You are on page 1of 14

PANGKALAHATANG PANANAW SA KURSO

Sa asignaturang ito‟y bibigyan ng pansin ang kahulugan at mga uri ng panitikan, mga
akdang tuluyan at patula. Kabilang din sa tatalakayin ang iba‟t ibang akda sa daigdig na
nagbigay ng malaking impluwensiya lalo na sa mga manunulat sa kanilang mga panulat at
ang kahalagahan ng panitikan. Ang iba‟t ibang pananaw o teoryang pampanitikan/literaring
ay bibigyan din ng pansin para sa pagsusuri sa mga akdang kabilang sa iba‟t ibang rehiyon
sa Pilipinas.Sa pamamagitan ng matalinong pagpili ng angkop na pananaw o teorya, ang
pagtalakay at pagsusuri ng isang partikular na akda ay magkakaroon ng batayang at
direksyon. Sa pagbibigay naman ng pansin sa iba‟t ibang panitikan ng rehiyon ay may
kaakibat na mga pagsubok o gawain na susukat sa lubusang pag-unawa ng mga mag-aaral.
Sa pagtatapos ng bawat aralin sa asignaturang ito‟y magkakaroon ng paglalahad ng
natutuhan, paglilinaw, at pagninilay.

MODYUL BILANG 4: LITERATURA SA ILOCOS

Pagbati ng kapayapaan at kabutihan! Kumusta ka? Hangad ko na ika’y palaging mabuti sa

kabila ng mga kinahaharap nating suliranin sa kasalukuyan. Sa maikling sandali, ika’y
manahimik at umusal ng maikling dasal.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Ispiritu Santo, Amen

“Dasal”

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Ispiritu Santo, Amen

Bago tayo tumungo sa ating talakayan, nais kong bigyan mo ng pansin ang sumusunod:

BALANGKAS NG ARALIN:

1. Literatura sa Ilocos
 Mga Kantahing-bayan
 Tula
 Dula

BUNGA NG PAG-AARAL NG KURSO (COURSE OUTCOMES)

1. Naikokontrast ang mga kantahing-bayan sa mga makabagong awitin

2. Nakapaglalapat ng himig sa isang tula at awit pandigma
3. Naiguguhit ang mga imaheng nabuo sa isipan habang binabasa at matapos basahin
ang tula.
4. Naisasadula ang mga piling eksena ng dula
5. Nakasusulat ng akda na tumatalakay sa kalagayang panlipunan at kultura ng mga
rehiyon sa bansa

Sa araling ito, inaasahang:

1. Mababasa at masasagutan mo ang lahat ng mga katanungan at gawain

2. Makapagtatala ka ng mahahalagang punto o mga detalye
3. Magagamit mo ang mga kaalamang matutuhan sa pang-araw-araw na pamumuhay
1|P ahina jbsapitan
PANGNILALAMANG TALAKAYAN AT MGA GAWAIN

Narito ang ikaapat na modyul na gagabay sa iyo sa iyong lubusang pag-unawa

hinggil sa Literatura ng Ilocos. Ito ay magiging sandigan mo upang magkaroon pa nang mas
malalim na kaalaman na makatutulong upang mapagyaman mo ang iyong kakayahan sa
mga bagay-bagay na maaari mong magamit sa iyong sariling pag-unlad.

Ngunit bago tayo dumako sa ating talakayan, libangin mo muna ang iyong sarili sa
pamamagitan ng pagsagot sa panimulang gawain. Handa ka na ba?

Piliin sa mga pagpipilian ang katumbas sa Filipino ng sumusunod na salita/pariralang

Iloco. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

kubo nakaririwasa kabayanan ordinaryong

mamamayan
bukid pinuno pag-ibig Buwan

Pag-asa matakot gabi bigo

musa Ang salita namin maliwanag dilim

dito

______1.naraniag ______6.sipnget ______11.away

______2.bula ______7.agbuteng ______12.dapayan
______3.nalpay ______8.ayat ______13.gagangay
______4.namnama ______9.sao mi ditoy ______14.babaknang
______5.rabii ______10.ili ______15.imnas

Ngayong tapos ka na sa panimulang gawain, dumako na tayo sa ating susunod na

aralin, ang literatura ng Ilocos.

