You are on page 1of 32

KABANATA IV

PANAHON NG KASTILA

PANAHON NG KASTILA (1565-1872)


- Ang panitikang Filipino nang panahon ng Kastila
ay nagsimula lamang nang opisyal namaitatag ni Legaspi
ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas noong 1565.
Kumulang humigitsa 44 na taon muna ang nakaraan
simula nung makarating si Magallanes sa Pilipinas
noong 1521 bago opisyal na nasakop ang Pilipinas ng 
Espanya. 
PANITIKAN SA PANAHON NG
KASTILA
-Sa panahong ito, panrelihiyon ang karaniwang paksa ng
panitikan. Ginamit ng mga Kastila ang panitikan upang
maisakatuparan ang kanilang layunin na mapalaganap ang
Kristiyanismo.

Ang panitikag Pilipino nang panahon ng kastila ay


nahahati sa tatlong yugto:

1.Panitikan sa ilalim ng Krus at Espada ng Espanya


2.Panitikan sa paggising ng damdaming makabayan
3.Panitikan sa panahon ng himagsikan
UNANG PAARALAN NA NAITATAG SA PANAHON NG KASTILA

Colegio de Santa Potenciana - Kauna-unahang paaralang pambabae na


itinatag noong 1594 upang gawing mabuting asawa ang kababaihan. Ito ay para
lamang sa mga anak na babae ng mga sundalong Espanyol at sa mga ulila.

Colegio de San Ignacio- kauna-unahang paaralang panlalake na itinatag


noong 1589.

Colegio de Nuestra Senora del Rosario- na itinatag naman noong


taong 1611 sa pangunguna ni Padre Miguel De Benabides.
MGA AKDANG PANRELIHIYON AT
PAGKAGANDAHANG ASAL

DOCTRINA CRISTIANA (1593)-
kauna-unahang aklat na panrelihiyon
na nalimbag sa pamamagitan ng 
silograpiya sa Pilipinas.  Ito 
ay sinulat nina Juan de Plasencia at Padre
Domingo de Nieva
PASYON - inaawit tuwing
kuwaresma, hinggil sa
kapanganakan , pagkapako
niya sa krus,hanggang sa
muling pagkabuhay maging
ang kanyang mga pasakit at
pagdurusa ni Kristo na
lalong popular sa Mahal na
Araw o Semana Santa.
PAGSUSULATAN NG DALAWANG
BINIBINI NA SINA URBANA AT
FELIZA -aklat na isinulat ni Modesto
De Castro. Ito’y tungkol sa
pagsusulatan ng dalawang magkapatid
na sina Urbana at Feliza. Pawang
nauukol ito sa kanutihang-asal ang
nilalaman ng aklat na ito.
ANG ILAN SA MGA MAGAGANDANG
PAALALA MULA SA URBANA AT
 Huwag magpakita ng kalupitan saFELIZA
pagnanasang igagalang
ng tao.
 Huwag kalilimutan ang katungkulang lumingap sa lahat,
mahal man at hindi.
 Katapatan ng loob sa kaibigan, mapag-ampon sa mababa,
maawain sa mahirap at tumutupad sa katungkulan ay
pupurihin ng bayan.
 Pagdating sa bahay
 Bumati ng magandang gabi o magandang araw sa may
bahay, saka isusunod ang mga kaharap.
 Huwag magpapatuloy sa kabahayan hanggang di
inaanyayahan.
FLORANTE AT LAURA-
Ang Florante at Laura ay isang tula.
Isang mahabang tula na pasalaysay na
binubuo ng apat na taludtud. Ito ay
tumatalakay ukol sa kabayanihan. Ang
tagpo ng Florante at Laura ay sa isang
malayong lugar sa Europa at may mga
banyagang tauhan. Ang mga
pangyayaring naganap dito ay
naglalarawan ng kalagayan ng lipunang
Pilipino.
ANG MGA DULA SA PANAHON NG KASTILA

DULA- Ito ay hango sa salitang Griyego na


“drama” na nangangahulugang gawin o ikilos. Ang
layunin ng dula ay makapag bigay aliw sa mga
manonood. Sinasabi ring ang dula ay isang uri
ngsining na may layuning magbigay ng
makabuluhang mensahe sa manonood. Ang dula sa
ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng 
Pilipinas. 
Tatlong Uri Ng Dula
1.Pantahanan- isinasagawa sa tahanan. Halimbawa nito ay
pamamanhikan. Halimbawa (Karagatan, Duplo, Pamamanhikan,)

2.Panlansangan- Ang dulang panlangsangan ay isang uri ng dula na


ginaganap sa lansangan. Halimbawa (Pangangaluwa, Tibag,
Panunuluyan, Salubong).

