You are on page 1of 62

“Kung gusto nating

umunlad, huwag
tayong mainggit sa
tagumpay ng iba.
Mag focus tayo sa
sarili nating buhay.”
=
PANITIKAN
NG PANAHON
NG KASTILA
Pangkalahatang Layunin
a. Natutukoy ang mga akdang
panrelihiyon ng panitikan sa panahon
ng Kastila
b. Nakabubuo ng kaisipan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng panitikan
sa panahon ng Kastila
c. Napahahalagahan ang nilalaman ng
Kasaysayan ng panitikan sa panahon ng
Kastila.
KAPALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
Napaligaw sa Pilipinas ang pangkat ni Magallanes
noong 1521.
Sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas sa
pamamagitan ng sandata at relihiyon.
Tatlong Ekspedisyon ang ipnadala ng Espanya sa
Pilipinas :
1. Laoisa (1525)
2. Saavedra (1527)
3. Villalobos (1542)
LUMAGANAP ANG MGA URI NG PANITIKAN:
1. Mga Awit at Kurido
2. Karagatan
3. Duplo
4. Moro-moro o comedia
5. Senakulo
6. Tibag
7. Karilyo
8. Senakulo

Ang dating Alibata ay pinalitan ng Alpabetong Romano.


Ang karaniwang paksa ng mga akda ay panrelihiyon,
walang orihinalidad at gaya, halaw sa mga akdang
Europeo.
LAYUNIN NG ESPANYA SA PANANAKOP:

• 1. Magpalaganap ng Kristiyanismo
• 2. Magpayaman
• 3. Magpalawak at magpalakas ng
kapangyarihan
MGA KATANGIAN NG PANITIKAN
NOONG PANAHONG YAON
• May sarisaring kaanyuan at pamamaraan, gaya
ng mga tulang liriko, awit, kurido, pasyon,
duplo, karagatan, komedya, senakulo,
sarsuwela, talambuhay, at mga pagsasaling-
wika
• Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon
• Ang lalong nakararami ay huwad, tulad, o
halaw sa anyo, paksa, o tradisyong Kastila.
ANG MGA IMPLUWENSIYA NG
KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO
1. Ang romanisasyon ng Alibata o Baybayin.
2. Pagsulat ng mga gramatika ng iba’t ibang wika
sa Pilipinas, gaya ng Tagalog, Iloko, Sebuwano,
Ilonggo at iba pa.
3. Ang pagpapasigla sa panunulat sa ilalim ng
pamamahala ng simbahan.
4. Ang pagtuturo ng doktrina Kristiyana at ng mga
katangiang kanais-nais taglayin sa ilalaim ng
pananampalatayang Kristiyano.
5. Ang pagtitipon at muling pagbubuo ng
dating panitikan mula sa saling-bibig at
mula sa mga naabutang mga nakasulat sa
dahon, bumbong, o balat-kahoy na hindi
nasira ng panahon bagama’t may mga
pagbabago, pagdaragdag, at pagkakaltas na
ginawa
6. Ang pagdadala ng mga alamat ng Europa
na inaring sarili ng mga Pilipino.
7. Ang wikang Kastila na (a) naging panitikang
Filipino sa wikang Kastila, at (b) pinaghiraman
ng maraming salita ng iba’t ibang sarili, lalo na
ng Tagalog at Bisaya

8. Ang kalinangan at sibilisasyong Kastila at


Europeo na tinanggap at inugali sa buhay at
pamamahay ng mga tao, maging mayaman at
mahirap.
MGA UNANG AKLAT
• Doctrina Cristiana
- Unang aklat na naipalimbag noong
1593.
- Naisulat sa wikang Kastila at
Tagalog.
- Naglalaman ng mga unang dasal na
dapat matutunan ng ng mga
Kristiyano.
- Aklat nina Padre Juan de Placencia
at Padre Domingo Nueva
- May 87 pahina lamang.
• Nuestra Señora Del Rosario
- Ikalawang nailimbag sa
Pilipinas
- Sinulat ni Padre Blancas de
San Jose at tinulungan sa
pagkakalimbag ng aklat ni
Juan de Vera
- Nalimbag sa Limbagan ng
Pamantasan ng Santo Tomas.
• Barlaan at Josephat
- Si Fr. Antonio de Borja ang
nagpalimbag ng aklat.
- Inilimbag ito noong 1708 at
1712.
- Ito ay isang salaysay sa
Bibliya mula sa Griyego.
- Isinalin din ito sa salitang
Iloko at sa anyong patula ni
Fr. Agustin Mejia.
• Pasyon
-Aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo.
-Binabasa tuwing Mahal na Araw.
-Isinalin at sinulat sa lahat ng malalaganap na wika ng
Pilipinas
-Nagtatagal ng dalawa hanggang apat na araw at gabi ang pag-
awit.
-Ang tono ay naaayon sa pook at lalawigan.
- May Apat na Bersyon:
a. Version de Pilapil
b. Version de Belen
c. Version dela Merced
d. Version de Guia
• Ang Urbana at Felisa