Ang Ilocos ay matatagpuan sa hilaga-kanlurang

bahagi ng Luzon. Tinatawag din itong Ilocandia.
Nakapaloob dito ang mga lalawigan ng Ilocos Norte,
Ilocos Sur at La Union ang lungsod ng Dagupan, Laoag,
at San Carlos. Tinatawag na Iloco (o Iloko) ang
dayalekto ng mga Ilocano, ang ikatlong pinakamalaking
pangkat-linggwistika sa Pilipinas, sunod sa mga
Tagalog at mga Cebuano. Bunga ng paninirahan ng
mga Ilocano sa ibang lugar, ang Iloco ay sinasalita sa
halos lahat ng lugar sa ating bansa, maging sa Guam,
Hawaii at California. Ayon sa ilang iskolar, ang Iloco ay
dating tinatawag na samtoy, isang konstraksyon ng
pariralang saomi ditoy na ang ibig sabihin ay ang
salita/wika namin dito.
Ang Ilocos ay unang binuo ng mga barangay,
ang pulitikal na yunit mula sa pangkat ng mga pamilya
o purok. Bawat barangay noon ay pinamumunuan ng
panglakayen na siyang tagapagpasya sa mga usaping

2|P ahina jbsapitan

komyunal sa loob ng dapayan o kubong gawa sa kawayan at kugon, sa pamamagitan ng
prosesong tinawag na panagpupurok.

Bago tayo magpatuloy, narito muna ang ilang katanungan:

1. Ano sa palagay mo ang naging bunga ng pananakop ng mga Kastila sa Ilocos o

sa mga Ilocano?
___________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

2. Anong yaman ng mga Ilocano ang mayroon na bago pa man dumating ang mga
Kastila?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Ang pananakop ng mga Kastila ay unti-unting nagpabago sa kalakarang pulitikal sa

Ilocos na nagbunga ng pagkakahati ng mga Ilocano sa dalawa: ang mga babaknang ng ili
(kabayanan), ang mga nakaririwasa na nakipagsabwatan sa mga sibilya at klerikal na
conquistadores, at ang mga gagangay ng mga away (bukid), ang mga ordinaryong
mamamayan. Ang pagkakahating iyon ng mga Ilocano ay labis na ikinatuwa ng mga Kastila
dahil naging dahilan iyon ng kanilang patuloy na pananakopp sa kabila ng mga
paghihimagsik ng mga Ilocano laban sa kanilang pang-aabuso.

Ngunit bago pa man masakop ng mga Kastila, ang mga Ilocano ay may literatura
nang pumapaksa sa kaligayahan at kalungkutan, sa buhay at kamatayan, sa daigdig natin at
sa kabilang daigdig. Nasasalamin ang mga iyon sa kanilang anyong literari tulad ng duayya,
lallay, badeng, arikenken, dallot, dung-aw, pakasaritaan, burburtia, pagsasao, at sarita di
ugma. Ngunit karamihan sa mga ito ay naimpluwensiyahan ng kulturang Kastila at ang iba‟y
naglaho na lamng nang dumating ang mga Kastila sa Ilocos.

Naritong muli ang ilang katanungan bago tayo magpatuloy:

1. Sino-sino ang kilala mong mga manunulat ng Ilocano?

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Saan sa palagay mo nailathala ang mga akdang isinulat ng mga manunulat na

Ilocano?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3|P ahina jbsapitan
Bunga ng pananakop, maraming mga Ilocano ang naging bihasa, una sa wikang
Kastila, at ikalawa sa wikang Ingles. Marami sa kanila ang naging tanyag na manunulat sa
dalawang wikang ito. Ang iba nama‟y patuloy na nasisulat sa wikang Iloco at ang ila‟y sa
wikang Tagalog. Ilan sa mga Ilocanong manunulat ay sina Crecencia Alcantara, Edilberto
Angco, Rogelio Aquino, Manuel Arguilla, Hermogenes Belen, Crispina Bragado, Leona
Folrentino, Marcelino Foronda, Jr., Juan S.P.Hidalgo, F. Sionil Jose, Jacinto Kawili, Peter La
Julian, Benjamin M. Pascual, Sinanar Robianes-Tabin at Agustin D.C. Rubin.

