You are on page 1of 7

PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON

-Ang bansang Hapon ay malaki ang pagnanais na siyang maghari sa buong Asya.
Lihim siyang pinalakas ng kanyang sandatahang panlakas, ang hukbong dagat,katihan, at
panghimpapawid.
Layunin ng bansang Hapon ang maitaboy ang mga bansang Kanlurang sumasakop sa
ibang bansa sa Asya gaya ng Indonesia,Malaysia,Biyetnam at Pilipinas.
1941-1945 sinakop ng bansang Hapon ang Pilipinas
Sa panahong ito nabalam ang umuunlad na panitikang Filipino.
Ipinapinid ng mga Hapon ang mga pahayagan
Ang lingguhang Liwayway lamang ng mga Roces ang nagbukas ngunit nasa ilalim ng
pangangasiwa ng hapong si Kin-Ichi Ishikawa
Nagkaroon muli ng pagkakataong makapaglathala ng mga kuwento at tula sa pahayagang
Liwayway
Ipinagbawal ang mga pahayagan at magasing gaya ng Tribune at Free Press
Sa panahong ito ang mga paksain sa mga kwento,dula,tula at iba pa ay ang buhay
lalawigan
Tumpak tawaging panahon ng pamumulaklak ng Panitikang Tagalog ang tinutukoy na
panahon ng Hapon
Tinawag din nila itong Gintong Panahon

Ang Maikling Katha sa Panahon ng mga Hapon


Ang mga maikling katha nakatanggap ng parangal ay ang sumusunod:
Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes- unang gantimpala
Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo-ikalawang gantimpala
Lunsod, Ngayon at Dagat-Dagatang ni N.V.M. Gonzales-ikatlong gantimpala

Ipinalimbag ang aklat na 25 Pinakamahusay na Kathang Filipino may katangiang


katulad ng mga sumusunod:
1.Ang mga paksa ay matimpi.
2.Ang mga pangyayariy madula ngunit di maligoy.
3. Ang mga kwento ay walang balangkas.
4.Ang mga paksa ay iba-iba, yaong nauukol sa karaniwang karanasan at buhay ng mga
tao.
5. Ang mga paraang ginamit ay iba-iba.
6.Ang pagkakaroon ng mga malawak na paningin ng mga manunulat ay bakas na bakas
sa kanilang mga sinulat.
7.Ang mga pangungusap na ginamit ay payak, isang bagay na nakapagpapaganda sa mga
ito.
Dahil sa kakitiran ng mga paksain ng mga manunulat ay hindi nila maisiwalat nang
matapat at malaya ang kanilang mga iniisip at dinaramdam na bunga ng karanasan ng mga tao
nang panahong iyon.

Itinuturing ito ng marami na gintong panahon ng maikling kuwento at ng dulang Tagalog.


Ang wikang Ingles na nakuhang maipasok ng mga Amerikano hanggang sa kamalayan ng mga
Pilipino ay ipinagbawal gamitin ng mga Hapones kung kayat ang nagtamasa ng bunga ng
pagbabawal na ito ay ang panitikang Pilipino sa wikang Tagalog. Ang isang manunulat ay likas
na manunulat, kayat nang ipagbawal ang pasulat ng Ingles siyay napilitang gumamit ng wikang
Tagalog upang makapagsulat lamang. Ang isang naging bunga nito ay ang paglitaw ng isang uri
ng pamamaraan sa pagsusulat na gagad sa Ingles, maging sa pagbuo ng mga pangungusap
hanggang sa istilo ng pagsusulat.
Nabigyang- sigla ang Pambansang Wika dahil na rin sa pagtataguyod ng pananakop. Binigyan pa
nila ng pagkakataon ang isang Pilipino, si Jose P Laurel upang mangulo sa baying sa kanilang
pamamatnubay. Nasangkot ang Pilipinas. Nasakop ng mga Hapones.
Mailkling Katha
Itinuturing na pinakamaunlas ang sangay ng mailkling kuwento sa lahat ng sangay ng pantikan
sa panahong ito. Sa pamamahala ng Surian ng Wikang Pambansa, pinili ang itinuturing na
pinakamahusay na maikling kuwento sa panahong ito.
Ang Tula
Namalasak ang haiku noong panahong iyon. Ang Haiku ay isang uri ng tula na binubuo ng
labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay may limang pantig;
ang ikalaway may pitong pantig; ang ikatlo ay may limang pantig (5-7-5). Kahit na napakaikli
ng haiku, itoy dapat na may masaklaw na kahulugan , matayog na kaisipan, matiim na
damdamin at di mapasusubaliang kariktan.
Bunuhay naman ng makatang Ildefonso Santos ang tulang tanaga. Itoy maikli ring katulad ng
haiku ngunit itoy may sukat at tugma at ang bawat taludtod ay may pitong pantig.
Ang Dula
Bunga ng kahirapang ng buhay dulot ng digmaan. Ang mga taoy humanap ng kahit na kaunting
mapaglilibangan sa mga dulaan. Natigil ang pagsasapelikula dahil sa giyera at ang mga artista ng
puting tabing ay lumipat sa pagtatanghal sa mga dulaan. Ang malalakt maliliit na teatro tuloy ay
nagsipaglabas ng dula.
Nobela
Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones, masasabing lalong hindi namulaklak ang pagsulat
ng nobela. Dahilan ito sa kahirapan ng buhay at halos walang magamit na papel ang mga
manlilimbag

Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hanggang Kasalukuyan

Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa kamay ng
mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng
bansa.
Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa ibat ibang uri sa panahong ito ay ang
pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling Katha atMga Piling
Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Akoy
Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito
ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at
pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas.
Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca Memorial
Awards for Litetature.
Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang
dekada 80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-panulat
na Rio Alma) at Quintin Perez.
Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag samedia gaya ng sa radyo,
telebisyon at sinehan. Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin at Victor
Wood, ng Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith at Freddie
Aguilar na naging laman ng mgajukebox. Mga lagaristang gaya nina Ricardo Ricky Lee (mayakda/Himala at Oro, Plata, Mata), Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag)
at Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at Marilou Diaz-Abaya (tagadirehe/Oro, Plata, Mata).
Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks) na Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo
at ang pinakatanyag na Pugad Baboy.
Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit na sumigla ang panitikang Filipino dahil
sa trend o pinauso na dulot ng media.
Kinilala ang Eraserheads (isang bandang binubuo ng mga mag-aaral ng UP) sa pagpapasigla
muli sa OPM. Nagbukas ng daan sa marami pang musikero ang Eheads gaya ng sa Yano, Siakol,
Green Department, the Teeth, Rivermaya at Parokya ni Edgar. Nagbigay ng bagong hihip sa
kulturang Pilipino ang mga bandang ito na nagpakilala ng iba pang genre ng musika sa lahi.
Kinilalang The Beatles of the Philippines ang Eheads dahil sa init na taglay ng bawat pagtanghal
at bagong awitin. Ilan sa mga awiting kinilalang imortal sa panahong ito ay ang Huling El
Bimbo, Iskin, Banal
na
Aso
Santong
Kabayo,Himala, Silvertoes,Alapaap, Overdrive, Peksman, Prinsesa, Pare Ko at Miss sa Loob ng

Jeepney. Maliban sa mga banda, kinilala rin ang mgamusika ni Jolina Magdangal, Jeremiah,
Rossel Nava at Carol Banawa na mga supling ng makabagong melo-musika ng bansa.
Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata lalung-lalo na angBatibot, Ang TV at 5 and
up. At mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga nakatatanda. Puspusan din ang
produksyong pampelikula na nagsalin ng mga maikling-kwento at nobela sa pelikula at
ginawang inspirasyon ang mga awit, tula, sanaysay at kasaysayan sa pagbuo ng marami pang
dulang pampelikula. Naipanganak din ang maraming genre ng pelikula gaya ngindependent
flims at cinema veritae film.
Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at
aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kayay programang panradyo;
kundi sa pamamagitan din ng hi-technology ang Internet. Dahil sa internet nagkaroon
ng blogging, video clipping at audio airingna patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng
Filipino kundi ng ibang lahi mandin.
Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa ibat ibang anyo at uri ng panitikan
gamit ang ibat ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at
pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga
mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang
ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at
pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.
ANG PANITIKANG PAMBATA SA IBAT IBANG PANAHON
Ang panitikang pambata o mga babasahin para sa mga bata ay isang akdang
pampanitikan na ang mga pangunahing tagapagtangkilik ay mga bata, bagaman marami ring
mga aklat na nasusulat sa ganitong anyo na kinawiwilihan din naman ng ibang mga kabataang
mas nakatatanda at mga taong nasa wastong gulang na.[1] Sa makabagong panahon, ang isang
halimbawa nito ay ang mga sunud-sunod na aklat tungkol kay Harry Potter ni J. K. Rowling.
KASAYSAYAN NG MGA BABASAHING PAMBATA
Simulain
Noong isinaunang mga kapanahunan, nakikinig lamang ang mga bata sa
mga kuwentong sinasali't saling sabi ng mga matatanda. Subalit, noong ika-7 at ika-8 dantaon,
nagsimulang magsulat at lumimbag ng mga araling pang-kalikasan para sa mga bata ang ilang
mga monghe at iba pang mga marurunong na manunulat. Kabilang sa mga nangunang manunulat
pambata sina Aldhelm, Bede, Egbert, at Anselm. Si Anselm ang unang gumawa ng
isang ensiklopedyang pambata.

