Professional Documents
Culture Documents
Panahon ng Kastila
Tatlong uri ng Dula:
Pantahanan – Isinasagawa sa tahanan.
Hal. Pamamanhikan
Panlansangan – Isinasagawa sa langsangan.
Hal. Panunuluyan atbp.
Pantanghalan – Isinasagawa sa loob ng tanghalan.
Paksa ng mga Dulang ipinapalabas:
Pangkagandahang-asal
Pangwika
Panrelihiyon
Halimbawa ng dula sa Panahon ng Kastila:
Duplo – Isang tulang patnigan na ang pinapaksa at tungkol sa
nawawalang ibon ng Hari. Ito ay kalimitang isinasagawa sa
malawak na bakuran kung may namatayan sa isang Nayon.
Karagatan – Isinasagawa rin ito tuwing may namatayan sa Nayon.
Itp’y hango sa alamat ng Prinsesang naghulog ng singsing sa gitna
ng dagat at ang sinumang binatang makhanap nito ay kaniyang
papakasalan.
Panunuluyan – Prusisyong ginaganap tuwing bisperas ng Pasko.
Ito ay paghahanap ng bahay na matutuluyan ng Mahal na Birhen
sa pagsilang kay Hesukristo.
Tibag – Pagsasadula ng paghahanap ng Krus na pinagpakuan kat
Kristo nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino. Ginaganap
tuwing Mayo sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Bataan,
at Rizal.
Panubong – Mahabang tulang paawit bilang handog at
pagpaparangal sa isang dalagang may kaarawan. Ito;y laganap sa
Marinduque, mula ito sa salitang Tagalog na “pamutong” na ang
ibig sabihin ay lalagyan ng putong o korona ng mga bulaklak ang
dalagang may kaarawan, nahahati ito sa tatlong bahagi.
Karilyo – Dulang ang mga nagsisiganap ay mga tau-tauhang
karton. Pinapagalaw ang mga ito sa pamamagitan ng mga
nakataling pising hawak ng mga tao sa itaas ng tanghalan. Ang
mga taong nagsasalita ay nasa likod ng telon. Madilim kung
palabasin ito sapagkat ang nakikita lamang ng mga tao ay
kanilang mga anino.
Cenakulo – Isang dulang naglalarawan ng buong buhay hanggang
sa muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. Ang
usapan ay Patula. Sinulat ng Paring Pilipino. Ang Pasig, Morong at
Pasay ang mga kilalang pook na pinagtatanghalan nito.
Moro-moro – Paglalaban ng mga Muslim at mga Pilipinong
Kristiyano. May magaganda at makukulay na kasuotan. Ang
usapan ditto ay Patula at karaniwan ay totoong mataas ang tono
ng mga nagsasalita, lagging may taga-dikta sa mga nag-uusap
sapagkat hindi totoong naisasaulo ng mga gumaganap ang
kanilang paepl. Mas magara at maganda ang pagpapalabas nito sa
Bisaya.
Panahon ng Amerikano
Severino Reyes
ipinanganak sa Sta Cruz, Maynila noong Pebrero 12, 1861. Ikalima
sa mga anak nina Rufino Reyes at Andrea Rivero.
Mas kilala sa tawag na Don Binoy.
Nakasulat siya ng humigit 40 na dula
May-akda ng “Mga Kwento ni Lola Basyang”
Maituturing ding Ama ng Dulang Filipino
Naging manunulat ng Liwayway
Nagtatag ng unang samahan sa dula, “Gran Compania de Zarzuela
Taga”
Nagpakilala ng walang katarungang paglilitis kay Rizal.
Kanyang mga naisulat na dula:
Walang sugat
Ang kalupi
R.I.P
Cablegrama Fatal (1903)
Puso ng Isang Pilipina (1919)
Bagong Fausto
Filotea, o Ang Pag-aasawa ni San Pedro
Opera Italiana
San Lazaro
Aurelio Tolentino
Kapampangang kapanahon nina Don Binoy at Patricio Mariano
Mas kahanga-hanga kumpara kina Don Binoy dahil sumulat siya
gamit ang ibang wika.