Ayon sa mga iskolar, mga Ilocano ang nakapagprodyus ng pinakamaraming nalimbag

na akda, sunod sa Tagalog. Marami sa mga ito ay nalathala sa babasahing Banawag, ang
kapatid na kumpanya ng Liwayway, Bisaya, at Hiligaynon.

Sa bahaging ito‟y simulan natin ang pagtalakay sa mga akdang kabilang sa rehiyon
ng Ilocos. Handa ka na ba?

O NARANIAG A BULAN
(Kantahing-bayan)

O naraniag a bulan
Ununnoyco im dengam
Dayta naslag asilaw
Dica cad ipaidam.
O naraniag a bulan
Sangsangitco imdengam
Toy nasipnget a lubongco
Incad cad silawan tapno diac mayaw-awan
No inca nanglipaten carim caniac naumagen
Samsamitec ni patay
O bula ket aclonem
Nanglaylay toy ayatcon incacadin palasbangen
Ununnoyco darasem nga iked.

Naunawaan mo ba ang akda? Sa ibaba ay ang magiging gabay mo sa iyong pag-

unawa tungkol sa akda:

1. Sa tulong ng isang Ilocanong informant, isalin sa Filipino ang kantahing-bayan.

Salin sa Filipino

4|P ahina jbsapitan

2. Ano ang damdaming naghahari sa awit? Tukuyin ang mga salita sa awit na
nagpapahiwatig ng damdaming iyon?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

3. Sino ang nagsasalita sa awit? Ano ang kanyang persona?

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

4. Sino/Ano ang kanyang kinakausap? Ano ang kanyang sinasabi sa kanyang

kausap?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

5. Ano ang katangian/kalagayang kanyang ipinamamalas sa pakikipag-usap sa

kanyang kausap? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
6. Anong dulog o teoryang pampanitikan ang nakapaloob sa akda? Sumipi ng
bahagi ng akda na magpapatunay dito.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Binabati kita sa pagsusumikap mong maisagawa ang mga paunang gawain. Narito
ang iba pang gawain para sa akdang ito.

1. Magbigay ng tatlo pang halimbawa ng kantahing-bayan na kabilang sa rehiyon

ng Ilocos.

5|P ahina jbsapitan

2. Tukuyin ang mga magkakatulad na katangian ng mga kantahing-bayang
nasaliksik gamit ang venn diagram.

3. Ikontrast naman ang mga kantahing-bayan sa isa sa mga makabagong awitin

gamit ang venn diagram..

Sa puntong ito‟y bibigyan kita ng pagkakataong makinig ng isang “love song” na

paboritong-paborito mo.Pagkatapos na mapakinggan, ilahad mo ang kabuoang mensahe sa
kasunod na kahon.

Pamagat ng awitin:_______________________________________________________

Mensahe:_______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

6|P ahina jbsapitan

Binabati kita sa iyong matapat na pagsasagawa ng gawaing nakalahad sa itaas. Sa
bahaging ito‟y dumako na tayo sa susunod na akda na may kaugnayan sa isinagawa mong
gawain sa itaas.

NALPAY A NAMNAMA BIGONG PAG-ASA

Ni Leona Florentino Salin ni Isagani R. Cruz

Amangan a ragsac ken taleeda Anong saya at ginhawa

Dagiti ada caayanayatda Kung may nagmamahal
Ta adda piman mangriena Dahil may makikiramay
Cadagiti isuamain a asugda Sa lahat ng pagdurusa.

Ni gasatco a nababa Ang masama kong kapalaran

Aoanan ngatat capadana. Walang kapantay-
Ta cunac diac agduadua Wala akong alinlangan-
Ta agdama ngarud nga innac agsagaba. Sa dinaranas sa kasalukuyan.

Ta nupay no agayatae Kahit na ako ay magmahal

Iti maysa a imnas Sa isang musa
Aoan lat‟ pangripripiripae Wala namang hinuha
Nga adda pacaibatugac. Na ako‟y pahahalagahan.

Ilunodconto ti horas Isumpa ko kaya ang panahon

Nga innac pannacayanae Nang ako‟y ipinanganak
Ta mamenribo coma a naseseat Higit na mas masarap
No natayae idin ta nayanacac. Na mamatay bilang sanggol.