- Aklat na sinulat ni
Modesto De Castro
- Naglalaman ng
pagsusulatan ng
magkakapatid na sina
Urbana at Felisa.
- Nauukol sa kabutihang-
asal
• Ang Mga Dalit Kay Maria

- Sinulat ni P. Mariano Sevilla


noong Nobyembre 12, 1832
- Ang mga halaw ni P. Sevilla ay
pinamagatang “Flores De Mayo)
at ginagamit ng mga tao tuwing
buwan ng Mayo.
- Pag-aalay ng bulaklak kasabay
nang pag-awit bilang handog sa
Birheng Maria.
AKDANG
PANRELIHIYON SA
ILOKANO
Doctrina Christiana ni Cardinal Roberto Franciso
Bellarmine

-kauna-unahang akda na nasulat sa wikang Samtoy


ni P. Francisco Lopez, isang paring Agustino.
- Ito ang pinakamahalagang akda sa Samtoy noong
ika-17 dantaon.
Pasion de Nuestra Senora Jesucristo

-Ito ang unang pasyong isinulat sa


Samtoy noong 1621 ni P. Antonio Mejia.
Viva de San Barlaan y Josephat

-Ito ay sinulat ni P. Agustin Mejia


noong ikalabimpitong dantaon.
Sermones Morales at Escudes del
Christiana

-Ito ay ang akdang sinulat nina P. Jacinto


Guerrero at P. Guillermo Sebastian
Novena de Nustra Senora de la Caridad que
se Venera en la Iglesia del Pueblo de Bantay

-Ito ay ang kauna-unahang novena na


nailimbag sa Pilipinas ni P. Juan Bautista
Arenos.
AKDANG
PANRELIHIYON SA
BISAYA
• Mga Akdang Moro-moro
1. “Mga Mutia Nga Matin-ao”
(Ang Maningning na Hiyas)
2. “Ang Salamin Sang Batan-on”
(Ang Salamin ng Kabataan)
May Akda: Eriberto Gumban
• Mga Nobena
• Mga Tulang Panrelihiyon
• Ang Lagda
AKDANG
PANRELIHIYON SA
BIKOL
• Talambuhay ng mga Santo
• Mga Dasal
• Nobena
• Talambuhay ni San Dimas
a. “Mga Naghihirap na Kaluluwa sa
Purgatoryo”
b. “Sining ng Buhay”
AKDANG PANGWIKA
• Arte Y Regalas de la Lengua Tagala
- Sinulat ni
Padre-Blancas de San Jose at isinalin
sa Tagalog ni Tomas Pinpin
noong 1610.
• Compendio de la Lengua Tagala

- Inakda ni Padre Gaspar


de San Agustin noong 1703.
• Vocabulario de la Lengua Tagala

- kauna-unahang
talasalitaan sa Tagalog na sinulat ni Padre
Pedro de San Buenaventura noong 1613.
• Vocabulario de la Lengua Pampango

- Unang aklat na pangwika sa


Kapampangan na sinulat ni Padre Diego
Bergaño noong 1732.
• Vocabulario de la Lengua Bisaya

- Pinakamahusay na aklat
pangwika sa Bisaya na sinulat ni
Mateo Sanchez noong
1711.
• Arte de la Lengua Bicolana

