Orang b. Bulong c. Embayoka at Sayotan d. dalit
16. Isinasalarawan nito ang paghahanap sa banal na Krus ni Reyna Elena.
a. senakulo b. santa cruzan c. dalit d. panunuluyan
17. Itinatanghal tuwing buwan ng Mayo tungkol sa paghahanap ni Santa Elena sa krus na
pinagpakuan kay Kristo.
a. salubong b. senakulo c. tibag d. dalit
18. Pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong hugis tao sa likod ng kumot.
a. karilyo b. sarsuwela c. moro-moro d. dung-aw
19. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad sa kaugalian ng isang lahi o katutubo.
a. duplo b. dung-aw c. saynete d. sarsuwela
20. Larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay.
a. duplo b. dung-aw c. saynete d. sarsuwela

II. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod.


21-27. Elemento ng Dula
21. Direktor
22. Iskrip
23. Aktor
24. Dayalogo
25. Manonood
26. Tema
27. Tanghalan

28-30. Halimbawa ng dula sa panahon ng Katutubo


28. Wayang Orang ng mga Katutubo Purwa
29. Bulong
30. Embayoka at Sayatan

31-37. Mga Kawani ng Produksyon


31. Tagapamahala ng Tanghalan
32. Katulong ng Direktor
33. Tagadisenyo ng Tanghalan
34. Tagapagdikta
35. Direktor Teknikal
36. Tagapamahala ng Entablado
37. Direktok

38-40. Tatlong halimbawa ng dula sa panahon ng Kastila


38. Pantanghalan
39. Panlansangan
40. Pantahanan
III. Panuto: Ipaliwanag nang mabuti ang iyong kasagutan sa tanong sa ibaba. (sampung puntos)
1. Sa iyong palagay, lumalaganap pa rin ba sa panahon natin ngayon ang mga dulang
pantanghalan? Patunayan ang iyong kasagutan.
Para sakin ay hindi na lumalaganap ang mga dulang pantanghalan sa panahon ngayon
dahil wala na masyado nagbibigay pasin sa mga dula at may iba’t ibang nang mga tinatangkilik
ang mga Pilipino. Habang tumalagay ay nag iiba na ang mga gustong panoorin ng mga tao dahil
media. Sa aking karanasan ay nagagawa nalang ang mga dula sa mga paaralan tuwing ang
pinag-aralan ay tungkol sa mga dula.

Inihanda ni:

Angelica Joy A. Buenvenida, LPT


Instructor

Pinansin ni:

Dr. Ivy G. Gorriceta


Dean, CASE

You might also like