Gayagayec coma a ipalaoag, Nais ko mang magpaliwanag

Ngem bumdeng met toy dilac Dila ko‟y ayaw gumalaw
A ta maquitac met a sibabatad Nakikita kong malinaw
Nga ni pay ti calac-amac. Pagtanggi lamang ang matatanggap.

Ngem umanayento a liolioac Ligaya ko sana‟y walang kapantay

Ti pannacaammon itoy a panagayat, Sa kaalamang ikaw ay minamahal
Ta icaric kenca ket isapatac Isusumpa ko at patutunayan
Nga sica aoan sabili ti pacatayac. Para sa iyo lamang ako mamamatay.

Nagustuhan mo ba ang akda? Sabi nga natin, lahat tayo‟y may kalayaan at
karapatang ipahayag ang ating mga nararamdaman. Katulad na lamang pagdating sa pag-
ibig, „pag naibulalas mo ang iyong damdamin ay mas magiging magaan ang iyong
pakiramdam.Kaya naman sa puntong ito‟y naritong muli ang mga gabay sa iyong pag-
unawa tungkol sa akda:

1. Sino ang persona sa tula? Anong katangian niya ang mahihinuha sa tula?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
7|P ahina jbsapitan
___________________________________________________________________________________________

2. Ano ang tema ng tula?

3. Ano ang iyong reaksyon sa atityud ng ispiker sa tula, sa kanyang buhay at sa

kanyang intensyong magpahayag ng pagmamahal? Ipaliwanag kung bakit.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

4. Anong dulog o teoryang pampanitikan ang nakapaloob sa akda? Sumipi ng

bahagi ng akda na magpapatunay dito.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Binabati kitang muli sa pagsusumikap mong maisagawa ang mga paunang gawain.
Narito ang iba pang gawain para sa akdang ito.

1. Lapatan ng himig ang tula. Maaari kang gumamit ng tono ng mga makabagong
awitin.
2. I-video ang sarili habang inaawit ang tulang nilapatan ng himig.

Natatakot ka rin ba kapag madilim ang paligid? Sa gabi, kapag hindi man lang
sumisilip ng buwan? Sa bahaging ito‟y tuklasin mo kung ano ang ibig ipahiwatig ng may-
akda sa susunod na piyesang ating tatalakayin. Handa ka na ba?

RABII ODA SA GABI

Ni Benjamin M. Pascual Ni Rolando A. Bernales

Aginanaak iti saklot to rabii; Humimlay ako sa mapagkalingang bisig ng gabi

Kumubukubak kenuana akas tagibi. Ipinagheleng tulad ng sanggol sa duyan
Iti mangaklon, mangsappuyot a ngisitna At sa mayuming haplos ng kanyang kadiliman
Agrimat kalansadan a paset ti kararua. Isang animo‟y kislap ang aking nasumpungan
Na nasok sa kailaliman ng aking kaluluwa.
Mariknak kinalamuyot ti sipngetna
A di manginginggina kasasaad ti langa, Aking dinama ang makinis na kutis ng dilim.
Ta inna ketdi ipangruna a silangan Ano mang anyo‟y „di niya kinikilala.
Ti di masrut lawag panunot a kaunggan. Ngunit sa palad niya‟y kanyang dinarama
Maging ang kailalimang gunita na misteryo sa
8|P ahina jbsapitan
Ngem apay adi ti aglabaw iti sipnget iba
Kumpesda wenno inda pay ketdi Na tila lihim na di maabot ng liwanag.
agunget
No awan pulos manggawag iti Bakit, kung gayon, kayraming nahihintakutan sa
tangatang; dilim?
Ngamin matada laeng inda pagimatang? Sila‟y kinikilabutan o nagagalit maisip lamang
Na walang makikitang liwanag sa kalawakan.
Agbalawda ket inda man ikarkararag Ah, „di nga kasi, kanila lamang namamasdan
Di agressar nga aldaw di mapessat a Ang nakikita ng kanilang mga mata.
lawag:
Dagiti met la nasipngetan iti pamamati Sila‟y walang-patid na nananalangi‟t
Ken parmata ti agbuteng kenda, O rabii. naghahangad
Ng walang-hanggang liwanag, walang-
hanggang araw.
Ngunit sila lamang, silang ang pananalig
Ay may bahid ng kahinaa‟t pag-aalinlangan
Ang dapat matakot sa iyo, O gabi.

