You are on page 1of 5

Colegio De La Purisima Concepcion

The School of the Archdiocese of Capiz


Roxas City

College of Arts, Sciences and Education

INSTRUCTIONAL LEARNING KIT/MODULE

WEEK 18-19
Iba’t ibang uri ng Dula

Intended Learning Outcomes


Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Maisa-isa ang mga iba’t ibang uri ng dula sa PIllipinas
b. Malaman ang mga paraan sa pagsusuri ng dula
c. Makapagsuri ng dula sa pamamagitan ng gabay sa pagsusuri

Introduction
Ang dula ay may mga iba’t ibang uri na madalas gawin sa tanghalan. Anu-ano kaya ang
mga uring ito? Sa pamamagitan ng modyul na ito ay mapag-aaralan natin ang mga iba’t ibang
uri
ng dula. Sa modyul din na ito ay malalaman din natin ang mga gabay kung paano ang tamang
paraan sa pagsusuri ng isang dula. Kaya makakapagsuri tayo ng isang dula gamit din ng mga ele-
mento na napag-aralan natin sa nakaraang modyul. Halina’t pag-aralan ito.

Inputs
A. Mga Uri ng Dula
Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay
upang maipamalas sa tanghalan. Sa pamamagitan ng dula, nailalarawan ang buhay ng tao na
maaaring malungkot, masaya, mapagbiro, masalimuot, at iba pa.

 TRAHEDYA
- Nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng pangunahing tauhan.
Hal.
- Moses, Moses
- Jaguar
- Kahapon, Ngayon, at Bukas
- Sinag ng Karimlan

 KOMEDYA
- Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood dahil nagtatapos na masaya
sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo.
1
Hal.
- Sa Puli, Sa Puti

 MELODRAMA
- Kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot
na bahagi.
Hal.
- Sarinmanok ni Patrick C. Fernandez

 PARSA
- Ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga
pananalitang katawa-tawa.
Hal.
- Karaniwang Tao ni Joey Ayala

 SAYNETE
- Mga karaniwang ugali ang paksa dito.

 PANAHON NG KATUTUBO
 Wayang Orang ng mga Katutubo Purwa (Bisaya) – tumutukoy sa pagmamalupit ng mga
Sultan sa kanilang aliping mga babae. Patula ang mga usapan ng mga tauhang
nagsisiganap.
 Embayoka at Sayatan (Muslim sa Jolo at Lanao) – dulang pagtutula kahawig ng
Balagtasan ng mga Tagalog. Kinapapalooban ng sayawan at awitan.
 Bulong – ginagawa o ginaganap sa totoong buhay kaugnay sa pananampalataya,
pamahiin o paniniwala at paggagamot.

 PANAHON NG KASTILA
 Pantahanan – isinasagawa sa tahanan. Halimbawa nito ay ang Pamamanhikan.
 Panlansangan – isinasagawa sa lansangan. Halimbawa nito ay ang Panunuluyan, atbp.
 Pantanghalan – isinasagawa sa loob ng tanghalan.
Mga paksa ng dulang ipinapalabas:
- Pangkagandahang asal, Pangwika, Panrelihiyon

 Panrelihiyon
- Panunuluyan – paghahanap ng matutuluyan nina Maria at
Joseph sa Betlehem
- Dalit – ang pag-aalay ng bulaklak kasabay ng pag-awit bilang
handog kay BIrheng Maria. (Flores de Mayo)
- Santa Cruzan – isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi
ng pagdiriwang ng Flores de Mayo. Isinasalarawan
nito ang paghahanap sa Banal na Krus ni
Reyna Elena, ang ina ni Constantino.

2
- Senakulo – isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan
ng Poong Hesukristo.
- Salubong – pagtatanghal ng pagtatagpo ng muling nabuhay na
Panginoong Hesus at Maria.
- Tibag – isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng
paghahanap ni Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo.

 Iba pang mga Dula


- Moro-moro – isang matandang dulang Kastila na naglalarawan
ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong
unang panahon.
- Karilyo – pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong
kartong hugis tao sa likod ng isang kumot na
may putting ilaw.
- Sarsuwela – isang komedya o melodramang may kasamang awit
at tugtog, may tatlong yugto, at nauukol sa
mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig,
paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam, at iba pa.
- Dung-aw – binibigkas ng paawit ng isang naulila sa piling ng
bangkay ng yumaong asawa, magulang at
anak.
- Karagatan – nanggaling sa alamat ng prinsesang naghulog ng
singsing sa karagatan, tapos nangakong
papakasalan niya ang binatang makakakuha nito.
- Duplo – larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa
bilang paglalamay sa patay.
- Saynete – itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan ng mga
huling taon ng pananakop ng mga Kastila . Ang
paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad sa
kaugalian ng isang lahi o katutubo.
- Pangangaluluwa – kilala bilang Todos Los Santos Kaluluwa
kaming tambing sa purgatoryo nanggaling.
Doon po’y gawa namin araw at gabi’y
manalangin.

 PANAHON NG AMERIKANO
Maliwanag na ambag ng panahong ito ang pelikula. Dito kauna-unahang kinilala
ang Dula o Drama. Sa unang bahagi ng ika-20 siglo, ang mga dula’y tungkol sa makabayan
subalit noong 1920 ang karamihan sa dulaan ay nagupo mula sa makabayan napalitan ito ng
makatotohanan at maromansa.

Unang Tatlong Komedyang ipinalabs:


1. La Conjuracion de Venecia
2. La Bata de Cobra
3. La Reduma

3
Dalawang Bahagi ng taong nakapaloob sa dula:
1. Impesaryo – nag-aayos, pumipili sa mga magtatanghal sa palabas. Kinabibilangan ito nina
Severino Reyes at Hermogenes Ilagan na nagtatag ng Compania Ilagan. B
2. Manunulat – mga tagapagsulat ng dula.
Involvement (Student)
Activity 1
Panuto: Magbigay ng dalawang halimbawa ng dula sa bawat uri nito.

1. Trahedya

2. Komedya

3. Parsa

4. Saynete

5. Melodrama

Individual Worksheets
A. Panuto: Tukuyin ang ipinapahayag ng bawat pahayag. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
(dalawang puntos bawat bilang)
________________1. Sa uri ng dulang ito, ang wakas ay kasiya-siya para sa mga manonood.
________________2. Ito ang tawag sa mga nag-aayos at pumipili ng mga gaganap sa isang dula.
________________3. Sa panahon na ito, ang kanilang ambag ay pelikula.
________________4. Isang dula na nagpapakita ng paghahanap nang matutuluyan sina Maria
at Joseph.
________________5. isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng
Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.
________________6. Mga karaniwang ugali ang paksa sa dulang ito.
________________7. Dulang nagtatanghal tungkol sa pagtatagpong muli ni Hesukristo nang
siya nabuhay sa kaniyang ina na si Maria.
________________8. Sa uring ito, kasiya-siya rin ang wakas ngunit may mga malulungkot na
mga bahagi sa dulang ito.
________________9. Nagtatapos sa pagkasawi ng pangunahing tauhan.
________________10. Isang dulang nagpapakita ng buhay at pagkamatay ni Hesukristo.

Intervention
Panuto: Pag-aralan ang mga huling paksa sa asignaturang ito upang mapaghandaan ang
eksaminasyon.

4
References: https://www.slideshare.net/charlhen1017/mga-uri-ng-dula-121205807

You might also like