Siglo 1400
Noong ika-1400 dantaon, naging adhikain ni William Caxton ng Inglatera na malinang
ang kaisipang pang-moralidad at mga pag-uugaling wagas ng mga bata habang lumalaki ang
mga ito, kung kaya't nilimbag niya ang mga aklat na katulad ngAng mga Pabula ni Aesop.[1]
Siglo 1500
Noong ika-1500 siglo, nalikha ang mga hornbook, o isang payat at parihabangpiraso
ng kahoy na dinikitan ng nalimbagang piraso ng papel. Bilang pananggalang mula sa pagkasira,
nababarnisan ang papel na may limbag ng nanganganinag na sustansiyang na nanggaling mula sa
mga balat ng mga hayop katulad ng mga usaat mga baka. Ang mga usa at baka ay mga hayop na
may sungay, kung kaya't ang salitang hornbook ay masasabing nangangahulugang "aklat na
gawa mula sa mga balat ng mga hayop na may sungay". Karaniwang nagsisimula ang mga aralin
nghornbook sa pag-aantanda ng krus na sinundan ng mga abakada, palabaybayan, at
mga dasaling katulad ng Ama Namin. Pangkaraniwan din na naikakabit ng isang bata ang aklat
pang-pangunahing pag-aaral na ito sa kaniyang suot na sinturon, sa pamamagitan ng isang tali.
Siglo 1600
Noong ika-1600 dantaon, humantong naman sa mga kamay ng mga bata ang iba pang
mga
araling pampananampalataya ang
salin
sa Ingles (mula
sa Latin ng aklatpampananalanging Orbis Sensualium Pictus (The World in Pictures o Ang Daigdig sa
Pamamagitan ng mga Larawan). Isinulat ito ni John Amos Comenius noong 1654 at isinalin sa
Ingles ni Charles Hoole noong 1658. Pagkaraan, lumitaw naman ang Pilgrim's
Progress (Pagsulong ng Peregrino o Pagsulong ng Manlalakbay) ni John Bunyan noong 1678,
isang akdang nasalin sa maraming mga wika atdiyalekto upang mabasa ng maraming salinlahi ng mga kabataang mahilig magbasa o nahihilig pa lamang sa pagbabasa.
Siglo 1700
Sa pagdating ng ika-1700 dantaon, nagsimulang maging pambatang mga babasahin ang
ilan sa mga panitikang unang nasulat para sa matatandang mambabasa. Subalit naging kaakitakit para sa mga bata ang Robin Crusoe (1719) ni Daniel Defoe at ang Gulliver's Travels (Mga
Paglalakbay ni Gulliver) (1726) ni Jonathan Swift. Sa kalagitnaan ng ika-1700 siglo, lumitaw
ang isang uri ng pocket-book: ang A Little Pretty Pocket-Book (Isang Maliit at Kaakit-akit na
Aklat-Pambulsa) niJohn Newberry. Inilalako sa tarangkahan ang mga aklat-pambulsa ng mga
nagtitinda nito na kasama sa mga laruang pambata. Isa sa pinakamahalaga at pinakatanyag na
aklat na lumabas noong 1765 ang Mother Goose's Melody (Mga Awitin ni Inang Gansa), na