Ano ang naging damdamin mo pagkatapos na mabasa ang akda? Naunawaan mo ba

ang gustong ipunto ng may-akda? Hindi dapat katakutan ang dilim o gabi, pagmasdan
mong minsan ang kadiliman, mayroon at mayroon kang makikitang kagandahan. Kaya
naman upang mas maunawaan mo ang akda, narito ang ilang gabay na tanong upang lubos
mong maibigan ang akdang iyong binasa.

1. Ano ang paksa ng tula?

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

2. Ano-anong imahe ang nabuo sa iyong isipan habang binabasa at matapos

basahin ang tula? Bakit?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

3. Piliin ang taludtod ng tula na may tayutay. Tukuyin ang uri ng tayutay sa bawat
taludtod na napili.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

4. Nakatulong ba sa kagandahan ng tula ang mga imahe at tayutay na taglay nito.

Pangatuwiranan ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

9|P ahina jbsapitan

___________________________________________________________________________________________
5. Anong dulog o teoryang pampanitikan ang nakapaloob sa akda? Sumipi ng
bahagi ng akda na magpapatunay dito.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Binabati kitang muli sa pagsusumikap mong maisagawa ang mga paunang gawain.
Narito ang iba pang gawain para sa akdang ito.

1. Idrowing at kulayan ang mga imaheng nabuo sa iyong isipan habang binabasa
at matapos basahin ang tula.

Sa panahon ngayon ng pandemya, paano mo mailalarawan ang kabayanihan ng ating

mga fronliners? Sa agawan ng teritoryo, sino ang patuloy na nakikipaglaban? Ikaw,ano kaya
ang kaya mong ipaglaban?

Halina‟t tuklasin ang nilalaman ng panghuling akdang tatalakayin sa modyul na ito.

Ito ay isang dula na may pamagat na “Neneng, O Pinagpalang Kapangyarihan ng Pag-ibig”
ni Mena Pecson Crisologo. Basahin mo ang akda sa mga pahina 63-68 ng batayang
aklat.Pagkatapos basahin, sasagutan mo ang mga gabay na tanong ukol dito.Handa ka na
ba?

1. Sino-sino ang mga tauhan ng dula? Ilarawan ang bawat isa batay sa kanilang
dayalogo.
Mga Tauhan Paglalarawan

10 | P a h i n a jbsapitan
2. Anong suliranin ang pinag-uusapan sa Eksena 6? Ilahad ang opinyon ukol dito.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

3. Kailan ang tagpuan ng dula?Ilahad ang mga bahaging magpapatunay sa iyong

sagot.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
4. Anong dulog o teoryang pampanitikan ang nakapaloob sa akda? Sumipi ng
bahagi ng akda na magpapatunay dito.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Binabati kitang muli sa pagsusumikap mong maisagawa ang mga paunang gawain.
Narito ang panghuling gawain para sa akdang ito.

1. Isadula ang mga piling eksena ng dula. I-video ang sarili sa pagsasadula.
2. Lapatan ng angkop na himig ang Awiting Pandigma at i-video ang pag-awit
dito.

11 | P a h i n a jbsapitan
Bago natin tuluyang tapusin ang modyul na ito, narito ang inaasahang pagganap
(performance task) na kailangan mong isakatuparan. Inaasahan na maipamamalas mo ang
kamalayan at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan bilang isang epektibong
manunulat o kontribyutor sa Literary Exibit bilang pakikibahagi sa Social Awareness
Program.