3.Pantanghalan- Ang dulang pantanghalan ay ang dula na


isinasagawa sa tanghalan,ito ay may mga tauhan na siyang
tagaganap at ang iskrip na pinakamahalaga . Tinawag itong dulang
pantanghalan sapagkat itinatanghal nga ito sa mga stage o
entablado. Halimbawa (Senakulo, Moro-Moro, Komedya, Karilyo)
3.Pantanghalan- Ang dulang pantanghalan ay ang
dula na isinasagawa sa tanghalan,ito ay may mga
tauhan na siyang tagaganap at ang iskrip na
pinakamahalaga . Tinawag itong dulang pantanghalan
sapagkat itinatanghal nga ito sa mga stage o
entablado. Halimbawa (Senakulo, Moro-Moro,
Komedya, Karilyo)
Karagatan- Ang dula o larong ito’y
ipinalalabas bilang pang-aliw sa mga
naulila. Ginaganap ito sa ika-30 araw na
pagkamatay at unang taon ng
kamatayan. Maaari rin itong ganapin sa
buong panahon ng pagdarasal para
sa kaluluwa ng namatay, mula sa
una hanggang ika-9 na araw
at sa unang taonng kamatayan. Patula
kung bigkasin ang mga pananalita.
Duplo- Ang duplo’y isang
madulang pagtatalong
patula. Ito’y karaniwang
ginaganap sa isangmaluwag
na bakuran ng namatayan.
Dito’y inaanyayahan ang
lahat na magagaling na
duplero o
makata. 
Panunuluyan- ay isang
kaugaliang Kristiyano ng mga
Filipino na nagtatanghal
ngmasalimuot na paglalakbay
nina Santo Jose at Birheng
Maria mula sa Nazareth
patungong Bethlehem upang
maghanap ng matutuluyan na
mapagsisilangan kay Hesukristo.
Tibag- ay ang pagsasadula ng
paghahanap ng krus sa pinagpakuan kay
Kristo nina Reyna Elena at Prinsipe
Constantino. Ang dulang ito’y ginaganap
kung buwan ng Mayo sa mga lalawigan ng
Bulakan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal at
nanggaling sa pagtibag ng mga bundok
sa paghahanap ng krus ni Reyna Elena
at Prinsipe Constantino.
Karilyo- ito’y isang dulang ang mga
magsisiganap ay mga tau-tauhang
karton. Pinagagalaw ang mgaito sa
pmamagitan ng mga nakataling pising
hawak ng mga tao sa itaas ng
tanghalan. Ang mga taong
nagsasalita ay nasa likod ng telon.
Madilim kung palabasin ang karilyo
sapagka’t angnakikita lamang ng mga
tao’y ang kanilang mga anino.
Senaculo -ay isang dulang
naglalarawan ng buong buhay
hanggang sa muling pagkabuhay ng
ating Panginoong Hesukristo. Ito rin
ang Pasyon. Kaya lamang ang pasyon
ay inaawit samantalang ang Cenaculo’y
ginaganap sa mga tanghalan. Ang
usapan ay patula rin. Dalawa ang uri
ng Cenaculom isa ay ang hablada na
ang usapan ay hindi inaawit kung hindi
patula. Ang isa naman ay iyong
“Cantada”. Ito’y inaawit na tulad ng
Pasyon.
Moro-Moro- Ipinalalagay na ang
Moro-Moro ay nagsimula noong
ika-17 daang taon, nang ang
mgaPilipinong Kristiyano at mga
Pilipinong Muslim ay madalas
magsagupa sa paglalaban. Ang
paksa ng Moro-Moro ay lagging
paglalabanan ng mga Muslim at
mga Pilipinong Kristiyano atlagi
naming nagwawakas sa tagumpay
ng mga Kristiyano.
Salubong-
pagtatanghal ng
pagtatagpo ng muling
nabuhay na
Panginoong Hesus at
ni Maria
Santacruzan- ay isang
prusisyon na isinasagawa sa
huling bahagi ng pagdiriwang
ngFlores de Mayo.
Isinasalarawan nito an
paghahanap sa Banal na Krus ni
Reyna Elena, ang ina ni
Constantino.
Ang Iba Pang Uri ng Dula
Melodrama – kasiya-
siya din ang wakas
nito bagamat ang
uring ito’y may
malulungkot na
bahagi.
Sarsuwela- Ang ibig sabihin
ng sarsuwela ay ito ay isang
anyo ng pagtatanghal ng dulaan
na may pag-awit at pagsayaw
na hinango sa opera ng Italya.
Ito ay itinatanghal sa dula sa
pamamagitan ng patula,
pasalita o pakantang dayalogo.
Ang sarsuwela ay mula sa
impluwensya ng mga Kastila
kung saan unang umunlad ito sa
Espanya noong ika-17 na siglo.
Saynete- Ang parsa o saynete
ay isang komedya na naglalayong
magbigay ng aliw sa mga
tagapanood sa pamamagitan ng
pagpapakita ng kalabisan,
karangyaan na malayong
mangyari.
Mga UNANG TULANG TAGALOG
Mga halimbawa ng tula -Ang unang tulang tagalog ay
sa panahon ng kastila. sinulat ni Tomas Pinpin
1. Mi Ultimo Adiós kasamang inilimbag sa kanyang
(Jose Rizal) aklat na Librong Pag-aaralan ng
2. A La Juventud
mga Tagalog sa Uicang Castila.
Filipina (Jose Rizal) -Ang tula ay binunuo ng
3. ¡Me Piden Versos!
magkasalit na taludtod sa
tagalog at Kastila sa layuning
4. Que Dios Le Perdone matutuhan ang Kastila.
- Ang karangalan ng pagka
Ang Tunay “Unang tunay Na makata” ayon
na Makata sa mananaliksik ay ibinigay sa
kanya at nalathala noong 1708
ang kanyang tulang
ipinamimigay Na may
katangianng tunay tula. Una
itong iginawad kay Felipe De
Jesus.
“ TUNAY NA TULA “
Ni Phelipe De jesus