Sumama sa paghihimagsik ng mga Pilipino kung kaya ilang ulit
syang nabilanggo.
Siya rin ang pumulot sa salitang “Dula” mula sa Bisaya at ginamit
ito sa Tagalog sa kahulugang “Drama”
Ang kanyang Dula ay lipos ng diwang Makabayan at
panunuligsang Panlipunan.
Ang kanyang mga tanyag na Dula:
a. Sumpaan – 3 yugto
b. Filipinas at Espanya – 2 yugto
c. Rizal y los Dioses – Operang Tagalog nap uno ng mga sagisag na bansa.
d. Sinukuan – 3 yugto at pampulitika
e. Ang Makata – 1 yugto
f. La Rosa – 1 yugto
g. Manood Kayo – Awit at mga pangyayaring pinag-ugnay sa 3 yugto.
h. Bagong Kristo – Panlipunan
i. Luhang Tagalog – Pangkasaysayan at pinalagay na kanyang obra
maestra
j. Kahapon, Ngayon, Bukas – 3 yugto, may himig paghihimagsik, protesta
sa pamamalakad ng mga Amerikano at dahilan ng kanyang
pagkabilanggo.
Hermogenes Ilagan
Isinilang si Hermogenes Ilagan sa Bigaa, Bulacan. Nag-aaral siya
sa Ateneo de Manila.
Siya ang ninuno ng mga Ilagan na kinilala sa larangan ng
pagtatanghal sa radio, at pelikula.
Kinilala sa tawag na “Ka Muning”
Mga Dulang isinulat:
a. Dalagang Bukid – Dulang nagpabantog sa kanya na tungkol sa isang
taga bukid na si Angelita.
b. Dalawang Hangal
c. Lucha Electoral
d. Despoes de Dios, el Dinero
e. Biyaya ng Pag-ibig
Julian Cruz Balmaceda
Isinilang sa Orion, Bataan noong Enero 28, 1895. Nag-aral siya sa
Colegio de San Juan de Letran. Nagtapos siya ng dalawang taong
pag-aaral ng Batas sa Escuela de Derecho.
Sa gulang na 12 siay ay nagging taga sulat ng mga liham ng pag-
ibig sa Udyong, Bataan.
Nagging sarhento sa gulang na 13 sa Bacood, Cavite.
Mambabalarila, mananaysay, makata, manunuring pampanitikan,
kuwentista, mangangat-hang-buhay at higit sa lahat mandudula.
Patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa
Mga Akda o Tanyag na Dula
a. Sugat ng Puso – Kinatha niya sa gulang na 14 na taon
b. Ang Piso ni Anita – Nagkamit ng unang gantimpala sa Bureau of Posts.
Ito ay hinggil sa pagtitipid, isang drama musical na may 3 yugto.
c. Sa Bunganga ng Pating – Panunuligsa sa mga usurer. Ito rin ang
nagdala sa kanya ng karangalan at kabantugan.
d. Budhi ng Mangagawa
e. Dugo ng Aking Ama
f. Kaaway na Lihim
g. Dahil sa Anak – Isa sa pinakapinaggigiliwang tula
Patricio Mariano
Naglingkod sa Senado ng Pilipinas kung kaya’t tinalikuran ang
kanyang pag-ibig ang pagsusulat
Ang kanyang istilo ay maromansa at puno ng simbolismo
1901-1934 nakasulat siya ng 45 na tula.
Mga akda na kanyang nasulat:
a. Ang ng Dagat – 1922, 3 yugto, obra maestra at naipasok sa karanasang
personal bilang manghihimagsik, mamamahayag at pendula.
b. Lakambini – Trahedya, 3 yugto, salaysaying batay sa unang pagsapit ng
mga Kastila sa Maynila at ipinapalagay ding kanyang obra maestra.
c. Tulisan
d. Buhay Dapo
e. Luha’t Dugo
f. Ang Dalawang Pag-ibig
g. Ang Unang Binhi
h. Deni
i. Ang Pakakak
j. Silanganan
k. Ako’y Iyo Rin
l. Si Mayumo
Panahon ng Hapon
Sanligang kasaysayan