naglalaman ng mga nursery rhyme o mga tulang pambata. Sumunod din dito ang tinatawag
nabattledore, isang aklat-pambatang yari sa natitiklop na kartulina at naglalaman lamang ng
tatlong pahina tungkol saalpabeto, mga payak at madaling-maintindihang aralin, at mga
larawang nalimbag sa pamamagitan ng mga woodcut o inukitang mga tabla ng kahoy. Walang
araling panrelihiyon ang battledore na ito ni Benjamin Collins. Noong 1762, ipinamahagi naman
ni Jean Jacques Rousseau ang kaisipang pagkatuto mula sa mga gawa sa pagkakalimbag ng
kaniyang akdang Emile. Ang aklat na ito ang naging batayan ng mga kathang nagtuturo na "ang
mga batang masunurin ay nagwawagi, samantalang ang mga bata namang masama ay hindi
nagtatagumpay". Sa pagtatapos ng ika-1700 dantaon, tuluyang humiwalay sa layuning magturo
ng mga paksang pampananampalataya ang mga gawa ni William Blake, kung kaya't naibigan din
ng mga taong may ganap na gulang ang kaniyang Songs of Innocence (Mga Awit Hinggil sa
Kawalan Pa ng Malay Kung Paano Mamuhay) (1789) at Songs of Experience (Mga Awit Hinggil
sa Pagkakaroon ng mga Karanasan sa Buhay) (1794).
Siglo 1800
Naganap noong ika-1800 dantaon ang lubos na pagbabago at pagpapalit ng mga paksa ng
panitikang pambata. Sapagkat sa kapanahunang ito umusbong at lumago ang pagiging malikhain
at pagiging bukod-tangi ng mga manunulat sa larangang ng mga aklat na pambata. Ginamit ng
mga may-akdang taga-Estados Unidos, Inglatera,Denmark, Olanda, at Alemanya ang mga paksa
tungkol sa pag-ibig na may mga tauhang bayani mula sa tunay na buhay, at nagpapakita ng
kabayanihan at katapangan. Kabilang dito ang mga librong isinulat niHans Christian
Andersen na batay sa mga kuwentong bayan, maging ang mga kathang-pampanitikan
nina: Washington Irving (The Legend of Sleepy Hollow o Ang Alamat ng Nakaaantok na Libis,
{1820}), Lewis Caroll (Alice's Adventures in Wonderland o Pakikipagsapalaran ni Alice sa
Lupain mga Katakatakang Bagay, {1865}) at Through the Looking Glass o Paglagos sa
Salaming-Tinginan, {1872}), Louisa May Alcott(Little Women, {1868-1869}), (The Merry
Adventures of Robin Hood o Ang Mga Masasayang Pakikipagsapalaran ni Robin Hood, {1883}),
Robert Lewis Stevenson (Treasure Island o Pulo ng Kayamanan, {1883}), at Christina
Rosetti (Sing-Song o Kanta't Awit [mga tulang pambata], {1872}).
Sa kasalukuyan at sa hinaharap
Noong mga unang kapanahunan ng 1920, sumibol ang mga natatanging kagawaran para
sa mga panitikang pambata saAmerika. Nagbukod ang mga bahay-aklatang pampubliko ng mga
silid-basahan para sa mga bata at nagkaroon ng mga tagapamahalang-pang-aklatan na bihasa sa
pakikitungo sa mga kabataan. Nanguna sa gawaing ito ang Paaralang Pang-aklatan ni
Carnegie ng Pittsburgh at Bahay-Aklatang Panlipunan ng New York. Noong 1919, nagsimula
ang pagbibigay ng mga paligsahan at paggawad ng mga parangal at medalya sa mga tagapagtaguyod at manlilikha ng mga aklat na pambata. Nagkaroon ng bahaging pambata sa loob
ng gusali ng mga tindahan ng mga libro, kasabay ng paglitaw ng mga aklat na may mga kaaya-

ayang larawan na nalikha sa pamamagitan ng mga pamamaraang pang-sining. Lumabas din mula
sa mga palimbagan ang mga aklat na madaling-basahing para sa mga bago pa lamang natututong
bumasa, na ginagamitan lamang ng mga payak na salita at balarila. De-kalidad ang karamihan sa
mga babasahing ito. Lumitaw din ang mga aklat pambatang kung saan ibinabahagi ng bawat
manunulat ang kaniyang pananaw at paniniwala tungkol sa isang bagay o paksa. Naging layunin
na ng mga patnugot ang paglilimbag ng mga aklat na bunga ng pagkamalikhain ng may-akda
subalit tiyak na batay sa katotohanan - lalo na ang mga aklat na nagbibigay ng kaalaman - na
sanhi ng pagdating ng mga kaisipang pang-agham, pang-kalawakan, teknolohiya, at mga
kasangkapang elektroniko.

You might also like