- Unang aklat pangwika sa


Bikol na sinulat ni Padre Marcos
Lisboa noong 1754.
• Arte de la Lengua Iloka

- kauna- unahang
balarilang Iloko na sinulat ni
Francisco Lopez.
PAG-AARAL NG BALARILA SA
TAGALOG
• Arte y Reglas de la Lengua Tagala
ni Francisco Blancas de San Jose (1610)
• Compendio del Arte de la Lengua Tagala
ni Padre Gaspar De San Agustin (1703)
• Arte de la Lengua Tagala y Manual Tagala
ni Padre Sebastian de Totanes (1745)
• Ensayo de Gramatica Hispano- Tagalo
ni Padre Toribio Minguella
• Lecciones de Gramatika Hispano- Tagalo
ni Padre Jose Hevia
• Arte de la Lengua Iloco
ni Padre Francisco Lopez (1627)
• Arte de la Lengua Pampanga
ni Padre Diego Bergaño
TALASALITAAN SA TAGALOG

• Arte y Diccionario de Tagala


ni Padre Juan de Placencia (1581)
• Vocabulario de la Lengua Tagala
ni Padre Pedro de San Buenaventura (1613)
• Vocabulario Tagala
ni Miguel Ruiz
• Vocabulario de la Lengua Tagala
ni Padre Domingo de los Santos (1703)
• Vocabulario de la Lengua Tagala (1754)
nina Padre Juan del Noceda at Padre Pedro de
San Lucar
• Diccionario Hispano-Tagalo
ni Pedro Serrano Laktaw (1889)
• Vocabulario de la Lengua Pampanga
ni Diego Bergaño (1732)
• Vocabulario de la Lengua Bikol
ni Marcos Lisboa (1754)
• Vocabulario de la Lengua Iloca
ni Francisco Lopez (1630)
MGA BALARILA
SA IBANG WIKAIN
• Vocabulario de la Lengua Pampango
ni Padre Diego Bergano (1732)
• Vocabulario de la Lengua Bisaya
ni Mateo Sanchez (1711)
• Arte de la Lengua Bicolana
ni Marcos Lisboa (1754)
• Arte de la Lengua Iloka
ni Francisco Lopez (1627)
• Gramatica Hispano Ilocano
ni Gabriel P. Vivo (1850)
• Estudio De Los Antiquos Alfabetos Filipinos
ni P. Marcillas, (1850)
KANTAHING BAYAN
- Nagpapakilala ng iba’t ibang pamumuhay at pag-
uugali ng mga tao at ng mga kaisipan at damdamin
ng bayan. 
- Isang tulang inaawit na nagpapahayag ng
damdamin,kaugalian,karanasan,pananampalataya,
gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa
isang pook.
- Karamihan sa mga ito ay may labindalawang
pantig.
Mga halimbawa ng
Kantahing-bayan
1. Kundiman- awit sa pag-ibig.
2. Dalit- awit sa Diyos-diyosan ng
mga Bisaya.
3. Kumintang- awit sa pakikidigma.
4. Oyayi- awit sa pagpapatulog ng
bata.
5. Diona- awit sa kasal.
6.. Talindaw- awit sa pamamangka.
7. Soliranin- awit sa manggagawa.
8. Sambotani- awit sa pagtatagumpay.
9. Dung-aw- awit sa pagdadalamhati.
10. Kutang-kutang- awit panlansangan.
KAHALAGAHAN NG KANTAHING-
BAYANG PILIPINO

• Ito ay nagpapakilala na ang ating diwang-


makata ay katutubo sa ating lupain.
• Ito ay nagpapahayag na tunay na kalinangan
ng mga Pilipino.
• Ito ay bunga at bulaklak ng matulaing
damdaming galing sa puso at kaluluwa ng
bayan.
AWIT AT KURIDO
Ito ay ang dalawang Anyo ng Tulang
Romansa. Nagkakaiba ang dalawang ito ayon sa
sukat, himig at pagkamakatotohanan.

LAYUNIN: Lumikha ng larawan ng isang


bayaning maaaring hangaan at pamarisan.
AWIT KORIDO

Binubuo ng 12 pantig sa loob ng Binubuo ng walong pantig sa isang


taludturan taludturan

Mabagal ang himig o andante Mabilis ang himig o allegro


Sadyang para awitin, inaawit sa tanging Sadyang para basahin, hindi awitin.
pagtitipon

Ang paksa ay tungkol sa bayani, alamat Ang paksa ay pananampalataya, alamat


at mandirigma at larawan ng buhay. at kababalaghan.

Walang taglay na kapangyarihang May kapangyarihang supernatural o


supernatural kakayahang magsagawa ng mga
kababalaghan na hindi nagagawa ng
karaniwang tao.