Bahagi ng Social Awareness Program ng ACES ang paglulunsad ng isang Literary Exhibit na
pinamagatang Ani ng Panitikan.Layon nitong magkaroon ng kamalayan ang mga kabataan
sa tunay na nangyayari sa lipunang ginagalawan. Matatampok dito ang iba‟t ibang anyo ng
akdang pampanitikan na tumatalakay sa mga kalagayang panlipunan at kultura ng mga
rehiyon sa bansa. Naimbitihan kang maging isa sa mga kontribyutor . Bilang isa sa mga
kontribyutor, itinagubilin sa iyo na ang ipapasa mong akda ay marapat na pasok sa
pamantayan nito, ito ang paksang-diwa, banghay, tauhan, tunggalian,pananaw, at simula at
wakas.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO

Pamantayan 4 3 2 1
Paksang-diwa Makabuluhan, Makabuluhan, Naging Walang
naging parang bagama‟t hindi pangkaraniwan kaugnayan sa
bago dahil sa nagmistulang ang paksa paksa
pamamaraan ng orihinal
pagsasalaysay at
estilo
Banghay Maayos ang May Bahagyang may Magulo at
pagkakabalangkas pagkakaugnay- pagkakaugnay- nakalilito ang
ng mga pangyayariugnay ang mga ugnay ang mga pagkakasunod-
pangyayari pangyayari sunod ng mga
ngunit may ngunit may ilang pangyayari
ilang bahaging bahaging naging
naging masalimuot
masalimuot
Tauhan Maingat ang Umaangkop Bahagyang Hindi
paglalarawan ng ang kilos at umaangkop ang umaangkop
tauhan.Umaangkop pananalita sa kilos at ang kilos at
ang kilos at katauhang pananalita sa pananalita sa
pananalita sa ginagampanan katauhang katauhang
katauhang ngunit may mga ginagampanan ginagampanan.
ginagampanan sa pagkakataong ngunit may mga
kuwento. hindi nagiging pagkakataong
konsistent. hindi nagiging
konsistent.
Tunggalian Napukaw ang Naipakita ang Bahagyang Hindi naipakita
kamalayan ng tunggalian sa naipakita ang ang tunggalian
isipan at kuwento. tunggalian sa sa
damdamin ng mga Nakaantig sa kuwento.Hindi kuwento.Hindi
mambabasa isipan at gaanong nakaantig sa
damdamin ng nakaantig sa isipan at
12 | P a h i n a jbsapitan
mga isipan at damdamin ng
mambabasa. damdamin ng mga
mga mambabasa
mambabasa
Pananaw Malinaw at Malinaw subalit Malinaw subalit Nagpasalin-
mahusay na hindi nagamit hindi nagamit salin ang
nagamit ang nang lubusan ang pananaw sa pananaw na
pananaw sa ang pananaw sa kabuoang nagpasalimuot
kabuoang kuwento kabuoang kuwento sa kabuoan ng
kuwento kuwento.
Simula at Naging kaakit-akit Naipahiwatig Naging kawili- Hindi naging
Wakas ang simula ng ang suliranin sa wili ang simula kawili-wili ang
kuwento at ang simula ng upang maakit simula wakas
wakas ang kuwento ngunit ang mga
nakapagkalas sa hindi naging mambabasa
suliranin ng kawili-wili ang ngunit hindi
kuwento kakalasan naging kawili-
patungong wili ang wakas
wakas upang maikintal
sa isipan ng mga
mambabasa ang
tema ng salaysay
Kabuoan

Binabati kita sa iyong kahusayan! Ipagpatuloy ang pagsisikap na maisakatuparan ang

mga nakalaang gawain para sa mga susunod pang modyul.

Tapos na tayo sa modyul na ito, inaasahan kong mailalahad mo ang iyongnaging

pagninilay sa kabuoan ng aralin, mga paglilinaw at kung ano ang iyong mga katanungan
dito.At kung halimbawang may mga gusto kang linawin at katanungan, ilahad ang mga ito
sa kasunod na kahon.

Ang aking natutuhan sa aralin ay

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Ang gusto kong linawin tungkol sa aralin ay

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Ang aking katanungan sa aralin ay

13 | P a h i n a jbsapitan
Fidbak/Feedback ng Guro:

MGA SANGGUNIAN:

Villafuerte, Patrocinio et.al (2006). Literatura ng mga Rehiyon sa Pilipinas. Mutya

Publishing House, Inc. Valenzuela City.

Espina,Leticia D. et.al (2014). Literatura ng Iba’t ibang Rehiyon sa Pilipinas.Mindshapers

Co., Inc.Intramuros, Manila.

14 | P a h i n a jbsapitan

You might also like