“Ybong camunti sa pugad


sa inang inaalagad
ay dili macalipad
hangan sa di magcapacpac

Loob ninyong masilacbo


parang ningas sa alipato
sa alapaap ang tongo
ay bago hamac na abo.
ANG ARTE POETICO
TAGALO
-sa aklat na ito
ipinapakilala ang pantigan at
tugmaan ng tulang tagalog na
isinulat ni Padre Franciso
Buencuchillo (1710-1776) na
siyang nag-sulat, nag-aral at
nag-suri ng panulaang tagalog.
Mga Awiting
Panrelihiyon
Mga Uri ng Awiting-Bayan
1.Oyayi - awiting panghele o pagpatulog sa bata.
2.Diyona - awitin tungkol sa kasal.
3.Kundiman - awit sa pag-ibig
4.Kumintang - awit ng pandigma
5.Soliranin - awit sa paggagaod
6.Tikam - pandigmang awit na pang-akit sa pakikihimok o kaya naman ay pagbati sa
bayaning nagtatagumpay.
7.Talindaw - awit sa pamamangka
8. Kutang-kutang - awit panlansangan.
9. Maluway - awit sa sama-samang paggawa.
10. Sambotani - awit sa pagtatagumpay.
11. Dung-aw - awit sa patay.
12. Pangangaluwa - awit sa araw ng mga patay ng mga tagalog.
13. Dalit - awit panrelihiyon.
Mga Pagbabagong naganap sa Buhay ng mga Pilipino

● Tinangkilik ang relihiyong katoliko.


● Nagpalit sila ng mga pangalan at nagpabinyag.
● Nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay.
● Nagkaroon ng mga bahay na tisa at bato.
● Magagandang kasangkapan tulad ng piyano, muwebles at mga
kagamitang pangkusina.
● Nagkaroon ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren at bapor.
● Natuto silang magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga
santo at papa.
● Bilang libangan, nagkaroon ng mga sabong, karera ng kabayo at teatro.
INULAT NILA:

CASAS, Daisylyn CASTRO, Wilky C. CORPUZ, Ronald N. DABANDAN, Diane Aryve


S.

DALEON, Dave Nathaniel DALINDING, Kyle Bryan B. De Lara, Khim Adl LARAYA, Monica

You might also like