Nagsasaad ng kabayanihan Isang tulang panrelihiyon.


MGA HALIMBAWA
Korido
1. Ibong Adarna
2. Don Juan Teñoso
3. Mariang Kalabasa
4. Ang Haring Patay
5. Mariang Alimango
6. Bernardo Carpio
7. Rodrigo de Villas
8. Principe Florencio
9. Buhay na Pinagdaanan
AWIT
1. Florante at Laura
2. Buhay ni
Segismundo
3. Doce Pares na
kaharian ng Francia
4. Salita at Buhay
5. Principe Igmidio at
Princesa Clariana
MGA DULANG PATULA
DUPLO
-Larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na
isinasagawa bilang paglalamay sa patay.
- Isinasagawa sa ika-9 na araw ng pagkamatay.
- Pagalingan ito sa pagbigkas at pagdebate.
-Gumagamit ng mga biro, kasabihan, salawikain
at taludtod galing sa banal na kasulatan.
TIBAG

- Isang pagtatanghal
kung buwan ng Mayo, ng paghahanap
ni Santa Elena sa krus na
pinagpakuan kay Kristo.
PANUNULUYAN
- Dulang tinatanghal sa lansangan
- Paghahanap ng matutuluyan nina
Maria at Joseph sa Bethlehem
- Ang mga bahay sa paligid ang
hinihingan ng mga-asawa ng silid
na matutuluyan.
PANUBONG
- Mahabang tulang paawit bilang
handog at pagpaparangal sa isang
dalagang may kaarawan.
- Laganap sa Marinduque.
- Mula sa salitang tagalog na
“pamutong” na ang ibig sabihin
ay lalagyan ng putong o korona
ng mga bulaklak ang dalagang
may kaarawan.
KARILYO

- Pagpapagalaw ng
mga Anino ng mga pira-pirasong
kartong hugis tao sa
likod ng isang kumot na puti na
may ilaw.
CENAKULO
- Isang dulang nagsasalaysay ng
buhay at kamatayan ng Poong
Hesukristo.
- Kadalasan ginaganap sa
lansangan o sa bakuran ng
simbahan.
MORO-MORO
-Isang matandang dulang
Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban
ng Espanya sa mga Muslim noong
unang panahon.
ZARZUELA
-Isang komedya o
melodramang may kasamang awit at
tugtog.
-May tatlong yugto
-Nauukol sa mga
masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig,
paghihiganti,
panibugho,pagkasuklam at iba pa.
Gawain 1:
Panuto: Tukuyin ang Uri ng mga Dulang Patula
sa pamamagitan ng ipapakitang larawan. Ang
gawaing ito ay pinangalanang “Ano ba ito?”

Zarzuela

Cenakulo
Karilyo
Panubong
Panunuluyan

Duplo

Tibag Moro-Moro
Gawain 2:
Panuto: Ibigay ang Pagkakaiba ng Awit at Kurido.
AWIT KORIDO

Binubuo ng 12 pantig sa loob ng Binubuo ng walong pantig sa isang


taludturan. taludturan.

Mabagal ang himig o andante. Mabilis ang himig o allegro.

Sadyang para awitin, inaawit sa Sadyang para basahin at hindi awitin.


tanging pagtitipon.
Ang paksa ay tungkol sa bayani, Ang paksa ay pananampalataya, alamat at
alamat at mandirigma at larawan kababalaghan.
ng buhay.

Walang taglay na kapangyarihang


May kapangyarihang supernatural.
supernatural.

Nagsasaad ng kabayanihan. Isang tulang panrelihiyon.


Gawain 3
Panuto: Base sa ating natalakay, ibigay ang mga Impluwensiya ng
Kastila sa Panitikang Filipino. Isulat ito sa loob ng bilog. Gamitin
ang Circle Spoke Diagram.
Mga Sanggunian:
Sauco, C.,et.al.(2016).Panitikang Filipino:National Bookstore.
https://www.slideshare.net/lazojovina/kaibahan-ng-awit-at-korido
https://www.slideshare.net/ladylhynemuhzihzah/dalawang-anyo-
ng-tulang-romansa
https://tl.wikipedia.org/wiki/Awiting-bayan_sa_Pilipinas
Inihanda ni:

Bb. Carmela F. Memis

Maraming Salamat po!

You might also like